Share

Chapter 2

Lumipas ng matulin ang mga araw at patapos na naman ang second semester! At syempre itong huling limang araw ang pinaka toxic sa lahat dahil finals na! Busy ang lahat sa pag re review. Tulad nga namin ni Jen ngayon.

"Ang sakit na ng ulo ko Jaz! Di ko talaga maintindihan to!" She exclaimed. She’s taking up civil engineering at tulad ko ay nasa 2nd year na din.

"Eh bat ka ba kasi nag engineering eh alam mo namang pareho lang tayong kamote pagdating sa mga numero na yan." Talak ko sa kanya at napailing na lang.

"Wala naman akong magagawa dahil yun ang gusto ni daddy." Nakasimangot niyang sabi.

"Na ginusto mo din." Binigyang diin ko pa talaga dahil hindi naman siya pinilit. Pero dahil ayaw niyang ma disappoint ang dad niya ay yun na nga din ang kinuha niyang kurso.

Isa kasing successful civil engineer ang daddy nya sa isa sa pinaka malaking kumpanya sa Manila.

Umalis ako mula sa aking kama at nag stretch. Kapag di pa ako tatayo ay siguradong makakatulog na ako. Nakakaantok! Makapag timpla nga ng kape dahil talagang parang hinihila na ang mga talukap ko. Alas diyes na ng gabi at isa sa mga rules namin ni Jen ay bawal kaming matulog hangga't di natatapos sa pag re-review namin.

"Timpla ako ng coffee, you want?" Tanong ko sa kanya na kunot na kunot na ang noo.

"Yes, please." Sagot nito na halos maiiyak na.

Pagkatapos kong ibigay ang coffee nya, lumabas muna ako sa terrace at magpapa hangin. Na i stress na din kasi ako. Makakapal na libro pa ang kailangan kong basahin!

Napangiti ako pag labas ko sabay samyo sa malamig na hangin.

"Sarap talaga dito sa Baguio! Hooo ang ginaw!" Sigaw ko sabay simsim sa aking mainit na kape. Naka jogging pants ako at jacket pero nanunuot pa din hanggang sa buto ang lamig! Nakaka refresh din ng utak.

Nagulat na lang ako nang may sumigaw sa katabi naming apartment.

"Hi miss! Ang ganda ganda mo naman kahit medyo madilim diyan kitang kita pa din oh! Ano nga palang pangalan mo?!" Sigaw nya at napatingin din ang mga kasama nya at naki usyuso. Maliban sa isa na tuloy lang sa pagtugtog ng gitara. Napakunot ako ng noo dahil parang pamilyar siya.

Lima silang mga lalaki at dahil maliwanag sa terrace nila, kita kong lahat sila ay gwapo. Ngayon ko lang natsambahang may mga tao diyan. Sabagay, di rin naman ako madalas magtambay dito sa terrace. Grabe napaka bolero ng lalaking to.

Bigla naman akong dinalaw ng hiya, may pasigaw sigaw pa akong nalalaman. Kaya naman tumalikod na lang ako at bumalik na sa loob.

"Mahina pre!" Narinig ko pang kantyaw nila at nagtawanan ang mga mokong.

"SA wakas natapos din!" Sigaw ng mga kaklase ko. Akala mo  naman ay nanalo sila sa isang championship kung makasigaw. Nakahinga na kami ng maluwag. Wala munang iisipin. Well, sa ngayon. Makakapag relax na ulit kami. Napaka stressful ng exam week!

"Guys, saan tayo mamaya? Hep hep! Bawal ang kj! Si Kirsten Jane lang ang KJ dito!" Biro pa ni Gab at inunahan na ang mga killjoy na siguradong tatanggi.

Nagkakagulo naman ang iba at ini-stress lang nila ang mga sarili nila dahil nagtatanungan pa sila kung ano mga sagot nila. As if naman mapapalitan pa nila kung mali.

Actually, halos lahat kami sa block na to ay magkakaibigan. Pero di talaga maiiwasan na meron at meron ding mga kj talaga. Isa na ata ako dun. Well, di naman masyado. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa mga ganyan. Pero marunong naman akong makisama kaya go na lang din. Atleast naman ay alam namin ang priority namin.

"Uy Jazmin Gonzales, ano sama tayo?" Tanong nitong kaibigan kong suki ng mga disco-han dito sa Baguio.

"Aysus naman! Kunwari ka pang nagtatanong Maria Xandra E. Gomez! Eh alam na alam ko namang di rin ako makakatanggi dahil kakaladkarin mo din ako!" Sabi ko sa kanya sabay kunwaring irap.

"Naman noh! Kelangan nating mag relax ngayon! Next sem ay start na ng clinical immersion natin! So Jaz, we really need to unwind! Isantabi mo muna ang pagiging kj. Wala ng gala next sem!” Kunwaring sumisinghot singhot pa nyang sabi. Napailing na lang ako dahil napaka OA niya.

"Guys! Kita kits tayo mamayang 9 pm sa SM sa harap ng starbucks ha? Sabay sabay na lang tayong pumunta mamaya. Or kayo ang bahala. Basta walang mang i-indian ha?" Sabi ni Gab. Gab or Gabby tawag namin sa kanya pero Gabrielle talaga ang name nya. Maganda, sexy, at matalino pero boyish kumilos.

"Jaz, uuwi muna ako. I'll just get my things and then didiretso na ako sa apartment nyo after at dun na lang tayo mag-a ayos. Makikitulog na din ako mamaya ha?!" Mabilis niyang sabi at tumakbo na palayo.

Wow lang, as if naman makakatanggi pa ako. Tsk. Kahit party girl yang kaibigan ko na yan, matalino yan at tulad ni Gab, sexy at maganda. Birds of the same feather flock together ika nga nila. Kaibahan lang, kung si Gab boyish, ito namang si Max hay naku alam na! Napaka arte katulad ni Jen. Ako naman? Siguro nasa middle lang.

"GIRLFRIEND! Ano ba yan? Para ka namang mag-aanak sa binyag diyan sa ayos mo! Akin na nga at ako bahala sayo!" Sita sa akin ni Max na akala mo naman kung maka react ay nakapalda ako ng hanggang sakong.

Naka off shoulder kasi ako na white dress na just above the knee ang haba. Okay naman eh. Maarte lang talaga siya. I mean, sila.

"Oo nga! Kaya di napapansin ng loves nya kasi di naman nag aayos!" Sabi naman ng atribidang si Jen na tatawa tawa. Nandito kami sa kwarto at nag-aayos.

Sasama din pala tong babaeng to sa amin. Kaibigan na din kasi to ng mga friends ko dahil madalas din kami mag group study dito sa apartment. Dahil friendly siya ay agad niyang nakagaanan ng loob ang mga kaklase ko.

"Tara! Operation make-over!" Sabay pang sigaw ng dalawang to at aba nag apir pa sila. Para silang si B1 at B2!

Hindi naman siguro ako losyang. Tinatamad lang talaga akong mag ayos. I mean nag aayos naman kaso iba ang ibig sabihin ng salitang ayos sa dalawang to. Kelangan may pa makeup pa at pa curl pa ng hair. Wala na akong time para diyan noh!

Habang inaayusan ako ng mga bruha, dinial ko number ni my loves ko.

Sa pang apat na ring siya sumagot. "Oh?"

"Saan ka? Wala kayong lakad?" Tanong ko. Umaasa ako na makakasama ko siya ngayong gabi.

"Meron pero mamaya pa. Kayo ba?" Sagot niya na parang walang kagana ganang makipag-usap.

Sasagot sana ako nang bigla…

"Babe, sino ba yan?" Malambing na boses ng isang babae sa kabilang linya.

"Ah sige Jaz may gagawin pa ako eh." Paalam niya agad!

"Ah ganoon ba? O-okay sige. Bye."

Wasak na wasak na naman ang puso kong to! Na naman! May babae na naman siya. Kaya pala halos di ko na naman siya nakakasama sa mga vacant namin. May pinagkaka abalahan na naman siyang babae.  Kelangan ko ng diversion! Magwawala talaga ako ngayong gabi! Nakakainis na!

Nagtinginan pa tong dalawa at sabay na napailing. Martir ka nga naman kasi Jazmin.

"WOW! Sino kayo? Mga anghel na bumagsak sa lupa? Jazmin, ikaw ba yan?" Sabi ng mga kaklase ko. Lalo na ang boys na halos matutunaw ka na sa katititig nila. Parang mga ewan kung makakakantyaw. Naiilang tuloy ako.

Pinagtitinginan din kami ng mga tao. Napagkamalan din ata kaming mga anghel. Charot! Ikaw ba naman ang naka ayos na ganto dito sa Baguio, sa SM pa, malamang center of attraction ka.

Pero nagustuhan ko din talaga ang ayos sa akin ng dalawa kong kaibigan na maaarte, nag mukha akong matured at hindi halatang 18 years old lang. Lalo ko daw naging hawig si Megan Fox noong kabataan niya sa ayos ko.

Brown smokey ang aking eyeshadow, matte red naman ang lipstick. May pa contour pa sila at highlights na nalalaman. Loose curls naman ang ginawa nila sa buhok kong hanggang bewang ang haba. At pinasuot sakin tong sexy dress  ni Jen. Long sleeve na black fitted dress at 2 inches above the knee ang haba. Kaya very obvious ang hubog ng katawan ko. Ayoko sana kaso tutuksuhin na naman akong kill joy. Nakakaiirita kaya yun. At black strappy stilleto naman sa aking paa. Nag mukha tuloy akong matangkad. Well, di rin naman ako kaliitan sa height kong 5'3. Medyo lang. Si Max ang matangkad sa height na 5'6. Si Jen naman ay halos kapareho ko lang.

Naalala ko pa ang puri ng dalawa kanina. At kung paano kumabog ang puso ko habang naghihintay kami ng taxi kanina.

"Grabe matotomboy ako sayo Jaz! Megan Fox talaga ah! Ang sexy mo! Lalo kang gumanda! Huwag mo kasing tinatago yang ka sexyhan mo!"

"Para magka jowa ka na!" Hirit pa nila habang nag pi picture kami sa cellphone ni Max. I-upload niya daw bukas sa f******k.

Honestly, halos di ko rin makilala sarili ko. Maputi ako nakuha ko sa mommy ko pero mas lumabas pa to dahil sa black dress ko ngayon. At ang ganda ng pakaka kulot ng buhok kong natural brown na hanggang bewang ang haba.

"Oo na! Magaling na kayong dalawa. Kayo nga diyan oh mukha kayong mga dyosa na bumaba mula sa langit!" Sabi ko naman sa kanila. Pero hindi ako nagbibiro at magaganda talaga sila. Kahit di naman sila mag make up ay magaganda pa din.

Naka backless na tulad ko ay fitted dress si Jen pero naka black leather jacket at black ankle boots. Hinayaan nyang nakalugay ang shoulder length nyang buhok na bobcut.

Si Max naman ay naka off-shoulder na black fitted dress din na halos pare pareho kami ng haba. Naka curl din ang buhok nya na lagpas balikat. Mukha nga kaming Charlie's angels eh. Girls in black ang drama namin tonight. Ang gaganda ng mga kaibigan ko!

"Oh siya tara na at nag bobolahan na tayong tatlo dito eh! Dala mo kotse mo Max?" Tanong ni Jen na di naman masyadong halatang excited nang pumarty!

"Hindi ko dinala kasi maglalasing talaga ako tonight! Wuhooo! Let's party!!!" Sigaw niya. Excited sila pareho samantalang ako ay walang kagana-gana.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status