Share

Ten - When You Realized. . .

“Why did you do that? Look at your face,” sabi ko habang dinadampian ng bimpo ang gilid ng labi niya.

“Because he is cheating right in front of you, Ate,” galit na sagot nito.

“Can you calm down, Jaspher. I know you are concerned about me, and I thank you for that. Pero, you don’t need to involve yourself and get hurt. Now, how can I explain this to you mom if she calls you?”

“Don’t worry Ate, she won’t. Even if I am admitted in the hospital and about to die, I’m sure she ill ot show up. Business first before anything else. Sad but true. That is the reality of my life,” malungkot na sabi nito.

Alam ko yung pakiramdam na iyon, pero sa part ng daddy ko. He is always busy. Yun tipong kailangan pa namin minsan mag-beg sa kanya para sa oras at atensyon niya. Ang hirap. Ang sakit. Nakaka-disappoint.

“Ate! I’m hungry. Can you cook na po?” Tumango naman ako bilang sago at nagdirecho na sa kitchen.

Jaspher is still a teenager, but the way he thinks is more mature than Grant. Sapilitan siyang pinag-mature ng mga karanasan niya sa murang edad. Kaya hindi ko in-expect na magagawa niya yun kanina kay Grant at Jordin.

FLASHBACK

“So, mas bata na pala ang gusto mo ngayon?” sabay kaming napatingin sa nagsalita. It’s Jordin, with Grant.

And what surprised me is Jordin leaning on Grant, while his left arm is wrapped around his shoulder. Parang mag-boyfriend at girlfriend lang.

“Grant. I didn’t expect you here. I mean, akala ko nasa Palawan ka pa? At hindi ka pa nakakauwi?” dire-diretsong tanong ko dahil hindi ko maipaliwanag ang kaba at inis na nararamdaman ko.

“So, what is this all about Summer? Don’t tell me nagkamali na naman ako ng iniisip? Kitang kita na ng dalawang mata ko. Ginagago mo ba ako?” Mahinang tanong niya pero ramdam ko ang galit sa bawat salitang binitiwan niya.

“What? Hindi. He is the son of one of our biggest client, and I am here to assist him while he is on vacation. Grant, mali ka sa iniisip mo,” mahinahon kong paliwanag sa kanya.

“Kasama ba ang paglalandian ninyo sa pagiging assistant niya? Baka nakakalimutan mong may fiance ka na. Let's go,” at hinila niya ang kaliwang kamay ko.

“She’s not going with a cheater like you, You have your girl with you, then you want to drag her too? No,” madiing sagot ni Jaspher at hinila ako pabalik sa side niya.

“Wala kang alam bata, kaya manahimik ka lang dyan. Let’s go Summer,”

“No. You are cheating on her, Palawan? You are in the same flight as mine with that girl. I saw you both at the airport. Now who’s lying? Now who’s cheating? You don’t love her. You just put the ring on her finger because you don’t want her to doubt you even if you are lying right in front of her. You don’t lo-”

Jaspher wasn’t able to finish what he is saying because Grant punch him. Mahal ko si Grant, pero mas nangingibabaw ang sakit mula sa mga narinig ko. Mas pinili kong tulungan si Jaspher dahil alam kong mas naging totoo siya sa akin kaysa ay Grant.

Tinignan ko muna sila ni Jordin bago tuluyang naglakad papalayo sa kanilang dalawa. Sa taong pinagkatiwalaan ko, at sa taong pilit sumisira ng tiwala ko.

END OF FLASHBACK

“Yah! Ate,” nagulat ako sa sigaw ni Jaspher.

“What?”

“You’re thinking about them? No, You are thinking about them,” tumatango tangong sabi niya.

“I’m not. I’m thinking how to explain to my dad iyang bruise sa mukha mo,” palusot ko.

“Yeah right. Don’t worry about Mr. Perez, I can explain myself to him.”

“Fine. You say so. Eat now, we still have to leave early tomorrow.” tapos ay tumayo ako at pumasok na sa kwartong nakalaan para sa akin.

I immediately checked my phone hoping for a message, or should I say expecting for Grant to text me and ask about what happened dun sa mall kanina. Pero I didn’t receive anything. 

‘Great job, Jordin. You won again. Ako na naman ang masama sa paningin ni Grant ngayon.’

I didn’t even send any message to grant, para naman maramdaman niyang galit talaga ako dahil sa pagsisinungaling niya. Palawan? Kailan pa napunta ng Palawan ang Japan? Tell me, when?

“Time Master.”

“Yes, Mi Lady,” at yumukod sa harap ko.

“Hala ka. Mapagbiro ka talaga, pero may tumatawag sa akin ng Mi Lady noon hindi ko lang maalala kung sino. Hahaha.”

“Bakit mo ako tinawag? Anong kailangan mo sa akin ngayon?”

“Tsk. Gusto ko lang may makausap. Hay,” buntong-hininga ko.

“Spill it, I’m here to listen.”

"All my life sya lang ang lalaking minahal ko, bukod kay daddy. Ibinigay ko ang lahat sa kanya," at tumingala ako para pigilan ang nagbabadyang luha.

"Oras, pagmamahal, at pagtitiwala. Kahit na pilit sinisira ng isang tao, pilit ko naman ipinaglalaban. Pero bakit ganun? Bakit ngayon na nakikita ko ang mga hindi ko nakikita noon, parang nakakapagod na siyang mahalin. Para bang dumarating na ako sa puntong gusto ko na lang isuko ang kung ano mang nararamdaman ko para sa kanya. Bakit parang ang unfair? Bakit parang sinasaktan lang ako ng desisyon ko na bumalik," at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.

“Pero mahal mo.” buong kasiguraduhan sabi niya sa akin.

Mahal ko pa nga ba si Grant? O nasanay na lang ako sa ideyang mahal ko pa sya?

“Let me show you something,” sabi niya at hinila ako papunta sa may vanity table ko.

Tumingila ako sa kaya ng hawakan niya ang dalawang balikat ko. 

‘Ano bang nangyari dito kay Mr. Tick?’

“I will show you what really happened during the time that you and Grant are away from each other. When you were busy taking care of Jaspher, and when he said that he will be in Palawan. After these, tell me your answer. Tell me the truth.”

Isang pitik at para bang nanonood ako ng movie sa vanity mirror ko.

Unang lumabas si Grant na kausap ang boss nya and asking him to go to Palawan para i-check ang new project nila na si Grant ang magle-lead. Kitang kita ang saya at excitement sa mga mata ni Grant dahil isa ito sa biggest project ng kanilang kompanya tapos ay siya pa ang napili.

“I’m sure magiging proud si Summer para sa akin dahil sa achievement kong ito. And I’m really doing my best for our future, also I want to give her the best wedding. Handa ko naman syang pakasalan ng kahit ilang ulit, pero gusto ko sobrang memorable at magical ng first wedding namin.” nakangiting sabi ni Grant habang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin.

Bakit hindi ko alam na ganito ka na pala mag-isip ng about sa future natin? O sadyang binabalewala ko lang ang lahat dahil sa paulit-ulit na nangyayari sa pagitan namin ni Jordin?

Sumunod na ipinakita ay si Grant kausap muli ang boss niya sa telepono ng maging successful ang project nila sa Palawan.

“Mr. Lucero maraming salamat po sa pagtitiwala niyo sa akin na ihandle ang project na ito. I really owe you a lot.” Grant.

“You deserve that, and because you did great with the last project our client wants you to fly to Japan and deal with the Japanese client. Isa iyon sa pinakamalaking client natin doon. And we have faith in you na makakaya mo siyang papirmahin ng contract and be part of our company.”

Kusang tumulo ang mga luha ko dahil sa narinig ko. Nagkamali ako. Inuna ko na naman ang selos at galit kaysa ang pakinggan siya. Nakalimutan ko na naman kung paanong pailalim kung sumugod si Jordin. Kung paanong gagawin ni Jordin ang lahat para lang mapaghiwalay niya kami.

Bakit ko nga ba nakalimutan kung paano niyang nagagawang paikutin si Grant sa mga kasinungalingan niya? Kung paano niyang nagawang minsan ng sirain ang tiwala na mayroon sa akin si Grant.

Pumunta siya ng Japan para sa isang business trip. Sumunod si Jordin ng malaman niya ang tungkol doon, pero para kay Grant isa lamang itong coincidence na pareho silang nasa Japan at pareho pa ang flight nilang dalawa pabalik ng Pilipinas.

At ito ang nakita ni Jaspher. Ang kapirangot na pangyayari na sa tingin niya ay mali. Mga pangyayaring akala niya ay magiging dahilan para masaktan ako. I really admire how brave he is, para talagang si Klein e walang ina-atrasan. Nagawa pang mag-pasapak. Lagot ako ngayon nito kay daddy bukas.

Hindi ako niloloko ng mga mata ko ng makita ko sila noong araw na iyon sa airport. I was so stupid para magpadala sa sinasabi ng iba. I was so stupid para hindi siya pakinggan. I was so stupid to feel na kaya ko na syang i-give up kahit pa ang totoo, iyon ang pinakahuling bagay na magagawa ko. Giving him up means giving up my life.

“Thank you Time Master. Thank you for making me see the truth behind the lies. Thank you for making me realize that there are always two sides of the story - the one we know, and the one that we need to know. I owe you so much in this lifetime. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kung hindi mo ito ipinakita sa akin. Thank you.” and I hug him. 

Bakit pakiramdam ko matagal ko na siyang kilala? Alam mo yung pakiramdam na sobrang safe ako sa mga bisig niya. Para syang si. . .

“Kuya Timothy,” nasabi ko na lang bago ako tuluyang makatulog.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status