Share

Chapter Twelve

Agad kong pinaalam kay Amanda ang napagdesisyunan kong bumalik sa Maynila. Nagpatulong din ako sa kanya na makahanap ng matitirhan namin na hindi naman kalayuan sa pagtatrabahuan ko. Nakapag-resign na rin kami nina Cassie at Tatay sa kanya-kanya naming trabaho.

Si Camille ay magtatransfer na lang sa Maynila. Pinatapos ko lang talaga siya ng sem dito para walang problema sa paglipat niya ng Maynila bago ako nagsabi kay Amanda na doon na ako magtatrabaho.

Nasa kwarto kami ng anak ko at nagliligpit ako ng mga gamit namin. Sinisimulan ko na ang pagliligpit ng ibang gamit namin para hindi na kami magahol sa araw ng paglipat. Marami kami kailangan ayusin.

"Daddy!" Agad akong napalingon sa pagkasabi no'n ni Zayrene. Hawak niya ang phone ko dahil may tumatawag. Nakaramdam din ako bigla nang kaba sa pagbanggit niya ng daddy niya nang kinuha ko sa kanya ang phone ko. Si Jared ang tumatawag sa akin.

Yumuko ako para magpantay kami ng anak ko at hinaplos ang buhok

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status