Share

Chapter 46

"Mommy, I want to be near the window!" 

Pinahiga ko kasi siya sa gitna ng kama. Ano bang gagawin ko sa’yo anak? Nakadikit kasi sa wall malapit sa bintana ang kama namin dahil malikot siyang matulog. Doon ang kinasanayan niyang pwesto maliban na lang kagabi na pinagitnaan namin siya ni Niko dahil tulog naman na siya. Ngayon, gising na gising pa at ayaw nga niyang pumayag na sa gitna ko siya patutulugin.

Nagdahilan ako kanina na may gagawin pa ang daddy niya at kailangang umuwi pero umiyak lang siya nang umiyak kaya wala na nga akong nagawa. Mukha namang tuwang tuwa ang kumag at hindi halatang handa siya dahil may dala na siyang damit niya sa sasakyan!

Napabuntong hininga na lang ako. "Alright, sleep ka na." 

"I'll wait for daddy!" Sabi niya kahit na inaantok na siya. Napailing na lang ako at parang gusto ko nang magselos dahil puro siya daddy!

"Daddy!"  Tuwang tuwa niyang sigaw nang makalabas ng banyo si Niko. Kaagad pa siyang bumaba ng kama at sinalubong pa ang ama! 

Gusto ko namang sabunutan ang sarili ko dahil hindi ko napigilang mapatingin sa naghuhumiyaw niyang abs! Bakit ba hindi pa siya nagsuot ng tshirt niya? Naka shorts lang siya ng black! Nagtama ang paningin namin nang umangat ang mga mata ko sa mukha niya pero agad akong nag-iwas. Nakakahiya ka talaga, Jaz! 

"Daddy! What's this?!" Tanong naman ni Aedin sa ama at hinawakan pa ang abs ni Niko.

Jusko anak pareho pala tayo ng tinitignan! Grabe ang pagpipigil ko para hindi matawa o mangiti man lang sa naisip ko. Napapikit ako at kinagat ko ng mariin ang labi ko para hindi ako tuluyang mapangiti. 

Huminga pa muna ako ng malalim bago ako nagmulat ng mata. Nagulat naman ako dahil pareho silang nakatingin sa akin na tila nagtataka.

"Why are you biting your lip, mommy?" Tanong ni Aedin. Bakit pakiramdam ko ay nilalaglag mo si mommy, anak?

"Uh haha wala baby. Sige na sleep ka na." Naiilang kong sagot dahil nakatingin pa din sa akin si Niko! Inirapan ko siya nang hindi niya napigilan ang sarili niyang mapangisi!

"Maybe she wants some pandesal, baby." Napaawang ang mga labi ko nang patay malisya niya itong sinabi!

"Pandesal? We just ate, mommy. You hungry again?" Aba't! Pinagtutulungan ba ako ng mag-amang 'to?

"No. I don’t like pandesal. I'm just sleepy! Good night, baby!" Sabi ko na lang at mabilis na akong humiga sa kama at nagtalukbong ng kumot. Ugh!

"Good night, mommy!" Si Aedin.

"Good night, baby!" Si Niko.

Sabay pa silang nagsalita! Humagalpak naman ng tawa si Aedin kahit wala naman akong makitang nakakatawa!

"Daddy? Why did you call mommy, baby? She's not a baby!" Humahagikhik siya na parang kinikiliti.

"Because.. she's my baby." Marahan niyang sagot. 

Buti na lang at nakatalukbong na ako nang kumot dahil hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti! Nakakainis! Bakit ba ako kinikilig?!

"Daddy?"

"Hmm?" 

"You should kiss mommy." Parang matandang sabi nito kay Niko!

My gosh, anak! Hindi ko akalaing ipagkakanulo mo ako ng ganito! Pakiramdam ko pinagpapawisan ako kahit malamig. 

"Hmm..really? Should I?" Tila nanunukso naman niyang sagot kay Aedin.

"Yes! You should kiss her good night! Come on daddy!" 

"Next time, baby. Mommy's already sleeping." Sabi nito sa tinig na nanunukso. Parang sigurado siyang nagkukunwari lang ako! Natutulog na kaya ako. Ugh! Bakit ba hirap akong makatulog tuwing nandito siya?

Pinapakiramdaman ko na lang sila at nagkunwari na lang akong tulog. Nasa couch pa sila at nagkukulitan pero maya-maya ay nakahinga ako ng maluwag dahil nag-aya na si Aedin matulog. Malapit na kaya akong ma suffocate sa paghihintay na matulog na sila!   

Narinig kong pinatay ni Niko ang ilaw ang in-on niya ang lampshade. Naramdaman ko nang ihiga niya sa Aedin sa pinakagilid dahil doon nga ang gusto niya. 

"Daddy, where are you going? Yakap and tapik, daddy.." Inaantok na sabi ng anak ko. Pinigilan nito ang pag-alis ni Niko! Sa couch dapat ‘yan matutulog eh. Ugh! Sanay kasi siyang nagpapayakap tuwing matutulog habang tinatapik.

Wala na ngang nagawa si Niko kundi mahiga sa gitna namin ni Aedin dahil mahihirapan siyang makatulog kapag hindi tinatapik sa binti. Umusod na lang ako para hindi kami magkadikit at pinilit ko talagang makatulog pero ayaw talaga akong dalawin ng antok! Ilang sandali pa akong sumubok pero wala talaga! Naunahan pa akong makatulog ni Aedin.

Nakatagilid ako patalikod mula sa kanila pero tahimik na sila kaya ibinaba ko na ang kumot hanggang sa dibdib ko dahil parang hindi na ako makahinga! Ngunit nagulat ako nang marinig ko si Niko na marahang tumawa. Aba’t gising pa pala ang kumag na ‘to!

Naramdaman kong tumagilid siya paharap sa akin. Inangat niya ang ulo ko at iniunan niya ako sa braso niya pero hindi ako agad nakahuma sa pagkabigla. Napaawang ang aking mga labi nang ipulupot niya pa ang isa niyang kamay sa bewang ko!

"W-what are you doing?!" Singhal ko sa kanya ng pabulong at baka magising si Aedin. Kung makapagwala ang puso at wagas! 

"Embracing you?" Patay malisya naman niyang sagot at lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin!

Sa inis ay napatingala ako sa kanya at sasagutin ko pa sana siya pero para na akong nanigas sa kinahihigaan ko. Sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa't isa!

"Jaz.." Namamaos niyang bulong at namumungay na ang mga mata.

Marahan niya akong hinila sa bewang upang tuluyang mapaharap sa kanya. 

Para kaming naglalaro ng staring game at walang may gustong bumitaw sa pagkakatitig. Sobrang lakas na ng tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay malapit na itong sumabog!

Pakiramdam ko ay tuluyan nang itinangay ng hangin ang katinuan ko dahil nang hawakan niya ako sa pisngi ay napapikit na lang ako. I was expecting him to kiss me but to my dismay his lips landed on my forehead. 

What the hell?! What were you thinking, Jaz?! Umayos ka! 

Nang itutulak ko sana siya ay lalo pa niya akong hinapit palapit sa kanya at agad na siniil ng halik sa aking mga labi. Hindi ako nakagalaw sa sobrang pagkabigla pero nang marahan niyang itulak ang dila niya sa aking bibig ay awtomatiko itong napaawang kaya malaya siyang nakapasok. 

Can't help but to respond to his hot kisses until.. we became aggressive. It has been a while and I missed him.. his touch..and his kisses.

Napakagat ako sa aking labi nang magsimulang maglikot ang mga kamay niya sa katawan ko! Nang hindi na siya makuntento ay pumaibabaw siya sa akin sa loob ng kumot.

Napatigil naman kami nang biglang gumalaw si Aedin kaya sabay kaming napalingon sa kanya. Tila pareho naman kaming nakahinga ng maluwag nang makitang natutulog pa din ito.

Hindi pa ako nakakahuma ay muli na niya akong siniil ng maiinit na halik hanggang sa mapaliyad ako nang bumaba ang kanyang mga labi sa aking leeg.

His hands started to get busy, nananantiya, pumipisil. Pinasok niya ang kamay niya sa loob ng pantulog ko habang pinapaulanan niya ako ng halik sa leeg at sa balikat ko. Hinawakan niya ang tiyan ko paakyat sa.. oh! Nilalaro niya 'to at tinanggal ang hook ng bra ko. 

Hindi ko napigilang mapaungol nang halikan niya ako sa aking tiyan. Nang hindi na siya makuntento ay itinaas niya at tinanggal na niya nang tuluyan ang pang taas ko! Para siyang sanggol na uhaw na uhaw nang matagpuan niya ang hinahanap niya. Ang lakas na ng tibok ng puso ko na para bang sasabog na! Nagsimula na ding maglikot ang mga kamay niya at humihipo ito sa aking binti.

"We might wake him up.." Bulong niya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. 

Para akong nadismaya nang tumigil siya ngunit nagulat ako nang marahan niya akong buhatin at dahan-dahang ibinaba sa sahig. Kumuha din siya ng unan para hindi masaktan ang ulo ko at kaagad na siyang pumaibabaw sa akin.

Nagkatitigan kami ng ilang sandali at parang lalo pang nag-init ang pakiramdam ko nang makitang halos mag apoy ang mga namumungay niyang mga mata. 

Hindi ako makapaniwalang kay bilis kong bumigay pero wala akong magawa. Hindi ko na kayang magsinungaling pa sa sarili ko. Sobra akong nangulila sa kaniya. Ayoko mang aminin..pero mahal na mahal ko pa din talaga siya.

Itinaas ko ang mga kamay ko at hinawakan siya sa malalapad niyang balikat hanggang sa bumaba ito sa dibdib niya at pababa pa. Ah, na miss ko 'to. Pwede bang sulitin ko na? Tinulungan naman niya ako nang hubadin ko ang kaniyang mga saplot. Nakatingin lang ang mga namumungay niyang mga mata sa akin at bahagyang nakaawang ang kaniyang mapupulang mga labi habang dumadama ang aking mga kamay sa kaniyang katawan.

"You’re so beautiful and damn sexy, baby.." Anas nito habang pinagsasawa nito ang mga mata sa katawan ko.

Muli na namang naglikot ang mga kamay niya at tuluyan na niyang tinanggal ang natitira ko pang saplot. Napasinghap siya nang tumambad sa kaniya ang kahubdan ko at muli pa niyang pinagsawa ang kaniyang mga namumungay na mata sa buong katawan ko. 

Napakagat naman ako ng mariin sa aking labi nang bumaba paroon ang eksperto niyang mga kamay. Tila hindi pa siya nakuntento dahil salitan ang kaniyang mga kamay at labi sa pagdama sa buong katawan ko. Halos mapasigaw naman ako makalipas ang ilang sandali nang maramdaman ang pamilyar na pagsabog sa kaibuturan ko!

"I can no longer wait, baby. I missed you so much.." Namamaos niyang sabi at ipinosisyon na niya ang sarili sa ibabaw ko.

Hinalikan niya ako nang mariin sa aking mga labi nang bigla siyang pumasok sa loob ko. Wala akong ginawa kundi mapaungol at sumabay sa kaniyang mabilis na paggalaw hanggang sa marating namin ang rurok ng kaligayahan.

"You were so loud, baby." Tudyo niya sa akin nang makapaglinis kami ng katawan at makabalik na sa kama. 

"Shut up." Pabulong kong sita sa kaniya.

"I missed you so damn much baby.." Niyakap niya ako at hindi na ako nagpakipot pa. 

Lalo pa akong nagsumiksik sa dibdib niya at naramdaman ko pa ang paghalik niya sa ulo ko. Susulitin ko na lang ang karupukan ko kahit ngayong gabi lang. Bahala na bukas. 

"Niko? Wake up.." Tinapik tapik ko siya sa pisngi pero tulog na tulog pa din.

Na-late kasi ako ng gising kaya nagmamadali na ako dahil baka mahuli kami sa trabaho. 

"Hmm.." Ungol niya lang pero hindi  naman siya nagmulat ng mata! 

Hindi ko napigilan ang sarili kong mapangiti sa itsura niya. Napakaguwapo pa din kahit na tulog na tulog. Magkamukhang magkamukha talaga sila ni Aedin at pati nga posisyon nila sa pagtulog ay pareho din.

Sa huli ay hinayaan ko na lang siya dahil baka mahuli na talaga ako dahil napaka traffic pa naman sa daan. Boss naman si Niko kaya hindi naman niya kailangang maagang pumunta.

"Good morning tita! Sorry na late ako ng gising!" Ako kasi dapat ang magluluto ng breakfast pero heto at naghahain na siya.

"Ano ka ba? Okay lang yan. Kain na tayo. Si Niko?" Nakangiti niyang tanong.

"Tulog pa po sila ni Aedin. Pakisabi na lang pagkagising niya kapag nandito pa kayo na nauna na ako tita." Naiilang kong sagot.

Bigla akong nahiya kay Tita! Ayos lang kaya sa kaniya na dito natutulog si Niko? Ugh, Jaz!

"You should work it out, anak." Nangingiti niyang sabi habang kumakain kami.

"Tita?" 

"Your marriage. What therefore God hath joined together, let not man put asunder. Marriage is sacred  so you better work it out. Napag-uusapan ang problema." Nakangiti pa din nitong sabi. 

Hindi ko alam pero parang natuwa ako at gumaan ang dibdib ko sa sinabi ni tita at nag quote pa talaga siya ng verse sa bible. Sana maging maayos na ang lahat. Sana nga hindi pa huli ang lahat para magsimula muli. 

Napakunot noo kami ni Tita nang may kumakatok sa pintuan. Akmang tatayo si Tita para buksan ito nang mag boluntaryo ako.  

Bahagya naman akong nagulat nang bumungad sa akin si Ethan pagkabukas ko ng pintuan!

"Good morning!" Masayang bati niya sa akin!

"G-Good morning! Sumabay ka na sa amin mag breakfast ni tita. Katatapos ng duty?" Ang alam ko kasi mamaya pa matatapos ang duty niya.

"Hindi na, Jaz. Dumaan lang talaga dahil nagbabaka sakali akong nandito ka pa. Isasabay na kita.” Sabi naman  niya.

"I'll just get my bag!" 

"Take your time.” Sabi niya at umupo pa sa sofa.

"Tapos na din ako!" Nagmamadali na ako at kukunin ko na sana ang bag ko nang halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang sigaw ni Aedin. 

"Daddy doc!" 

Pababa sila ng hagdan ni Niko habang karga-karga si Aedin! Napatingin ako kay Ethan at parang may kumurot sa puso ko nang makita ang lungkot sa kaniyang mga mata habang nakatingin sa dalawa.

Agad bumaba si Aedin mula kay Niko nang tuluyan silang makababa ng hagdan at tumakbo patungo kay Ethan.

"I miss you daddy doc!” Masaya nitong sabi at nagpabuhat pa kay Ethan.

“Oh! Did you really miss me?” Masaya namang sabi ni Ethan.

“Yes, daddy doc!” Sabi nito habang nakayapos sa leeg niya.

Napatingin naman ako kay Niko na matamang nakatingin sa dalawa. Nakita ko pa itong napasimangot kaya nilakihan ko siya ng mata! Napabuntong hininga na lang siya at lumapit sa akin. Nagulat ako nang hapitin niya ako sa bewang at kinintalan ng halik sa aking noo.

“Good morning, baby.” Bulong nito!

“Daddy doc, I have a new daddy! Look, my real daddy!” Masayang masaya pa nitong balita kay Ethan at tinuro pa si Niko.

Parang gusto ko tuloy lumubog sa kinatatayuan ko nang mapatingin sa amin si Ethan. Kaagad naman akong lumayo kay Niko at kunwaring kinuha ko na ang bag ko. 

"U-uh tara na Ethan?” 

"Why? Ako na maghahatid sa'yo." Sabi naman ni Niko.

"Ako na.” Seryosong sagot naman ni Ethan. Nagsukatan pa sila ng tingin!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status