Share

Stay with Me
Stay with Me
Author: Pam Quen

Chapter One

Mabilis akong hinaklit sa braso ni Zayn pagkakita sa akin. His eyes is full of anger. Ibang-iba na Zayn na kilala ko, at kaibigan. Mariin akong napapikit at nagdilat ulit ng mata.

"Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yo na huwag na huwag mong pakikialaman ang mga gamit ko, huh?! Stop acting as my wife!" galit na saad ni Zayn sa akin.

Pakiramdam ko nga mapuputol na ang braso ko sa higpit ng kanyang pagkakahawak. Nakaramdam ako nang kaba. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Napasinghap ako.

“I-m sorry, Zayn. Gusto ko lang naman na ayusin ang opisina mo kanina. Hindi ko sinasadyang mata—“ Napapikit ako sa sakit ng mas diniinan pa niya ang pagkakahawak niya sa braso ko.

“Kung hindi ka nakialam hindi sana nabasag ang binigay sa akin ni Celine!” sigaw niya sa akin.

Maluha-luha ko siyang tiningnan. ”H-indi ko naman sinasadya... I-m sorry.” garalgal ang boses kong pagmamakaawa.

Tinitigan niya ako. I swallowed. Gusto kong haplusin ang pisngi niya baka sakaling kumalma siya but I controlled myself not to touch him. Binitawan niya ang braso ko. Nakapinid ang kanyang labi sa galit. Napasuklay siya ng buhok out of frustration.Nagpalakad-lakad siya habang ang isang kamay ay nasa baywang at kitang-kita ang galit niya sa hitsura.

Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko at umiiyak. It hurts when he treats me like this. Para bang wala kaming pinagsamahan na dalawa. Para bang hindi kami naging magkaibigan noon.

He heavily sighed and stop walking back and forth. “Look Andri, we can’t continue living like this. I don’t want to hurt you, but you know that I love Celine, right?” Huminahon na ang boses niya. ”Let’s just freed each other from this marriage. Kaya pirmahan mo na ang annulment natin.”

Naikuyom ko ang palad ko. How can he say this to me?

“Pwede naman natin subukan, Zayn. Please Zayn, subukan mo muna. Asawa mo na ako. Mahal kita, Zayn.” I begged him.

He gulped. Tumalikod siya sa akin at napahilamos ng mukha. ”You’re just hurting yourself, Andri. You know I can never love you. Mali na nagpakasal tayo. It was just a mistake.”

Lalo akong napaiyak on what I’ve heard. Parang sinasaksak ng punyal ang puso ko. Bakit ang dali para sa kanya na sabihin na hindi niya akong kayang mahalin without even trying?

Pinahid ko ang luha ko at mapait na napangiti. ”Hayaan mo na lang ako maging asawa mo, Zayn. I’ll stay with you hangga’t kaya ko.” I am desperate to say to this him pero ayokong pakawalan siya. I can’t let him go. I love him, that’s all I know. Inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko pagkabalik ko dito sa Maynila. I thought he’ll change if he knew my feelings, but I was wrong. Mas lalo lamang siyang nagagalit sa akin. Mas lalo lang niyang pinaparamdam na hindi niya ako kayang mahalin.

Umalis si Zayn at iniwan na lang ako. Wala akong nagawa kundi ang umiyak na lamang.

Excited pa naman ako na bumalik dito sa Maynila para makasama na siya. Noong bumalik ako ng Bacolod para tapusin ang pag-aaral ko pagkatapos naming maikasal ni Zayn ay ni minsan hindi niya ako nagawang dalawin man lang sa probinsiya. Mahigit anim na buwan din ako doon. Akala ko pa naman busy lang siya noon kaya hindi niya ako dinadalaw, 'yon pala ayaw niya talaga akong makita.

Ilang buwan na siyang ganito sa akin simula nang umuwi ako rito sa bahay niya. Hindi naman ako pinayagan ni Mommy Clara na magtrabaho muna para maasikaso ko si Zayn. He always comes home drunk. He is neglecting himself as well as the company.

Umakyat ako ng kwarto at doon na lamang umiyak. Sa lamig nang buga ng aircon ay 'di ko namalayang nakatulog pala ako. Napagod na rin ako kakaiyak.

Gabi na ng bumaba ako. Kumakalam na ang sikmura ko.

Naabutan ko si Nana na gising pa. Siya ang yaya ni Zayn simula pagkabata pa.

“Mabuti at gising ka na. Akala ko matutulog ka na naman na hindi kumakain. Halika na at maupo ka na riyan. Ipaghahain kita nang makakain ka na, Xandria,” saad ni Nana sa akin pagkakita sa akin. Lumapit ako sa kanya at ngumiti. Umupo na rin ako sa stool bar na nasa kitchen counter.

“Salamat, Nana. Bakit gising pa po kayo?” Tanong ko sa kanya habang sinusundan lang siya nang tingin sa ginagawang pagpapa-init ng pagkain ko sa microwave.

Binalingan niya ako at lumapit. ”Hindi kasi ako makatulog. Narinig ko ‘yong pag-aaway niyong dalawa kanina. Hinintay talaga kitang magising. Kanina pa kita kinakatok sa kwarto mo pero hindi ka sumasagot. Nag-aalala ako sa’yo.” May kung anong humaplos sa aking puso sa narinig ko mula kay Nana. Nakakaunawa niya akong nginitian.

Mapait akong napangiti ulit kay Nana. ”Nakatulog kasi ako, Nana. Salamat po sa paghihinatay at pag-aalaga niyo sa ’kin dito sa bahay.”

“Hayaan mo at makikita rin ni sir Zayn ang kahalagahan mo. Ganyan talaga ang buhay mag-asawa, basta ‘wag ka lang susuko. Matutunan ka rin niyang mahalin baling araw,” saad ni Nana bago nito binalikan ang pagkain ko na hinahanda niya.

“Si Zayn po pala Nana? Dumating na po ba?” Mag-aalas dose na ng gabi. Siguradong uuwi na naman siya na lasing.

“Hindi pa dumarating. Hinihintay ko nga rin at siguradong lasing iyon pagdating dito.”

I sighed.Kumain na lang ako at hihintayin ko pa si Zayn. ”Ako na lang ang maghihintay sa kanya Nana. Matulog na po kayo. Ako na ang bahala dito.” Ngitian ko siya, assuring her that I can handle it.

She smiled back. ”Oh sige, ikaw na ang bahala sa asawa mo.”

Halos mag-aalas tres na ng madaling araw ay hindi pa rin umuuwi si Zayn. Inaantok na rin ako. Hindi ako sanay na magpuyat. Nagtimpla na lang ako ng kape baka sakaling magising ako.

“Bakit gising ka pa?” Iritadong tanong ni Zayn pagkapasok ng bahay. Hinintay ko siya sa sala habang nagkakape ako. Napalingon ako sa kanya.

I cleared my throat. ”H-inihintay ka.” Kinakabahan kong sagot.

He frowned. ”Hindi mo—“

I cut him off. ”Asawa mo ako Zayn. Gusto lang kitang hintayin dahil nag-aalala ako sa 'yo.”

Humakbang siya palapit sa 'kin. ”Sa papel lang tayo mag-asawa, Andria. Stop acting as my wife. You’re just wasting your time on me,” mariin niyang sabi.

Napaawang ang labi ko at parang may bikig sa lalamunan ko. Ang sakit niyang magsalita. Hindi na talata siya ang Zayn na kilala ko at minahal ko. He is too insensitive on every words he said to me. He doesn’t care if he hurts me.

My eyes watered with tears again. Pinahid ko ang luhang nagsisimulang pumatak sa pisngi ko. I bit my lower lip to stop crying.

I heaved a sigh. ”Don’t push me away from you, Zayn. May hangganan din ako. Kung sasabihin mo na naman ang tungkol sa annulment, hindi ko pipirmahan iyon. Hindi lang ako nagkamali dito, pero bakit parang galit na galit ka sa akin?!” My voice was full of resentment.

“Dahil sinabi ko na sa iyo na i-annul na natin ang kasal natin, pero ayaw mo!” His jaw clenched.

“Para ano? Para balikan mo si Celine? Para habulin siya? Zayn, iniwan ka na niya! Ako.” Tinuro ko ang sarili ko habang hindi ko na napigilan ang pag-iyak. ” Ako ‘yong nandito. Bakit si Celine pa rin?”

Hindi ko na siyang hinayaang makapagsalita pa. Agad akong umalis sa harapan niya at umakyat sa aking silid.

Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Kassandra M.
Ang ganda ng story. Nakakaiyak pero happy ending
goodnovel comment avatar
Dimple
love it... start pa lang interesting na...
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
try mong iwan andria baka sakaling hanap hanapin ka din ni zayn
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status