Share

Chapter 5

"Ano'ng flavor ang gusto mo?"

Napatingin ako sa flavors ng ice-cream na nasa harapan namin. Ismael is really weird. Ang sabi niya, iuuwi niya ko. Tapos ngayon, nasa ice-cream parlor kami?

"'Yong cookies and cream na lang"

Kukunin ko na sana ang wallet ko para magbayad pero nauna na siyang maglahad ng isang libo. Ano ba 'yan, akala ko magpapalibre na.

"Dapat ako na lang ang pinabayad mo"

Sabi ko sa kaniya nang ibinigay na niya sa akin ang ice-cream.

"May pera ako"

Bakit ang sungit nito ngayon? Kung kailan mabait ako, hindi siya nakikisabay. At tsaka, I know may pera siya. Nag-aaral nga sa private school na sobrang mahal ang tuition tapos walang pera?

"Libre ko na sana para makabawi ako"

Dagdag ko pa. Pero dahil dakilang masungit siya ngayon, hindi niya ako pinansin. Naglakad na siya palabas. Huminto siya sa pinto at pinagbuksan ako. Dali-dali na akong lumabas dahil baka isara niya agad. May hawak pa naman akong ice cream.

Hindi ko alam kung saan pa kami pupunta. Kanina pa kami ikot nang ikot dito sa park na parang highway style pero maraming tanim sa paligid. Hindi siya natural highway na dinadaanan talaga ng sasakyan. Nagmistulang sidewalk ito na pinamamasyalan ng mga tao.

Ilang oras na akong nakasunod lang sa kaniya na parang bodyguard. Ubos na rin ang ice-cream na binili niya kanina. Sumasakit na din yung paa ko dahil malayo-layo na yung nilalakad namin at naka heel shoes ako.

"Ismael, ang sakit na ng paa ko. Tigil muna pwede?"

Napahinto rin siya sa paglalakad at lumapit sa kinaroroonan ko. Hinila niya ako sa malapit na bench at pinaupo.

"Pasensya na. Masakit ba talaga? "

Tanong niya habang nakaupo sa harap ko. Hindi siya tumabi sa 'kin. Hinawakan niya ang paa kong nangangalay at inilagay sa tuhod niya. Tumingin siya sa akin. 'Yong mga mata niyang mapupungay ay nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Ah. Oo. Kanina pa tayo naglalakad e"

Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya dahil baka kapag nangyari 'yon, baka sumabog na ang puso ko kaka-tibok ng sobrang bilis.

"Sorry"

Kahit sa simpleng salita niya lang, nabibigla ako. Bakit ba nakakaramdam ako ng ganito? Crush ko ba? Hindi! Ilang beses pa lang kami nagkita. 'Di ko pa nga siya kilala ng lubusan. Tanging pangalan niyang Ismael lang ang alam ko sa kanya .

"Okay lang. Mas okay na to kesa naman mabingi ako sa ingay doon sa gym"

Tumawa pa talaga ako para naman medyo effective. Pero imbes na masiyahan din sa sinabi ko, sumeryoso pa siya.

"Kung ganyan ka ikli ang suot mo'ng skirt, huwag ka'ng pumunta sa lugar na maraming tao."

"Ah. Eto ba? 'Di ko naman sinasadya. 'Di ko namalayan na maikli pala ang naisuot ko"

Kinakabahan ako habang sumasagot sa kaniya. Sobrang nakaka-conscious.

"Sa susunod, huwag mo na ulitin. Maraming titingin, makakakita at magkakagusto"

Napatingin ako sa kaniya nang marinig ko ang huling salita niya. His menacing brown eyes made me uncomfortable.

"Hindi ko na uulitin"

Tila parang bata ako habang tumatango pa sa kaniya. He has powers. Yeah, na hypnotized ako. Kahit ata anong sabihin niya sa oras na 'to, susundin ko.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang ngumiti. Ibinaba na niya ang paa kong nakapatong sa tuhod niya at tumayo na.

Sinundan ko ng tingin ang mukha niya. Inilahad niya ang isang kamay niya sa akin at tinanggap ko naman iyon ng walang pag-aalinlangan. Na-disappoint pa ako nang binitawan niya ito pagkatayo ko.

Inayos ko na rin ang jacket niyang nakatali pa rin sa bewang ko. Kaya ba siya nagalit kanina dahil maikli ang skirt ko? May gusto ba siya sa 'kin? Bakit concern siya?

Natigil ang pantasya ko nang may marinig akong tunog ng cellphone. Hindi akin 'yon dahil iba 'yong ringtone ko kaya napatingin ako sa kaniya. Kinuha niya ang phone sa bulsa niya at mabilis na sinagot ang tawag.

"Oh chytz, tapos na ba ang game? Babalik naman ako diyan"

Rining kong sabi niya habang nakatalikod sa akin. Nabura lahat ng saya at mga akala ko nang ma-realize kong may girlfriend nga pala siya.

"Oo, nasa labas pa ako. May pinuntahan lang, babalik din naman ako diyan."

Napatingin siya sa akin nang sinabi niya 'yon kaya nginitian ko na lang siya kahit hindi ko naman talaga nagugustuhan ang nangyayari.

"Susunduin kita. Paki secure na lang ng bag ko. Sige, bye."

Nakita kong pinatay na niya ang tawag. Tuluyan na siyang humarap sa akin.

"Ah, Kara kailangan kong bumalik sa SEU. Papasakayin na lang kita ng taxi. "

Parang wala na sabi niya sa akin.

"Okay na ako dito. Marunong naman ako umuwi. Salamat sa ice-cream"

Tumalikod na ako sa kaniya dahil nagbabadya na ang mga luha kong lumabas. I don't know why. Maybe because he promised me something.

I hate being neglected, siguro dahil hindi ako sanay. My family will always do things for me. Ngayon ko lang naramdaman na nakakasakit pala ng ego kapag feeling mo, hindi ka importante.

'Di ko na hinintay na makasagot pa siya. Binilisan ko ang lakad ko papunta sa kabilang direksiyon kahit na hindi naman ako sigurado kung tamang daan ba ang tinatahak ko.

Umasa pa akong hahabulin niya ako katulad noong ginawa niya last day. Gusto kong isigaw na hindi ko talaga alam kung paano umuwi dahil 'di ko na nga alam kung saan ako ngayon.

Ang sabi niya ihahatid niya 'ko hindi ba? Kung 'di niya ako pinigilan bumalik sa gym kanina, kasama ko sana ngayon sina Alise.

Edi sana 'di ako nag-expect at na disappoint ngayon.

Malayo na ang nilakad ko. Mas lalo akong nalito dahil 'di ko alam ang daan. Napatingin ako sa papalubog na araw. Shit, gagabihin pa ata ako.

Kahit sobrang layo na ng nilakad ko, napagdesisyunan kong bumalik sa pinanggalingan ko kanina. Bakit kasi dito ako dumiretso kanina?

Pride over safety.

Napabuntong hininga ako habang pabalik. May mga nakasalubong pa akong lasing. Kinabahan ako dahil padilim na ng padilim.

Mas binilisan ko ang paglalakad. Umaasang sana makabalik na ako sa mismong highway. Habang palalim ng palalim ang gabi, narinig ko ang kulog. Mukhang uulan pa.

"Miss, naliligaw ka ba?"

Napatingin ako sa lalaking sumabay sa akin. Halatang nakainom ito dahil pa gewang-gewang na ang lakad niya. 'Di ko sinagot ang lalaki at tumakbo pa ulit dahil baka ano pa ang gawin niya saakin.

Gustong-gusto ko na umiyak dahil natatakot ako. Kung kanina pinigilan ko ang mga luha ko, ngayon hindi ko na kaya. Sobrang kaba na ng nararamdaman ko.

Sumabay sa pagpatak ng ulan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. 'Di ko na nakita ang lalaking kumausap sa akin kanina kaya bumalik na ako sa paglalakad. 'Di pa rin tumitigil ang luha ko kasabay ng ulan'g rumaragasa.

"Kuya, please save me"

Turan ko habang umiiyak. Nakita ko ang bench kanina na inupuan ko noong kasama ko pa si Ismael. 'Di ko na alintana ang malakas na ulan. Umupo ako doon habang patuloy na umiiyak. Nakatingin lang ako sa sapatos kong unti-unti nang napupuno ng tubig ulan.

Bumalik ang kaba ko nang may marinig akong yapak. Nanginginig ako kaya hindi ko magawang mapatingin sa papalapit. Namataan ko ang pares ng itim na sapatos sa harap noong akin.

Hindi ko na maramdaman ang ulan kaya napatingala ako.

Nakita ko si Ismael na nakatayo sa harap ko habang pinapayungan ako.

"Ang sabi mo, marunong kang umuwi"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status