Share

Chapter 1: Lucky

Cypher’s POV

       My eyes roamed around, but I found nothing.  I’m about to continue my walk when suddenly someone grabbed my wrist. Namalayan ko nalang na nakasandal na ako sa isang pader sa loob ng isang madilim na eskinita habang may dalawang mga bisig na nakaharang sa tigkabila kong gilid. Napangiwi ako sa biglaang nangyari.

“The hell with—” I was about to scream when he suddenly covered my mouth using his hand.

“Shh.” Hindi na ako gumalaw at naglikot nang nakarinig ako ng mga mabibilis na yabag.

       Napatingin ako sa aking gilid kung saan nakikita ko ang labas ng eskinita. May mga nakita akong lalaking nakaitim na tumatakbo at tila may hinahabol. I glanced at the man in front that seemed the one that they're searching. I could only sees his half face, because of the dark corner where we are.

       Marahas kong inalis ang kamay niyang nakatakip sa aking bibig nang wala na ang mga yabag ng mga lalaki.

"You smelled nice." Naningkit ang mata ko nang napansin ko ang pagngisi nito mula sa repleksyon ng ilaw.

"Go to hell," I whispered before I punched his face when I realized that his getting closer to me.

"Fuck! What was that for woman!?"

"For pestering me," saad ko bago ako tuluyang lumabas ng eskinita.

       Hindi nakatakas sa pandinig ko ang mahina niyang pagtawa. I couldn't help to shook my head. Maybe he's crazy. Tss. Kahit naiingganyo akong makita ang hitsura niya ay hindi na ako nag-abala pa. It's just a waste of time, and besides, I shouldn’t talk to strangers not unless I need to.

       Bahagya ko munang inalis ang suot kong eyeglasses dahil medyo lumabo ito. Pinunasan ko ito at nang balak ko nang isuot muli iyon ay bigla ko na lang itong nabitawan. Tsk. What's wrong with my hand?

      Lumuhod ako gamit ang isa kong tuhod saka ko ito pinulot, naramdaman kong may nakatingin sa aking gawi kaya naman napalingon ako sa paligid. Naningkit ang dalawa kong mata nang nakita kong biglang lumihis ng tingin ang lalaking nasa may eskinita at kaagad na tumakbo papalayo.

       Napailing-iling na lang ako bago tumayo at nagpatuloy sa paglalakad pauwi.  Nang nakarating ako sa aking apartment ay kaagad akong nagtungo sa kuwarto at pabalyang nahiga sa kama. Urgh! I badly want to sleep.

       Nagising ako sa malakas na katok ng pintuan sa labas ng aking apartment. I checked my phone and it's already 7 a.m. in the morning. Bumangon na ako at hindi na nag-abalang mag-ayos pa ng aking hitsura.

        Nakakunot-noo kong binuksan ang pintuan ng aking apartment at bumungad sa akin si Denise; ang maingay na pinsan ni Badong.

"Good Morning, Cypher!"

"What do you want?" Napahikab ako dahil medyo nakakaramdam pa rin ako ng antok.

       Hindi siya sumagot sa tanong ko at walang pasabi na pumasok sa loob ng aking apartment. Pansin ko ang isang folder na dala niya. Naghila siya ng upuan saka umupo katapat ng lamesa rito sa sala.

"Guess what?" Nakangiting tanong niya.

"What?"

"Mage-enroll na ako sa Adamson University!" Bakas ang ka-hyper-an sa kaniyang boses bago niya ipinakita sa akin ang laman ng hawak niyang folder.

"Oh. Congrats. And what about it?" She rolled her eyes that she couldn't believe that this is my reaction after she told me that she's going to study in her dream university.

"My God, Cypher! Syempre masaya ako. Biruin mo, makakapasok na ako sa isang sikat na paaralan! Support me please!" Napailing-iling na lang ako sa mga sinabi niya "At siyempre...." Bigla akong nakaramdan ng kakaiba nang nakita ko kung paano nabuo ang ngisi sa kaniyang labi.

"What are you trying to do?" Alam ko kapag may binabalak siyang gawin sa tuwing iba ang ngisi niya.

"Isasama kita sa pag-enroll! Kaya same tayo ng university na papasukan!"

"What?! No. I won't go to school," matigas kong wika na ikinaikot lang ng kaniyang mata.

"I won't accept no, Cypher. Papasok ka sa ayaw at sa gusto mo, at saka bakit ba ayaw mo? Second year college kana ngayong taon, sayang naman ang kursong pinag-aralan mo." Natutop ko ang aking bibig dahil sa sinabi niya. Well, if she only knew.

"Whatever you say, I don't want to." Napanguso siya at maya-maya ay napangiti na rin nang malapad.

"Okay. Sabi mo e. Hihi," wika niya bago siya tumayo at lumabas sa aking apartment. Mabuti na lang at hindi niya ako pinilit, ngunit bago siya umalis ay humarap muna siya sa akin habang may malapad na ngiti sa kaniyang labi. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Naalala mo pa? Sa amin mo ipinatago ang mga requirements mo sa rati mong school?"

      Kumunot ang noo ko sa kaniya. Mayroon ba? Ah, yes. Those fake requirements.

       Napansin ko ang bahagya niyang pag-ngisi. Sigurado na ako, may ginawa na naman ito na hindi naaayon sa gusto ko, at hindi nga ako nagkamali.

"Actually, na-enroll na talaga kita sa Adamson! Kaya never say no na a. Nagulat nga ako kasi madali lang palang makapasok do'n. Mabuti na lang walang entrance exam." Nakangiti niyang saad, ngunit hindi ko nagawang makangiti sa sinabi niya.

       Kung tutuusin, kayang-kaya kong baliin ang gusto niya na pumasok ako sa unibersidad na 'yon, but then seeing how happy she is makes me just want to grant her. Napabuntonghininga na lang ako dahil sa kakulitan niya.

"Nga pala, Cypher. Pwede bang samahan mo ako mamaya?"

"Where?"

"Mall. Remember, sa isang araw na ang pasukan. So, kailangan na natin ng mga gamit pang-school. Don't worry, my treat," wika niya bago siya tumalikod at umalis.

       I took a deep sigh before I went to my kitchen and cooked something for my breakfast. Urhg! I'm starving.

       Matapos kong kumain ay bumalik na ako sa aking kuwarto. Dahil sa wala naman akong magawa ay kinuha ko na lang ang aking laptop, ngunit bago pa ako makapagbukas ng internet ay kaagad na tumunog ang aking cellphone. Kumunot ang noo ko nang nakita ko kung sino ang caller.

      Amethysts.

"You want anything?" bungad ko nang nasagot ko ang tawag.

"Wow. Hindi na talaga ako mage-expect na babati ka man lang ng hi or hello. Anyway, kumusta?" Halos mapaikot na lang ako ng mga mata sa tanong niya.

"Ano'ng kailangan mo?"

      Narinig ko ang pagak na pagtawa niya sa kabilang linya. "Rehas street. 102. 9 p.m." Napaayos ako ng upo sa sinabi niya. Napa-isip naman ako saglit. Mukhang may binabalak sila. Para saan naman kaya?

"Shoot."

       Alas kuwatro nang nagtungo kami sa mall  ni Denise. Inabot kami ro'n ng ala sais ng gabi. She's buying a lot of things. Bibilhin niya ang mga gamit na nagugustuhan niya at tatanungin naman ako kung ano ang gusto ko, ngunit paulit ulit lang akong umiiling sa kaniyang alok. While watching her buying the things that she needs and wants, I couldn't help but to took a deep sigh. Kung saan ay katulad ko rin ang mundong ginagalawan niya.

       Alam ko naman na para sa kanila ang pag-aaral ay isang susi para sa maganda nilang kinabukasan, but for a person like me? No. It isn't for me. She's way too far from me.

"Done na! Cypher, kumain muna tayo. Nagugutom na ako e." Tumango lang ako sa kaniya bago kami pumunta sa isang fast food.

        Mga bandang ala syete ay umuwi na rin kami, at dahil sa nasa sampung paper bags yata ang mga dala niya ay ako na ang nagdala ng lima. Napabuntonghininga na lang ako nang kahit ilang beses ko siyang tinanggihan ay binilihan niya pa rin ako ng mga gamit.

        Pagkarating ko sa apartment ay nilagay ko muna sa isang tabi ang mga paper bags na dala ko. I checked the time; maaga pa para umalis ako at pumunta sa sinasabing lugar ni Amethyst. Ngayon pa lang, hindi ko na maiwasang mapaisip kung para saan at pinatawag niya ako.

       Bandang alas otso y medya ay nagbihis na ako. I removed my eyeglasses and wore my black leather jacket with my black ripped shorts. Sinuot ko rin ang combat boots kong itim. Hinayaan kong nakalugay ang aking tuwid at itim na buhok na lagpas sa aking balikat. Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng aking study table bago lumabas ng apartment. Hindi pa masyadong malalim ang gabi kaya naman may mga tao pa akong nakikita sa labas.

        Pumunta ako sa may garahe upang kuhanin ang aking motor. It's been a week sinced I've last use this; nakaka-miss din pala. Sumakay ako at kaagad itong pinaandar papunta sa lugar na iyon. Bumungad sa akin ang madilim na kalsada pagkarating ko sa mismong lugar at tanging ilaw lamang sa poste ang nagsisilbing liwanag.

       Ipinarada ko ang aking motor nang napansin ko ang ilang mga kotse na nakaparada sa isang abandonadong gusali.

       So, they are already here. Mukhang imbitado din ang iba pa.

        Nagsimula akong maglakad papasok sa gusali. Mula rito ay natatanaw ko ang ilang mga kalalakihan at kababaihan, pawang nag-hihintay sa aking pagdating ko.

"She’s here," rinig kong wika ng isang pamilyar na boses. I glanced at Seike as he winked at me. Tinanguhan ko lang naman siya.

"Where's Amethyst?" tanong ko nang tuluyang nakalapit sa kaniya.

"Paparating na siya," wika ng iba naming kasama. Napalingon kami sa aming likuran nang nakarinig ako ng yabag ng isang takong.

       A woman wearing her red dress that's above her knee, and a black leather jacket covering her shoulder. Kita sa repleksyon ng ilaw na nagmumula sa isang poste ang usok mula sa hinihithit niyang sigarilyo. Walang pinagbago; she's still the Amethyst that I knew.

"Is everything under my position, complete?" she asked.

"Oo naman. Walang labis, walang kulang," wika ng isang kasamahan naming lalaki. Hindi pamilyar ang hitsura ng iba, kaya malamang sila ang bagong salta.

"Good. Now, we should start. Follow me."

       Sumunod kami kay Amethyst hanggang sa nakarating kami sa isang malinis na silid. The paints on the wall are visible. Kitang-kita ito sa pagbukas pa lang ng switch ng ilaw. Nakakamangha pa rin hanggang ngayon dahil may ganito pang silid na natitira sa abandonadong lugar na ito.

"Please take a seat." Umupo kami sa mga upuang nakapalibot sa isang mahabang lamesa. Kung bibilangin kung ilan kami sa silid na ito ay masasabi kong higit kami sa sampu. Katabi ko sa aking kanan si Seike habang si Amethyst ay sa mismong dulo ng lamesa nakaupo. "Before we start, gusto ko munang sabihin sa inyo na baka may mabago sa inyong mga pananaw kapag sinabi ko ang bagay na ito," panimula niya na ikinataka naman namin. What does she mean?

"What do you mean?" I asked.

"Kung dati palipat-lipat tayo ng trabaho at ng pino-protektahan, now we're going to stay in one place. We have a new work, dati pa rin naman pero...sa panibagong pagsisimula muli." Nagkatinginan kami ni Seike dahil do'n.

       So...who's the lucky boss?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status