Nag-angat ng tingin si Tan mula sa pagkakatitig sa monitor ng computer. Bumukas ang pinto ng opisina at iniluwa roon si Dra. Janine Crisostomo. Isa itong immunologist at nag-iisang anak na babae ng kanilang hospital director.
Dumeretso si Janine sa kinaroroonan niya. Ipinatong ang isang rectangular box sa desk, saka nakangiting sinalubong ang tingin niya. “I spent almost an hour contemplating if I’m going to buy this for you o hindi since wala naman yata ni isa sa mga ibinigay ko ang nakita kong isinuot mo kahit man lang isang beses. This time, make sure you’re going to wear this.”
Matipid ang ngiti ni Tan. “Thank you.” Kahit hindi niya buksan ang box, nahuhulaan niyang necktie ang laman niyon.
“Hindi mo man lang ba itatanong kung kumusta ang conference?”
Ibinalik niyang muli ang tingin sa monitor. “I know it went well.”
Sa New York ginanap ang medical conference na tumagal nang isang linggo. Originally, kasama dapat siya bilang representative ng AMM Hospital pero dahil sa problemang kinakaharap, he requested Aaron Villegas to come on his behalf. Neurologist ang huli at apat na taon ang tanda sa kanya.
“I know you’re not interested about the conference. Share a meal with me.”
“Marami akong ginagawa ngayon.”
“I’ll be waiting at Caesar’s by one.” Tumayo si Janine mula sa kinauupuan, dumeretso sa pinto, saka lumabas.
Napapailing na napabuntong-hininga si Tan. Tiningnan niya ang wristwatch—quarter to twelve. He only had a few minutes to spare.
Matapos buklatin at isa-isahing tingnan ang laman ng tabloids na iniabot ni Anne sa kanya kanina, iniitsa ni Elaine ang mga iyon sa mesa. She reached for her glass. Those photos were an eye sore. Featured sa article ang isang magandang babaeng doktor sa AMM Hospital.
Sa isang magazine pa, hindi lang ang doktora ang nasa article, kasama nito si Tan. He was recognized as one of the top surgeons in the country.
Nasa loob sila ng bistro ni Mang Chito. Pagkagaling sa trabaho, dumeretso si Elaine sa Baclaran para bisitahin ang matandang lalaki sa unang pagkakataon pagkatapos ng tatlong taon. Late na kaya mas kaunti na ang tao. Mang Chito barely managed to keep it operational kaya nag-iisip na lang na tuluyan nang isara. Bukod pa sa katotohanang matanda na ito at nagiging sakitin na.
Dinampot ni Drew ang tabloid, dinutdot ang mukha ng nakangiting doktor. “Tingnan mo ‘to. Ito na ba ang sukatan ng maganda sa mata ng media ngayon? Ang lalaki ng front teeth.”
Nagbuga si Elaine ng hininga. “Tama sila, mas maganda ang babaeng may pinag-aralan kaysa sa babaeng wala,” bulong niya. Ilang beses na niyang narinig ang mga salitang iyon. Habang tumatagal, mas napapatunayan niyang totoo iyon.
Ano ba naman ang laban ng walang pinag-aralan sa babaeng successful at tinitingala at hinahangaan ng lipunan? Wala. Gusto sana niyang mag-beg to disagree, pero alam niyang tama siya.
Janine Crisostomo. Everything about the woman was perfect. Mula sa magandang mukha at katawan hanggang sa flawless na family background. Plus, she was the rumored girlfriend of her ex-husband.
“Ano’ng plano mo ngayon? Magagawa mo ba talagang bawiin ang asawa mo sa babaeng ito?”
“Hindi maaatim ni Tan na pababayaan ang Textile.”
Elaine wanted to believe so. Dangan nga lang at ilang araw na ang lumilipas mula nang huli silang magkita ay wala pa ring paramdam si Tan.
“Lalabas kang mang-aagaw. Hindi magiging maganda ang tingin ng tao sa ‘yo kung itutuloy mo ‘yan. Balitang-balita na ikakasal na sila.”
“Hindi kinumpirma ni Tan,” sagot niya.
“Alam mo kung gaano ka-private ang asawa mo.”
“Hindi niya itinago sa lahat na girlfriend niya ako noon.”
Napailing si Drew.
“Ano’ng ginagawa mo dito?”
Nag-angat ng mukha si Elaine. Sabay silang napatayo ni Drew nang makita ang paika-ikang paglapit sa kanila si Mang Chito. Hindi nito gamit ang walking cane na regalo niya few years ago.
Pinagmasdan niya ang bawat paghakbang ng matandang lalaki. His walk unsteady. His hair was all white, his face was time-worn and he had crow feet under his eyes. He had aged. Pero kagaya ng huli niyang makita, nasa mga mata ng matandang lalaki ang animosity.
“Umalis ka na.”
Elaine swallowed hard.
“Kakarating lang niya, Mang Chito,” alanganing sabi ni Drew.
“Kumusta ang pakiramdam mo, ‘Tang?” tanong niya.
Tumalikod ang matandang lalaki, parang walang narinig. “Umuwi ka na at huwag nang bumalik kahit kailan.”
Dinampot niya ang bag na nakapatong sa bar counter nang lumakad papunta sa maliit na opisina nito si Mang Chito at hindi na lumingon pa.
“Pagpasensiyahan mo na, Elaine,” sabi ni Drew, nagi-guilty ang tinging tinapik ang palad niya.
Ngumiti si Elaine. Lumapit siya papunta sa nakasarang pinto ng opisina ni Mang Chito. Kumatok. “Babalik ako, ‘Tang.”
Walang sagot mula sa loob.
Nilingon niya si Drew. Sinenyasan ito na tutuloy na siya.
With a heavy heart, naglakad siya papunta sa parking lot. Pasakay na siya sa kotse nang tawagin ni Drew. Lakad-takbong lumapit ito sa kanya.
“Naiwan mo ang cell phone mo.” Iniabot nito sa kanya ang cell phone na tinanggap niya agad. “Huwag kang madadala, ha? Pagpasensiyahan mo na si Mang Chito. Nitong mga nakaraang araw, nagiging bugnutin siya, siguro dahil sa sakit niya.”
Tumango si Elaine. Ngumiti siya sa babaeng worried pa rin ang ekspresyon ng mukha.
“‘Yong kay Tan, susuportahan kita. Kung kailangan mo ng tulong ko, tawagin mo lang ako. Kami ni Macon.”
Natawa siya nang bahagya. “Pumasok ka na sa loob. Paalis na rin ako.”
Kumaway si Drew.
Sumakay siya sa kotse pero in-start lang ang makina at pinaandar iyon nang tuluyan nang makapasok si Drew sa loob.
Ilang saglit pa, binabagtas na ni Elaine ang daan papuntang QC. Huminto siya nang abutan ng stoplight. Ilang segundo bago magpalit mula sa orange light, huminto sa gilid ng sasakyan niya ang dalawang lalaking nagtatalo.
Mahina ang rehistro ng mga salita dahil nasa loob siya ng kotse pero alam niyang pareho nang mainit ang dalawa. Hanggang sa nauwi ang sagutan sa tulukan, balyahan, murahan.
Sinikap ni Elaine na ilayo ang tingin sa dalawa pero hindi niya magawang iiwas ang mga mata. This time, kinukuwelyuhan na ng mas malaking lalaki ang kasagutan nito.
Her knees started to turn into jelly. Her hands shaky. Nakakabingi ang bumibilis na tibok ng puso niya at pakiramdam niya anumang sandali, maghahabol siya ng hininga. Sunod-sunod ang busina mula sa mga kasunod niyang kotse sa likuran but she remained immobile.
Nang magawa niya sa wakas na utusan ang sariling kumilos, silenyador pa ang naapakan. Nahigit niya ang hininga kasunod ng pagsalpok ng nguso ng kotse niya sa bumper ng kotse sa harap.
“Mamatay ka na! Mamatay ka na!”
Napasubsob si Elaine sa manibela, nanlalaki ang mga mata. Sunod-sunod na katok sa bintana ng kotse niya ang bumawi sa kanya mula sa nakaraan. Nilingon niya ang dalawang lalaki, wala na ang mga ito.
“Lisensiya, Miss.”
“Walang dalawang lalaking nag-aaway, Ma’am. Nakailang bote ka ba ng beer bago mo naisipang umuwi?” tatlong beses, malinaw, at mariing sabi ni SPO3 Marco Figueroa.
Huminga nang malalim si Elaine. Imposible pero napapagod na siyang makipagtalo. Pareho kasi ang sinasabi nito sa sinabi ng dalawang MMDA officer.
Ayaw makipag-settle ng driver ng kotseng nabangga niya. Nahaharap siya sa kasong drunk driving at damage to property. Ang antipatikong pulis na ito ang may-ari ng sports car na nabangga at kanina pa nagpapakulo sa kanyang dugo.
She had a very long day at ni hindi pa naghahating-gabi. Gusto na lang niyang umuwi at ipahinga ang katawan. “Can I just make a call? Tatawagan ko ang abogado ko.”
“Be my guest but make it quick.”
Inirapan niya ang lalaking ngumisi pa.
Only one name would come to Elaine’s mind tuwing nasa presinto siya. Si Tan. Pero kagaya ng huling naging tawag niya rito tatlong taon na ang nakararaan, his phone just kept ringing. Walang sumasagot.
Sinukuan niya ang pagtawag pagkatapos ng apat na beses na pagsubok. Baka nasa OR ang lalaki. Alam niyang paminsan-minsan ay pumapasok pa rin sa surgery room si Tan para mag-operate at hindi para mag-observe lang.
She texted him. Told him where she was at kung ano ang problema. Nang walang sagot pagkatapos ng kinse minutos, nag-type uli siya.
Please come. I’ll wait for you.
Halos mapalukso pa si Elaine nang tumunog ang cell phone pagkaraan lang ng ilang segundo. Para lang bumagsak ang mga balikat sa nabasang reply nito.
Your business is none of my business.
Naghikab si Elaine. Naka-mindset na siya na sa presinto magpapalipas ng gabi pero bago mag-alas-dos ng madaling-araw, nakita niya ang pagpasok ni Atty. Ramas sa pinto ng presinto. Kahit paano, nabuhayan siya ng loob. Hindi siya natiis ni Tan, pinapunta nito roon ang abogado para bigyan siya ng assistance.
Mabilis na tumayo si Elaine mula sa kinauupuan. Akmang lalapit siya sa abogado nang mapansin kung sino ang babaeng kasunod nito. Si Janine, ang babaeng pinagpaplanuhan niyang agawan ng fiancé.
Disappointed, bumalik siya sa pagkakaupo at nagpakayuko-yuko.
Pagkatapos ng halos isang oras, natagpuan ni Elaine ang sariling kaharap si Janine sa Starbucks. She ordered coffee habang mineral water lang sa babae.
“I’ll get straight to the point, Elaine,” sabi nito.
Itinaas niya ang mukha at sinikap na salubungin ang mga mata ng doktora.
“Alam ko ang tungkol sa problema sa Textile. Tan told me.”
Parang sinuntok si Elaine sa sikmura. Kumpirmasyon na ba ito na may relasyon nga ang dalawa?
“Don’t try to act innocent with me. I know how cruel and scheming you are. Hindi ako naniniwala na ang rosas na itinamin sa luma at pangit na paso, mawawalan ng tinik kung ililipat mo sa mas maganda at mas mamahaling paso. Kilala kita, Elaine. Kilala ko ang pamilyang pinagmulan mo.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. Alam niyang may laman ang sinabi ni Janine kung pagbabasehan ang diin sa bawat pangungusap na sinabi nito.
“Hindi kita gustong hamunin, but you can go ahead and try to steal Tan away from me. Gamitin mo man ang Textile at lahat ng kaya mong maisip na paraan, hindi ako iiwan ni Tan para lang balikan ka.”
Ngumiti siya. “Don’t get too worked up. Nahahalatang threatened ka.”
Nagbuka ng bibig si Janine para sumagot pero mabilis na siyang nakatayo. “Salamat sa pagpunta, na-touch ako nang very, very slight.”
“Hindi pa tayo tapos mag-usap,” habol nito nang talikuran niya.
Nagtuloy-tuloy si Elaine papunta sa pinto, saka dumeretso sa kotse niya at sumakay. Sinulyapan niya si Janine na nakatingin sa kinaroroonan niya. Nasa labas na ito ng coffee shop.
“… Hindi ako naniniwala na ang rosas na itinamin sa luma at pangit na paso, mawawalan ng tinik kung ililipat mo sa mas maganda at mas mamahaling paso.”
Huminga siya nang malalim bago in-start ang kotse at pinasibad iyon paalis.
Bitbit ang cup ngmainit na kape, pumasok sina Tan at Janine sa revolving door ng AMM Hospital. Sa entrada pa lang, sunod-sunod na ang bati kay Tan ng congratulations ng mga nakakasalubong na hospital staff.
“What’s happening?” tanong ni Janine.
Hindi siya sigurado. Wala siyang nababalitaan na panibagong nomination. Lumakad sila papunta sa elevator at naghintay na magbukas ang pinto niyon.
“Oh, Doc. When is the date again? Kailangang maayos ko ang schedule ko para siguradong maka-attend na ako this time.”
Kumunot ang noo ni Tan. “Date? What date?”
“Of your wedding.”
Nagsalubong ang mga kilay niya. “What are you talking about?”
“Hindi mo alam?” takang tanong ni Aaron. Binuklat nito ang hawak na clinical records, pagkatapos ay iniabot sa kanya ang isang customized wedding invitation card. “‘Yan. Ang maid of honor to be mismo ang nag-deliver niyan kanina.”
Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Tan.
Sa Ainsdale, satisfied ang ngiting ibinalik ni Elaine ang cell phone sa bag. Natanggap niya ang text message ni Drew. Naipamudmod na nito sa halos lahat ng staff ng ospital ang wedding invitation card na ipina-rush pa kanina.
Nagkamali si Janine. Elaine never considered herself a flower. She was actually the thorn. At ngayon pa lang, alam niyang tinik niya ang makakasakit dito.
Malapit na ang birthday ni Tan. The wedding would happen few days before. Hindi siya bibigyan ni Tan ng magarbong kasal kagaya noong una, alam niya. Kasal na silang dalawa lang at witnesses ang inaasahan niya.
“Mag-a-out ako nang maaga, Anne. Tawagan mo ‘ko kung may problema,” bilin ni Elaine kinahapunan. Kinuha niya ang purse sa counter at tumalima. Natigilan siya nang makita ang lalaking madilim ang mukhang humahakbang palapit sa kanya.
Kumurap siya nang huminto si Tan sa harap niya. Hindi niya magawang magbawi ng tingin sa nag-aapoy ng titig nito. Lumunok siya.
“Yeah, bakit nga naman hindi? You asked for this. You wanted this. Walang sisihan, Elaine.”
Life hasn’t given Elaine a lot of happiness and moments to cherish. Sa edad niyang beinte-sais, tukoy niya kung alin lang sa mga naging pangyayari sa buhay niya ang totoong nagpasaya sa kanya nang todo. One was the day Tan proposed to her.It was February 14, 2017. Sa harap ng pinapasukan niyang fast-food chain.She could hardly remember how she reacted o kung paano siya sumagot ng “Oo, pakakasal ako sa ‘yo.” But she could remember how nervous Tan was in vivid detail. Kung gaano ka-sincere ang emosyon sa mga mata nito habang nakaluhod sa harap niya, hawak ang isang kahita ng mamahaling engagement ring.After almost four years, Tan was proposing again. Hindi ito nakaluhod, walang hawak na singsing, hindi ninenerbiyos kagaya ng dati, at higit sa lahat, he was not there to promise her heaven and earth. Wala na ang sinseridad, pagmamahal, at respeto sa mga mata nito. His cold gaze held thousands of warning signs. Na para bang kailang
“C-can you drive me home, Tan?” nagawang sabihin ni Elaine habang pilit niyang ipinapako ang mga paa sa kinatatayuan. She felt a tear fall down her cheeks.Tan was looking at her but he didn’t even flinch. He would not think those tears were real. Mas iisipin nitong ang mga luhang namumuo sa mga mata niya ay dala ng kalasingan at pagsuka kanina.Ikinurap niya ang mga mata. Pinilit niyang ibalik ang mga luha na nagbabanta pang kumawala.Kahit mabigat sa dibdib, nagpapasalamat siya na iyon ang iniisip ni Tan. He fell in love with her then because she was tough and resilient. Hindi nito dapat malaman ang kahinaan niya ano man ang mangyari.“Will you?” tanong niya.Bahagya niyang itinaas sa harap ni Tan ang kamay niyang may hawak sa susi. Kung titingnan lang iyon ni Tan, malalaman nitong nanginginig ang kanyang kamay. But he was looking at her straight in the eyes.He put his hands on his pockets. Emotionless, sinuy
Tainted. That was mean. But Elaine did not want to argue with Tan. Ano man at paano man nangyari ang kasal, asawa na uli niya ito. Dahil unang araw bilang mag-asawa, the last thing she wanted to do was to fight with him.Kung naghihintay si Tan na guguhit ang sakit at disappointment sa mga mata niya, kailangan niya itong biguin. It was a happy and special day for her, regardless kung paano nairaos ang kasal.“I’ll be all right wherever then. It does not matter,” nakangiting sabi niya.Tan’s jaw jerked na parang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.“Ahm, are you staying for breakfast?” tanong niya. “How about dinner tonight?” dagdag niya nang hindi nito sinagot ang unang tanong. “Puwede akong pumunta sa ospital para sunduin ka or mag-meet tayo sa malapit na restaurant kapag libre ka na,” habol niya nang tumalima ito papunta sa pinto.He stopped on his tracks. “For what?” tanong
Wala sa loob na ipinatong ni Elaine ang papel na inihatid ni Tan sa kanya kanina. Nakaupo na siya sa kama habang nakasandal ang likod sa headboard. Sinulyapan niya ang wall clock. Kagaya ng dati, mag-uumaga na pero dilat na dilat pa rin siya.She took a pill for her insomnia a few hours ago pero pakiramdam niya, hindi siya lalo dadalawin ng antok nang mabasa ang nilalaman ng papeles na pinapapirmahan ni Tan. Umangat ang isang sulok ng bibig niya. Ipinatong ang papeles sa side table, saka in-adjust ang sarili para mahiga.Akala niya matatapos na sa pagpirma ng prenuptial agreement ang lahat. Pero bukod doon, may ilang kondisyon pa ang asawa.Lilipat sila ng bahay. Hindi siya nito ititira sa mansiyon but she would be staying with him sa anim na buwang durasyon ng kasal. Walang violent reaction doon si Elaine. The best and fastest way to win his heart over was to live with him. Regardless kung saan siya nito ititira.Para maiwasan ang pagpapanggap bilang nor
Iginala ni Elaine ang tingin sa loob ng apat na sulok ng katamtamang laking kuwartong iyon. May double bed na nakadikit sa wooden wall at may nakapatong na lampshade sa sidetable. Kulay-puti ang traditional built-in closet na kahit hindi lapitan, alam niyang kailangan pa ng linis. Walang bintana ang kuwarto pero may nakakabit na split-type aircon. The walls badly needed repainting. Kailangan ding palitan angcarpet at center table.Pinakawalan niya ang handle ng dalawang maleta na nasa magkabilang gilid. Lumabas siya ng kuwarto para i-check ang kabuuan ng bahay. Maliban siyempre sa kuwarto ni Tan. Pumasok ang lalaki sa kuwarto nito pagkaabot na pagkaabot ng susi sa kanya. At least the living room looked clean and decent.Hindi niya napansin iyon kanina pagpasok dahil tuliro siyang dumeretso sa kuwartong itinuro ni Tan.May couch at coffee table sa gitna ng sala at may TV na nakapatong sa rack. Sa ilalim niyon ay ilang magkakapatong na magazines at babasahin.
Madaldal at makulit si Marco. Iyon ang napansin ni Elaine habang sakay niya ang pulis sa backseat. He said he was staying temporarily with his uncle dahil mas malapit doon ang presinto kung saan ito nakadestino.Dalawang kanto lang ang layo ng bahay ng tito nito sa bahay nila ayon dito. Nagkataon lang na nagdya-jogging ang lalaki kanina at nakita siyang palabas naman para maghanap ng convenience store.Inihinto ni Elaine ang kotse sa harap ng gate ng bahay. Nilingon niya si Marco na nakatingin sa gate. Sinenyasan ito na bumaba na.“Hindi mo man lang ba ako ihahatid sa bahay?”She rolled her eyes. “Hindi ako taxi driver na ido-door-to-door ka pa. Baba na.”Marco pouted his lips pero kumilos naman para bumaba. Ini-lock niya ang kotse, saka akmang iikot para kunin ang mga pinamili sa trunk nang makitang bitbit na ni Marco ang mga iyon.“Ako na…”Iniabot nito sa kanya ang paper bag na may lamang
Isinilid ni Tan ang papeles sa hawak na envelope bago ibinalik ang tingin sa monitor ng computer na nasa kanyang desk. It was ten in the evening. Imbes na nasa ospital, nasa opisina siya ng CEO ng De Marco Textile. Ang opisinang iyon ay dating inookupa ng kanyang papa.Ang bunsong kapatid ng papa niya, si Uncle Alissandro ang kasalukuyang direktor ng kompanya. Nasa eighteenth floor ang opisina nito. He met with him earlier.“It’s a very hard decision to make but thank you for doing this for the sake of your grandfather’s legacy, Tan,” he remembered him saying.Indeed it was. Just the thought itself brought pain in his heart.Sumungaw si Gilda, ang executive secretary ng kanyang papa sa malaking pinto ng opisina. Lumapit ito sa kanya. Nasa late forties ang edad nito, almost gray-haired at puwedeng ihilera sa mga ka-look-alike ni Miss Minchin sa suot nitong makapal na eyeglasses. Just that she was short-haired.&ldquo
Nakatitig si Elaine sa kawaling nakasalang sa burner. Para siyang tangang naghiwa ng sibuyas gayong fried egg lang naman ang plano niyang lutuin. Itinabi niya ang sibuyas at nag-umpisang magprito ng itlog bago pa siya abutin ng tanghali.Nilingon niya ang kuwarto ni Tan. Lumapit doon matapos i-set sa low fire ang niluluto. Sinubukan niyang pihitin ang seradura pero na-disappoint lang siya nang malamang naka-lock iyon.Bagsak ang mundong bumalik siya sa kusina. Magkaroon kaya ng pagkakataon na makakasabay niya itong kumain sa hapag? Malungkot ang buntong-hiningang pinakawalan niya. Definitely. But it would take time.Hinain ni Elaine ang sunny-side-up egg at naupo sa mesa. Wala siyang ganang kumain. Ilang segundo siyang nakatitig lang doon bago napilit ang sariling lantakan iyon. Thankfully, pagkatapos ng apat na beses na buntong-hininga at dalawang beses na pagtitig sa kawalan ay naubos niya ang laman ng pinggan.Matapos kumain, isinuot niya ang disposabl