Share

Chapter 9

"Kailan ka pa natutong sumuway sa mga paalala namin ha Kristier Arabella?"

Nakayuko lang ako habang sinisermonan ni mommy. 'Di na nakahintay si mommy sa loob ng bahay. Pagkalabas ko pa lang ng sasakyan, ito na ang bungad niya. Gusto ko'ng umiyak. Kahit kailan ay hindi ako napagalitan ng ganito.

I can see Llianne standing beside daddy looking sorry for me. Daddy was very serious but he's not as vocal as mommy.

"Mommy, sorry 'di ko po namalayan ang oras."

Nakayuko pa rin ako habang sinasabi 'yon. Pinipigilan ko ang luha kong lumabas dahil mas lalong magagalit si mommy kapag umarte akong kawawa kahit na ako ang may kasalanan.

"Mommy tama na po. 'Di pa 'to nakakapag-hapunan. 'Di naman niya sinasadya," pagtatanggol sa akin ni kuya

That's the cue, my tears started to fall down. I'm not used to this. This is the first time. My mom will always praise me for being the best.

"Hon, tama na. 'Di rin naman niya sinasadya. Umiiyak na oh," naaawang turan ni daddy.

Kuya hugged me. Yumakap na rin ako pabalik sa kanya dahil 'di ko rin kayang tumingin kay mommy.

"Baby, come here," mahinang sabi ni Daddy.

Bumitaw ako sa pagkakayap kay kuya at humarap kay daddy. Pinahiran niya ang mga luha ko gamit ang mga kamay niya. I cried again dahil akala ko galit din siya sa akin.

"Shhh, stop crying. Nag-aalala lang kami ng mommy mo, okay?" pag-aalo pa sa akin ni Daddy.

Tumango ako bilang sagot. Naiintindihan ko rin naman kung bakit sila nagalit. Sadyang nabigla lang ako.

Lumapit si mommy sa amin ni Daddy at niyakap ako.

"I'm sorry. Just don't do it again, okay? Text us always especially kapag gagabihin ka next time."

Yumakap ako pabalik kay mommy at medyo natigil na ang pag-iyak ko. Tinawag pa niya sina Kuya at Llianne para yumakap din.

We hugged each other for I don't know how many minutes. Daddy joined us too.

"Alam niyo namang mahal na mahal namin kayo diba? Kinakabahan kami kapag may nangyayaring ganito sa inyo. That's why, you need to be careful too," pagpapaalala sa amin ni mommy.

Sobrang swerte namin dahil may parents kami'ng katulad nila.

I don't know if I can live without them.

I decided to sleep early that night. It was already 9 AM when I woke up. Naghilamos ako sa C.R and then dumeretso sa labas ng kwarto. 'Di na ako nagsuklay. Siguradong mukha akong bruha ngayon.

Ganito always ang routine ko kapag walang pasok. Naka-pantulog pa ako nang bumaba para sana kumuha ng maiinom pero bago ko pa makalahati ang hagdan pababa, may namataan akong tao na kausap ni daddy. Nakatalikod ito kaya 'di ko makilala.

Nagkibit-balikat na lang ako at dumiretso sa kusina. 'Di ako napansin ni daddy kaya 'di ko na muna siya binati. May kausap pa naman.

"Nay Anna, patimpla naman po ako ng gatas," sabi ko sa kanya.

"Sandali ma'am. Upo po muna kayo," magalang na sagot niya.

'Di na ako sumagot. Dumiretso na ako sa long table at umupo sa isa sa mga upuan doon. Yumuko pa 'ko dahil bumalik ang antok ko. Well, thank God it's Saturday. Matutulog ako buong magdamag. Mamayang hapon pa naman ang practice ni Jandrice.

Unti-unti na akong nilalamon ng antok nang may narinig akong mga yabag papunta sa kusina.

"Dito ka na mag-almusal ijo. Hindi ka man lang namin napasalamatan ng maayos noong nakaraan. Sayang at wala ang asawa ko ngayon. Maagang umalis," rinig kong sabi ni Daddy.

"It's okay sir, besides napadaan lang naman ako para ayain sana si Kara."

Mabilis akong lumingon sa kanila dahil narinig ko ang pangalan ko. Laking gulat ko na lang nang makita ko si Ismael.

Nakatingin na siya sa akin. Unti-unting sumilay ang ngiti sa mga labi niya.

What the heck! Anong ginagawa niya dito?

"Oh, Kara nandito ka na pala. 'Di man lang kita napansing bumaba," nakangiting sabi ni Daddy.

Naalala ko ang itsura ko ngayon. Napatingin pa 'ko sa suot ko. Shit na malagkit. Naka pantulog pa ako. Mukha pa akong sabog!

'Di ko pinansin si Daddy at dumiretso sa kinaroroonan ni Nanay Anna. Bumulong pa ako para di nila marinig.

"Nay, mukha ba akong bruha?" na-coconscious na tanong ko.

Litong-lito si nanay nang magtanong ako. Buti na lang at sinagot niya pa rin.

"Hindi naman Ma'am. Kaso 'di kayo nakapagsuklay. Maganda ka pa rin naman eh. Bakit may problema ba?" tanong ni nay Anna sa akin sabay lingon sa bandang likod ko kung nasaan sina Ismael.

Bumalik ang tingin ni nanay sa akin habang may kakaibang ngiti.

"Ikaw ha, crush mo no?" nanunudyo niyang tanong sa akin.

"Hindi ah, teka nga tapos na po ba 'yong pinapatimpla ko?" pag-iiba ko pa ng topic.

Mahirap na mabuking.

Natatawa lang si Nay Anna habang ibinigay ang tasang may gatas na. Kinuha ko agad iyon at aalis na sana sa kusina.

"Kara, where are you going?Umupo ka rito," sabi ni Daddy sabay turo sa upuang kaharap lang ni Ismael. Umupo na pala sila. Shocks. Nakakaubos ng dugo 'to.

Daddy, 'di mo ba alam? Nagiging baliw na ang puso ko dahil sa gwapong paasa na 'to?

Panay ang reklamo ko sa isip ko pero 'di ko masabi sa kaniya.

"Ah, 'di pa po ako nakakapag-ayos. Mukha akong bruha," pag-dadahilan ko pa.

Narinig ko ang mahinang tawa ni Nay Anna sa dulo. Napatingin tuloy ako sa kanya pero umiwas na siya agad. Uminom pa ako ng gatas para kunyari makatotohanan ang rason ko, kahit na gusto ko lang talaga umiwas.

"Maganda ka pa rin naman kahit 'di ka nakapagsuklay," walang prenong sabi ni Ismael.

Naubo ako at muntik ko nang maibuga ang ininom.

Shit ka Gomez ang laki mong paasa!

Narinig ko ang tawa ni Daddy. What? Funny ba? Or hindi siya agree?

"Sige na anak, mag-ayos ka na. Aayain ka daw ni Ismael ngayon."

Walang bahid ng pagtutol ang boses ni daddy. Grabe ang galing mo Gomez. One point agad. Close na kayo ng daddy ko.

"Ah, may gagawin po ako ngayon Daddy," pagdadahilan ko pa ulit.

Please, maniwala ka.

"Saturday ngayon. Alam kong matutulog ka buong magdamag. Huwag na puro palusot Kara. Mag-ayos ka na at sumabay sa almusal."

'Di na tumingin ulit si Daddy sa akin kaya napanguso ako. 'Di man lang niya ma feel na umiiwas ako. Tsaka totoo namang may gagawin ako kaso mamaya pa.

Napatawa na rin ng mahina si Ismael kaya tiningnan ko siya ng masama at inirapan bago umakyat para mag ready na. Kumilos ako ng mabilis para naman makauwi kami agad.

Pagkababa ko ay agad naman kaming umalis ni Ismael. Binubulabog niya ang tahimik kong araw.

"Wag na sabi! Ayoko! ang pangit ng lasa."

Natatawa si Ismael habang iniiwasan ko avocado-flavored ice cream na isusubo na sa akin. Kanina pa niya ako pinipilit na kainin 'yan. Noong una, pinag-bigyan ko pa. Pero 'di ko talaga bet ang lasa.

"Last na promise," pangungulit pa niya.

"Ayoko nga! Inaya mo ba akong lumabas para dito?" naiinis kong sabi sa kanya

Bigla siyang napatahimik kaya napalingon ako sa kanya.

"Ayaw mo ba ng ganito?" seryosong saad niya na may halong pagkadismaya.

Nakonsensya tuloy ako.

"I mean, wag mo na akong pilitin sa ice-cream na 'yan 'di ko talaga bet ang lasa." pagbabawi ko sa kaniya.

"Okay, cookies and cream na lang ulit."

Tumayo siya at umorder na ulit ng bago. Naalala niya pa pala ang gusto kong flavor?Napangiti tuloy ako.

Kara, akala ko ba 'di ka dapat umaasa sa kaniya?

"Heto na prinsesa. Tayo na diyan may pupuntahan pa tayo."

Nakangiti na siya ngayon. Nahawa tuloy ako. Nilahad niya ang kamay niya pero 'di ko kinuha. Naiisip ko kasi si Chytzy. Baka mag-away pa sila dahil sa akin.

Nang makalabas kami ay napatingin ulit ako sa kaniya. Nawala na ang ngiti sa kaniyang mga labi.

Did I do something wrong again?

"May nagawa ba ako?" takang tanong ko sa kanya

"Wala," diretsong sagot niya

Hindi ko na muna siya kinulit dahil baka magalit na. Sumunod lang ako sa kaniya.

Nandito ulit kami sa park na pinuntahan namin noong nakaraan. This place reminds me of something. Naaalala ko ang pag-iwan niya sakin dito para mabalikan ang girlfriend niya.

Ngayon ko lang na realize lahat. Siguro nga gusto ko talaga siya. His presence makes my heart beat faster. His eyes can pull anything from me. Sobrang nakakaadik tingnan. His gestures were too precious for me lalo na ang mga pinang-gagawa niya lately. Kaya rin ako nasaktan noong nakaraan dahil nagseselos ako.

What a shame, Kara. Ilang beses pa lang kayo nagkita pero gusto mo na.

Medyo nauuna na siya sa paglalakad kaya binilisan ko na rin ang galaw ko. Nakapamulsa lang siya habang naglalakad. Kahit ba naman nakatalikod, ang gwapo pa rin niya sa paningin ko?

Pa'no ka na ngayon Sandoval? May girlfriend 'yan. Umaasa ka sa wala.

"Gusto mo ba'ng sumakay sa mga rides?" tanong niya sa akin

Tumango naman ako kahit na 'di ako sure if gusto ko ba talaga sumakay sa mga gano'n, o gusto ko lang siyang makasama?

Hinila na niya ako nang nasa dulo na kami ng park. Sa kabila noon ay may isang place na maraming nakatayong rides. It's not as wide and fabulous as Enchanted Kingdom but a lot of people were here and they looked happy. If I only knew that this was here, edi sana 'di na ako bumalik last time sa mismong highway.

Nagbayad na siya sa nagbabantay. Bumalik na naman ang sigla sa mga mata niya. Sobrang moody niya. Minsan mabait, minsan suplado.

Pero always paasa.

"Doon tayo?"

Turo niya sa isang mini roller coaster. 'Di ito kasing laki ng nasa EK pero mataas pa rin.

"Ismael, nakakatakot to eh," nagdadalawang-isip ko'ng sagot sa kanya.

Ngumiti lang siya sa akin at hinila pa rin ako sumakay.

"I'm here, don't worry I won't let you fall.... alone."

Di ko na narinig ang huli niyang sinabi dahil maingay na sa paligid. Maraming nakapila dito at nag-iingay kaya 'di kami makapag-usap ng maayos.

"Ano 'yong last mo'ng sinabi?" pasigaw kong sagot sa kaniya.

Ngumiti lang ulit siya at 'di na ako sinagot.

Nang makasakay na kami nag-umpisa ng mabuhay ang kaba ko. Ilang beses na kaming pumunta sa EK pero 'di pa ako nakakasubok ng ganitong ride doon. More on kain kasi ako. Pero dito, mapapasubok ako.

"Baba na tayo," pakiusap ko sa kaniya habang 'di pa nag-uumpisa

Natawa siya sa akin kaya inirapan ko pa. Nagawa pa talaga niya akong pagtawanan sa sitwasyong 'to.

"Nandito nga ako. 'Di kita pababayaan." medyo sumigaw siya para marinig ko. 'Di pa paman nag-uumpisa ay rinig ko na ang tilian ng mga kasama namin.

Oh well, I'm silently dying here. Someone brought me here.

'Di ko alam kong panghahawakan ko na lang ba ang sinabi niyang 'di niya ako pababayaan. Napahawak pa 'ko ng mahigbit sa upuan ko.

"Sana 'yong girlfriend mo ang dinala mo rito. Ako tuloy ang nahihirapan ngayon, nag-away ba kayo kaya ako ang kinukulit mo?" mahina kong sabi. Alam kong 'di niya maririnig 'yon dahil ang ingay na.

Bigla akong napasigaw nang gumalaw na. Sumabay ako sa tili ng mga kasama namin.

"Anong sinabi mo kanina?" sigaw ni Ismael

Sinigurado niyang maririnig ko iyon kahit na sobrang ingay ng paligid.

"Sabi ko, sana yung girlfriend mo ang dinala mo rito!" pasigaw kong sagot para marinig din niya.

"Ha? Wala akong girlfriend!" sobrang lakas niyang sigaw. Sobrang luminaw ang pandinig ko nang dahil sa sinabi niya.

"Akala ko si Chytzy!" sigaw ko pa ulit

"Kaibigan ko lang 'yon. Iba 'yong gusto ko!" mas nilakasan niya ang sigaw niya.

Parang tumahimik bigla ang ang paligid matapos kong marinig iyon. Hindi niya girlfriend si Chytzy?

Nang pababa na kami, mas lalong lumakas ang sigawan. Pati ako ay sumasabay.

Nang magkaroon ako ng oras na sumagot ulit ay sumigaw ako.

"Ano nga ulit ang sinabi mo?" sigaw kong tanong.

Narinig ko naman kanina kaso gusto ko lang maulit.

"May gusto akong iba!" mas malakas pa iyon sa nauna niyang sigaw.

Nagmumukha kaming tanga habang nagsisigawan sa taas. Wala namang pakialam ang iba dahil kami lang naman ang nagkakaintindihan

"Ano?" parang tanga kong tanong sa kaniya.

Napatingin ako sa gawi niya kahit magkatabi lang kami. Nakangiti pa siya ngayon. Last turn na namin nang sumigaw ulit siya. Iba na iyon sa nauna niyang sinabi pero bumilis ng sobra ang tibok ng puso ko.

"Ang sabi ko, gusto kita!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status