Share

Chapter 48

"Jazmin, hindi ka na ba talaga mag-i-extend?" Tanong ng project manager sa akin.

Sa totoo lang ay hindi na malinaw ang magiging plano ko ngayong bumalik na si Niko. Hindi pa malinaw sa amin ang lahat. Gusto ko ding mainis sa sarili ko dahil hindi pa ito malinaw kung tutuusin pero ilang beses ko nang naipagkaloob sa kanya ang aking sarili. Ganon ako karupok pagdating sa kanya. Oo nga at mag-asawa nga kami pero matagal kaming nagkahiwalay at ni hindi pa kami nakapag-usap sa mga nangyari.

Sinabi niyang mag-uusap kami pagkabalik niya dahil kinailangan niyang magpunta sa Davao kinaumagahan no’n. Nagkaroon daw kasi ng problema kaya kahit ayaw niya pa sanang umalis ay wala siyang nagawa.

“Papasok na din po sa preschool ang anak ko kaya kailangan ko muna siyang personal na asikasuhin sir. Pasensiya na po..” Magalang kong sagot kaya naintindihan naman niya ako.

Si Aedin na muna ang aasikasuhin ko at bahala na kung ano ang magiging kahihinatnan ng pag-uusap namin ni Niko. Napabuntong hininga ako nang maala kung paano tuluyang napalapit ang loob ni Aedin sa ama niya. Hindi ko akalaing sa ilang araw lang nilang pagsasama ay ganon na katindi ang pagka attach nila sa isa’t isa.

Hindi ko na alam kung paano ko siya napatahan sa pag-iyak nang umalis si Niko. Parang gusto ko  na ngang magselos sa inaasta ni Aedin. Bumabawi din kasi si Niko sa mga araw na wala siya sa tabi ng anak niya kaya nauunawaan ko naman.

Kung nalaman niya kayang buntis na ako nang makaalis siya ay hindi kami magkakahiwalay ng ganon? Pero alam kong hindi pa din tama na bigla na lang niya akong iiwan na walang sapat na dahilan kahit pa hindi man ako nabuntis.

Hay, hindi na ako makapaghintay na makapag usap kami. Paano kami makakapag usap ng maayos kung para kaming uhaw na uhaw sa isa’t isa sa tuwing napag-iisa kami. Bigla namang nag-init ang pisngi ko nang maalala ang gabing sa condo niya ako tumuloy. Halos inumaga na kaming natulog kaya paano pa kami makakapag-usap?

"Hi tita! Si Ethan at Aedin?" Tanong ko kay tita pagka uwi ko.

Laking pasasalamat ko talaga kay Ethan dahil kung hindi siya dumating kanina ay baka napilitan akong dalhin sa trabaho si Aiden kanina dahil napaka iyakin niya bigla at ayaw niya akong paalisin.

Tuwang tuwa naman si Aedin nang sabihin ni Ethan na mamamasyal sila. At isa pa, alam kong na miss din ng anak ko ang daddy doc niya. Nahiya nga ako sa kanya dahil kagagaling niya ng duty pero hindi naman daw ganon kadaming pasyente kagabi kaya nakatulog naman daw siya. Sa emergency room na kasi siya naka duty nitong mga nakaraang araw.

"Andito na si Aedin. Naglalaro sila sa kwarto ni Andrew. Si Ethan naman ay nagmamadaling umalis at may emergency daw sa hospital."

"Tawagan ko na lang mamaya. Thanks tita!” Hindi naman siya naka duty ah pero bakit kinailangan siya sa hospital?

“Pababain mo din ‘yong dalawa at kakain na tayo.” Sabi naman ni tita nang paakyat na ako ng hagdan.

“Opo.”

Pagkatapos naming kumain ay kaagad na kaming umakyat ni Aedin sa kwarto at naligo.

“Mommy, where’s daddy Niko?” Tanong siya ng tanong kahit paulit-ulit ko ding sinasabi sa kanya na nasa trabaho.

“He’s at work, anak. But he’ll be back before you know it kaya sleep ka na ha?” Marahan ko namang sinabi sa kanya.

“Call daddy Niko, mommy!” Sabi na naman niya sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako.

Ni hindi nga nagpaparamdam ‘yong tatay mo eh.

“Okay. But we have to call daddy doc first, okay?” Sabi ko sa kanya at natuwa naman ako nang tumango siya.

Hindi  na ako nag aksaya ng panahon at agad na pinindot ang numero ni Ethan. Hindi pa ako nakakapagpasalamat sa kanya.

“Jaz?” Nakahinga naman ako ng maluwag nang sagutin niya agad ang tawag ko. Nag-aalala din kasi ako nang malamang bumalik siya ng hospital samantalang katatapos pa lang ng duty niya kaninang umaga.

“Ethan, anong nangyari? Bakit ka bumalik ng hospital?” Nag-aalala kong tanong.

“I’m sorry hindi mo na ako naabutan. Nagkaro’n kasi ng mass v/a kaya kinailangan pa nila ng mga doctors.”

“Ha? Kumusta naman? Okay ka lang? Pagod na pagod ka na niyan? Kailangan niyo pa ba ng mga nurses?” Sunod-sunod kong tanong.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya. “Everything went well. Puro minor lang kaya wala naman dapat ipag-alala. Pauwi  na din ako.”

Nakahinga naman ako ng maluwag. “Ingat ka ha? Thank you pala sa pag-aalaga mo kay kulit kaya alam kong pagod na pagod ka na. Pahinga ka na agad pagkarating mo ha?”

“Wala ‘yon basta para sa inyo ni Aedin.” Natahimik ako sa sinabi nya kaya nagpatuloy siya. “I have to hang up now. Drive na ako.” Tila balewalang sabi nito pero alam kong nasasaktan pa din siya.

Masakit din ‘to sa akin pero wala naman akong magawa. I’m so sorry, Ethan..

Nang matapos kaming nag-usap ni Ethan ay kinulit na ako ni Aedin na tawagan ang daddy niya kaya agad ko na ‘tong dinial kahit na hindi man lang siya nag text kahit isa. Gano’n ba talaga katindi ang naging problema doon?

Nagri-ring naman ito pero walang sumasagot kaya sumubok ulit ako. Kumabog naman ang puso ko nang saw akas ay sagutin niya ito pero lalo pang kumabog ito nang babae ang sumagot!

"Yes? Who's this?" Maarteng sagot ng isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay si Celine!

“S-sino ‘to? Si Niko?” Kinakabahan na ako at halos madinig ko na ang tibok ng puso ko!

“This is Celine, his girlfriend. And to answer your second question..tulog na ang boyfriend ko eh. Napagod masyado.” Sarkastiko niyang sabi!

Hindi ako nakapagsalita sa pagkabigla at mukhang sinamantala niya ‘yon nang muli siyang magsalita. “Sino ka ba? Nakakaabala ka na kasi.” Pauyam niyang sabi.

Halos manginig ako pero sinubukan ko pa ding umayos dahil nakamasid sa akin ang anak ko!

"Gano’n ba? Pakisabi tumawag ‘yong asawa't anak niya.” Sabi ko din sa kanya at pinutol ko na ang tawag!

Ano ha? Muli na naman ba akong nagpakatanga? Parang dinudurog ng pinong-pino ang puso ko ngayon. Hindi pa ito tuluyang naghilom pero dinagdagan na naman niya ito ng panibagong sugat. Bigla akong nanghina. Muli na namang naging sariwa ang nilikha niyang mga sugat sa akin.

Emergency pala ha? Emergency meeting kasama ang babae niya.

Napatawa ako ng pagak dahil isa akong dakilang marupok. Isang halik lang tumitiklop na ang mga tuhod ko. Pinaglaruan na naman ako ng walang kamalay malay.

"Mommy? Where's daddy?" Nagtataka namang tanong ni Aedin kaya napalingon ako sa kanya. Todo ang  ginawa kong pagpipigil para hindi bumagsak ang luhang nag babadya sa aking mga mata.

"He’s busy so we have to sleep now. We will call him again next time.” Sabi ko na lang dahil kaonti na lang ay bubuhos na ‘to.

"Okay mommy. I love you!" Malambing naman niyang sabi at humiga na nga.

Lihim akong nagpasalamat dahil hindi naman siya nangulit ngayon at nakatulog din siya kaagad gawa siguro ng pagod sa paglalaro kanina.

Nang makatulog siya ay hindi ko na napigilan pa ang pagbuhos ng aking mga luha. Masyadong masakit. Bakit ba paulit-ulit mo na lang akong ginagago, Niko? Ano bang ginawa ko sa’yo?

"Hello?" Patamad kong sagot nang may tumawag sa akin.

Ni hindi ko na tinignan kung sino ito dahil ilang araw na akong parang lutang. Tatlong araw na mula nang umalis si Niko at hanggang ngayon ay hindi pa din siya nagpaparamdam kaya lalo ko lang nakumpirma ang panloloko niya sa akin. Kung masaya na siya sa babaeng ‘yon, sana lang ay hindi na niya ako pinaasa pa para hindi ako nasasaktan ng ganito!

"Jazmin?" Para akong nagising sa malalim na pagkakatulog nang marinig ang boses ng taong ni sa panaginip ay ayaw kong marinig!

Si madame! Nakiusap siya kung pwede daw ba kaming magkita pagkatapos ng trabaho ko kaya agad akong umoo. Wala akong pakialam kung sasabihan na naman niya ako na layuan ko ang anak niya! Lalayuan ko talaga siya kahit na hindi pa niya sabihin pero ilalayo ko din ang anak ko sa kanila para patas lang kami.

Naging mabilis naman ang oras kaya nang matapos ang trabaho ko ay kaagad na akong dumiretso sa usapan namin.

Napasinghap ako nang makita ko siya sa sulok. She’s not alone because she’s with..Gab. I gathered all my courage at pinilit kong umakto ng normal nang humakbang ako papunta sa kanila.

Kaagad naman nila akong nakita nang makalapit ako sa kanila at napataas naman ang isang kilay ko nang mapatayo pa sila pareho.

"Hi!" Alanganin nilang bati sa akin.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pero pinilit ko pa ding ngumiti kahit pa pekeng peke na ito sa pangingin nila.

.

"Hi Jaz.." Tila nahihiyang bati pa ulit ni Gab sa akin nang makaupo kami.

Hindi ko na nagawang suklian ang ngiti niya kaya napatungo na lang siya

“Anong atin?” Tanong ko sa kanila nang makapag order kami ng pagkain. Kahit ayaw ko sana ay nagpumilit si madame kaya hinayaan ko na lang.

Napabuntong hininga naman siya at ngumiti ng tipid sa akin. Alam ko kasing hindi na maipinta ang mukha ko ngayon.

“First, I want to apologize for all the things I have done in the past. I really am sorry, hija.” Mababa ang tinig niyang sabi.

Bahagya naman akong nagulat dahil hindi ito ang inaasahan kong sasabihin niya. Sobra daw siyang nagsisisi sa mga nagawa niya at mula nang makita niya si Aedin ay halos hindi na daw siya makatulog dahil sa guilt. Napakunot noo naman ako nang sinabi niya ‘yon at do’n niya sinabi na alam pala niyang nabuntis ako.

Napatawa naman ako ng pagak nang sinabi nilang akala nila ay si Ethan ang ama ng anak ko. Inamin niya din kasing pinasubaybayan niya ako at obviously kumuha sila ng mga pictures na ipinakita na naman kay Niko. Wala na bang bago? Puro na lang pictures ang sisira sa amin? Ano ako, celebrity?

Humingi din ng tawad sa akin si Gab at sobra niya daw pinagsisisihan ang mga nagawa nila ng mommy ni Niko nang makita niya kung gaano naging ka miserable si Niko. Wala daw namagitan sa kanilang dalawa dahil ako lang daw ang tanging mahal ni Niko. Hindi ko napigilang mapangiti ng mapait ng sinabi niya ‘yon. Naging miserable? Ako lang ang mahal niya? Ayokong maniwala. Nakakasawang maniwala. Wala siyang ginawa kundi pagdudahan ako. Heto nga’t nagpapasakasaya na naman siya sa piling ng iba.

"Bakit niyo ho sinasabi sa akin lahat ng ‘to?" Seryoso kong tanong sa kanila.

“I know you are mad. Who wouldn’t? Pakiramdam ko nga ay ako ang kontrabidang witch sa kwento niyo ng anak ko, hija. But I hope you’ll find forgiveness in your heart. I am willing to wait. I am so sorry.”

Nagpasalamat din siya sa akin dahil maganda raw ang pagpapalaki ko kay Aedin. Kumikislap pa ang mata niya habang nagkukwento nang ipakilala ni Niko si Aedin sa kanila. I know this is all about my son.

Mukha naman silang sinsero sa mga sinabi nila kaya kahit papaano ay naging civil naman ang pakikitungo ko sa kanila. Hindi naman ako santo para hindi makaramdam ng galit sa kanila lalo na at alam pala nilang buntis na ako no’n. Pero alam kong darating din ang panahon na mapapatawad ko din sila. Hindi naman ako umabot sa punto na kinamumuhian ko sila. Hindi ganon.  Pero hindi ko din kayang magpanggap na parang walang nangyari. Mahabang proseso din siguro bago maging maayos ang lahat.

Para akong pagod na pagod na pagkauwi ko tapos kinukulit pa ako ni Aedin kaya lalo lang sumakit ang ulo.

Sumasakit ang ulo ko sa lalaking ‘yon. Kung mahal niya, bakit hindi niya magawang magtiwala sa akin? At bakit kasama niya ngayon ang babaeng ‘yon?

"Ate Jaz! Nandito sila ate Jen!" Sigaw ni Andrew mula sa labas ng kwarto.

Napilitan akong magmulat ng mata dahil nakakapagtaka na nandito siya ng maaga. At sila? Sinong kasama niya?

"Buksan mo ‘to! Urgent!" Sigaw ni Jen at halos gibain niya sa katok ang pintuan namin kaya kinabahan ako!

Tuluyan na ding nagising si Aedin sa lakas ng katok ni Jen! Ano bang nangayri?

"Anong nangyari?" Nag-aalala kong tanong nang mabuksan ko ang pintuan pero nagulat ako nang makita ko sila ni Max.

"Hi, baby ko! Good morning!" Masayang sabi ni Max at dire-diretso na silang pumasok sa loob ng kwarto at pinaghahalikan nila sa Aedin na pupungas pungas pa.

"Grabe kayo ha? Akala ko kung ano na! Anong meron?” Nagtataka kongtanong sa kanila.

"Wala lang! Hindi mo ba kami na miss?" Tumatawang sabi ni Jen habang nilalamutak na ng halik ang anak ko.

"Bihis na kayo. Beach tayo!" Masayang sabi naman ni Max.

Para namang nakarinig ng kung ano ang anak ko dahil nanlalaki na ang mga mata niya sa tuwa. "Really, ninang?!" Tuwang tuwa niyang tanong kay Max.

"Of course!” Sabi naman ni Max kaya nagtatatalon na naman ito sa tuwa. Gising na gising na ang diwa!

"Yehey! Mommy, pack my things now! Hurry up, mommy!"

Napailing na lang ako at mabilis kaming naligo saka ako nag-ayos ng mga gamit namin.

Atat na atat nang maligo sa dagat ang anak ko pagkarating pa lang namin pero kumain pa muna kami at nagpahinga. Pero nang hindi na mapigilan si Aedin ay nagbihis na din kami ng panligo.

“Grabe, ang sexy mo pa din Jaz! Parang wala ka pang anak. Sana ganyan din ako kapag nagka anak.” Sabi ni Max kaya tinukso na naman ni Jen na maghanap na muna ng boyfriend bago baby.

Napailing na lang ako sa kanilang dalawa. Halos magkakapareho lang kami ng sukat pero mas matangkad lang si Max sa amin ni Jen. Naka two piece kaming tatlo pero nagsuot ako ng maiksing shorts dahil baka maglikot mamaya si Aedin, mahirap na.

Napangiti ako nang tuluyan kaming lumusong sa dagat. Mabuti na lang at naisipan ng dalawang ‘to na magpunta ngayon dito. Sa tingin ko ay kailangan ko din talagang lumanghap ng sariwang hangin. Parang napakadaming nangyari sa mga nakaraang araw at hindi ko alam kung paano ko iporoseso ang lahat.

"Mommy, I’m so happy!" Masayang sigaw ni Aedin habang buhat siya ni Jen at nakikipaghabulan sa mga alon.

Tuwang tuwa naman ako sa sinabi ng anak ko. Gagawin ni mommy lahat, mapasaya ka lang.

Parang wala siyang kapaguran at sobrang hilig talaga niya sa tubig, manang mana siya sa dalawang ninang niya.

"Daddy! Daddy!" Nagulat ako nang sumigaw si Aedin at masayang masaya siyang nakatingin sa dalampasigan!

Halos malaglag ang panga ko nang makita si Niko na masayang nakatingin sa amin!

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status