Share

Chapter 6

"1, 2, 3, ikot, 5, 6, 7, ikot... Marie! Bilisan mo'ng gumalaw hindi ka masalo ng partner mo!"

Nasa auditorium uli kaming lahat ngayon at nagpapractice. 1 week na lang ang natitira before ang event at presentation. 'Di na kami nakapag practice noong nakaraang linggo.

"Jay, okay na ang turns niyo. Hawakan mo na lang ng mabuti si Mary Joy. Ikaw naman Justice hindi ba sabi ko huwag kang mahiya sumayaw? Minsan lang 'to."

Ilang ulit pa kaming nag execute ng sayaw bago namin mapagpasyahang umuwi na.

"Mauuna na kami girl, kailangan ko na ng beauty rest," sabi sa akin ni Ely habang hinihila si Jay.

Sa sobrang pagod siguro ay hindi na nagsalita ang bakla.  Kumaway na lang. Kumaway na rin ako pabalik habang papalabas na sila.

"Alise, hintayin mo 'ko ha. Sabay na tayo'ng magpalit."

Kinuha ko ang bag ko sa gilid at sumabay na kay Alise papuntang C.R.

"Balita ko Kara nagpaulan ka raw noong nakaraan. Bakit? "

Napatingin ako kay Alise dahil sa tanong niya. As far as I can remember, si kuya lang ang naka-alam noon dahil naabutan niya akong basang sisiw nang ihatid ako ni Ismael.

Speaking of Ismael, ilang linggo ko na siya'ng hindi nakikita. 'Di naman kami nag-usap noong last naming pagkikita. Pagkatapos niya akong maihatid, umalis na rin siya.

Balak ko na ngang isauli ang jacket na pinahiram niya sa akin kaso 'di naman nagpapakita. Araw-araw ko pa namang dala.

"May nangyari lang. Paano mo pala nalaman?"

Pagdududa kong tanong sa kaniya. Nag-uusap ba sila ni kuya?

"Ah. Kara bilisan mo na gagabihin tayo lalo eh."

Umiwas pa ang babae.  Napatawa na lang ako dahil parang tama ang hinala ko. Akala ko lumabas na siya pero bumalik pa siya at tumingin sa akin.

"By the way, may lalaking nagbigay sa akin ng bottled water noong practice game ng SEU at CCAP. Nakauniform ng CCAM. Galing daw sayo 'yon?"

Oh, shit!  Muntik ko nang makalimutan.  Naibigay pala talaga niya kay Alise.

"Ah, oo. Halika na!"

Hinatak ko na siya para umiwas sa tanong niya. Ba't ba 'ko kinakabahan? Baka nga 'di na kami magkita ulit.

"Ikaw ha. Umiiwas ka pa. Boyfriend mo?  Gwapo ah," puno ng malisya niyang sabi.

Paano ko magiging boyfriend 'yon e may ibang girlfriend.

Gusto ko sanang isagot sa kanya 'yon. Kaso baka mapagkamalan niya akong nagseselos. Ew, asa.

"Ikaw, baka gusto mong ilaglag kita kay kuya."

Pang-ba-blackmail ko pa sa kaniya. Napatahimik tuloy siya. Napatawa ako.

Oh girl, I know your weakness. I chuckled and nauna nang maglakad. Nang makarating sa bahay ay agad din akong nagmadali sa pagpasok.

"Kara."

Napatigil ako sa gitnang parte ng hagdan ng bahay nang marinig ko ang seryosong boses ni kuya.

"Po?"

Kinakabahan ako sa itsura niya. Bumaba na ako ulit ng hagdan para makausap ko siya ng maayos. Ilang weeks na kami 'di nagkakausap ng matagal. Busy din kasi siya. No'ng na ospital ako wala rin siyang sinabi pero nang maabutan niya ako last time na basang-basa,  sinermonan niya ako.

"Can I ask for Aika's number?"

Tumawa ako ng malakas dahil sa sinabi niya. Kinabahan pa ako dahil akala ko kung ano. Akala ko pa naman nag-uusap na sila. Wala na, masyadong maswerte si Alise.

Yung crush niya, crush din siya. Wow, sanaol may crushback.

"Mag mall muna tayo kuya please. Namiss kita eh," pagpapacute ko sa kanya sabay yakap patagilid sa bewang niya.

"Hays okay. Magpalit ka muna. I'll ask Kuya Alex to ready the car."

Ginulo pa niya ang buhok ko. Ano ako baby?

Umakyat na ako ulit sa taas at dumiretso sa kwarto ko para magbihis. Kawawang Llianne 'di makakasama. Humalakhak pa ako na mukhang kontrabida.

I decided to wear a pintuck pastel-green mini dress. I don't want to wear another heels for now, dahil madami 'kong memories sa ganyan. Sa huli, napagdesisyunan ko'ng isuot ang roadster solid brown heeled boots ko.

I let my long, wavy brown hair run freely.  Ngayon lang siguro ako nagsuklay ng maayos. Naglagay na lang din ako ng red liptint para mawala ang pagkaputla ko.

Hinablot ko ang kipling, white mini bag ko na  regalo ni Daddy noong new year. After kong mag-ayos, bumaba na ako dahil baka naghihintay na si kuya.

"Kuya gusto ko 'yon," turo ko sa isang kate spade na shoulder bag sa isang shop dito sa mall. Ang cute kasi. Pastel pink at blue ang color at may flower design.

"Di ka pa ba nauubusan ng bibilhin? Mauubos na pera ko sa 'yo eh," reklamo ni kuya habang bitbit ang iba kong pinabili sa kanya.

"Last na kuya. Kumain na tayo pagkatapos"

Sumuko si kuya sa kakulitan ko at binili na rin ang last na hiniling ko.

Napagdesiyunan naming kumain sa Greenwich. Puro puno na ang iba kaya dito na kami pumunta. Grabe, naubos ata ang energy ko kakaikot dito.

Nag-order na si kuya at naiwan ako dito sa pwesto namin. Napatingin ako sa mga paper bags sa ilalim ng mesa. Napatawa ako ng mahina.

Kawawang kuya. Bankrupt siya ngayon. Kukurutin ko si Alise bukas. Aba, ang swerte niya, gumastos si kuya ng ganito para lang makuha ang number niya!

Madami kaming napag-usapan ni kuya habang kumakain. Natawa pa kaming dalawa nang napag-usapan namin ang pagbasa ko ng diary ni Llianne noong Grade 6 siya. Grabe ang iyak niya that time kaya 'di namin makalimutan.

After namin kumain, lumabas na rin kami at nagdesisyong umuwi na dahil gabi na rin. Mapagalitan pa kami nina Mommy. Iniwan pa naman namin ang bunso.

Bago pa kami makalabas ng mall,  nadaanan namin ang isang boutique na palaging binibilhan ni Llianne ng damit niya.

Nagdesisyon si kuyang bilhan siya para sure na 'di magtampo. 'Di na ako sumama sa kaniya sa loob. Nanatili ako sa labas at bitbit ang ibang paper bags na dala niya.

Sinusundan ko lang ng tingin si kuya sa loob ng boutique. 'Di ko maipagkakailang gwapo talaga si kuya. Simpleng white shirt lang ang suot niya at faded jeans with nike shoes. Mahilig kaming lahat sa nike kaya halos magkakapareho ang mga sapatos naming tatlo.

Aksidenteng napatingin ako sa kabilang boutique. Nakita ko si Ismael na nakasandal sa labas habang may dalang mga paper bags.

Napatagal ang tingin ko sa kaniya. Ilang weeks din kaming 'di nagkita matapos ang insidente sa park. He's wearing a simple shirt pareho kay kuya kaso light blue ang sa kaniya. Faded ripped jeans and blue nike shoes. Mahilig din pala siya sa nike?

My heart skipped a beat when he looked at me. Kahit medyo malayo, kitang-kita ko ang seryoso niyang mukha. Kakaway sana ako sa kanya nang may lumabas na babae sa boutique at lumapit sa kanya habang nakangiti.

She's wearing a black, knitted fit dress at mga 2 inches red heels. May dala itong dalawang paper bag. Mga pinamili niya siguro.

Kinuha ni Ismael ang dala niya. Saka ko lang nakilala ang babaeng kasama niya.

Oh, his girlfriend, Chytzy.

"Kara, let's go."

Napatingin ako kay kuya nang marinig ko siya. Kinuha niya ang hawak kong mga paper bag. Lahat ng iyon ay binitbit niya gamit ang kaliwang kamay. 'Yong kanan naman ay umakbay sa akin. Napangiti ako sa simple yet sweet gesture ni kuya.

Paalis na kami nang napatingin ulit ako sa banda nina Ismael. Naroon pa rin sila pero ang nagpabagabag sa akin ay ang madilim niyang tingin sa gawi namin ni kuya.

'Di ko na nalaman kung ano pa ang naging reaksiyon niya dahil nag-umpisa na si kuya'ng maglakad at ang direksiyong tinatahak namin ay patalikod sa kanila.

Nang makarating sa bahay, nag thank you na ako kay kuya at dumiretso sa kwarto para sana magbihis. Pero pagkapasok ko, humiga agad ako sa kama. 'Di ko alintana ang boots ko'ng di ko pa naiaalis sa paa ko.

I decided to open my f******k account just to check random things. Nawili na ako sa kakascroll sa news feed ko nang may biglang nag pop sa notification bar ko.

Ismael Karl Gomez sent you a friend request

Napabangon ako ng wala sa oras matapos kong mabasa ang notification.

What the hell! Kapangalan lang ba?

Nanginig ang kamay ko at nagdalawang isip kung e coconfirm ko ba o hindi. Matapos kong tingnan ang profile picture niyang naka side view, na confirm ko agad na si Ismael 'to.

Sa sobrang kakulitan ng kamay ko sa screen, napindot ko ang CONFIRM.

My gosh Kristier Arabella! 

Muling bumilis ang tibok ng puso ko nang may nag pop na chat head. Pinindot ko iyon at binasa ang message.

Ismael Karl: nice, gwapo ng boyfriend mo. Stay strong.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status