Share

Borrowed Time
Borrowed Time
Author: gee2dee818

One - That Night

MY whole body shook in anger when I saw the picture Klein sent me.

My initial reaction is I should be crying right? But I am not. I didn’t even shed a single tear from my beautiful eyes. All I want to do is to get there the soonest possible time and slap her face with my bare hands!

'I can't believe you can do  this to me Grant. Now that we are about to get married? The fuck! Wag ko lang talagang maaabutang magkadikit kayo dahil manghihiram ng mukha sa aso ang bestfriend mong higad na yan!'

Nagmamadali akong bumaba ng taxi at hindi na inantay pa ang sukli ko. Malalaki ang bawat hakbang ko papasok sa loob ng Oxygen Bar kung nagaganap ang kahayupan jowa ko at punyaterang bestfriend niya.

"Hey, Summie." Bungad ni Klein sa akin na mukhang kanina pa naghihintay sa akin sa may entrance.

"Nasaan sila?" Tanong ko at agad naman niya akong hinila ng walang sali salita. Si Kenzo naman ay nakasunod sa amin.

Hindi sya bading. Tunay at straight na lalaki yan. Pulis sya at kasalukuyan syang naka leave kaya nakakagala kasama namin.

Wala din kaming romantic feelings para sa isa't isa okay? Bestfriends lang kami. Period. No erase. Tapon susi.

Ilang dipa pa ang layo namin sa kanila pero rinig na rinig ko na ang nakakarinding halakhak ni Jordin at kulang na lang ay makipaghalikan na ito kay Grant dahil sa sobrang nilalapit niya ang mukha sa jowa ko.

"Whew! Feeling ko may uuwing single mamaya," napapasipol na sabi ni Kenzo at tinignan ko sya ng masama.

Itinaas naman niya ang dalawang kamay na akala mo ay sumusuko na.

"Baka uuwing bangkay pwede pa!" Galit na sigaw ko sa kanya.

"Manahimik ka na lang kasi," singhal naman ni Klein kay Kenzo.

Bagay sila 'no? Watchu think?

"Eto na pala ang meeting ngayon, Grant?!" at kitang kita ko ang gulat sa mukha niya ng makita ako.

Medyo madilim pero kitang kita ko ang pamumutla niya.

'Mamumutla ka talaga, Grant.'

Bigla din naman nagdatingan ang mga kaibigan nya at ang masasamang tingin ko ang bumati sa kanila.

"Look. Let me explain. I know mali ako. Pero please let me explain. Let's talk outside. Wag dito. Maraming tao." Kalmadong sabi nya na akala mo ay iniwanan na sya ng espirito ng alak sa katawan nya.

"Woooow! Nahihiya kang smag usap tayo dito pero tangina lang hindi ka nahihiyang makita ng mga nandito na naglalandian kayo ng kaibigan mong yan?!" Galit na sigaw ko habang dinuduro si Jordin.

Yes. Hindi kami magkasundo. Umpisa pa lang ng relasyon namin ni Grant, lagi na syang nakaepal. Minsan magugulat na lang ako nakasunod na sya sa kung nasaan kami. Malapit ko na ngang isipin na obsessed sya sa fiancee ko.

"Pwede ba, wag mo ngang dalhin dito yang ugaling squatter mo!" sigaw din niya sa akin.

"Pwes wag mo din dito dalhin yang ugaling pokpok mo! Masyadong sosyal ang bar na ito para sa haliparot na gaya mo. Duon ka dapat sa mga puchu puchu na bar sa mga kanto kanto! Baka sakaling duon katanggap tanggap yang pagiging malandi mo!" Dirediretsong sabi ko at susugurin ko na sana sya ng biglang iharang ni Grant ang sarili niya at yakapin ako.

"Please. Let's talk outside. Please," sabi niya at unti unti akong hinila palabas.

Kung nakakamatay lang ang tingin kanina pa bumulagta sa sahig tong si Jordin.

Pagdating sa parking area ay marahas kong binitawan ang kamay ni Grant. Para ramdam nya yung galit na nararamdaman ko.

"Explain. Anong kailangan kong maintindihan sa nakita ko sa loob na halos maghalikana na kayo dahil sa sobrang lapit ng mukha ng 'bestfriend' mo sa'yo? Explain!" Malakas na sigaw ko at wala na akong pakialam kung may mga makarinig.

"I'm sorry okay. Alam kong maling hindi ko sinabi sa'yo na pupunta ako ng bar together with the boys. But I swear, hindi ko alam na nandito si Jordin, or na pupunta sya. Mas nauna kaming dumating dito sa bar bago sya. And, she is my bestfriend and ganito na talaga kami noon pa. Ang tagal na natin syang nakakasama ang ganito na talaga kami. Alam mong bago ka pa dumating bestfriends na kami. Childhood bestfriends," Sabi niya sa akin na para bang nauubusan na sya ng sasabihin.

"Bestfriends? Kaya ganon na lang ang paglingkis nya sayo? Siguro para sa iyo bestfriends lang, pero para sa kanya may iba ng meaning. O baka naman alam mo ng may meaning pero okay lang sayo. Para kapag wala ako at busy ako, pwedeng kayo?"

"W-what? Saan naman nanggaling ang idea na yan? Bakit may ganyang idea? Ako kahit kailan hindi nag isip ng ganyan sayo patungkol sa inyo ni Kenzo kahit pa sobrang lapit ninyo sa isa't isa!"

"Eh baka naman kasi, gawain niya kaya ipinasa nya sayo? Para ikaw ang magmukhang mali, at anghel sya," singit ni Jordin habang nakangising nakatingin sa akin.

"Walang nanghihingi ng opinyon mo.kaya manahimik ka!" Sigaw naman ni Klein.

"Well then manahimik ka din dahil hindi ka niya attorney!"

"SHUT UP! SHUT THE FUCK UP!!!" Sigaw ni Grant kaya natahimik ang dalawa.

"Hindi nga kaya tama si Jordin? Hindi nga kaya ikaw ang may ginagawang hindi tama kapag nakatalikod ako at kapag yang bestfriend mo lang ang kasama mo?" Tanong niya. Ang kaninang malamlam nyang tingin sa akin, ngayon ay puno na ng galit.

Napakagaling mo talagang magpaikot, Jordin.

FLASHBACK

"Grant, makinig ka naman sa akin. Hindi totoo ang mga naririnig mo," halos maiyak na ako sa pagmamakaawa sa kanya dahil galit na galit talaga sya sa akin.

Mahal na mahal ko sya at hindi ko kakayanin na mawala sya sa akin. Oo bago pa lang kami. Two weeks pa lang kami tapos biglang may ganitong lalabas na issue?

"Sige, sabihin mo sa akin, anong ibig sabihin ng picture na ito?"

It was me and Kenzo sa may mini park sa university. Nakatalikod si Kenzo at medyo natatabingan niya ako kaya ang itsura ay parang hinahalikan nya ako.

"Napuwing lang ako niyan. Kaya ganyan ang itsura namin. He is not kissing me. Wala kaming ginagawang masamang dalawa. He is just my bestfriend."

"Wala naman sinabi si Grant na nagkiss kayo ah? Bakit yun ang sinabi mo? Baka naman kasi totoong nagkiss kayo?" Maangas na tanong ni Jordin.

"Excuse me? What are you doing here? Usapang magkarelasyon 'to. Hindi namin kailangan ang opinyon mo."

"If not because of her, hindi ko pa malalaman ang nangyaring yan."

"So, naniniwala ka sa kanya, kaysa sa akin? Sa akin na girlfriend mo? Mas nanini-"

"Oo mas naniniwala ako sa bestfriend ko. Ayoko sa lahat ay yung ginagago ako!" Galit na sabi niya tapos ay tinalikuran ako. Naiwan naman si Jordin na nakatayo pa din sa pwesto niya.

"Owwww. Kawawa naman. Hindi pinaniwalaan ng sarili niyang boyfriend. Kung ako sa'yo, bibitaw na ako. Kaysa sa huli, iiyak ka lang palagi," sabi niya. And at that moment, alam kong sya ang may pakana ng lahat  pero hindi ako tanga para sumunod sa gusto niya.

And right at that moment, alam kong hindi lang yun ang una at huling beses na gagawin nya iyon sa amin ni Grant.

END OF FLASHBACK

"Heto na naman ba tayo Grant? Sa kanya ka na naman ba maniniwala? Hahayaan mo na naman syang paikutin ka? Sa limang taong pagsasama natin? Parang bilang lang sa daliri ko sa kamay yung pagkakataong naniwala ka sa akin ah? Sana naman hinayaan mong maisama ko yung mga daliri mo sa paa sa bilang ng kung ilang beses ka nagtiwala sa akin. Kasi ang sakit lang Grant e. Yung boyfriend ko na naging fiancee ko na soon to be magiging asawa ko, hindi man lang kayang ibigay sa akin ang buong tiwala niya e," umiiyak na sabi ko. Pinilit kong pigilan yung luha ko pero wala e, kusa silang pumatak. Kagaya ng parang kusang pagkapagod ko sa relasyon naming ito.

Tumingin ako sa langit at pinigilang muli ang mga luhang nagbabadya na namang pumatak.

Mula sa malabo kong paningin gawa ng luha ay kitang kita ko kung gaanong kaliwanag ang mga bituin sa langit.

SHOOTING STAR!!!

'Wish I may. Wish I might. Make my dream come true tonight. Sana  mabigyan ako ng pagkakataon na balikan ang nakaraan para baguhin ko ang mga desisyong ginawa ko.'

Muli kong tinignan si Grant, at mataman din syang nakatingin sa akin. Nangingilid na din ang luha sa kanyang mga mata.

'It's now or never. Ask it or regret it forever."

"Mahal mo ba talaga ako? O napilitan ka na lang na mahalin ako kasi, alam mong mahal na mahal kita?"

"Mahal na mahal kita kaya nga buo ang tiwala ko sa iyo e. Kaya nga kahit kailan hinding hindi ako nagduda sa iyo. Dahil sapat na yung pagmamahal na nararamdaman ko para magtiwala ako sa iyo. Pero bakit sinasabi mong wala akong tiwala sa iyo? Kung ang totoo naman ay parang ikaw ang walang tiwala sa akin?" Sabi niya habang mah isa hanggang sa sunod sunod na luha ng pumatak sa kanyang mga mata.

In our five years of relationship, ngayon ko lang sya nakitang umiyak everytime na may pagtatalo kami.

Mali na ito. Pareho na kaming kinukwestyon ang tiwala para sa isa't isa. Hindi na sapat ang pagmamahal namin para pagtiwalaan pa namin ang isa't isa.

This time, alam kong ito ang tamang gawin. Alam kong mali sa paningin niya, at sa mga kaibigan namin pero alam kong ito ang tama. We both need this.

"Let's call off the wedding. Let's end our relationship here." Matapang na sabi ko. Hinihintay ang kanyang sagot.

"WHAT? Are you serious Hope? Just because hindi ako nagsabing pupunta ako sa bar? Na biglang dumating si Jordin na hindi ko nalalaman? Can you please be more mature? Pwede bang this time ako naman ang pakinggan mo?" Hindi siya galit. Hindi din sya nagmamakaawa. Wala akong emosyong maramdaman sa bawat katagang sinasabi niya.

Tama pa ba itong nararamdaman ko?

"Kailan ba ako 'nagloko' Grant? Kailan ba kita 'hindi pinakinggan'? Kailan ba ako 'hindi naging mature' sa relasyon natin na ito? Sige nga sabihin mo. Ayoko na. Pagod na akong intindihin ka kapag sya ang mas iniintindi mo!" Galit na sabi ko habang tinuturo na naman si Jordin.

"No! We will talk. Duon tayo sa bahay mag uusap!" Sabi niya sabay hila sa kamay ko.

"Shit Grant! Masakit ano ba?! Let go of me! Nasasaktan na ako!" Reklamo ko habang patuloy na kinakalas ang kamay ko mula sa pagkakahila niya.

"Grant tama na! Nasasaktan na si Summer," naririnig kong sigaw ni Wilson, at maging ng iba pa nkyang kaibigan at dalawang bestfriend ko.

Pero wala syang pinakikinggan. Para syang naging bingi sa bawat ingay ng sigaw nila. Maging ang bawat daing ko ay hindi man lang niya pinakikinggan.

Agad niyang binuksan ang pintuan ng passenger's seat at halos pabalibag niya akong tinulak paloob.

Hindi ko na gusto ang kinikilos ng Grant na nandito ngayon. At mas lalong tumaas ang kaba sa dibdib ko ng pumasok sya sa loob at ilock ang lahat ng pinto ng sasakyan.

Sa labas ay maririnig ang sigaw ng mga kaibigan namin asking him to open the door.

"Hindi ka makikipaghiwalay sa akin, Summer Hope. Ako lang ang mahal mo. At kahit kamatayan hindi tayo mapaglalayo." At nanindig ang mga balahibo ko hindi dahil sa kilig kung hindi dahil sa takot sa mga salitang binitawan niya.

Naging triple ang kaba ko ng bigla nyang patakbuhin ang sasakyan.

Matulin.

Na sa sobrang tulin ay para bang blurred na ang nasa labas. Hindi ito ang Grant na nakilala ko.

'Lord, please guide us. If only I can turn back the time, hindi ko bibitawan ang mga salitang iyon. Pakikinggan ko sya. Ang paliwanag niya. Please.' taimtim na dasal ko.

"Grant, please. Slow down. Masyadong mabilis ang pagpapatakbo mo. Baka maaksidente tayo," pakiusap ko pero parang wala na naman syang naririnig.

Nakakakapit na ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ng upuan dahil sa sobraaaang bilis ng takbo niya.

Yumuko sya para kunin yung phone niya na nalaglag at huli na ang lahat ng biglang may kotseng nag take over mula sa likuran namin.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Deepika Gautam
what is this pls convert Eng I'm not understand
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status