The Ex-husband
Ipinilig ni Elaine ang ulo. It was a very good start for her and Tan. Papasang eksena sa movie ang una nilang pagkikita. She ruined that very good start pero sisikapin niyang itama ang lahat ng mga maling desisyon.
Kailangan niyang bumawi kay Tan. Patunayan dito na wala siyang ibang intensiyon kundi ang makasama uli ito at mahalin uli nito.
Napapitlag si Elaine nang tumunog ang cell phone niya. “I’m almost there,” she said. Huminga nang malalim before reaching out for the door handle and went out.
Niluwangan niya ang ngiti nang makarating sa Ainsdale Boutique. The upcoming days would be hectic for her. Susundan niya kahit saan magpunta si Tan. Wala itong choice. Kailangan nitong protektahan ang kompanya. At gagamitin niya ang problema sa Textile para mapalapit uli sa dating asawa.
“Nauubusan na tayo ng oras, Tan,” sabi ni Atty. Ramas kay Tan. Kaharap niya ang abogado at ang kakambal na si Sean sa pang-apatang mesa sa loob ng Japanesse restaurant na iyon sa Ortigas.
Bumuntong-hininga si Tan. Alam niya. Mayroon na lang siyang less than fifteen days bago mawala nang tuluyan sa mga De Marco ang pamamahala sa Textile na ilang dekadang pinaghirapan ng kanyang Lolo Daniel hanggang sa kanyang papa na si Chase.
“Hindi ba puwedeng gumawa ng sariling testamento ang Papa, Attorney?” tanong ni Sean.
“Chase can. Pero halos sixty percent ng laman ng orihinal na testamento ang hindi puwedeng baguhin ng papa n’yo at ng mga susunod pang successor. Malinaw iyan na nakasaad sa will ng lolo n’yo. Kasama sa ilan sa mga hindi puwedeng baguhin iyong tungkol sa marital status ng susunod na tagapagmana.”
Nahilot ni Tan ang noo. Sa dami ng kondisyon sa last will and testament ni Daniel De Marco, sa huling dalawa lang sila ni Sean hindi pasado. One, they must be married at the age of thirty-five. Two, sa iisang babae lang sila dapat ikasal. He did not know Daniel could be that romantic.
The twins would be turning thirty-five. Hindi nila alam ang tungkol sa will until his father, Chase De Marco, retired dahil sa madalas na pagkakasakit. Dalawang linggo ring na-confine ang nakatatandang De Marco dahil sa hypertension. Iilang araw pa lang mula nang makalabas ito ng isang private na ospital sa Italya.
It was absurd. Hindi maintindihan ni Tan kung ano ang kinalaman ng marital status sa pagpapatakbo ng isang kompanya. But Daniel De Marco was long gone. Kahit ipilit nila ang mga tanong, wala nang kakayanang sumagot ang kanilang lolo.
Sean would be the best option. Pero bukod sa hindi mahagilap ang estranged wife nito na si Thera De Marco, matagal nang napagdesisyunan ng mga magulang na siya ang magiging successor.
Sean was as busy as a bee mula nang maging CEO ng The Palace Mall and Hotel bukod pa sa lumalagong coffee shop business. Nag-umpisa nang mag-branch out ang Sean and Tan’s Teacaf in and out of the Philippines.
Tan was a doctor. Sa Ara Manzano Medical Hospital siya nagtatrabaho bilang surgeon. He was in his second year of residency sa isang private hospital sa US nang ma-scout siya sa AMM Hospital.
Hindi lang siya basta doktor sa AMM. Stockholder na rin at miyembro ng board. Pero mula nang malaman niya ang tungkol sa will, he became restless and unable to focus kaya ipinagpaubaya niya ang operating room sa mga capable doctors ng AMM.
Wala siyang hilig sa negosyo. He was more than willing to give it to his twin brother pero hindi umaayon ang lahat sa kagustuhan niya.
“Si Elaine…”
Tumiim ang mga bagang ni Tan.
Atty. Ramas sighed. Alam na nito ang ibig sabihin ng ekspresyon niya. “Call me when you change your mind.” Tumayo sa kinauupuan ang abogado at lumabas ng restaurant.
“If it’s really this burdensome, why don’t you consider Attorney Ramas’…”
Tumitig si Tan sa kakambal. “You don’t expect me to reunite with my ex-wife just because of that damn will, do you?”
Huminga nang malalim si Sean. “I know how you feel, Tan, pero sa nakikita ko, hindi mo kayang pabayaan ang Textile. Alam kong napakahirap na desisyon ang gagawin mo. I won’t push you into reuniting with Elaine but if you want to save Textile, there is no other way.”
Frustrated na naihilamos niya ang mga palad sa kanyang mukha. Huminga siya nang malalim. “Elaine is willing to help…” anas niya. Hindi sinabi ni Elaine noong huli silang nagkita but he knew her too much. One year of marriage might not be enough to know everything about her pero napaka-transparent ni Elaine pagdating sa pera.
She would give her all if the price was right at alam nitong may profit itong makukuha. For her, money and power was what makes the whole world go round. Ni hindi ito naniniwala sa pagmamahal.
“Why did you let her sign a lease with The Palace, Sean?”
“It wasn’t me who approved it. Hindi ko alam until last week. At wala akong nakikitang dahilan para hindi siya payagang pagrentahin sa mall. They provided all the necessary requirements in the first place. And you know your wife very much. Kung gusto niya…”
Stop referring to her as my wife, Tan wanted to retort but he kept his mouth shut.
Ibinaba ni Elaine ang tasa ng jasmine tea sa coffee table. Nag-cross legs siya sa pagkakaupo sa couch. Nasa loob siya ng opisina ni Tan sa AMM Hospital. Pinapasok siya ng sekretarya ng lalaki matapos niyang makiusap dito ng halos kinse minutos.
Tan wasn’t answering his secretary’s phone call kaya napilitan ang sekretarya na papasukin na lang siya sa loob.
Kinakabahan siya sa muli nilang paghaharap ni Tan pero kailangan niyang magpakatatag. She needed to win his heart over. Tatlong araw na siyang sumusubok kumuha ng appointment pero hindi nito inaaprubahan. So, she decided to come unannounced.
Iginala ni Elaine ang tingin sa apat na sulok ng kuwartong iyon. She used to hate this room. Kasama na ang laman niyon. From books to the very thing she hated the most, ang clinical records na naka-pile sa mesa ni Tan.
Napalingon siya nang bumukas ang pinto ng opisina. It was Tan na halos magdikit ang mga kilay nang makita siya. She rose to her seat.
“What are you doing here?” tanong nito sa nagyeyelong tono. His voice matched his gaze. Lumakad ito papunta sa desk, habang nakasunod naman ang tingin niya rito.
“Nandito ako para pag-usapan ang tungkol sa Textile.”
“Don’t stick your nose to where it doesn’t belong, Elaine.”
Huminga si Elaine nang malalim. Hindi effective kung lalambutan niya ang alok dito. “I’m the only solution you have.”
Lumipad ang—this time ay nakakapasong tingin ni Tan sa kanyang mukha. By now, alam na nitong lumapit sa kanya si Atty. Ramas para kausapin siya tungkol sa will ni Daniel De Marco.
“Look here, Tan. I know you want to save your people. Ganoon din ang gusto ko. Ang pamilyang umaasa sa kanila.”
“The last thing I would want to do now ay iyong papasukin ka pa uli sa buhay ko.”
“Kailangan mo ‘ko.”
Tumiim ang anyo ni Tan. “Fuck that.”
“Hindi mo ba kayang magpanggap na okay tayo kahit sa loob lang ng six months, Tan? Let’s work together to save DM Textile.”
Namulsa ito. “Work together?” he scoffed.
“Isipin mo ang masasayang pinagsamahan natin noon, Tan. We were happy then. Please don’t hate me too much na hindi mo na nakikita ang totoong reason kung bakit ko ito ginagawa.”
“When will you stop disappointing me, Elaine? You’re just as shameless. Happy? Habang tinititigan kita ngayon, wala akong ibang maalala kundi ‘yong pagiging ganid mo at selfish.”
She blinked. Truth hurts.
“Hindi mo pa alam pero gusto kong magpasalamat. Kung naghintay ka lang nang ilang linggo, siguradong ako mismo ang mag-aabot sa ‘yo ng pirmadong annulment papers. I would’ve given you twice the money you were asking. Gano’n ko kagustong hiwalayan ka noon. I was even willing to give you more but I couldn’t put everything to words. Thanks to your impatience, nawala ang pasan kong krus.”
“Lies…” Elaine whispered. Nanlalambot ang mga tuhod niya pero mas pinili niyang tatagan ang pagkakatayo. Sinalubong niya ang walang emosyong titig ni Tan. “Let’s be logical, Tan. I know you’re still mad pero hindi ba puwedeng isantabi mo muna iyan? Bakit hindi na lang natin sundin ang last will ng lolo mo? Marry me again. Kapag na-acquire mo na ang Textile, i-annul mo ako uli. I won’t be asking for anything.”
It was Tan’s turn to say… “Lies. You’re always a good liar, Elaine.”
“I didn’t lie,” kambiyo niya. Deretsong nakatitig sa mga mata ng dating asawa. “You know I’ve always been honest, Tan. When I said I hate your job and I want you to just quit and stay with me, I was being honest. When I said I didn’t want to get pregnant, I knew I was brutal and selfish, but at least I was being honest.”
Nagtiim ang mga bagang ni Tan. Madilim ang mukhang mabilis itong nakalapit sa kanya. Bago pa siya makapag-react ay nakuha na nito ang pupulsuhan niya. The next thing she knew ay iyong halos itapon siya nito palabas ng pinto.
Napatayo ang sekretarya na nakapuwesto sa labas ng opisina nito, hindi alam ang gagawin.
“Until I say so, don’t ever allow this woman to enter my office again, Yena.”
The door shut closed right in front of Elaine’s face. Gusto niyang mapapikit at sabunutan ang sarili. Stupid her. Bakit nagpadala siya sa emosyon at sinabi ang mga iyon sa lalaki?
Padarag na naupo si Tan sa swivel chair. Nakatukod ang mga siko sa desk na naihilamos niya ang mga palad sa mukha.
Elaine married him because she thought he was the heir of DM Textile. Nang malaman nitong wala siyang planong i-manage ang negosyo, tumanggi itong magkaanak sa kanya.
But like a fool, he held onto her sa kabila ng kaalaman sa totoong agenda ng asawa. Foolish heart. He was even willing to give everything to her pero hindi nakuhang makontento ni Elaine.
Nag-angat ng tingin si Tan mula sa pagkakatitig sa monitor ng computer. Bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa roon si Dra. Janine Crisostomo. Isa itong immunologist at nag-iisang anak na babae ng kanilang hospital director.Dumeretso si Janine sa kinaroroonan niya. Ipinatong ang isang rectangular box sa desk, saka nakangiting sinalubong ang tingin niya. “I spent almost an hour contemplating if I’m going to buy this for you o hindi since wala naman yata ni isa sa mga ibinigay ko ang nakita kong isinuot mo kahit man lang isang beses. This time, make sure you’re going to wear this.”Matipid ang ngiti ni Tan. “Thank you.” Kahit hindi niya buksan ang box, nahuhulaan niyang necktie ang laman niyon.“Hindi mo man lang ba itatanong kung kumusta ang conference?”Ibinalik niyang muli ang tingin sa monitor. “I know it went well.”Sa New York ginanap ang medical confer
Life hasn’t given Elaine a lot of happiness and moments to cherish. Sa edad niyang beinte-sais, tukoy niya kung alin lang sa mga naging pangyayari sa buhay niya ang totoong nagpasaya sa kanya nang todo. One was the day Tan proposed to her.It was February 14, 2017. Sa harap ng pinapasukan niyang fast-food chain.She could hardly remember how she reacted o kung paano siya sumagot ng “Oo, pakakasal ako sa ‘yo.” But she could remember how nervous Tan was in vivid detail. Kung gaano ka-sincere ang emosyon sa mga mata nito habang nakaluhod sa harap niya, hawak ang isang kahita ng mamahaling engagement ring.After almost four years, Tan was proposing again. Hindi ito nakaluhod, walang hawak na singsing, hindi ninenerbiyos kagaya ng dati, at higit sa lahat, he was not there to promise her heaven and earth. Wala na ang sinseridad, pagmamahal, at respeto sa mga mata nito. His cold gaze held thousands of warning signs. Na para bang kailang
“C-can you drive me home, Tan?” nagawang sabihin ni Elaine habang pilit niyang ipinapako ang mga paa sa kinatatayuan. She felt a tear fall down her cheeks.Tan was looking at her but he didn’t even flinch. He would not think those tears were real. Mas iisipin nitong ang mga luhang namumuo sa mga mata niya ay dala ng kalasingan at pagsuka kanina.Ikinurap niya ang mga mata. Pinilit niyang ibalik ang mga luha na nagbabanta pang kumawala.Kahit mabigat sa dibdib, nagpapasalamat siya na iyon ang iniisip ni Tan. He fell in love with her then because she was tough and resilient. Hindi nito dapat malaman ang kahinaan niya ano man ang mangyari.“Will you?” tanong niya.Bahagya niyang itinaas sa harap ni Tan ang kamay niyang may hawak sa susi. Kung titingnan lang iyon ni Tan, malalaman nitong nanginginig ang kanyang kamay. But he was looking at her straight in the eyes.He put his hands on his pockets. Emotionless, sinuy
Tainted. That was mean. But Elaine did not want to argue with Tan. Ano man at paano man nangyari ang kasal, asawa na uli niya ito. Dahil unang araw bilang mag-asawa, the last thing she wanted to do was to fight with him.Kung naghihintay si Tan na guguhit ang sakit at disappointment sa mga mata niya, kailangan niya itong biguin. It was a happy and special day for her, regardless kung paano nairaos ang kasal.“I’ll be all right wherever then. It does not matter,” nakangiting sabi niya.Tan’s jaw jerked na parang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.“Ahm, are you staying for breakfast?” tanong niya. “How about dinner tonight?” dagdag niya nang hindi nito sinagot ang unang tanong. “Puwede akong pumunta sa ospital para sunduin ka or mag-meet tayo sa malapit na restaurant kapag libre ka na,” habol niya nang tumalima ito papunta sa pinto.He stopped on his tracks. “For what?” tanong
Wala sa loob na ipinatong ni Elaine ang papel na inihatid ni Tan sa kanya kanina. Nakaupo na siya sa kama habang nakasandal ang likod sa headboard. Sinulyapan niya ang wall clock. Kagaya ng dati, mag-uumaga na pero dilat na dilat pa rin siya.She took a pill for her insomnia a few hours ago pero pakiramdam niya, hindi siya lalo dadalawin ng antok nang mabasa ang nilalaman ng papeles na pinapapirmahan ni Tan. Umangat ang isang sulok ng bibig niya. Ipinatong ang papeles sa side table, saka in-adjust ang sarili para mahiga.Akala niya matatapos na sa pagpirma ng prenuptial agreement ang lahat. Pero bukod doon, may ilang kondisyon pa ang asawa.Lilipat sila ng bahay. Hindi siya nito ititira sa mansiyon but she would be staying with him sa anim na buwang durasyon ng kasal. Walang violent reaction doon si Elaine. The best and fastest way to win his heart over was to live with him. Regardless kung saan siya nito ititira.Para maiwasan ang pagpapanggap bilang nor
Iginala ni Elaine ang tingin sa loob ng apat na sulok ng katamtamang laking kuwartong iyon. May double bed na nakadikit sa wooden wall at may nakapatong na lampshade sa sidetable. Kulay-puti ang traditional built-in closet na kahit hindi lapitan, alam niyang kailangan pa ng linis. Walang bintana ang kuwarto pero may nakakabit na split-type aircon. The walls badly needed repainting. Kailangan ding palitan angcarpet at center table.Pinakawalan niya ang handle ng dalawang maleta na nasa magkabilang gilid. Lumabas siya ng kuwarto para i-check ang kabuuan ng bahay. Maliban siyempre sa kuwarto ni Tan. Pumasok ang lalaki sa kuwarto nito pagkaabot na pagkaabot ng susi sa kanya. At least the living room looked clean and decent.Hindi niya napansin iyon kanina pagpasok dahil tuliro siyang dumeretso sa kuwartong itinuro ni Tan.May couch at coffee table sa gitna ng sala at may TV na nakapatong sa rack. Sa ilalim niyon ay ilang magkakapatong na magazines at babasahin.
Madaldal at makulit si Marco. Iyon ang napansin ni Elaine habang sakay niya ang pulis sa backseat. He said he was staying temporarily with his uncle dahil mas malapit doon ang presinto kung saan ito nakadestino.Dalawang kanto lang ang layo ng bahay ng tito nito sa bahay nila ayon dito. Nagkataon lang na nagdya-jogging ang lalaki kanina at nakita siyang palabas naman para maghanap ng convenience store.Inihinto ni Elaine ang kotse sa harap ng gate ng bahay. Nilingon niya si Marco na nakatingin sa gate. Sinenyasan ito na bumaba na.“Hindi mo man lang ba ako ihahatid sa bahay?”She rolled her eyes. “Hindi ako taxi driver na ido-door-to-door ka pa. Baba na.”Marco pouted his lips pero kumilos naman para bumaba. Ini-lock niya ang kotse, saka akmang iikot para kunin ang mga pinamili sa trunk nang makitang bitbit na ni Marco ang mga iyon.“Ako na…”Iniabot nito sa kanya ang paper bag na may lamang
Isinilid ni Tan ang papeles sa hawak na envelope bago ibinalik ang tingin sa monitor ng computer na nasa kanyang desk. It was ten in the evening. Imbes na nasa ospital, nasa opisina siya ng CEO ng De Marco Textile. Ang opisinang iyon ay dating inookupa ng kanyang papa.Ang bunsong kapatid ng papa niya, si Uncle Alissandro ang kasalukuyang direktor ng kompanya. Nasa eighteenth floor ang opisina nito. He met with him earlier.“It’s a very hard decision to make but thank you for doing this for the sake of your grandfather’s legacy, Tan,” he remembered him saying.Indeed it was. Just the thought itself brought pain in his heart.Sumungaw si Gilda, ang executive secretary ng kanyang papa sa malaking pinto ng opisina. Lumapit ito sa kanya. Nasa late forties ang edad nito, almost gray-haired at puwedeng ihilera sa mga ka-look-alike ni Miss Minchin sa suot nitong makapal na eyeglasses. Just that she was short-haired.&ldquo