Share

Chapter Seven: Cold Heart

“C-can you drive me home, Tan?” nagawang sabihin ni Elaine habang pilit niyang ipinapako ang mga paa sa kinatatayuan. She felt a tear fall down her cheeks.

Tan was looking at her but he didn’t even flinch. He would not think those tears were real. Mas iisipin nitong ang mga luhang namumuo sa mga mata niya ay dala ng kalasingan at pagsuka kanina.

Ikinurap niya ang mga mata. Pinilit niyang ibalik ang mga luha na nagbabanta pang kumawala.

Kahit mabigat sa dibdib, nagpapasalamat siya na iyon ang iniisip ni Tan. He fell in love with her then because she was tough and resilient. Hindi nito dapat malaman ang kahinaan niya ano man ang mangyari.

“Will you?” tanong niya.

Bahagya niyang itinaas sa harap ni Tan ang kamay niyang may hawak sa susi. Kung titingnan lang iyon ni Tan, malalaman nitong nanginginig ang kanyang kamay. But he was looking at her straight in the eyes.

He put his hands on his pockets. Emotionless, sinuyod siya ng tingin mula ulo hanggang paa at pabalik. Then he chuckled. He turned his back on her and started to walk away.

Elaine smiled unknowingly. Malungkot siyang huminga nang malalim. Sinundan niya ng tingin ang lalaking naglakad nang walang lingon-likod pabalik sa bar.

Pagkaraan ng ilang sandali, binuksan niya ang pinto sa driver’s seat at pumuwesto doon. Binuksan niya ang dashboard at hinagilap ang PET bottles ng kanyang gamot. Nang makita, ipinasok iyon sa bag, saka isinubsob ang mukha sa mga brasong nasa ibabaw ng manibela.

Habang tumatagal, mas marami siyang pinagsisisihan. Three years ago, buo ang desisyon niyang gawin ang mga ginawa sa kabila ng pagpigil at pagtanggi ng mga taong nakapalibot sa kanya. Ni Drew, ni Macon, ni Mang Chito. She disobeyed the latter kahit sinabi nitong magkalimutan na sila kung hindi siya papipigil.

Nag-angat lang si Elaine ng mukha nang mag-ring ang cell phone niya. Si Atty. Ramas ang tumatawag.

“Have you talked to Tan?”

Sinulyapan niya ang entrance ng bar. Wala na roon ang lalaki. “Not yet.”

“He wants to rush things.”

“May ibibilis pa ba ang tatlong araw na lang, Attorney?”

“That’s what I’m telling him. Pero gusto niyang mas madaliin pa ang kasal. Anyway, I’ve had everything settled a few weeks ago, ano’t ano man, ready na ang mga dokumento.”

Excitement rushed through Elaine’s veins. Finally, she was starting again with Tan. Pabor at okay lang sa kanya kung gusto nito na sa susunod na araw agad sila magpakasal. She felt like they had already wasted a lot of time. Kailangan niyang bumawi kay Tan.

Matapos ang pakikipag-usap kay Atty. Ramas, tinawagan niya si Drew. Magpapasama siya bukas na bukas para ipa-irush ang kaunting adjusments na kailangan sa nabili niyang wedding dress no’ng isang araw. Hindi na siya nag-abalang magpagawa ng made to order, in-expect niya na mabilisan ang kasal dahil malapit na ang birthday ni Tan.

Umungol ngprotesta si Elaine. Sunod-sunod ang naririnig niyang buzzer sa labas ng pinto ng kanyang condominium unit. Hinatak niya ang kumot. She was still half asleep, the blanket felt warm under her skin. Tumuwad siya saglit sa kama pero dahil makulit at matiyaga ang nasa labas, patamad siyang bumangon sa kinahihigaan. Nanliliit ang mga matang sinulyapan niya ang alarm clock na nakapatong sa bedside table. The clock just hit four o’clock in the morning. She hadn’t slept that long.

Kakalbuhin niya si Drew oras na mapagbuksan ito ng pinto. Hindi na yata natulog ang kaibigan galing sa magdamag na trabaho sa bistro at sa kanya na dumeretso. Mas excited pa yata ito kaysa sa kanya. Alas-siyete pa ng umaga ang usapan nila.

“Sandali!” malat pa ang boses na anas niya na parang maririnig siya ni Drew mula sa labas.

Yakap pa ang bolster pillow na lumakad si Elaine palabas ng kuwarto at dumeretso sa pinto. Hindi na nag-abalang i-check kung sino ang bisita sa doorbell camera, binuksan niya ang pinto para pagbuksan ang nasa labas.

Pero imbes na nakangiting mukha ni Drew, pormal na mukha ni Tan ang bumungad sa kanya. Kumurap siya matapos ang saglit na paghihinang ng mga mata nila.

Tumuwid siya ng tayo. “A-ano’ng ginagawa mo dito?”

Napaatras siya nang humakbang papasok si Tan. Iniikot nito ang tingin sa loob ng unit. Kung hindi pa siya nilingon ng lalaki ay hindi pa siya matatauhan. Nanlaki ang mga mata niya. Nabitawan niya ang bolster pillow. Sobrang gulo ng unit niya. Parang katatapos lang ng World War II.

Nagkalat ang bottled at canned beer na ininom niya kagabi sa center table. May mantsa rin ng natapong sauce ang carpeted floor. Nakabuyangyang ang hinubad niyang blazer sa sofa, ang isang pares ng running shoes na naiwan niya sa gilid ng TV rack. Akmang kikilos siya para kunin at iligpit nang mabilisan ang kalat pero pinigilan siya ni Tan.

“Leave it.”

Natigilan si Elaine.

“Leave it. I’ll do it.”

Tan used to say those words tuwing naaabutang makalat ang bahay galing sa trabaho. He wouldn’t let her do the household chores. Kahit pagod galing sa duty, ito pa ang tahimik na magliligpit ng kalat niya. Habang siya?

Elaine swallowed hard. Nakatitig si Tan sa kanya. Ngumisi ito. Parang alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Kung hindi pa tumunog uli ang buzzer, hindi pa siya matatauhan. Si Drew na ba ang nasa labas ng pinto this time?

Nag-aalangan man na iwan ang lalaki saglit sa living room, bumalik siya sa pinto at binuksan iyon.

Nagulat si Elaine nang mapagbuksan si Atty. Ramas at isang may-edad na babaeng may bitbit na leather suitcase.

“Good morning, Elaine,” bati ni Atty. Ramas.

“G-good morning, Attorney.”

Niluwangan niya ang pinto kahit nag-uumpisa na siyang malito. Pumasok ang dalawang bagong dating. Bangengeng isinara niya ang pinto at sumunod sa living room.

Naabutan niyang kinakamayan ni Tan ang mga bagong dating. Nilingon siya ni Atty. Ramas. Nagtatanong ang kanyang mga mata pero sinenyasan na lang siya nito na lumapit kay Tan as if wala na rin itong time para i-explain sa kanya ang lahat.

Hesitant, lumapit si Elaine kay Tan at kagaya nito, hinarap ang dalawang bagong dating. “C-coffee?” tanong niya kahit wala naman talagang siyang maio-offer na kape. Maliban sa bottled mineral water, canned beer, at mga tira-tira sa food delivery noong nakaraang gabi ay wala nang laman ang mini fridge niya sa pantry.

Nagpasalamat siya nang lihim na tumanggi ang dalawa.

Curious si Elaine, nakatingin siya sa may-edad na babaeng nakasuot ng makapal at outdated na eyeglasses. Intimidating ang dating nito, parang ilang dekadang nag-aral ng law. Natigilan siya. Law.

“Who…?”

“Oh!” Atty. Ramas exclaimed na parang noon lang naalala na nagsama ito ng taong hindi niya kilala. “This is Judge Costanilla, Elaine. Judge, this is Elaine,” mabilis na pagpapakilala nito sa kanila.

Inilahad niya ang kamay para sa handshake. Alanganin siyang ngumiti. Judge. Ano’ng ginagawa ng isang judge sa unit niya nang ganoon kaaga?

“Maupo muna tayo.” Si Judge Costanilla.

Tumalima si Tan na nagmamasid lang.

Mabilis ding naupo si Elaine sa tabi nito. Tinapunan niya ng sulyap ang lalaki. Dahil magkatabi sila, kalahati lang ng mukha nito ang nakikita niya.

Tumikhim si Judge Constanilla. “I brought the marriage contract. Pirmahan n’yo na muna kung talagang hindi ko na kayo mapipilit pa sa seremonyas.”

Naguluhan siya. “Marriage contract?”

Natigil ang akmang pagbubukas ng judge sa suitcase nito. Sinilip siya sa ilalim ng makapal nitong eyeglass.

“Hindi ka pa yata gising, hija. Wake up already. Congratulations in advance. Ilang minuto na lang, magiging Mrs. De Marco ka na uli,” sabi nito. Though she looked too formal, her smile was friendly.

Napatanga si Elaine. Nabingi lang ba siya? Nilingon niya si Tan na nakatingin na sa kanya. Nagbawi siya ng tingin, nakakapaso ang titig ng lalaki. Inilipat niya ang mga mata kay Atty. Ramas na gumuhit ang guilt sa mga mata.

“Like I said over the phone, Tan wants to get married as soon as possible,” mailap ang tinging paliwanag ng abogado.

Nakagat niya ang ibabang labi. Hindi niya akalaing literal na agad-agad ang as soon as possible ni Tan. From bed to marriage. Ni hindi pa siya nakakapagsuklay.

Iniabot ni Judge Costanilla ang marriage contract sa kanya. Napipilitan, tinanggap niya iyon.

“Attorney…”

“Ah, yes.” Si Atty. Ramas, hindi pa rin makatingin sa kanya nang tuwid. May iniabot itong papel sa kanya. Napatitig siya kay Tan nang mabasa kung ano iyon.

Prenuptial agreement.

“H-hindi ko pa naipapaayos ang wedding dress…” mahinang anas niya.

“Para saan?” tanong ni Tan.

“Akala ko…” she stopped in mid-sentence. Akala ko… hahayaan mo ‘kong magsuot ng wedding dress kahit paano. Pero pinigilan niya ang sarili. “C-can I at least change?”

“No. Let’s get this over and done with. Fast,” mariing sabi ni Tan. Inabutan siya nito ng ball pen na hindi niya alam kung kailan pa nito hawak. Humarap sa kanya si Tan nang pagkatapos ng ilang saglit ay nanatili lang siyang nakatitig sa kapirasong papel. “What’s the problem? Maliit na ba sa ‘yo ngayon ang sampung milyong piso? Para sa anim na buwang kontrata, hindi na masama ang offer ko.”

“That’s not it.”

“Then what is it?”

“Can I at least brush my teeth?”

“What for? Hindi kita hahalikan pagkatapos ng kasal na ‘to.”

Itinikom ni Elaine ang bibig. Naiilang siya sa judge na pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila ni Tan. Sinadya ba ni Tan na i-set nang ganoon kaaga ang kasal para ipahiya siya? Alam nitong aabutan siya nito sa ganoong hitsura. Ni hindi siya pinagpalit ng damit o pinagmumog man lang.

Pero may magagawa ba siya? Maingat niyang hinawi ang mga nakakalat na walang lamang canned beer sa center table, saka mabigat ang loob na pinirmahan ang prenuptial agreement.

Kagaya ng sinabi ni Judge Costanilla, walang seremonyas ang kasal. Pagkatapos nilang pumirma sa marriage contract ay tumayo na agad si Tan sa kinauupuan. Napatayo na rin siya.

Tumikhim si Atty. Ramas. “I need a photo. For documentation.”

“One is enough, right?” Si Tan sa abogado.

“Yeah.” Inihanda nito ang hawak na camera. “Three… Two…”

Gustong magprotesta ni Elaine pero mabilis na siyang nahawakan ni Tan sa baywang at inilapit sa katawan nito. Nahigit niya ang hininga. Pakiramdam niya, huminto sa pag-inog ang mundo. Tan’s familiar natural scent assaulted her senses. Biglang-bigla nakalimutan niya ang inaalalang ayos kanina pa.

“One… Smile.”

She wanted to look happy in the photo kaya kahit mabigat ang dibdib, niluwangan niya ang pagkakangiti. Saglit lang ay narinig na nila ang mahinang pag-click ng camera. Parang napapasong mabilis siyang pinakawalan ni Tan pagkatapos ng isang shot.

Sinamsam ni Judge Costanilla ang mga papeles at isinilid sa suitcase bago tumayo. Nakipagkamay uli ito kay Tan. “I wish you the happiness you both deserve. Congratulations,” nakangiting sabi nito bago bumaling sa kanya at kinamayan din siya.

Narinig niyang nagpasalamat si Tan. Inihatid nito ang dalawa sa front door. Nabablangko pa rin siya. Mag-asawa na uli sila ni Tan nang ganoon kabilis.

Gustong mapangiti ni Elaine nang mapait. Parang sanga ng putol na puno, nagpatangay siya sa malakas na agos. But how could she fight the stream? She loved “it” more than her life.

Inayos niya ang buhok nang marinig ang tunog ng isinarang pinto. Kanina pa niya nakikita ang repleksiyon sa full body mirror sa sala. She was a complete mess. Her hair was disheveled. Gusot ang damit na suot niya. Dahil sa kalasingan, ni hindi niya nagawang magpalit ng damit bago gumapang papunta sa kama.

Nakapamulsa si Tan nang bumalik sa living room.

Tumikhim siya. Kasal na uli sila pero ang awkward ng feeling. “When should I move in? Maayos pa ba ang kuwarto natin sa mansiyon?” nagawa niyang itanong.

Tan’s mouth twisted in a wry smile. “Mansiyon?” gagad nito. “A tainted wife doesn’t deserve a good home.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status