Hinimas ni Gideon ang kanyang kilay habang nagsisimulang kumirot ang ulo niya.Matapos ang mahabang sandali, tuluyan na siyang bumuntong hininga at pinalambot ang kanyang tono. "Bitawan mo ko, dadalhin kita sa loob para makapagpahinga ka na.""Ayoko."Pinulupot ni Nell ang kanyang mga braso sa leeg ni Gideon at inilibing ang mukha nito sa kanyang dibdib na parang bang nalulunod at nakahawak na lamang siya sa huling piraso ng lumulutang na kahoy.Sa loob ng anim na taon, tumanggi si Jason na hawakan siya.Iniisip niya lang na dahil sa respeto at pag-aalaga niya ito.Pero nalaman na niya ngayon na dahil sa wala siyang appeal at hindi siya nakakaakit. Sa kanyang mga mata, sa ilalim ng kanyang balat, hindi siya naiiba sa isang lalaki.Lalong nasisira lamang ang pride niya habang iniisip ito..Upang may mapatunayan, niyakap niya ang lalaki at hinalikan muli ang labi.Sa pagkakataong ito, hindi malambing ang halik na ibinigay ni Nell. Talagang diniin niya ang kanyang labi sa lalaki, d
Hindi mapigilan ni Nell na mapasigaw sa gulat.“Kasal? Tayo? I-Imposible ‘yan! Lasing ako kagabi. Hindi mabibilang ang dokumentong ito! ”Tiningnan siya ni Gideon nang mahinahon sabay malamig na ngumiti."Sinabi mong pipirma ka kagabi, pero ngayon ayaw mo nang umamin dahil bihis ka na?"Nell. "...""Hah!"Tumawa ulit si Gideon ng may bahid ng pangungutya.Hindi makapagsalita si Nell. Sa wakas, may nasambit na rin siya matapos ang mahabang katahimikan. "Kailangan ng pahintulot ng bawat isa sa mga ganyang bagay.. Paano mo naman masasabi na kasalanan ko lang talaga? "Babae si Nell. Kung tumanggi si Gideon, mapipilit niya ba ang sarili niya rito?Subalit, sa susunod na segundo, binuksan ni Giden ang mga butones ng kanyang suot.“Alam kong hindi mo aaminin. Buti na lang at may natirang ebidensya. "Sinundan ni Nell ang galaw niya at tinignan ito. Sa ilalim ng kuwelyo nito, kita ang mga bakas ng halik ni Nell at pati na rin mga kaunting gasgas ng kanyang kuko.Mukhang matindi ng
Gayundin, sa bahay ng Jennings.Punong-puno ng mga tao ang sala nila, naroroon ang lola nilang si Sylvia Walker, ang ama na si Shaun Jennings, ang nanay na si Sally Youngs, at ang kapatid ni Jason Morton, si Hayley Morton, pati na rin ang iba pang mga kaibigan ni Celine Jennings.Magkatabing nakaupo si Celine at Jason sa sopa ng sala. Bahagyang malumbay ang ere nila.“Celine, kung ako ang tatanungin mo, ang dali mo kasing i-bully! Mahal niyo ang isa’t is ani kuya, bakit niya naman ‘yun ginawa? Alam niyang maselan ang pagkatao mo, pero tinawag niya pa rin talaga ang pulis para ipaaresto ka. Hindi ba halatang gusto ka niyang sirain?”“Totoo iyan. Bukod pa roon, nakikipaglokohan na nga siya kasama ang ibang lalaki pagkatapos nilang maghiwalay ni Young Master Morton, ibig sabihin hindi talaga siya mabuting tao!”“Celine, mas kawawa ka dahil sikat ka. Ngayon, pinag-uusapan na ng lahat ang relasyon mo sa Internet, sinasabing inakit mo raw si Jason at inaakusahan ka rin nilang gumagamit
“Ikaw!”Galit na galit si Shaun. “Tinatanong kita ulit. Uuwi ka ba?”“Hindi!”“Sige! Tandaan mo iyan! Huwag mong akong sisihin na hindi kita binalaan. Mismong lola mon a ang hahabol sa iyo.”Naramdaman ni Shaun na tila ba di niya talaga kayang tagusan ang malamig na pagkatao ng kanyang anak at ibinaba na lamang ang tawag.Napasinghal si Nell at hinayaan na lamang siya. Itinabi niya ang kanyang cellphone at nagpatuloy na lamang na kainin ang inorder niyang pagkain.Sa kabilang banda, nakaupo si Sylvia sa dining room. Napasimangot siya nang makitang galit na pumasok si Shaun.“Kumusta? Sinabihan mo ba siya? Makakauwi ba siya?”Hindi na kinaya ni Shaun, “Paano naman ako mananalo sa kanya? Matatag na ang kanyang pakpak at hindi naman siya nakaasa sa atin. Hindi siya uuwi hangga’t walang susundo sa kanya.”Dumilim ang mukha ni Sylvia.Ibinagsak niya ang chopsticks sa mesa.“Bastos na bata!”Napatalon ang lahat ng naroroon. Simula nang mamatay ang Old Master Jennings, si Sylvia n
Nanigas ang mukha ni Celine.“Ate, paano mo naman iyan nasabi sa akin?”Pumilit si Sally ng isang ngiti. “Nell, wala namang masamang intensyon ang kapatid mo, bakit hindi mom una siya kausapin? Ayusin niyo ang mga hindi pagkakaunawaan. Pamilya pa rin naman tayo.”“Pamilya! Pasensya ha! Kaya kong maging pamilya ang kahit sino sa bahay na ito maliban sa inyong dalawa.”“Bukod pa roon, isa lang ang anak ng mama ko. Kailan pa ako nagkaroon ng kapatid? Pakiusap huwag mong pansinin ang mga problema ko. Mag-ingat kayo sa multo ng mama ko, sana hindi niya kayo bisitahin sa gitna ng gabi!”“Ahhh—!”Napasigaw si Celine sa takot mula sa malamig at matikas na anyo ni Nell at saka lumapit kay Sally.Sa pagkakataong iyon, isang malakas na sigaw ang maririnig sa hagdan.“Nell Jennings!”Tumingin si Nell sa itaas at nakita niya na naglalakad si Sylvia habang may tungkod ito.Kahit matanda na ang Old Madam, malusog pa rin naman ito at malinaw ang paningin. Laging mabigat ang ekspresyon nito a
Hindi napaatras si Jason sa mga salita ni Nell.Matikas siyang tumugon, “Dahil nandito ka rin naman, may itatanong ako. Saan ka ba nagpunta kahapon? Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?”Kumislap ang mga mata ni Nell.Ilang beses nga naman talaga siyang tinawag ni Jason kagabi, pero kasama niya si Gideon Leith at hindi rin niya ito narinig.Nakita niya rin ang “missed calls” kaninang umaga subalit hindi na rin niya ito binigyang tuon pa.Matapos ang lahat, kung nag-aalala man ito o sinusubukan lang siyang pangaralan, sa kasalukuyan nilang sitwasyon, hindi naman ito nararapat.Nang maisip ito, itinaas ni Nell ang kanyang kamay at sumagot nang tamad, “Jason Morton, sino ang namatay para maging isa kang hari?”Nagulantang si Jason. “Ano?”“Bakit kailangan kong sagutin ang mga tawag mo?”Napatigil si Jason at ilang segundo pa ang lumipas bago pumasok sa isip niya ang sinabi ni Nell, mamaya-maya namuo ang galit sa kanyang mukha.“Nell! Huwag kang bastos! Nag-aalala lang ako
Lumingon na rin si Gideon at saka tinignan si Nell.Nakasuot ito ng beige na windbreaker at mukha itong malinis at maaliwalas tingnan, subalit may kaunting bakas ng lungkot ang nasa ilalim ng mga mata nito.Lalo pa niya itong tinitigan pero wala na rin siyang sinabi. Sa halip, tumango siya nang bahagya.“Mm, kaunti lang.”Pinilit ni Nell na ngumiti.Ang galing talagang magsinungaling ng mga lalaki. Sa lakas pa lang ng amoy ng alak, paanong kaunti lang ito?Halata namang naparami ang inom niya!Subalit, wala rin naman siyang karapatan na tanungin ito at nakakahiya naman na mag-alala nang sobra para sa kanya, kaya hindi na lamang siya nagsalita.Lumingon si Matthew at tinanong siya ng may ngiti, “Ms. Jennings, saan ka nakatira?’Sinabi ni Nell ang kanyang address at agad itong nilagay ni Matthew sa navigation device bago tuluyang nagmaneho.Napakatahimik sa loob ng kotse. Nilagay ni Nell ang kanyang kamay sa kanyang hita at saka tumingin na lamang sa bintana.Dahil siguro ito
Sa sumunod na araw, maagang dumating si Nell sa kompanya.Pagpasok niya ng opisina, naramdaman niyang may kakaiba sa ere ngayon.Nagbubulungan ang lahat sa mababang boses. Nang makita nilang pumasok siya, agad na nagbago ang ekspresyon nila at isinara nila ang kanilang bibig, nakatingin sila ng may kakaibang mata.Nanliit ang mga mata ni Nell at pumasok na lang siya ng opisina nang hindi sila tinitignan.Nang nakaupo na siya, tinawagan niya si Hannah gamit ang company internal phone para pumasok.Agad namang naninigas na pumasok si Hannah at tumingin kay Nell nap uno ng simpatiya.Bumaling si Nell sa kanyang upuan at nagtaka na siya. “Anong nangyari? Dalawang araw lang naman ang nakararaan. Bakit ka nakatingin ng ganyan sa akin?”Ngumiti nang malamya si Hannah at sinabing, “Ms. Jennings, hindi mo alam… hindi ka ba nakatanggap ng balita tungkol sa magaganap ngayon?”Napataas ang kilay ni Nell at agad niyang kinuha ang tasang nasa mesa niya para maglagay ng tubig. Kaswal lamang n