Share

Chapter 47

“Getting back together?” Nakangiting tanong ni Ethan habang nagmamaneho siya pero hindi ito umabot sa kaniyang mga mata.

Sa huli ay kay Ethan din ako sumama dahil mahuhuli na talaga ako sa trabaho at isa pa, ayaw din siyang payagang umalis ni Aedin kaya lihim akong nagpasalamat.

"I..I honestly don't know. Ethan, I’m sorry.." Halos makurot ko ang mga daliri ko at hindi ako makatingin sa kaniya.

Pakiramdam ko kasi ay napaka unfair ko sa kaniya. Lagi siya sa tabi ko at kasama ko siya sa pagpapalaki kay Aedin pero ilang araw ko pa lang nakakasama si Niko ay tumiklop na ako agad. Hindi man niya aminin ay alam kong kahit papaano ay umaasa pa din siyang maibaling ko sa kaniya ang pagmamahal ko. Sinubukan ko naman..pero iisa lang tala ang itinitibok ng puso ko.

"It's okay, Jaz. You don't have to be sorry. As long as you and Aedin are happy then I am also happy. You know that, right?"

Ano bang nagawa ko at bakit napakabuti niya sa akin? Napaka selfless niya at lagi niyang iniisip ang ikasisiya namin ni Aedin kahit na..masaktan pa siya ng paulit-ulit. Sana ay makatagpo siya ng babae na matatapatan ang pagmamahal niya dahil napakabuting tao ni Ethan. He simply deserves the best.

"Thank you will never be enough, Ethan. You have always been there for us and I..I just can’t thank you enough. I’m really sorry, Ethan.” Gumaralgal na ang boses ko at hindi ko na talaga napigilan pang mapaluha.

"Jaz, please stop saying sorry. One more sorry and I will take back what I said. Hindi kita ipapaubaya kay Niko." Lumingon siya sa akin at ngumiti ng matamis.

Alam ko namang nagbibiro lang siya at pilit niya akong pinapangiti.

"Seriously, if he's going to hurt you again? Babawiin ko kayo ni Aedin sa kaniya kahit di ka naman naging akin ni minsan."

"Seryoso tayo ah? Problema?" Tanong ni Jen habang may tina-type ako sa computer.

"Ikaw. Ikaw ang problema ko." Biro ko sa kanya kaya inirapan niya ako. Pero maya-maya ay napabuntong hininga ako.

"Lalim ah! Care to share?"

"Mamaya na."

"Sige, chill tayo laters?"

"Sige."

Napatingin ako sa cellphone ko nang mag vibrate ito. Napakunot noo ako nang makitang may tumatawag pero hindi ko kilala ang numero.

"Hello?" Alanganin kong sagot. Baka kasi importante kaya sinagot ko na.

"Baby." Bahagya naman akong nagulat nang mabosesan ko sa kabilang linya si Niko!

Bigla na namang nag-init ang aking mga pisngi nang maalala ko ang nangyari kagabi! Ugh! Erase!

"Baby ka diyan! Bakit?" Tinarayan ko na lang siya para mapagtakpan ang kilig.

"I brought Aedin with me. He's so clingy like his mommy. Ayaw nang bumitaw." Tumatawa niyang sabi. 

"Saan mo naman dinala?" Alanganin kong tanong.

"Really lolo?! Yehey!" Narinig kong sigaw ni Aedin.

"Inuwi mo?"

"Are you mad?" Tila nag-aalalang tanong niya.

Am I? Napabuntong-hininga na lang ako. Gusto ko mang ipagdamot ang anak ko pero may magagawa pa ba ako?

"Okay lang. Paano ka magtatrabaho?"

"Sa office ako today, may tatapusin lang. I'll bring him there. Aedin, don't go there!"

"Hmm sige na, bantayan mo na lang maige at makulit yan."

"Hey, I’m sorry baby. Tumatakbo kasi malapit sa pool. He said he wants to swim."

"Ikaw na muna bahala sa kanya."

Nagpaalam na ako dahil mukhang hinahabol niya si Aedin. Siguradong na excite ‘yon nang makita ang swimming pool nila.

Muli akong napabuntong hininga. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko at hindi ko rin maiwasang mag-alala dahil baka hindi matanggap ni madame ang anak ko. Huwag lang niyang kakantiin ang anak ko at ako ang makakalaban niya.

“Chill tayo?" Tanong ni Jen kinahapunan.

"Market Market?"

"Okay! Tawagan ko si Max at Jeff.” Sabi nito habang nag-aayos na ng mga gamit niya.

“Sige. Parang atat na atat kang mag chill ah.” Tudyo ko sa kaniya.

Pansin ko kasi na madalas siyang malungkot lately. Bihira na kasing makapunta si Rust dito dahil may inaasikaso ding project sa Davao. At kapag nandito naman siya ay para naman siyang umiiwas.

“Ha? Ikaw ha? Porke inlove ka diyan eh.” Tudyo niya din sa akin!

Buti na lang dahil tila wala namang pakialam ang mga katrabaho namin at kanya-kanya na din sila ng ayos ng mga gamit nila. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa kaniya. Bumalik na naman sa akin ang panunudyo ko sa kaniya!

“Uy, namumula siya! Mayroong hindi sinasabi?”

Natigil ang panunudyo niya sa akin nang kausapin siya ni Carlo, isa ding engineer dito.

“Ma’am Jaz, may naghahanap sa inyo sa labas.” Nakangiti namang sabi sa akin ng isa pang engineer na galing sa labas.

“Sino?”

“Hindi ko alam eh. Sinabi lang ng guard sa akin.” Sabi naman nito kaya nagpasalamat na lang ako.

"Kuya? May naghahanap daw sa akin?" Tanong ko sa guard nang makalabas ako.

"Opo ma'am. Si boss Niko po. Nandoon po siya sa parking. May kasama po kasing bata kaya hindi na sila pumasok.” Magalang nitong sabi sa akin.

"Sige, salamat kuya!"

Kaagad na akong dumiretso sa parking at agad ko ngang nakita ang sasakyan niya. Bakit sila nagpunta pa dito? Sinabi ko kasing ihatid na lang niya sa bahay si Aedin dahil may lakad kami ngayon nila Jen.

Nang makalapit ako ay agad akong nakita ni Aedin kaya nagtatatalon naman ito. Napalingon din si Niko sa akin. Naka button-down dress pa siya na powder blue pero wala ng necktie at nakabukas na ang tatlong butones nito sa taas at black slacks. Mukhang kagagaling nila sa office. Bakit ba kahit anong isuot niya ay napaka gwapo pa din niya? Napailing na lang ako sa tinatakbo ng isipan ko!

"Mommy! Look, I have so many toys! Lolo and lola bought these for me!" Hindi siya magkamayaw sa pagbibida niya ng mga laruan niya sa akin.

Lola ha? Kumusta naman  kaya ang pinagtanggap sa anak ko? Hindi pa din ako mapanatag.

"Wow! That's nice!" Sabi ko na lang kahit na hindi ako mapakali.

"And daddy bought me a watch, mommy! And also for you! Daddy, where's mommy's watch?"

Tumatawa namang iniabot ni Niko kay Aedin ‘yong watch daw na binili nila para sa akin. Pare-pareho kami kaya tuwang tuwa siya. 

Galing din pala sila sa mall kung ganoon. Kasama kaya nila ang ‘girlfriend’ niya? Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang maalalang mayroon pala siyang iba pang karelasyon.

"Pinakilala mo siya sa parents mo?" Hindi ko napigilan ang sarili kong tanungin siya nang pumasok na sa loob ng sasakyan si Aedin at naglaro ng mga toys daw na galing sa lolo at ‘lola’ niya.

"Yeah. They were so excited. They want to see him again." Nakangiti niyang sabi pero natunugan ko pa din ang pag-aalinlangan niya. Iniisip niya siguro na ikagagalit ko ‘to.

"Oh talaga? Hindi ba tinanong ng mommy mo kung anak mo nga ba si Aedin?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya.

"Actually, she wants to talk to you." Nag-aalangan niyang sabi.

“Really, huh? Ano namang sasabihin niya?” Hindi ko talaga maitago ang pait sa tinig ko.

Napayuko siya at hindi nakasagot kaya muli akong nagsalita. “Nagpunta kayo ng mall?”

Nag-angat naman siya ng mukha pero bago pa siya makasagot ay inunahan ko na naman siya. Hindi ko alam pero para akong naiinis! “Kasama ba ‘yong babae mo?” Nakataas ang isang kilay kong sagot. Ah, nanggigigil na ako!

“No, Jaz-“

“Mabuti naman. Ayokong makita siya ni Aedin.” Sabi ko at tinalikuran ko na siya.

Akma akong sasakay na sa sasakyan niya para makipaglaro kay Aedin nang marahan niya akong hilain kaya napabalik ako sa kaniya. Agad niya akong iginiya sa tabi ng sasakyan kung saan ay hindi kami makikita ni Aedin na abala pa sa paglalaro.

Hinapit niya ako sa bewang at inilapit sa kaniyang katawan kaya napatingala ako sa kaniya! Hindi ko makontrol ang puso ko na sobrang bilis na naman ang pagtibok nang makitang namumungay na ang mga mata niyang nakatingin na sa aking mga labi.

Ni hindi ko na namalayan nang magkalapat na pala ang aming mga labi. Awtomatiko namang napataas ang mga braso ko sa leeg niya nang lalo pa niyang nilaliman ang paghalik niya sa akin dahil nanlalambot na ang mga tuhod ko. Bakit ba sabik na sabik ako sa kaniya? Parang hindi na mapatid ang pagkauhaw namin sa isa’t isa.

Hindi na namin mamamalayan kung nasaan kami kung hindi pa sumigaw si Aedin mula sa loob ng sasakyan!

"Mommy, daddy!"

Hinihingal kaming napabitaw sa isa’t isa at nagkatinginan. Kaagad naman niyang pinuntahan si Aedin at sumunod din ako. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makita si Aedin na humihingi ng milk sa daddy niya! Akal ko kung napaano na siya. Hay, Aedin.

Hindi tuloy ako makatingin ng diretso kay Niko. Nahihiya din ako sa sarili ko dahil kani-kanina lang ay para akong nagagalit na inahin pero isang halik lang niya ay pinanlalambutan na ako ng tuhod!

Susunduin pala sana nila ako at aayaing kumain sa labas pero sinabi kong lalabas kami nila ni Jen. Hindi niya daw naintindihan noong sinasabi ko ‘yon dahil naglilikot si Aedin. Susunduin na lang daw nila ako mamaya kaya umoo na lang ako.

"I missed you girlfriends!" Masayang sabi ni Max  nang magkita kita kami sa mall. Nagyakap kaming tatlo at nagkumustahan.

"Alak pa more!" Napalingon ako at nakita ang umiiling na si Jeff.

"Ngayon na nga lang!" Singhal naman ni Jen sa pinsan niya.

Malapit na din matapos ang internship ni Jeff. Halos di na ata natutulog ang isang ‘to at malapit nang magmukhang panda.

Masaya naman kaming nagkwentuhan at wala kaming ginawa kundi tumawa nang tumawa nang balikan namin ang mga kalokohan namin noong college kami.

"Anong feeling ng walang babae, Jeff? Buhay ka pa naman ah? Eh bakit noon halos ikamatay mo kapag wala kang babae?" Tanong ni Max sa kanya.

Halos masamid naman si Jeff sa tanong ni Max. “Ang lakas mo namang maka throwback, Max. Good boy na ako ngayon.” Sabi naman nito ng nakangisi.

“Kung niligawan mo sana si Jaz noon eh di kasal na sana kayo ngayon!” Natigilan naman ako at napatingin kay Jen na wala na namang preno ang bibig. Parang balewala lang ito sa kaniya at uminom pa ng beer. Nakakailang bottle na din siya!

Hindi rin nakahuma si Jeff at napatungo. Gusto ko tuloy sabunutan si Jen!

“Kumusta naman ang lovelife mo ngayon, Jeff?” Natuwa naman ako nang ibahin ni Max ang usapan!

“Tsk. Walang lovelife ‘yan.” Sabi na naman ni Jen.

“Paano ka nakakasiguro?” Sagot naman ni Jeff sa kanya.

“Naaamoy ko. Amoy zero love life.” Nakangisi pa nitong sabi kay Jeff.

“Baka sarili mo naaamoy mo pinsan. Zero love life.” Tuwang tuwa namang sabi nito kay Jen.

“Hay naku! World war III na naman ba ‘to? Tumigil nga kayo at pare-pareho lang tayong nanganganoy zero dito. Umuwi na tayo at may tama na kayo. Mag da-drive ka pa Jen, pati ikaw Jeff.” Dire-diretsong sabi ni Max.

Mahigit dalawang oras na din pala kami dito. Hindi ko talaga namamalayan ang oras kapag kasama ko sila at pakiramdam ko ay bumabalik ako sa buhay kolehiyo.

“Hindi lahat, amoy zero love life!” Sabi naman ni Jen at nakangisi itong tumingin sa likuran ko kaya napalingon kaming lahat.

Si Niko! Nagtanong kasi siya kanina kung nasaan kami banda kaya sinabi ko naman. Hindi ko akalaing pupuntahan pa talaga niya ako dito. Kaagad naman itong lumapit sa akin at hinalikan pa ako sa pisngi!

 

“Ay nakakainggit naman!” Nakangusong sabi ni Jen!  

“What a surprise! Hi, Niko!” Nakangiting bati naman ni Max kay Niko.

Bumati naman pabalik si Niko sa kaniya at nakipag tanguan sa nagulat na si Jeff.

“Jeff, ihatid mo ako ha? Nahihilo na ako.” Sabi naman ni Jen nang tumayo na kami at nagpaalam nang uuwi.

“Iinom inom kasi hindi naman pala kaya. Mag-asawa ka nga!” Singhal nito kay Jen kaya natawa na lang kami ni Max. Dala din kasi ni Jen ang kotse niya kaya malamang ay pababalikan pa niya ‘to kay Jeff.

"Are you all right? Nahihilo ka?" Tanong sa akin ni Niko nang makasakay kami sa sasakyan niya dahil ipinikit ko ang mga mata ko.

"Medyo." Nakapikit kong sagot sa kanya.

"Sa condo muna kita iuuwi para malapit na lang." Nagulat ako kaya napamulat ako.

"Ha? Bakit? Si Aedin?"

Marahan siyang tumawa dahil sabay-sabay daw ang tanong ko.

"Andoon kila mommy. He fell asleep early so..” Alanganin niya ulit sinabi sa akin na tila hinihintay pa ang pagsang-ayon ko.

Napabuntong hininga na lang ako. Basta sisiguraduhin niya lang na hinding hindi niya idadamay ang anak ko sa galit niya sa akin.

“Nakapagpaalam na din ako kay tita Jelai.” Sabi pa nito nang hindi ako makasagot sa kaniya.

"Bakit kailangang sa condo mo ako uuwi? May bahay naman kami.” Sabi ko sa kaniya nang nakapikit para mapagtakpan ang karupukan ko.

Nakakainis..bakit ganito na naman ang nararamdaman ko? Akala ko ba isang gabi lang, Jaz? Bakit, ano bang naiisip mo? Ah!

Nang makasakay kami sa elevator ng condo ay naramdaman ko na ang tensyon. Hinapit niya ako sa aking bewang at hindi na din ako pumalag pa. Para saan pa? Mainit ang katawan ko dahil sa beer na nainom ko pero pakiramdam ko ngayon ay nag-aalab na ako.

Halos takbuhin na namin ang condo unit niya pagkalabas namin ng elevator. Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng unit niya ay kaagad niya akong binuhat papunta sa kwarto at marahang ibinaba sa kama.

 

"Just can’t get enough of you.." Namamaos niyang sabi bago niya ako siniil ng halik sa aking mga labi.

Rough and wild.. that's how I describe this unforgettable night.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status