Share

Eleven - Trust and Communication

The next day I feel lighter but a bit guilty for how I acted in front of Grant yesterday. I need to talk to him.

I was checking Jaspher’s schedule ng maramdaman ko ang paglapit ng isa sa mga bodyguards.

“Miss Perez, si Young Master Jaspher po kasi,” humihingal na sabi ni Jacob.

“Why Jacob, what happened?”

“NIlalagnat po si Young Master. He’s in his room right now.” sabi niya at hindi ko na sya sinagot dahil tumakbo na ako patungo sa kwarto niya.

Naabutan ko siyang balot na balot ng kumot at nanginginig. Agad kong sinalat ang noo niya and ang init init niya. Ano bang ginawa ng batang ‘to magdamag at nilalagnat ng ganito?

“Jaspher. Japsher, ate Summer is here na. Jaspher,” pagyuyugyog ko sa kanya pero nakapikit pa din ang mga mata niya.

Inayos ko ang kumot niya at kumuha ng towel at palangganang may tubig para mapunasan ko siya. Kung hindi pa din nito maibsan ang lagnat niya, dadalhin ko na sya sa ospital.

I asked Jacob to get me a paracetamol para kahit papaano ay bumaba ang lagnat niya. I also asked the chef to cook porridge for this little guy. I also called Daddy telling him na we can’t make it sa lunch meeting kasi nga nagkasakit si Jaspher.

“Jaspher, come on,” at pilit ko syang itinatayo para mapakain ng lugaw.

“You need to eat kahit konti,” sumandal naman sya pero pikit pa din ang mga mata.

“Y-ye-s,” nanghihinang sagot niya sa akin.

“Come on, Jaspher. Eat more. You will drink medicine again after this. If your fever won’t go down, I will have to bring you to the hospital, okay?”

Sunod-sunod na pag-iling ang ginawa niyang sagot. Humawak pa sya sa kamay ko at pilit na hinihila ako.

“Fine. I won’t bring you to the hospital, just eat this then drink your medicines. Okay?”

“Y-es. Pl-please do ho-hospit-al,” nauutal na sagot niya.

Ano kayang dahilan kung bakit ayaw niyang pumunta sa hospital? Trauma? Pero sana umayos na ang pakiramdam niya. I’d rather see him being magulo and maingay kaysa ganito na mahina sya.

Mabuti at nakatulog ulit siya after kong mapainom ng gamot. I checked my phone para tingnan if there were messages or calls man lang from Grant, but to my disappointment there was none.

Ganyan katigas si Grant, lalo na kapag alam niyang siya ang nasa tama. Kapag alam niyang wala siyang nagawang mali, hindi siya ang mauuna na manuyo sa akin. Ngunit kabaligtaran naman kapag alam niyang may nagawa siyang hindi maganda kaya nag-away kami.

I was about to dial his number when Klein’s number registered on my phone.

“Klein,” sabi ko dahil wala akong naririnig na nagsasalita sa kabilang linya.

I can only hear someone sniffing on the other line. Umiiyak.

“What’s the problem? I’m ready to listen.”

“Summer, I already found my stepmother,” at tumigil siya para huminga ng malalim. Para siguro pigilan ang pag-iyak niya. Parang bata kasi itong si Klein, once masimulan ng umiyak ang hirap ng tumahan. Kailangan pa ata sobrang ubos na ubos na ang luha para tumigil.

“She's a good person naman. Then she told me that I have a younger brother, 16 years old, and he’s currently in the Philippines right now. For about a month daw sa Pilipinas mag-stay ang kapatid ko, dahil gusto na daw niyang sanayin Pilipinas dahil balak na din nila mag-settle sa Pilipinas because of some of dad’s businesses. She also asked me to handle some of those habang wala pa sya. So I have no choice but to resign. Ayoko din naman mapabayaan ang mga business na pinaghirapan ni daddy. I’m at the airport right now, and in an hour is my flight na. Masusundo mo ba ako?”

“Klein, you know how much I miss you, pero I can’t right now. I have alaga. I will call Kenzo and will ask him to pick you up there at the airport. Wala naman atang work yun e.”

“Sige, pero nahihiya ako sa kanya,” mahinang sagot niya. Ngayon pa nagpa-bebe.

"Whatever. I will call him."

"Ahm, Summie, pwede mo ba ako samahan hanapin ang kapatid ko? I already know his name," nahihiya ang tono niya ng sabihin iyon.

Ganyan si Klein, matapang ang aura niya pero pagdating sa pamilya niya daig pa niya ang marshmallow sa pagkalambot.

"What's his name?"

"Jaspher So." Napangiti ako habang nakatingin kay Jaspher ng marinig ang sinabi niya.

"He is safe. Don't worry. Sige na I'll call Kenzo na. Ingat ka." Then I hung up. Baka kung ano pa masabi ko e.

After giving Kenzo a call, and telling him na sunduin si Klein sa airport ay agad kong tinawagan si Grant.

I know I'm at fault, kaya ako dapat ang gumawa ng paraan to make peace with him.

Salamat that it only took two rings before he answered, pero ang sakit sa puso ng marinig ko ang way ng pagsagot niya ng tawag ko.

“Oh?” parang gusto na agad bumagsak ng mga luha ko ng marinig ko ang tono ng boses niya. It was one hundred times different from how he answered my calls before. Ngayon? Nararamdaman mong ayaw ka niyang kausapin.

‘Be strong Summer. Kasalanan mo naman yan e.’

“Hi love. Ahm, how are you?” kinakabahan na tanong ko.

“Ayos lang naman. May itatanong ka pa?”

“Ahm, ano kasi. Ano. Ahm. Gusto ko lang sana ano, mag-sorry about dun sa nangyari sa mall last time. Alam kong mali ako at si Jaspher sa ginawa niya. Concern lang naman sa akin yung bata pero napaintindi ko na sa kanya na mali ang ginawa niya, at nalaman ko na din ang totoong nangyari kung bakit magkasama kayo ni Jordin that time na makita kayo ni Jaspher.” mahabang paliwanag ko.

Katahimikan. Isang napakahaba at nakakatakot na katahimikan. Halos maubusan ako ng hangin dahil sa pagpipigil ko ng hininga hanggang sa marinig ko siyang magsalita.

“Sino si Jaspher? Bakit magkasama kayo? Bakit ganun na lang ang reaction niya tungkol sa akin? At higit sa lahat, nasaan ka?” sunod-sunod na tanong niya. Mga tanong na inaasahan ko na at alam ko ang isasagot ko pero bakit parang naduduwag ako ngayon na sabihin ang mga ito sa kanya?

“Jaspher So is the son of our new client. Inatasan ako ni Mr. President na magbantay sa kanya while he stays here in the Philippines dahil siya ang magde-desisyon if they will do their business with us or not. I have been with him 24/7 para mabantayan ko syang maigi because there are instances that someone wants to hurt him for I don’t know what reason. Ganun ang reaction niya towards you dahil pakiramdam niya niloloko mo lang ako. He’s treating me like his ate kaya ganun na lang ang reaction niya. Akala niya kasi nag-propose ka lang sa akin at nilagyan ako ng singsing sa daliri ko dahil gusto mo akong matali sa iyo at magkaroon ako ng tiwala na kahit ano man ang ginagawa mo behind my back is tama at hindi makaka-apekto sa relasyon natin. Sa totoo lang, that moment I saw you at the supermarket naisip ko din yung pinupunto ng bata sa akin. Baka nga kaya nag-propose ka sa akin ay para mapagtakpan ang mga kalokohan na pwede mong magawa behind my back. And now that I am your fiance, I’m already tied to you and wala na akong magagawa pa. Mahal kita Grant, alam kong alam mo yun. Mahal kita kaya pinili kong tanggapin ang proposal mo kahit pakiramdam ko ng gabing iyon ay napilitan ka lang. Now tell me, dapat ko bang pagdudahan ang proposal mo? Or dapat kong isipin na ginawa mo iyon dahil mahal mo talaga ako?” at tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

“Summer, you know how much I love you. And the reason why I proposed is mainly because I love you, and I want to tell everyone that you are mine. Only mine. Para na din sa mga ibang babae at malaman nilang sa iyo lang ako. At para din maging malinaw na kay Jordin na ako at ikaw ang nakatakdang magsama habang buhay. Ikaw at ako lang. Naiintindihan mo ba? Hindi ko alam baby kung bakit kailangan tayong umabot sa puntong ganito? Sa puntong parang nawawalan na tayo ng tiwala sa isa’t isa. Ano na ba ang nangyayari sa atin?” he said in a frustrating tone. Alam kong kahit siya ay nagtataka at nagtatanong na din sa sarili niya kung anong nangyayari sa relasyon namin.

Ano ba ang kailangan namin? Pahinga? Space? Pero bakit parang kahit isa sa mga ito hindi ko magagawang maibigay sa kanya? Dahil ba natatakot akong baka hindi na siya bumalik kapag binigyan ko siya ng space? Dahil baka makampante siya sa mga oras na bigyan ko ng pahinga ang relasyon namin?

“Sa tingin ko. . . “ sabi niya at tumahimik saglit bago nagsalita “kailangan nati-” at hindi ko na siya pinatapos ng pagsasalita. Ayokong marinig ang kung ano mang salita ang bibitiwan niya.

“No. Please. Don’t say that. Just please. Hindi ko kakayanin.” nagmamakaawang sabi ko.

“Baby. Ano bang sinasabi mo? Patapusin mo muna ako. Ang sinasabi ko kasi, kailangan natin ng communication. Iyon sa tingin ko ang nawala sa atin. Masyado tayong naging at ease sa isa’t isa na nakalimutan na natin na bukod sa tiwala ay kailangan natin ng komunikasyon para mapanatili ang magandang relasyon natin. Lately, napapansin ko na pareho tayong busy na kahit simpleng pangungumusta lang hindi natin magawa sa isa’t isa. Narealize ko na at fault din ako dahil hindi ko man lang nagawang sabihin sa’yo ang mga nangyayari sa akin noong nakaraan. Hindi ko man lang nagawang sabihin sa’yo ang tungkol kay Jordin dahil natatakot akong baka makaapekto iyon sa iyo at sa trabaho mo. Alam naman nating pareho na ikaw ang inaasahan ni Tito na magha-handle ng company ninyo. So we need to go back to how we were before,” sabi niya at alam kong this time ay nakangiti na siya base sa tono ng pananalita niya.

“I’m sorry din kung masyado akong naging secretive about Jaspher. Natakot kasi akong baka magalit ka at maging dahilan para mag-away tayo. Which I guess is happening right now. Sana hindi ko na lang itinago sa iyo ang tungkol doon. I’m really sorry, love. I hope mapatawad mo ako.”

“Of course. Pinapatawad na kita. Pareho tayong may mali, and the good thing is pareho nating alam kung ano ang mga mali natin. Let’s just promise that we will be more open with each other. Okay?”

“Yes, love. I love you.” malambing na sabi ko.

“I love you more, baby. Don’t ever doubt my love for you. Dahil para sa’yo lang yan at wala ng iba. Anyways, nasaan ka pala?” tanong niya.

“Ah, nandito ako sa c-” I was about to say na nasa condo ni Jaspher when one of the bodyguards caught ny attention.

“Miss Perez, si Jaspher po.”

“Why? What happened to him?” nag-a-alalang tanong ko.

“Nawalan po ng malay Miss. He said nahihirapan syang huminga then bigla na lang syang bumagsak. Binuhat na po siya ni Jacob palabas sa sasakyan. Dadalhin po sa ospital at pinapatawag kayo para sumama.” nanginginig ang tonong sabi niya habang pababa kami ng elevator.

“Baby? Nasaan ka?” galit ang tonong tanong ni Grant. Shit! Nakalimutan ko pala patayin yung phone.

“Nasa condo ako ni Jaspher. Remember I am with him 24/7? But please trust me on this. Papunta kaming hospital now,” naiiyak na sabi ko ng makapasok sa sasakyan at makita si Jaspher.

“What? Saang hospital? Susunod ako. Don’t worry, I'm not mad, okay?”

“Thank you. Pero, can I ask you a favor?”

“Sure, what is it?”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status