Share

Chapter Three: Her Unexpected Proposal

Her Unexpected Proposal

July 2012

Baclaran, Manila

So, ang sinasabi mo, hindi nasampal ng boss mo si Elaine, tama ba, Mr… ahm, Gomez?” sabi ng officer-in-charge, binasa ang statement ng tauhan ni Jemuel. Sa presinto sila umabot matapos niyang pukpukin si Jemuel ng bote ng alak sa bumbunan.

“Opo, Boss.”

Ibinalik ng imbestigador ang tingin kay Elaine. Nagtatanong ang mga mata nito. Inalis niya ang mga braso sa pagkakahalukipkip. Nasa kabilang side ng desk ng imbestigador si Jose, ang kasama ni Jemuel at si Jemuel mismo na nakabenda ang ulo.

Malikot ang mga mata nina Drew at Macon sa kanan niya. Sigurado siyang wala siyang maaasahan sa acting power at prowess ng dalawa. Habang ang lalaking nasa kaliwa niya—ang lalaking pakialamero na nalaman niya kanina lang na fresh graduate pala sa kursong Medisina, nakahalukipkip na nakikinig lang. Ito ang nagbigay ng first aid kay Jemuel bago pa dumating ang mga pulis.

Hay. She guessed she was all alone now. Wala siyang aasahan ngayon kundi ang God-given talent niya sa paggawa ng istorya.

Malakas na suminghot si Elaine. Hindi makapaniwalang napalingon sa kanya sina Macon at Drew nang magsimula siyang humikbi. Nagkatinginan naman sina Jose at Jemuel nang magsalita siya sa gumagaralgal na boses.

“A-ang ibig n’yo ho bang sabihin, Sir, mas paniniwalaan n’yo ho ang sinasabi ng dalawang iyan kaysa sa ‘kin na totoong biktima dito?”

Tumikhim ang imbestigador, parang na-guilty bigla. “Hindi iyan ang ibig kong sabihin, hija. Walang CCTV ang bistro kaya kailangan naming imbestigahan ito nang maigi bago kami…” natigilan ito nang madramang nagpunas si Elaine ng luha kahit tuyo naman talaga ang mga mata niya. Pagkatapos, nangangatal ang mga labing dumukwang siya sa desk ng officer-in-charge. Itinuro dito ang gilid ng mga labi niyang putok pa. Natuon din doon ang tingin ng doktor sa tabi niya.

“Alam n’yo ho ba kung gaano kasakit masampal, Sir? Naranasan n’yo na ba? Sobra hong sakit. Ni hindi ho ako pinagbubuhatan ng kamay ng mga magulang ko pero ‘yong lalaking ‘yon… Nakakasama ho ng loob. Kailangang-kailangan ko ho ng hustisya para hindi ako habang-buhay ma-trauma.” Suminghot uli siya. Bumalik siya sa pagkakasandal sa upuan, papunas-punas pa rin sa gilid ng mga mata na nananatiling tuyo naman.

“Nagsisinungaling siya, Boss. Hindi ako ang may gawa niyan sa kanya. At saka ang bastos ng batang ‘yan. Hindi marunong gumalang sa matanda.”

Malakas na tumikhim ang imbestigador. Parang napapagod na bumuntong-hininga. “Hindi tayo matatapos dito kung iba-iba ang version n’yo.” Binalingan nito ang doktor na nananahimik sa tabi niya. “Ikaw, Doc, na-witness mo ba ang buong pangyayari para malinawan na tayo at matapos na ‘to?”

Napalingon si Elaine sa doktor. Nakatingin ito sa kanya. Hindi, nakatitig ito sa kanya.

“I’m not yet a licensed doctor, Sir,” pagtatama nito.

She earlier decided to call him good-looking. Pasimple niyang pinanood ang tiyak na galaw nito kanina habang nilalapatan ng first aid si Jemuel. Wala siyang mahagilap na tamang salita para i-describe ang kabuuan ng lalaki. Hindi ito bagay magdoktor sa tingin niya. Ang ganitong hitsura at katawan ay dapat nasa Hollywood at nag-aartista.

“So, ano ang eksaktong nangyari?” tanong ng imbestigador.

The police officer was asking him a question but why the heck was this guy kept looking at her? Ilalaglag ba siya nito? Binigyan niya ng pasimpleng warning look ang lalaki. Subukan lang nito.

Tumikhim ito, binawi ang tingin sa kanya. “Yeah, I was there, Officer. Nakita ko ang buong pangyayari.”

Nakapamulsang

lumabas ng presinto si Elaine kasunod sina Drew at Macon. Huminga siya nang malalim. Tumila na ang ulan. Sa tantiya niya ay pasado alas-dose na ng madaling-araw. Sa wakas ay nauwi sa settlement ang reklamo.

“Pinagta-taxi na tayo ni Mang Chito pauwi,” sabi ni Macon.

Patawid na sila sa hintayan ng taxi nang lumapit sa kanila ang doktor. Nalaman niyang “Tan De Marco” ang pangalan nito.

“Elaine, hindi ba?” sabi ni Tan, pormal ang anyo.

“Mag-aabang lang kami ng taxi. Daanan ka namin dito. Paiikutin ko.” Si Macon na iginiya si Drew para samahan ito.

“May gusto ka bang hingin bilang kapalit ng pagsisinungaling mo para sa ‘kin? Kung meron, huwag kang mahiya, sabihin mo na.”

Huminga nang malalim si Tan. Pakiramdam niya ay nakukunsumi ito sa kanya. “Mali iyong ginawa mo kanina. Pati ang pagsisinungaling mo sa mga pulis.”

Umismid si Elaine. “Why did you take my side then?”

Hindi agad nakasagot ang lalaki.

“Ano ba ang depinisyon mo ng tama, Doc Tan? ‘Yong pambu-bully ng kubrador na ‘yon sa mga kaibigan ko? ‘Yon ba ang tama sa mga mata mo?”

“First of all, ikaw ang kinampihan ko dahil sobrang bata mo pa para ma-involve sa mga ganito. Had I not lied, sa presinto ka matutulog.”

Hinarap

niya

anglalaki. Napapangisi. “So, ito iyong pakiramdam na pinagsasabihan ng nakatatanda. Akala ko dati, masarap sa tainga. Nakakarindi rin pala.”

“Look…”

“Ilang taon ka na?”

Kumunot ang noo ni Tan. But even though confused… “Twenty-seven.”

“Single?”

Hindi ito sumagot, nanatiling nakatitig sa kanya.

Ngumisi si Elaine, maluwang. “Huwag ka munang mag-aasawa. Hintayin mo ‘ko. Pakakasalan kita.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status