Share

Chapter 2: My Bad

Cypher's POV

Hinanda ko ang aking mga gamit para sa pagpasok. Sinuklay ko ang aking tuwid na buhok, at halos mapangiwi na lang ako nang napansin ko na medyo maikli ang skirt na aking suot. Initupi ko ang aking long sleeve hanggang siko at hindi na inabala pang ayusin ang aking pulang necktie katerno ng kulay ng aking palda. Hinayaan kong hindi bukas ang kuwelyo ng aking uniform dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakahinga. Sinuot ko ang aking eyeglasses matapos kong mag-ayos. Inihanda ko na ang aking bagahe. Ayon kasi kay Denise ay isa rin 'yong dorm school, kaya naisip kong mag-dorm na lang.

Pagkabukas ko ng pintuan ng aking apartment ay bumungad sa akin si Denise na may malawak na ngiti sa kaniyang labi. Maayos ang kaniyang uniform at halata sa kaniyang hitsura ang pagiging excited sa pagpasok. Tss. Kung hindi lang dahil sa babaeng ito hindi ako maglalakas-loob na pumasok ng eskwelahan.

"My Gosh, Cypher! First day na first day ganyan hitsura mo? Ngiti naman diyan," pag-aalo sa akin ni Denise, ngunit nanatiling blangko ang aking ekspresyon.

"Let's just go," walang gana kong saad bago kami sumakay sa taxi na maghahatid sa amin sa Adamson University.

"Excited na ako! Ikaw ba, Cypher?"

"I'm not." And that's the truth. Paano ako magiging excited sa isang bagay na hindi ko naman gusto?

"Ang KJ mo talaga no? Hmp." Tumahimik na siya matapos niyon hanggang sa nakarating kami sa sinasabi niyang university.

Hindi na ako magtataka kung ang bubungad sa amin ay ang isang malaking gate. Kaagad na ipinara ng driver ang sasakyan sa harap ng gate. Nagbayad kami, pagkatapos ay bumaba na rin. Mula rito sa aming kinatatayuan ay tanaw na tanaw ang malawak na parking lot na napupuno ng mga mamahaling sasakyan.

Automatic na nagbukas ang gate kaya naman kaagad na kaming pumasok ni Denise. Pagtapak pa lang namin sa corridor ay samut-saring mga studyante na ang bumungad sa amin. May ibang napabaling sa amin ang atensyon, ang iba naman ay walang pakialam at patuloy lang sa pagku-kwentuhan. I couldn't help but to frown, although this was the thing that I really wanted to before—to study and to have friends, but that was only when I'm too innocent to notice that thing aren't really the same as I've imagined.

"Tara na sa office. Kailangan nating makuha ang schedule natin, pati na rin kung saan ang dorm," wika ni Denise bago niya ako hinila sa kung saan.

Huminto kami sa tapat ng isang pintuan. Kumatok muna si Denise, nakarinig naman kami ng nagsalita mula sa loob na nagsasabing pumasok na. Pagkabukas ng pintuan ay bumungad sa amin ang isang babaeng brown at medyo wavy and buhok. She has white flawless skin that matched her innocent look. She's younger than what I've expected. Maybe she's just around 20's. Inaasahan ko kasi na nasa 40 pataas ang bubungad sa amin.

"Mind to introduce yourselves?"

"I'm Denise Villa Fuerte. I'm 17, and this one is Cypher Ashy Kim." Itinuro niya ako. "She's 19 years old." Gusto kong mapailing kay Denise. She doesn't need to mention my age. Napatango-tango sa amin ang Dean bago ito may kinuhang folder sa ilalim ng kaniyang desk.

"Well then, here's your schedule, the map of the school, the number of your rooms, and the number of your dormitory." Inilahad niya sa amin ang tig-isang white folder.

Napatingin naman ako sa table kung saan nakalagay ang kanyang name plate. Selena Adamson. Kung gano'n, siya ang may ari ng university? O baka anak ng may ari ng university.

Nagpasalamat si Denise bago kami tuluyang lumabas ng silid.

"Ano'ng dorm number mo?" Binuklat ko ang folder na aking hawak saka ko tiningnan ang number ng aking dorm.

"404." Napansin ko ang bahagya niyang pag-nguso.

"106 ako. Kaasar naman. Dapat magkasama tayo e."

Nang nakarating kami sa Girls' Dormitory gamit ang mapa ng school ay kaagad na kaming naghiwalay. She's in the first floor while my dorm is on the fourth floor. How I wish that I don't have a roommate.

Pagtapat ko pa lamang sa pintuan na may number na 404 ay eksakto naman ang pagbukas nito, hanggang sa bumungad sa akin ang isang babaeng medyo maputi at may katangkaran.

"Oh hi. Ikaw ba 'yong bago kong dorm mate?" Tumango ako sa kaniya bilang pagsang-ayon. She's wearing the same uniform like mine. Of course, we're in the same university. Tss.

"Thanks God, dahil may makakasama na ako. By the way, nasa itaas ang kuwarto natin. 'Yong bakanteng higaan, sa 'yo iyon." Tumango lang ako sa kaniya. "Just stay here. May bibilhin lang ako sa labas. By the way, my name is Farris Elvis." Inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan. It took me awhile to stare at her hand before I decided to accept it.

"Nice to meet you," saad ko bago tuluyang pumasok ako sa loob. Ramdam ko ang tingin niya sa akin, ngunit naglaho rin 'yon nang naramdaman ko ang kaniyang pag-alis.

The huge living room welcomed me. May glass table sa gitna na pinalilibutan ng dalawang mahabang sofa at dalawang single coach. Sa harapan niyon ay may isang flat screen TV na tama lang ang laki. Napatingin ako sa may dulo at doon ko napansin ang kitchen. Bago makapasok doon ay may makikitang hagdan sa katabi ng pintuan. Tumungo ako sa may hagdan at umakyat papunta sa itaas. Bumungad naman sa akin ang dalawang kama at dalawang malaking cabinet. Mayroon ding dalawang study table sa bandang gilid ng pintuan. Sa may bandang dulo naman ay ang CR. Nagmistulang condominium unit ang mga dorm.

Napatingin ako sa may pintuan nang nakita ko itong bumukas. Bumungad sa akin si Farris na may dalang mga pagkain.

"The class is about to start. Saang building ka?" tanong niya.

"Engineering building," sagot ko sa tanong niya. Nakita ko naman ang bahagya niyang pagka-amuse dahil sa sinabi ko.

"Cool. HRM building kasi ako."

Sinabi niyang magsisimula na ang klase kaya inaya na niya akong lumabas. Pinauna ko na lang siya dahil sinabi kong mamaya na lang ako. Bahala na kung masita ng Prof, unang araw pa lang naman.

Sinadya kong magpa-late nang mahigit trenta minutos dahil paniguradong wala naman doon ibang gagawin maliban sa pagpapakilala. Inaasahan ko na may Prof na sa room, ngunit hindi ko inaasahan na pagbukas ko sa pintuan ay mga nagba-batuhang mga studyante ang bubungad sa akin. Kaagad kong nasalo ang isang guyumos na papel nang nagtangka itong tumama sa aking mukha.

"Woah! We have a new classmate!" rinig kong sigaw ng isang babaeng kulot at hanggang balikat ang buhok.

"What? A nerd?" I've heard the other woman said. "Gross." Hindi ko na lang pinansin ang mga pinagsasabi nila at pumunta na lang sa bakanteng upuan sa may huli.

I didn't know that the students here are WELL DISCIPLINE. Pabalya kong inilagay ang aking bag sa upuan sa may pinakahuling row. Napansin ko naman na biglang tumahimik ang buong room, at doon ko lang napansin na nakatingin silang lahat sa akin. Bumaling ako sa kanila.

"Problem?" I asked. Lumapit naman sa akin ang isang babaeng hanggang baywang ang buhok. The authority in her expression is visible. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"A nerd, huh? Hindi ko alam na may mga nakakapasok pa pa lang mga shokoy sa school na 'to." Napuno ng tawanan ang buong silid dahil doon.

I couldn't help but to just took a deep sigh. It's not my concern anymore if they don't like me. I'm not here to please everyone, I'm here because Denise wanted to. Hindi ko na lang siya pinansin at umub-ob na lang ako sa aking desk.

"Woah! Did you see that, Keira? She just ignored you!" I heard them muttering something but I just ignored it. Maya-maya lang ay may naramdaman akong kamay na marahas na humatak sa braso ko. Napaangat ako ng tingin.

"Didn't you know the words don't turn your back when I'm still talking to you?" Kita ko sa mga mata niya ang matinding inis, ngunit imbis na isipin pa ang mga sinabi niya ay hindi ko na lang iyon binagyan ng pansin.

"Sorry, but I don't talk to strangers." I have no time for her nonsense words. She better shut her mouth.

"Really?" Ilang segundo niya akong tinitigan, ngunit pagkatapos niyon ay ang marahas niyang paghila sa aking buhok at ang malapanit na palad na tumama sa aking pisngi.

Students gasped because of what she did, habang ang pisngi ko ay napirming nakatagilid. Napapikit ako nang mariin at inayos ang eyeglasses kong suot na bahagyang tumabingi dahil sa sampal niya bago ko siya hinarap.

"Look. I have no time for your nonsense game. So just shut up your mouth when I still have the patience. Okay?" Bahagyang natahamik ang buong paligid dahil sa aking sinabi. Wala akong balak na patulan siya sa kaniyang ginawa, dahil wala akong panahon para sa mga walang kuwentang bagay. Who is she anyway to waste my time?

"Are you telling me what I'm going to do—" Before she could even finish her words the door suddenly opened as the man wearing an eye glasses entered the room.

"Students! Pick up those pieces of papers and put it on a trash can!" Biglang naalarma aang mga estudyante at nagmadaling pinulot ang mga papel na nakakalat sa sahig dahil sa sigaw ng prof. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. He must be a terror one.

"You!" He pointed his forefinger on me. "Why are you just standing there and watching your classmates picking up those papers?! Pick up those papers!" Napamaang ako nang bahagya sa kaniya.

"I'm sorry, but I didn't do anything, sir. It's their business, not mine." Napansin ko ang biglang pagkahinto ng aming prrof nang mataman ko siyang tiningnan, ngunit kalaunan ay napaiwas din siya ng tingin at napatikhim.

Matapos mapulot ang mga kalat ay kaagad na nagsiayos ng upo ang mga studyante na tila mga batang matitino dahil sa sobrang tahimik.

"For those transferees na hindi pa nakakakilala sa akin, I am Professor Franco Umaban your adviser for year. Who are the transferees here?" Lahat ng kamay ng mga blockmates ko ay napaturo sa akin. Nabaling ang tingin sa akin ng Prof at ilang segundong napamaang at napakurap-kurap sa akin.

"Mind to introduce yourself, Miss?" Tumayo ako at hindi na nag-abala pang pumunta sa unahan.

"Cypher Ashy Kim. 19." Matapos niyon ay umupo na rin kaagad ako. Bahagya namang tumahimik ang buong room na tila may hinihintay pang salita mula sa akin, ngunit kalaunan ay nagsalita na muli ang aming prof.

Napalibot ang aking mata sa buong room. Napansin ko ang isang babaeng nakatingin sa akin nang masama. What's her name again? Kara? Kesha? Okay. Whatever. Napansin kong may binulong ang katabi niyang babae. Napansin ko namang napangisi si Kesha—I now remember, her name is Keira. Nakita kong ngumisi ito bago tumingin sa akin. I'm pretty sure that something's playing in her mind.

"Okay students, since this is the first day of class, all subjects haven't a class. Pinapayagan ang lahat na maglibot muna sa buong campus." Matapos iyon sabihin ng prof ay kaagad na nagsigawan ang mga estudyante dahil sa tuwa, maliban sa akin na nanatiling tahimik sa isang tabi. "But!" The room filled with silent. "No one's allowed to go outside the university. Every weekend lang kayo puwedeng lumabas ng campus. Alam niyo 'yan." Kaniya-kaniyang alis ang mga studyante sa room nang umalis ang aming professor hanggang sa ako na lang ang naiwan.

I checked my wrist watch. Alas nuwebe pa lang, ngunit nakakaramdam na ako ng gutom. Kinuha kong muli ang aking map upang hanapin kung nasaan ang cafeteria. Kinuha ko ang aking bag at isinakbat sa aking kanang balikat bago ako tumayo at nagtungo sa cafeteria.

Noise. That's the thing that welcomed me when I entered the cafeteria, ngunit hindi lang basta ingay ang aking naririnig dahil tila may pinagkakaguluhan sa loob. Patuloy ako sa paglalakad nang may biglang bumunggo sa akin at natapon sa aking uniform ang spaghetti na hawak ng kung sino.

Napatingin ako sa aking uniform na ngayon ay namantsahan na.

"Oh, my bad." I looked to one who did it.

Keira.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status