Share

Chapter Three

Simula nang nakita ko sina Celine at Zayn na magkasama sa bookstore ay hindi na ako masyadong naglalabas ng kwarto, pnagmumukmok lang ako. Napilitan lang ako lumabas at magpunta ngayon sa mall dahil sa mga kapatid ko para ituloy ang napag-usapan naming plano na panuorin ang movie na gusto nilang dalawa.

Nakaramdam ako nang guilt. Kasama ko kasi sila pero ang isip ko ay naglalakbay kay Zayn. Hindi ko maiwasang isipin ang asawa ko. Kung nasaan siya sa mga oras na ito o kung sino ang kasama niya. Alam kong nasa opisina siya ng mga ganitong oras pero malay ko ba kung tulad ng isang araw ay umalis ito at kasama muli si Celine.

Napabalik ang atensyon ko sa mga kapatid ko. Inakla ni Cassie ang braso niya sa braso ko. Gano'n din ang ginawa ni Camille sa kabilang side ko.

"Ate! Ang ganda ng movie, 'di ba? Ang gwapo ng bidang lalaki. . . Ang yummylicious." Sabay hagikgik ni Cassandra at kilig na kilig. Sumabay rin si Camille.

Ngumiti ako sa mga kapatid ko. Itutuon ko na lang ang atensyon ko sa kanilang dalawa ngayon. Pilit kong inaalis sa sistema ko si Zayn.

"Ikaw Cassie para kang bulate na binudburan ng asin sa kilig," puna ko sa kinilos niya. Kilig na kilig kasi.

"Hay naku Ate! sinabi mo pa. . . Pero tama si Ate Cassie, ang gwapo talaga ng bida!" Bungisngis din ni Camille.

Nagyaya sila sunod na kumain sa isang fast food chain. Nagugutom na raw sila.

Pagkatapos namin kumain ay nagyaya na rin silang umuwi. Hindi na kami nagtagal pa sa mall dahil may gagawin pang project si Cassandra. Pinag-book ko na lang sila ng grab pauwi sa bahay. Mahirap na kasi ang sakayan ng ganitong oras.

Almost 5'o clock na ng hapon. Pauwi na marahil si Zayn. Malapit lang ang pinuntahan naming mall sa office niya, walking distance lang actually. Kaya naisipan kong sumabay pauwi sa kan'ya. Gawain ko naman ito noon ang sumabay sa kan'ya kapag ganitong oras ay malapit lang ako sa opisina niya.

Pero nagdadalawang isip din akong puntahan siya. Baka kasi may lakad siya o kaya magalit sa pagpunta ko sa opisina niya. I heaved a deep sigh bago ako naglakad papunta sa opisina niya. Mas nangibabaw sa akin ang kagustuhan na makasabay siya sa pag-uwi tulad noon.

Bahala na.

Pagkarating ko sa opisina niya ay naabutan ko pa 'yong secretary niya na nagliligpit. Mukhang pauwi na nga sila.

Napa-angat siya ng tingin at agad na tumayo pagkakita sa akin na naglalakad palapit sa desk niya.

I smiled at her. "Si Zayn?"

"Ikaw pala Ma'am Xandi. Pasok na lang po kayo sa loob, may ginagawa pa po si sir Zayn." She answered me politely.

"Okay, Thank you".

Kumatok muna ako sa pinto bago tuluyang pumasok. Marahan kong sinara ang pinto. I looked at him. Mukhang seryoso ito sa binabasa at hindi napansin ang presensiya ko kaya malaya ko siyang natitigan.

Naka-upo siya sa swivel chair habang nilalaro sa daliri ang hawak na ballpen. Nakawhite long sleeves at nakatanggal ang coat na sinabit sa headrest ng chair. Visible na din ang maliit na stubbles niya sa panga.

Tumikhim ako para mapansin ni Zayn. Nag-angat siya ng tingin sa akin sa ginawa ko.

"What are you doing here?" Nakakunot ang noo niyang tanong sa akin.

Sabi ko na nga ba at maiinis agad sa akin si Zayn 'pag nakita ako rito.

I stepped forward pero hindi muna ako umupo sa katapat na upuan ng desk niya. I waited for him to say I could sit down.

Inikot ko ang tingin sa kabuuan ng office niya bago muling ibinalik ang tingin sa kan'ya at sinagot ang tanong niya.

I smiled on him. "Ahhm. . . Kasi nanuod kami kanina nang sine ng mga kapatid ko. And they walked me here para raw sunduin ka at sumabay sa 'yo pauwi," pagsisinungaling ko. I remained smiling to him kahit kinakabahan ako. Baka kasi hindi siya maniwala sa sinabi ko.

Pinakatitigan niya ako bago ito muling nagsalita. Parang tinatantiya kong totoo ang sinabi ko sa kanya.

"Pwede mong tawagan sina Cassie kung ayaw mong maniwala na lumabas kaming tatlo," hamon ko sa kan'ya.

He shook his head.

"No need. Anyway, bakit hindi ka na lang nagpasundo kay Manong Rodel?"

"I'm sorry, nagpumilit kasi si Cassandra na sumabay na ako sa 'yo tutal ginagawa ko naman daw ito noon kaya pumayag na ako," pagdadahilan ko.

Nahihiya ako sa sarili ko sa ginagawa ko, ginamit ko pa ang kapatid ko. Gusto ko lang talaga makasabay si Zayn. Namimiss ko na siya. Namimiss ko na siya bilang kaibigan.

Sana pumayag ka na please.

Tinitigan lang niya ako muli. Lumamlam ang kanyang mga mata. Parang biglang may naalala. He sigh and pout his lips and then shrugged his shoulder.

"Bahala ka," maikli niyang sagot. Hindi ko alam kung namalikmata lang ba ako sa nakita kong bahagyang pag ngiti niya. Hindi ko na lang pinansin baka magbago pa ang kanyang isip.

Napangiti ako sa sinagot niya. "Thank you Zayn. Hindi kita iistorbohin sa ginagawa mo. I'll just wait you there." Turo ko sa couch.

He just nodded. Mabilis naman akong umupo.

NAPAPAHIKAB na ako sa tagal ni Zayn. It's almost 8'oclock in the evening. Nakaramdam na ako ng gutom. Pero hindi ko muna pinapahalata sa kan'ya.

Nilibang ko na lang sarili ko. Nagba-browse na lang ako sa f******k kahit wala naman akong nakikita do'n. Nakatapos na ako ng isang movie. Isang local romantic comedy ang pinanuod ko kanina.

Panay ang sulyap nga kanina ni Zayn sa akin kapag kinikilig ako or tumatawa sa mga comedy scenes. Pasimple ko rin siyang tinitingnan kanina. Napapangiti rin siya kapag naririnig siguro ang pagtawa ko.

Hindi ko na talaga matiis.Nagugutom na talaga ako. Feeling ko kinakain na ng big intestine ko 'yong small intestine ko sa gutom. Hindi kasi ako nakakain nang madami kanina noong kumain kami nina Cassandra. Burger lang nakain ko,hindi ko pa nga naubos.

Tumayo na ako. I'm thinking to buy food for us. Sa baba ng building ay madami ang fast food.

Nagpaalam ako saglit sa kan'ya. Hindi naman siya nagtanong kung saan ako pupunta. Sinundan lang niya ako ng tingin.

Nilipag ko ang bitbit kong take-out food sa may center table sa office niya pagkadating ko.

"Kain muna tayo Zayn, nagugutom na kasi ako," yaya ko sa kan'ya.

Nilabas ko na rin isa-isa iyong pagkain.

"I'm sorry, I can't join you. Nicco called me. Doon na lang ako magdi-dinner."

Sinara na rin niya 'yong laptop at saka tumayo. Kinuha na 'yong coat na nakasabit sa swivel chair.

Hindi agad ako nkakibo. Napamaang ang labi ko sa sinabi niya.

"Kahit konti lang Zayn? Sayang naman ang mga binili ko. Madami 'yan para sa akin," malungkot ang boses kong sinabi 'yon sa kan'ya.

"I already called Manong Rodel to fetch you here. Hintayin mo na lang siya. I-uwi mo na lang din ang mga pagkain," matabang niyang sagot habang sinusuot niya ang kanyang coat.

Laglag ang balikat ko na tiningnan ang mga pagkain na binili ko. Naiiyak na rin ako. Nagugutom ako pero bumigat ang dibdib ko sa sama ng loob sa kan'ya.

Pag-angat ko nang tingin sa kan'ya ay naabutan kong nakatingin din siya sa pagkain. He looks guilty.

"I'm sorry," tanging na sabi lang ni Zayn.

Hindi ko napigilan ang sariling mapaiyak.

"Sana sinabi mo na lang sa akin kanina pa na may lakad pala kayo ni Nicco o baka naman kayo ni Celine,"

may himig na hinanakit ang boses ko.

Padabog kong sinilid ulit isa-isa ang mga pagkain sa plastic bag habang naglalaglagan ang mga luha ko sa aking pisngi. Nawalan ako bigla ng gana.Nawala na rin ang gutom ko.

I heard him sigh.

"Ikaw ang pumunta rito at gustong maghintay sa akin. You sound as if ako ang may mali. At 'wag mong idadamay rito si Celine!" His teeth gritted in frustration.

Tinigil ko ang ginagawang paglalagay nang pagkain sa loob ng plastic bag at humarap sa kan'ya. Pinahid ko rin ang mga luha ko na nagsisimulang pumatak. Nakita kong nabigla siya sa nakitang pag-iyak ko at parang gusto akong lapitan.

"You let me wait for you!" Garalgal ang boses kong saad sa kan'ya at kahit pinipigil ko ang sarili kong 'wag umiyak  ay hindi ko napigilan ang sarili kong mapaiyak. "Gusto mo lang ako pagmukhaing tanga na naghihintay sa 'yo rito pero wala ka pala talagang balak na isabay ako pag-uwi. Sana sinabi mo na lang kanina pa na 'wag ka nang hintayin. Dahil ang totoo magkikita kayo ni Celine!" Tumaas ang boses kong sumbat sa kan'ya. Hindi ko na kayang pigilan ang emosyon ko sa mga oras na iyon.

Hindi ko alam kung saan galing ang lakas nang loob kong sabihin sa kan'ya 'yon. Dahil ba sa gutom o pagod o sa sakit nang nararamdaman ko.

I don't know exactly at wala na rin akong pakialam. Gusto ko lang talaga mailabas ang sama ng loob ko sa kan'ya.

Muli kong inayos ang pagkain. Ngunit hindi ko magawa dahil napahagulgol na ako ng iyak. Pilit kong pinupunasan ang mukha ko na basang- basa na ng luha ko. Pero ayaw talagang tumigil nang pagpatak ng luha ko.

"Ginusto mong hintayin ako. I didn't asked you to wait. Kaya 'wag mong isusumbat sa akin na naghintay ka. Kung magkikita man kami ni Celine . . . It's none of your business."

Napaawang ang labi ko. Wala akong maisip na sabihin sa kan'ya sa mga oras na iyon. Ang bigat-bigat nang dibdib ko. Pakiramdama ko parang binibiyak ang puso ko sa narinig. Kinalma ko ang sarili at muling humarap sa kan'ya.

Nilapitan ko siya at malakas na nasampal. Nanginginig ang mga kamay ko. Nakita ko ang pag-igting ng kanyang panga sa sampal na ginawa ko sa kan'ya.

Matalim ko siyang tinitigan. Walang salita ang nais lumabas sa bibig ko. Lumambot din ang ekspresyon ng mukha niya at parang gusto akong abutin.

Mabilis kong kinuha ang bag ko na nasa couch at hindi na siya tinapunan pa ng tingin. Sobrang lakas nang tibok ng puso ko. At ang tanging nais ko lang ng mga oras na iyon ay makaalis sa harapan niya. Malakas ko ring isinara ang pinto nang opisina niya to let him know how angry I am to him right now.

Kailangan ba talaga ipamukha sa akin ni Zayn na magkikita sila?

MARIING napahilamos ng mukha si Zayn sa ginawa niya. He was disgusted with himself for what he had done to his wife. Hindi naman niya sinasadya na sabihin iyon sa asawa niya pero hindi lang niya maintindihan ang sarili kung bakit siya nakapag bitaw nang ganoong salita. Siya ang palaging nagpoprotekta kay Xandria noon dahil ayaw na ayaw niya itong nasasaktan o nakikitang malungkot. Pero ngayon, siya ang nanakit ng damdamin ng asawa niya.a Bata pa lang sila ay magkaibigan na sila ni Xandria. Pinakasal lamang sila dahil may nangyari sa kanila.

Gusto sana niyang habulin ang asawa at mag-sorry pero  naduwag siya. Mabigat sa loob niya ang makitang umiiyak si Xandria ng ganoon sa harapan niya. He always love to see her smiling. Mas naiinis lang siya sa sarili niya kapag tinitingnan niya ang asawa niya at nakikita niya ay lungkot lang sa mga mata ni Xandria na siya rin ang may gawa. Kaya kadalasan ay nauuwi sa pagbabalewala at pagsusungit niya sa asawa niya. Ayaw niya itong makitang malungkot at nasasaktan. Kung sana ay pumayag si Xandria na makipaghiwalay na sa kan'ya ng sa ganoon, hindi na sila nagkakasakitan pa. Hindi na sana nasasaktan pa ang asawa niya.

Nanaig pa rin ang kagustuhan niyang sundan ang asawa at mag-sorry rito pero mabilis na nakasakay nang elevator si  Xandria at hindi na niya naabutan pa.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Miss A.
ganda ngstory
goodnovel comment avatar
Miss A.
on fye, kudos sa author
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status