Share

Thirteen - Her Decision

“He’s stable now. He really is a fighter. We’ll transfer him into his room, then pwede ninyo na syang puntahan,” nakangiting wika ng doktor bago kami iwanan.

I looked at Klein who’s crying because of relief. Relief dahil wala na sa bingit ng kamatayan si Jaspher. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti, hanggang sa unti unti akong mawalan ng malay. Pakiramdam ko ay hinang hina na ako.

“BAP! SUMMER!” yan ang mga huling salitang narinig ko.

‘So Summer, are you brave enough to accept the risk of losing one hundred hours of your life in exchange for someone else’s life’”After hearing his question, I know that without a doubt I would agree.

‘Yes. Please make him live.’

I slowly open my eyes, and I am welcome with four white walls. Hospital. Oo nga pala, nawalan ako ng malay kanina. Pero bakit kaya? Siguro kasi masyado akong exhausted dahil sa mga nangyari.

“Hey, BAP, are you okay?” Na-aalalang tanong ni Grant sa akin.

I nod my head as an answer.

“Summer, sabi ni Doc, masyado ka daw napagod kaya ka nahimatay. Akala namin buntis ka na kaya nahimatay ka e. Hehe,” natatawang sabi ni Klein. And I am happy to see her this happy. Yung pati mga mata niya nagniningning dahil sa sobrang kasiyahan.

“Tha-” hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil napansin kong nag-freeze na naman ang lahat.

“Time Master?”

“Hmm. Let me explain what happened bakit bigla kang nawalan ng malay kanina.” panimula niya.

“That happens because remember binawasan natin ng one hundred hours ang life mo? Kaya nabawasan ka din ng lakas na equivalent to that one hundred hours na nawala sa iyo. Always keep in mind, buhay ang hiniling mo kaya oras mo ang magiging kapalit. The more life you want to save, the more it will complicate things. The more it hurts you. The more it will change the future.”

“Yes, Time Master, I’ll always keep that in my mind.”

“And changes aren’t always for good, others will bring you the worst that you will never expect you will get in return.” Then he’s gone. Again.

‘Pero, anong ibig niyang sabihin sa worst that I might get in return? Ang labo din talaga niya minsan kausap e.’

“Hoy! Natulala ka na naman. Do we need to call the doctor?” Klein.

“No. May naisip lang ako bigla. And, I am not pregnant. Baliw ka.”

“And that is?” Klein.

“Naisip ko lang na mabuti at napagbigyan ng isa pang pagkakataon si Jaspher para mabuhay. SIguro kasi alam niya na gusto mo pa talaga siya makasama. Klein, paano kung dumating ka sa puntong kailangan mong mamili between giving up some of your time para mabuhay ang importanteng tao para sa iyo, are you willing to say yes?” Tanong ko, at hindi ko alam kung bakit bigla ko na lang naisipan itanong.

Hindi agad sumagot si Klein at nakatingin lang siya sa malayo na para bang may tinatanaw.

“Hmmm. Sa totoo lang mahirap yung tanong mo e. Pero kung ako yung nasa ganoong sitwasyon? Ibibigay ko pa din ang pwede kong ibigay para sa taong iyon. Importante siya sa akin kaya gagawin ko ng lahat para lang makasama ko pa ulit siya, sa ikalawang pagkakataon. At, isa pa Summer, hindi lahat nabibigyan ng ikalawang pagkakataon. Sa buhay man o sa relasyon. Bawat pangyayari naman sa isang tao ay walang kasiguraduhan. Lahat din naman may hangganan hindi nga lang natin alam kung hanggang saan. Basta, kung kinakailangan kong magsakripisyo para sa taong mahal ko at importante sa akin, gagawin ko. At kailanman ay hinding hindi ko iyong pagsisisihan,” nakangiting sagot niya.

Masaya akong malaman na magiging masaya siya kung makakasama niyang muli si Jaspher.

“Pero, paano kung buhay mo naman ang kuhanin kapalit ng buhay na binigyan mo ng pangalawang pagkakataon?” hindi ko inaasahang tanong ni Kenzo.

“Hmmm, ang sabi naman sa tanong ni Summer, some part of my life lang ang pwedeng mabawas para ibigay ko duon sa taong iyon. Kaya ayos lang, at least magkakasama pa din kami.” si Klein.

“Pero, oras ang binigay mo, kaya ibig sabihin mababawasan din ng ganoong oras ang magiging pagsasama ninyo. Pwede ding bawiin ka agad ng maaga sa dapat dahil nabawasan na ang oras ng pag-stay mo dahil binigay mo iyon sa kanya. O maari din namang, additional lang yun oras na yun na binigay mo para sa kanya, kaya may posibilidad na mabawi din agad siya sa iyo matapos maubos ang additional time na pinaubaya mo. Hindi ba?” seryosong sagot ni Kenzo.

“Oo. Pwedeng ganun ang maging kapalit, pero at least nagkaroon kayo ng additional time to be together. Hindi naman importante kung may mawala sa akin e, ang importante makasama ko pa ng mas matagal yung taong pinahahalagahan ko. Yun ang pinakaimportante. Keber na kung mabawasan ang oras ng buhay ko, basta naging masaya naman ako at nagkasama kaming muli,” nakangiting sabi ni Klein.

“Ikaw ba Grant, handa ka bang magsakripisyo kung buhay na ng mahal mo ang nakasalalay?” biglang tanong ni Klein kay Grant na ikinagulat nito.

“H-ha? Ano yun?” naguguluhan na tanong niya.

“Kung handa ka bang magsakripisyo para sa buhay ng mahal mo? Anong kaya mong isakripisyo?”

“Bakit pa magsa-sakripisyo kung pwede ko naman iparamdam araw araw yun para sa taong mahal ko? Kung minsan kasi hindi sapat na magkaroon lang tayo ng ikalawang pagkakataon para lang maparamdam natin kung gaano natin sila kamahal. Ang kailangan natin isipin ay ang kasalukuyan. Para mawala o magkawalay man kayo ay walang pagsisisi. Walang what if’s sa oras na hindi ka kayo pwedeng magkasama pa,” sabi ni Grant at tinamaan ako sa mga sinasabi niya.

Siguro nga tama siya, hindi sapat na isipin lang na pwedeng mabigyan ng ikalawang pagkakataon. Mas dapat isipin ang kasalukuyan. Kung anong magpapasaya at makakasakit sa mga mahal natin. Do everything like it is always your last day. Act as if you're gonna die the next minute with no regrets and no what if’s.

“Hmmm, may punto ka din naman Grant. Mas importanteng iparamdam ang tunay nating nararamdaman towards our loved ones. Bakit pa kailangan isipin ang bukas, kung ngayon ang mas mahalaga,” nakangiting sabi ni Kenzo.

“Actually, lahat naman kayo may punto ang sinasabi e. Sadyang nakakatuwa lang isipin na may mga taong handang magsakripisyo para sa taong mahal nila. At may mga taong magiging masaya dahil sa ikalawang pagkakataong kanilang binigay sa kanila. Oras at panahon talaga ang pinakaimportanteng hindi magkulang o mawala, dahil mahirap nang pagsisihan ang lahat sa huli. Kung kailan hindi mo na maaaring ibalik pa ang oras.” sabi ko.

“Summer, check lang namin if okay na yung room ni Jaspher. Maiwan muna namin kayo.” sabi ni Klein sabay hinatak si Kenzo palabas.

“Are you sure you’re okay na BAP?”

“Yes, baby. I am. Hindi mo kailangan mag-alala ng sobra,” sabi ko.

“Paanong hindi ako mag-aalala? Alam ko kung gaanong kahalaga para sa iyong matulungan si Tito para sa business ninyo, pero BAP naman,” sabi niya at napahilamos sa mukha niya. “Kailangan mo din naman isipin ang sarili mo. Alam mo naman na ayaw na ayaw kong nagkakasakit ka, di ba?” tanong niya.

Napangiti ako dahil sa inaakto niya. Ramdam na ramdam kong mahal niya ako at napakaimportante ko para sa kanya.

‘I’m sorry Grant. I’m sorry that I need to sacrifice 100 hours of my life to let Jaspher live.’

“Anong tinatawa mo dyan? I’m being serious here.” Nakasimangot na sabi niya.

“Kumalma ka lang kasi, baby. Nahilo lang talaga ako kasi puyat ako lately dahil sa mga tinatrabaho ko, plus the fact na napag-isip ako because of what happened sa mall, doon sa airport, sa inyo ni Jordin. And, I want to say sorry again for how I acted. I’m sorry if I didn’t listen to you. I’m s-” and I was cut off with his lips on mine.

I answered his kisses without a second thought. I miss him. I miss him so much. Ang tagal din namin hindi nagkita at nagkasama dahil magka-iba ang trabahong ginagalawan namin.

“Hmmm, I miss you, BAP. I love you,” sabi niya.

“I love you more, baby. And, I miss you so much.” sabi ko at muli syang hinalikan. Kissing him like my life depends on it. Kissing him and making him know what I really feel.

“I want you now, baby.” sabi ko, while my lips are still on his lips.

“Me too, BAP,” sabi niya at humiwalay. He hugged me and kissed the top of my head. “But we can’t do it here. I promise babawi ako sa’yo after mo ma-discharge. Doon ka na sa akin muna tumuloy para mabantayan kitang maigi habang binabantayan mo si Jaspher.” nakangiting wika niya.

“Thank you, baby. You’re really the best boyfriend ever,”sabi ko at niyakap siya ng mas mahigpit.

In his arms, I feel safe. Whenever I am with him I don’t want to think of what’s gonna happen next. I just want to treasure what we have right now. Tomorrow is always a surprise, but today is what is more important.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status