Share

Chapter Two : How Have You Been?

How have you been?

Tiniklop ni Elaine ang tabloid na binabasa, inilapag iyon sa iba pang naka-pile na babasahin sa mesa. Dumampot siya ng isa pa para lang isama uli sa mga naka-pile pagkatapos pasadahan ng tingin ang headline.

Bukod sa krimen, government, at economic issue, pare-pareho na ang nasa headline ng balita sa TV at diyaryo—ang napipintong pagsasara ng pinakamalaking cotton textile company sa bansa, ang DM Textile. Ang textile company ay pag-aari ng mga De Marco. Ang kompanya ang naiwang legacy ng namayapang lolo ni Tan na si Daniel De Marco.

At first, Elaine thought na ang kakambal ni Tan na si Sean ang magmamana ng DM Textile. Pero dahil bukod sa busy si Sean sa The Palace Mall and Hotel bilang chairman at sa Sean and Tan’s Teacaf na kasalukuyan nitong mina-manage katulong ang matalik nitong kaibigan na si Miguel, naka-focus sa isang mas importanteng goal ang magtetreinta y sinco anyos na negosyante, ang hanapin ang estranged wife nito, si Thera.

Kung tutuusin, halos pareho sila ng pinagdaraanan at goal ni Sean.

Her smile was bittersweet. Sa parteng iyon ay naiinggit siya kay Thera. May isang lalaki na hindi sumusuko hangga’t hindi ito nahahanap. Habang siya—

Huminga si Elaine nang malalim. That wasn’t Tan’s fault. It was hers. Everything began when she started to lie to him.

Itinulak niya ang pinggan na may lamang salad. Hindi naman siya kambing, pero puro gulay ang inihahain sa kanya ng kanyang personal dietician.

Dinampot niya ang Royal Copenhagen Flora Danica cup na nakapatong sa kapares na saucer, saka maingat na sumimsim doon ng tea.

Kilala ni Elaine si Tan. Noon pa ito walang kaplano-planong i-takeover ang pamamahala sa kompanya. She even heard him say na willing itong ipasa sa kakambal ang pamamahala. But just letting DM Textile shut down and give it away to charity was another story. Alam niya kung gaano kaimportante ang textile company sa mga De Marco. Especially for Tan who was very close to his grandfather when the latter was still alive.

DM Textile’s shutting down would not just affect the family’s social and financial status. Kung sakali, libo-libong empleyado sa loob at labas ng bansa, sampu ng pamilyang umaasa sa mga ito, ang maaapektuhan. It was one hell of a burden na nakapatong sa mga balikat ni Tan.

It was just few months ago when Elaine first heard about the news. Sakto sa noo’y napipintong pagbabalik niya. The right time and right opportunity she long waited and hoped for was handed to her in a silver platter.

And everything was going according to plan. Except for one. Si Tan. Alam niyang kahit ano ang mangyari, hindi lalapit sa kanya ang lalaki.

Sinulyapan ni Elaine ang floor indicator ng elevator. Nasa fourth floor ng The Palace Mall and Hotel sa Quezon City ang boutique na pag-aari niya. Ang pagtayo ng sariling business ang pinakaunang ginawa niya simula nang makabalik. It was Ainsdale Boutique Shop’s opening day and she was running late. Naipit siya sa traffic sa Ortigas. Kanina pa siya tinatawagan ni Anne, ang branch manager. Mag-uumpisa na ang ribbon cutting ano mang sandali.

Mabilis siyang pumasok at pumuwesto sa tabi ng elevator buttons nang sa wakas ay magbukas ang pinto sa harap niya. Nang makapasok ang lahat ng pasahero, pinindot pa niya ang close door button para pabilisin pa ang para sa kanya ay mabagal na pagsasara ng pinto.

Panay ang tingin ni Elaine sa suot na wristwatch. Gusto niyang mapa-“Argh!” nang malakas nang huminto pa ang elevator sa pangalawang palapag.

Hindi pa man tuluyang nagbubukas ang pinto, nakita agad niya ang isang matangkad na lalaking nakatayo sa labas niyon. He was checking the time on his Rolex wristwatch. Parang kagaya niya, may hinahabol ding oras. Ang isa pang kamay nito ay nakasuksok naman sa bulsa ng suot na slacks.

The man was wearing all black—mula sa long sleeve polo na nakalilis hanggang siko ang manggas, hanggang sa leather formal shoes na sapin nito sa mga paa.

Parang sa isang pelikula, pakiramdam ni Elaine ay nag-slow-mo ang paligid nang mag-angat ito ng mukha. Kasabay ng pagtama ng mga mata nila ng lalaki ay ang mabilis na pagtibok ng puso niya. The man looked fixedly at her before withdrawing his eyes. At first, she thought he would not join them but he clearly did not hesitate when he stepped inside the elevator.

Mas ramdam niya ang tensiyon ng katawan nang pumuwesto ito sa kanyang tabi. Dama niya ang init ng singaw ng katawan nito sa kabila ng malamig na temperatura sa loob ng elevator. Napupuno ang bawat sulok ng elevator ng mabangong amoy ng mamahaling pabangong gamit nito.

Elaine wished she could take few deep breaths na hindi mapapansin ng lalaki. She wanted to do so, in hope that the fragrance would linger longer kahit malayo na ito.

Silly her.

The elevator door slid close. Saka pa lang niya napansin na naka-glue ang mga mata ng bawat babae sa lalaking nakatayo sa tabi niya. Ibinulsa nito ang isa pang kamay pero hindi nag-abalang tapunan man lang siya uli ng tingin.

She had an idea on what seemed to be a very interesting sight to these girls. Tan’s eyes, his full reddish lips, his straight nose, and his strong muscular jawline. They were manly and very attractive, idagdag pa ang domineering stance ng lalaki.

Everything about Tan was sexually alluring. He got that incredible ability to seduce every single woman on earth. Without even trying.

Elaine quickly forced her gaze away from him. Kahit gusto pa niyang suyurin ng tingin ang kabuuan nito. Afraid he would hear the unstoppable loud beatings of her heart, she tried to distance herself from him as far as she could.

Say anything, girl. Anything that could break the ice, she coached herself.

Pinaghandaan niya ito sa loob ng napakaraming buwan pero ngayong abot-kamay na ang lalaki, wala siyang maapuhap sabihin.

She took a deep breath. Tumikhim siya, itinaas ang mukha. Sigurado ang ngiti niya kahit sa pinto siya nakatitig. “How have you been, Tan? Was it two years? Three years? Ilang taon na ba?”

Should she really play dumb? Gusto niyang mapapikit sa sariling katangahan.

Nag-angat siya ng mukha para tingnan ang reaksiyon ni Tan. She saw him flinch bago nagtiim ang mga bagang at tumalim ang tingin.

Nakagat ni Elaine ang ibabang labi, bahagyang kinabahan. Nagbuka siyang muli ng bibig para magsalita pero saktong huminto at bumukas ang pinto ng elevator sa third floor ng mall. Without even looking at her—at para bang walang narinig, humakbang palabas si Tan.

Umangat ang isang sulok ng bibig niya sa isang mapait na ngiti. Sinadya nito na huwag siyang pansinin. But what was she expecting anyway? Ngiti ni Tan at brasong naka-open wide? He had all the right to still be angry. Kahit habang-buhay itong magalit sa kanya, hindi niya ito masisisi.

Pinagtitinginan si Elaine ng mga kasabay sa elevator. Malamang iniisip ng karamihan na mukha siyang psycho o hooker na trying hard magpapansin sa lalaki. Pero hindi iyon ang importante. What was more disturbing was the familiar pang of pain in her chest. It was starting to kick in a little harder.

Mabilis siyang lumabas ng elevator nang sa wakas ay huminto iyon at magbukas sa fourth floor.

Ang mabilis na mga hakbang noong una ay unti-unting bumagal. She was too preoccupied with the thoughts of the man from the elevator, at ng sakit na unti-unting nabubuhay sa kanyang dibdib. Hindi makasingit ang pag-aalala kanina na matatapos ang ribbon cutting sa Ainsdale nang wala siya.

Ano ang ginagawa ni Tan sa The Palace? Naroon ba ito to check on her? He even took the regular elevator samantalang may elevator na nakalaan para sa mga VIP. Chairman sa The Palace Mall and Hotel si Sean at alam niyang bagaman maliit, may kaunting share si Tan sa kompanya.

Ipinilig ni Elaine ang ulo. Alam niyang hindi siya pag-aaksayahan ni Tan ng panahon. She sighed.

Tanaw na halos niya ang pila ng customers at ang mga nakahilerang congratulatory flowers sa labas ng kanyang boutique nang biglang bumukas ang pinto ng fire exit sa kanyang kaliwa. Nagulat siya. Naipit ang tili sa lalamunan niya nang hablutin siya ng kung sino at sapilitang ipinasok doon.

The door behind her shut closed. Nag-panic siya. Akmang sisigaw para humingi ng tulong pero mabilis na natakpan ng lalaki ang bibig niya gamit ang kamay nito. His palm was huge na halos matakpan na niyon ang buong mukha niya.

The man’s gaze roamed over her face before it pounced on her eyes. When their eyes met, Elaine was held completely immobile. Hers was a pair of stunned and confused eyes while his was a mixture of anger and disgust.

Napansin niya na may namumuong pawis sa paligid ng noo nito. He obviously ran his way up to the fourth floor. As fast as he could for sure. Kagaya niya ay nabigla rin ba ito? What was he doing there in the first place? Hindi ba ito busy sa ospital kagaya noon?

“What was the question again?” he asked, coldly. 

“Tan…”

He gave her a sneering smile. “It was three years, Elaine. Three years ago, ipinagpalit mo lang ako sa limang milyong piso.”

She flinched. Tan was glaring at her as if he wanted to strangle her neck. She swallowed the imaginary lump in her throat. He sounded really angry, pero pakiramdam niya ay may kalakip na hinanakit ang tono ng boses ng lalaki.

Was there a time she saw him this angry? There was none until now. Kahit nang iniabot niya rito ang signed annulment papers at tanggapin niya ang pera sa mismong harap nito, he remained unperturbed and calm.

Pinakawalan siya nito. “Alam ko kung ano ang pinaplano mo, Elaine. Stay away from my family.”

She wanted to tell him that was not the case, na malayong-malayo iyon sa gusto niyang mangyari. Pero hindi niya mahagilap ang sariling boses.

Nang lumakad papunta sa exit door si Tan, she wanted to run to him and beg him for a second chance.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status