Share

PROLOGUE

Prologue

NAGISING si Gedeon na walang saplot ang kanyang katawan. Tumama ang sikat ng araw sa kanyang balat dahilan para mas bumalik siya sa kanyang diwa. Ang alam niya lang ay possibleng nag anyong lobo siya kagabi dahilan para magkapunit-punit ang damit niya.

"Yvana?" tawag niya sa ngalan ng isang babae.

Walang tugon na narinig si Gedeon. Agad siyang nabahala nang walang marinig na tugon sa dalaga.

Nasa liblib na mansion niya siya ngayon. Ang lugar na ito ang pinakatinatago-tago ni Gedeon. Ang mansion na ito ang saksi ng kanyang hinagpis sa nagdaang mga dekada. 

"Yvana? Are you there?" sigaw muli ni Gedeon.

Ngunit katulad nang naunang nangyari, wala ulit siyang tugon na narinig. Kaya, mabilis siyang kumuha ng damit na maisusuot para hanapin si Yvana sa loob ng mansion.

Sa totoo lang ay hindi malinaw ang mga naganap sa isip niya. Lahat ay pawang napakalabo sa isip niya. Pero ang huling natatandaan lang niya ay ang pag-aaway nila ni Yvana. 

Hindi niya ito pinahintulutan na sumama sa kanya sa mansion na ito. Nagpumilit ito sa kanya pero nanindigan si Gedeon.

Pero walang nakapigil kay Yvana. Ang huling naalala ni Gedeon ay ang pagsulpot nito at ang pagtatalo nila hanggang sa— 

Namilog ang mga mata ni Gedeon nang mapagtanto kung ano ang possibleng nangyari kagabi. Hindi siya magkandaugaga sa paghanao kay Yvana.

"Yvana! Yvana!"

Sa lahat ng babaeng dumaan sa buhay ni Gedeon sa nagdaang mga taon at dekada, si Yvana lang ang tumagal sa tabi niya. Pitong taon na rin silang magkakilala at magkaibigan— oo, magkaibigan lang sila.

Pero alam ni Gedeon an higit pa roon ang inaasan ni Yvana. Gusto nito ang pagmamahal at simpatya niya. Gustuhin man ni Gedeon na ibigay iyon pero hindi niya alam. 

Sa palagay niya, matagal niya ng nalimutan ang salitang "pagmamahal".

"Where the hell are you, Yvana?!" Napadabunot sa sarili niyang buhok si Gedeon.

Naalala ni Gedeon, lahat ng bagay ay ginawa na ni Yvana para mapaibig siya pero walang silbi o wala man lang umepekto. Hanggang sa napagdesisyunan nilang dalawa na maginv malapit na magkaibigan na lang.

Matagal ng nilinaw iyon ni Gedeon. Pero kahit magkaibigan sila ni Yvana, hindi nito alam ang sikreto niya. Pero kagabi . . . mukhang nalaman na ng dalaga.

Maraming sikreto na pinakatinatago-tago si Gedeon. Mga sikreto na walang ibang nakakaalam kundi siya at ang pamilya Ocampo na naging tagasilbi at alalay niya sa loob ng ilang dekada. Henerasyon sa henerasyon, mula kay Nestor Ocampo hanggang sa kaapo-apohan nito na si Ralph Ocampo. 

Tinaga niya sa bato na wala ng makakaalam pa ng sikreto niya.

Para wala na ring masaktan pa.

Sinuyod na ni Gedeon ang buong mansion, pero hindi niya pa rin makita ang babae. Kaya napagdesisyunan niya na lumabas. 

Namilog ang mga mata niya nang makita ang iilang piraso ng punit na damit. May bakas pa ng tulo ng dugo. 

Nang makita iyon ni Gedeon ay parang mawawala siya sa katinuan niya. Sapagkat may ideya na siya kung anong nangyari. Hindi niya maiwaglit ang nakikita niyang hinuha sa isip niya.

Ginamit niya na ang matalas na pang-amoy niya para hanapin si Yvana. Wala na siyang ibang paraan na naisip kundi iyon. 

Nakaamoy siya ng dugo at naamoy niya rin ang dalaga. Mabilis niya iyong sinundan para mahanao ang dalaga. Umawang mga labi niya nang makita ang kinahinatnan ni Yvana.

"Y-Yvana..."

Napaawang ang mga labi niya at napaluhod siya. Doon ay nagsimula siyang humikbi. Sa inis niha ay sinaktan niya ang sarili niya.

"N-No freaking... way!" Sinabunutan niya ang sarili at hinampas nang malakas ang dibdib. "You're a monster. A bastard!" sigaw niya sa sarili.

Hindi man naging perpekto ang pagkakaibigan nila ni Yvana, masasabi niya na talagang iniingatan niya ito nang tunay. Ito lang ang naging kaibigan niya na babae. Dahil sa totoo lang ay naging mailap siya sa mga babae.

"Damn it! I-I did... t-this to you..."

Unti-unti ay ginapan niya ang walang-buhay na katawan ni Yvana na iilang pulgada lang ang layo sa kanya. Tumulo ang luha niya habang pinagmasdan ang maputlang mukha ng babae. 

Kinuha niya ang katawan ng dalaga at kinulong sa bisig niya. Hinalikan niya ang noo nito at hinimas ang pisngi.

"I-I'm such a horrible creature. F-Forgive me..."

Muling bumalik sa alaala ni Gedeon ang dahilan kung bakit humantong sa ganito si Yvana— ang sumpa niya!

Galit na galit siya sa kanyang sarili niya at hindi niya alam ang gagawin niya nang mga oras na iyon. Hindi niya rin ang gagawin kay Yvana. Gulong-gulo na siya sa sarili niya.

"Forgive me, Yvana. I didn't mean to do this to you. It's all part of the curse," pagkausap niya sa bangkay ni Yvana.

Ilang minuto nanatili siya sa puwesto na iyon. Sa huling sandali, pinagmasdan niya ang mukha ng kanyang kaibigan. Kumirot ang dibdib niya at patuloy ang pagluha niya.

Hanggang sa pinunasan niya ang mga luha niya gamit ang kanyang braso. Ang tanging ginawa niya na lang ay inilibing niya si Yvana. 

Sa mismong lugar kung saan niya natagpuan ang katawan nito ay doon niya rin ito nilibing. Nilibing niya ito sa mismong lupa na pagmamay-ari niya. 

"Only heaven can punish me with my sins. Please forgive me, Yvana. Don't worry, I'm more than willing to go to hell and pay for my sins." Ang mga tingin niya ay nasa banda kung nasaan ang bangkay ni Yvana. Pawang ito ang kinakausap niya.

Mapait na napangiti si Gedeon. Pinaglamdas ang mahahabang daliri sa buhok niya.

"See you again, Yvana."

Matapos niya ilibing ang katawan ni Yvana, agad siyang nagmaneho pauwi sa Maynila. Kaysa dumiretso sa mansion niya sa Makati, dumiretso muna siya sa opisina niya. Agad siyang pumasok sa opisina niya.

Lahat ng pilit siya kinakausap ay hindi niya pianpansin. Basta ang nasa isip niya lang ay makapasok sa opisina niya.

Pagkapasok niya ay agad siya nagbukas ng alak at nilaklak iyon. Umupo siya sa swivel chair niya at lumaklak ulit ng alak. Alas onse pa lang ng umaga, pero heto siya... pilit nagpapakalasing. 

Sa kasamaang palad, wala siyang kakayahan para malasing. Hindi siya nalalasing.

"Sir Gedeon, ano pong nangyari? Bakit napakarami yata ng alak na iniinom mo?" tanong ni Ralph sa kanya, ang sekretarya at kanang kamay niya.

Ito lang ang pinagkakatiwalaan niyang mortal. Bukod rito ay wala na.

"I did something horrible..."

Umangat ang isang kilay ni Ralph. "Ano iyon, Mr. Gedeon?"

"Yvana is dead and I killed her."

©TheDeadlySinner

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status