Share

Chapter Two

Naisipan ko  na pumunta sa mall habang nasa office pa si Zayn. May bibilhin kasi akong isang art materials para sa ginagawa kong scrapbook. I heard my phone ring kaya kinuha ko sa bag ko to check kung sino ang tumatawag.

I smiled when I saw my sister's name on screen. Agad kong sinagot ng nakangiti ang tawag kahit 'di naman nakikita sa kabilang linya. I also stopped from choosing designs.

"Ate!" excited na bungad ng kapatid ko. I grinned when I heard her voice.

"Mukang masaya ang kapatid ko ah," nakangiti kong puna sa kapatid ko sa kabilang linya.

"Ate showing na yung gusto naming movie ni Camille. Nuod tayo, please." I can picture her face na nagpapacute kaya napangiti ako lalo.

"Okay. Kailan naman tayo manunuod? Hindi ba kayo busy sa school?  Cassie baka napapa-" Bigla ako napahinto sa pagsalita nang nahagip ko ng tingin si Zayn at Celine na nasa kabilang side ng bookstore. Nasa mga magazine section silang dalawa. Medyo malayo sa kinatatayuan ko kaya 'di ako mapapansin.

Cassandra noticed me na 'di ko na natapos ang sasabihin.

"Bakit Ate? May problema ba?" Nag-aalalang tanong niya sa akin. Agad akong nakaramdam nang paninikip ng dibdib.

Ngayon ko lang nakita ulit si Celine. Wala akong naging balita sa kan'ya pagkatapos naming maikasal ni Zayn. Hindi na rin kasi namin napag-uusapan si Celine simula nang naging asawa ko na si Zayn. Madalas noon ako ang kakwentuhan niya tungkol kay Celine.

"Ate?" pukaw ni Cassandra sa akin sa kabilang linya. "Anong nangyari ate?"

I bit my lower lip.

I cleared my throat. " Hmm. . . wala naman. May tinitingnan kasi akong design ng scrapbook na gagawin ko. 'Di ako makapili eh. ." I said habang binabalik ang mga napili kong una.

"Cassie tatawag na lang ako mamaya. Magbabayad lang ako.Mamaya na lang natin pag-usapan ang movie date." Pinasigla ko ang boses ko para hindi makahalata ang kapatid ko.

"Sige ate. Akala ko may nangyari na sa 'yo riyan. Hihintayin ko ang tawag mo ate, para ma-set na natin ang movie date nating tatlo. We miss you ate!"

Malambing talaga 'tong mga kapatid ko at very clingy. Gusto palagi talaga kaming magkakasama sa mga gustong puntahan or kainan. Gano'n ang bonding naming tatlo.

"I miss you too. I'll call you later. Love you!" Then I pressed the end button.

Nakahinga ako ng maluwag. Pagkababa ko sa phone ay mabilis kong tinahak ang daan palabas ng bookstore at agad na dumiretso ng CR.

Pagkapasok ko sa cubicle ay agad ako napaupo sa toilet bowl at nagsimula nang bumagsak ang mga luha ko. I silently cried. Napatakip ako ng bibig upang hindi makalikha ng ingay.

Ang sakit makita silang magkasama.

Hindi ko alam kung ano na ang relasyon nilang dalawa at bakit sila magkasama ngayon.

Inayos ko ang sarili ko at lumabas ng cubicle. Namumugto ang mga mata ko pagkakita ko sa sarili ko sa salamin. Mabuti na lang at walang tao kundi ay pagtitinginan ako marahil.

****

DUMIRETSO ako kina Nanay pagkagaling sa mall. Wala akong gana na umuwi sa amin. Isa pa, namimiss ko na din sina Nanay.

May kalayuan ang apartment na tinitirahan nila sa bahay namin dahil mas malapit ito sa hospital sa Maynila kung saan nagpapagamot si Nanay.At isa pa malapit din sa school ng dalawa kong kapatid.Nag-transfer na sila dito sa Maynila ng nagpakasal ako.Para may kasama rin sina Nanay at Tatay.

Dati silang nagtatrabaho sa pamilya nina Zayn.Nang nagkasakit ang Nanay ay kailangan na niyang tumigil sa pagtatrabaho. Si Tatay na lang ang nagtatrabaho sa amin.Isa siyang family driver sa mga magulang ni Zayn. Kahit pinapatigil na nga siya nina Mommy Clara ay ayaw niya dahil sina Mommy ang nagbabayad ng pagpapa-gamot kay Nanay at nagpapa-aral sa dalawa kong kapatid. Doon man lang daw ay makapagbayad siya sa kabutihan nang pamilya ng asawa ko.

Nahihiya nga ako kina Nanay at Tatay dahil graduating na ako noon ng ikasal kami ni Zayn, isang sem na lang. Mabuti na lang at pinayagan ako ni Zayn na umuwi noon ng Bacolod upang maipagpatuloy ko ang pag-aaral kaya naka graduate ako.

[Flashback]

"Zayn? Xandria?" Maingay na mga boses ang nagpagising nang aking diwa.Masakit ang ulo ko.Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata.Nakapa kong walang akong damit.Bumangon ako at hinila ang comforter upang itakip sa hubad kong katawan.

Sina Mam Clara, Don Alfonso nakatitig sa akin at sa aking katabi. Sinundan ko ang tingin nila sa aking katabi.Nanlaki ang mata ko ng makitang mahimbing natutulog si Zayn. Nakahubad tulad ko.

"Anak?!" Napatingin ako kay Nanay. Katabi niya si Tatay.

Nagpalipat-lipat ako ng tingin sa kanilang lahat. Nakaramdam ako ng hiya at 'di ko alam kung pa'no ko itatago ang sarili ko.

Bakit kami magkasama ni Zayn sa iisang kwarto na hubo't hubad?

Naiiyak akong umiiling."N-ay.Tay. Sorry po. Wala po akong matandaan sa nangyari."

Nilapitan agad ako ni Nanay at niyakap. Lumapit na din sa amin si Tatay. Gumalaw rin si Zayn at napabangon. Tulad ko rin ay nagulat din siya nang makita ang mga magulang namin pati ako na katabi niyang kapwa hubad.

"What happened?"

"How dare you Son. How could you do this to Xandria?" Galit na galit na wika ni Ma'am Clara.

"Hindi mo na kami nirespeto Sir Zayn. Bakit ang anak ko pa?" wika ni Nanay habang yakap-yakap ako at umiiyak.

Tahimik naman si Don Alfonso na nakamasid lang.

Napilitan kaming magpakasal ni Zayn sa kagustuhan parehas ng aming mga pamilya. Wala kaming nagawa.

May kasalanan din naman kami ni Zayn. Ang natatandaan ko lang, sinamahan ko si Zayn na uminom dahil ayoko naman siyang iwan kaya dinamayan ko siya.

Nagkaroon kasi sila ng 'di pagkakaunawaan ni Celine noon. Gusto ni Celine na tumira na sa kanyang Daddy sa Amerika at doon na ituloy ang pagtatrabaho. Nakipaghiwalay si Celine sa kan'ya

Ayaw pumayag ni Zayn. May balak na kasi siyang alukin nang kasal si Celine.

"Tama na yan Zayn. Umuwi na tayo."

Inagaw ko sa kanya ang hawak niyang bote ng alak.

"Mamaya na. Akin na 'yan!" Binawi niya rin ang nakuha kong bote at nagalit.

"May pasok ka pa bukas sa trabaho. Isa pa, maaga ang flight namin bukas pabalik ng Bacolod kaya kailangan na natin umuwi," yaya ko ulit at muling kinuha ang bote.

"Just leave me alone here," mariing wika ni Zayn.

He looked wasted. Naawa ako sa kan'ya. Hindi ganito ang Zayn na kilala ko.

I heaved a deep sigh.

"Fine. Sasamahan kita rito."

Wala na akong magagawa dahil ayaw talaga tumigil. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan dito at iwan na lang. Baka magalit pa sa akin sina Nanay at Ma'am Clara.

"I said leave me alone!" iritado niyang sita sa akin nang hindi ako umaalis sa tabi niya.

Nauubos na ang pasensiya ko. Nakakaramdam na rin ako ng inis sa kan'ya. Kaya kinuha ko sa kan'ya ang bote ng alak at mabilis na tinungga.

Pinigilan pa ako ni Zayn pero mapilit ako na tulungan siyang ubusin ito kaya sa huli hinayaan na lang din niya ako.

Ang pait ng lasa. 'Di kasi ako sanay na uminom. Pero para maubos na ito, tutulungan ko na lang siya at sa gano'n makauwi na kami.

Hanggang sa 'di ko namamalayan parehas na kaming nalalasing. Ayaw paawat ni Zayn.

End of flashback ]

I sigh. Naalala ko na naman ang pagkakamali ko na nagpabago ng buhay ko sa isang iglap. Kung walang nangyari sa amin ni Zayn marahil ay sinundan niya si Celine sa America at doon sila nagpakasal.

Hindi ko muna nilapitan si Nanay. Kinalma ko muna ang sarili bago humakbang papasok ng bahay.

"Nay," mahinang tawag ko kay Nanay na nakaupo sa wheelchair niya.

May breast cancer si Nanay pero lumalaban siya. Sa awa ng Diyos ay tuloy tuloy ang chemotheraphy niya. Agad namang ngumiti ang Nanay nang makita ako.I minuwestra nito ang kamay na yakapin siya. Lumapit naman ako at niyakap siya ng mahigpit. Hinagkan ko rin siya sa pisngi.

"Namimiss ko na po kayo Nay," naiiyak kong wika. Ang yakap niya ang siyang nagiging lakas ko ngayon.

"Nag-away ba kayo ng asawa mo anak?" May pag-aalalang tanong ni Nanay sa akin.

Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kan'ya. Maluha-luha ang aking mga mata na umiling sa kanya.Alam na alam ni Nanay ang nararamdaman kong bigat sa dibdib. Pero ayokong mag-aalala pa siya sa akin. Kaya kailangan kong magsinungaling.

"Hindi po kami nag-away Nay."

Pinunasan ni Nanay ang nalaglag na luha sa pisngi ko na lalo kong kinaiyak. Hindi ito nag-usisa pa. Bagkus, ay nginitan ako.

"Magiging maayos din ang lahat anak. Magiging maayos din kayo ng asawa mo. Kahit anong mangyari, ay 'wag na 'wag mong susukuan ang asawa mo. Ano man ang pagsubok na kahaharapin niyo, manatili ka lang sa tabi niya." Nakangiting payo sa akin ni Nanay.

Tumango ako at mapait na ngumiti. Hindi ko alam kung may alam si Nanay sa totoong estado ng pagsasama namin ni Zayn. Pero kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko na kahit wala akong sabihin ay nauunawaan ako ng Nanay.

"Parating na ang Tatay mo at mga kapatid. Dito ka na kumain. 'Wag ka nang umiyak.T awagan mo na lamang ang asawa mo para hindi siya mag-alala kung na saan ka. Dito ka na rin magpalipas ng gabi. Sigurado akong hindi ka tatantanan ng dalawa mong kapatid," nakangiting wika ni Nanay. Mukhang nai-imagine na ang gagawin ng dalawa kong kapatid.

Kahit naiiyak ako ay napangiti ako sa sinabi ni Nanay at tumango.

"Opo Nay. Namimiss ko na po kayong lahat."

"Ate!" Excited na tawag ni Cassandra mula sa likuran ko. Galing ito ng school naka uniform pa kasama si Camille.

Mabilis na nagtungo ang dalawa kong kapatid at niyakap ako.

"Thank you Ate pumunta ka pa talaga dito para pag-usapan ang alis natin nina Camille.Excited na kami Ate." She's grinning. Gano'n din si Camille.

Nawala na ang lungkot sa puso niya nang makita ang pamilya niya.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Miss A.
masakit nga sa puso
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status