Share

Chapter 7

"Hello, 'my?" Sagot ko, tumatawag si mommy. 

"Hi anak! Nakarating ka na ba?" Tanong niya sa kabilang linya. Lagi ko kasi ina-update ang mommy ko sa mga ganap ng buhay ko. 

Kararating namin dito sa Baguio. Ang bilis natapos ng bakasyon. 

"Heto po 'my kararating lang. Tawag na lang po ako mamaya kasi pababa na po kami ng bus." 

"Okay, thank God at nakarating ka ng maayos anak. Mag iingat ka palagi diyan ha? I miss you anak. Sige na at papasok na din ako. I love you nak!" Papasok na din siya sa work. Nami-miss ko na ang mommy ko pero wala naman akong magagagawa. Kaya ko din pinag-iigihan ang pag-aaral ko para hindi na kami magkakalayo pa. 

Mag tu- two years nang di nakakauwi si mommy kaya malapit na ulit siyang mag bakasyon. Every two years kasi ay umuuwi siya. Nasa early 40s pa lang ang mommy ko pero di na din siya nag asawa pang muli. Okay lang naman sa akin kung sakaling umibig pa siya. Ang kaligayahan niya ay kaligayahan ko na din. Im sure maiintidihan naman yun ni daddy. She deserves to be happy. 

"Yes mommy. Ingat ka din po diyan! I love and miss you too mommy!" Nag excuse ako sa katabi ko at kinuha ko na ang bag ko sa taas dahil at nagbababaan na ang mga tao. 

"Jaz! May taxi na, bilis!" Kinawayan na ako ni Jen na nauna nang bumaba. Mahirap kasi makakuha ng taxi kapag ganito na nagsisibalikan ang mga estudyante mula sa kani-kanilang mga probinsya. Masyadong madaming tao ngayon dito govpack! Ang galing talaga ni Jen makipag unahan at nakakuha na agad siya ng taxi. 

Gusto ko pa sanang maglakad lakad sa session road kaso medyo pagod na din sa biyahe at mabigat din itong bag ko. Masarap kasi maglakad lakad dito sa gabi. Parang panandalian mong makakalimutan ang mga problema mo. Weird pero tuwing na da down ako, ganun ang ginagawa ko at gumagaan naman ang dibdib ko. 

"Anong plano natin bukas, Jazzy?" Tanong ni Jen. Kararating namin dito sa apartment. Wala pa yung magkapatid sa kabilang kwarto. Baka bukas pa ang balik nila at malapit lang din naman kasi ang La Union. 

"Sunday bukas di ba? Simba tayo? Tapos mamasyal na lang tayo. Text ko si Max." Sagot ko.

"O sige, sige bet ko yan." Excited naman niyang sabi.

"Ano Jen, di na ba tayo kakain? Magluto ka nga please?" Pa cute kong sabi kay Jen. Nagluluto din kasi kami lalo na kapag may time kami. At madalas nga ay si Jen ang nagluluto para sa amin dahil bukod sa kahiligan niya ay masarap talaga siyang magluto. 

"Hoy pagod ako sa biyahe. Kain na lang tayo sa karinderya diyan sa kanto." Sabi niya habang nag-aayos ng mga gamit niya. 

"O sige. Libre mo ha?" Pabiro kong sinabi habang nakahiga naman ako sa kama ko.

"Kuripot talaga to! Halika na, bumangon ka na diyan!" Singhal niya sa akin kaya natawa na ako.

Madami palaging customer dito sa karinderyang ito lalo na ang mga estudyante at mga taxi driver dahil bukod sa mura ang bentang mga ulam, ay masarap din. 

"Ano sayo Jen?" Tanong ko sa kanya habang namimili kami ng ulam. 

"Hmm parang gusto ko ng may sabaw. Ate, may sinigang na baboy pa ba kayo?" Tanong nito sa nagbebenta. 

"Meron pa. Isang order ba?" Tanong namin nito kay Jen.

"Jaz, gusto mo din ba?" Bumaling muna siya sa akin. Parang gusto ko ng adobo ngayon eh kaya umiling ako.

"Isang order po sa akin sa adobo, ate." Sabi ko naman.

"Jaz!" Nagulat ako nang may tumawag sa akin mula sa mga customers na kumakain kaya agad naman akong napalingon. Pati nga si Jen ay napakunot noo at nilingon din yung tumawag sa akin. 

"Jazmin!" Sigaw niya ulit dahil nagpalinga linga ako at hinanap kung saan siya banda. Nagulat naman ako nang malingunan ko ang tumatawag sa akin at walang iba kung hindi si Von pala. Kasama niya ang tatlo sa mga kaibigan niya at syempre isa doon ay si Niko!

Bigla tuloy kumabog ng mabilis ang puso ko. Bakit ganito naman kabilis tong puso ko! 

"Aba, marunong din pala kumain sa turo-turo mga lalaking yan ha?" Bulong ni Jen nang makita niya din sila. Sa pagkaka alam kasi namin ay bigatin ang mga magkakaibigang iyan. 

Siniko ko na lang si Jen at kumaway kila Von at ngumiti.

Tumayo naman si Von at kumuha ng extrang dalawang upuan at inilagay sa may table nila. 

"Dito na kayo Jaz, Jen, pagkatapos niyo diyan." Sabi pa niya. Nakakahiya pero napa 'sige' na lang ako.

Bigla naman akong na conscious at napatingin sa suot namin ni Jen. Buti na lang talaga at hindi pa kami nagpalit ng pambahay. Naka skinny jeans kami pareho ni Jen at naka jacket. 

"Sarap kumain niyan Jaz, daming gwapo! Ayiee andiyan yung boyfriend mo oh!" Tudyo niya pa sa akin kaya pakiramdam ko namumula na naman ang buong mukha ko! 

"Hoy! Magtigil ka nga! Nakakahiya baka marinig ka!" Pabulong kong singhal sa kanya. Pasaway talaga tong kaibigan ko. 

Pagkatapos ibigay ang mga pagkain namin ay dumiretso na nga kami sa table nila. Napansin kong tatayo pa sana si Niko para alalayan kami pero patudyong tumikhim si Jen kaya nahiya tuloy to at umupo na lang ulit. Sobrang gaan din naman kasi nitong tray namin kaya ang awkward din. At para bang nananadya, umupo si Jen sa tabi ni Von! At wala akong magawa kundi umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Niko. Oh my heart. Lakas ng tibok besh! Makakakain ba ako nito? Halos patapos na din kasi sila. 

Kumustahan habang kumakain at salamat kay Von dahil nawala yung ilang. Magaling siyang magdala ng usapan.

"May lakad kayo bukas, Jen?" Medyo nagulat ako nang magsalita si Rustan at kay Jen talaga nagtanong!

Napapansin ko madalas magnakaw ng tingin to kay Jen eh. Mestizo din itong si Rustan, mukhang half american. Ang gu gwapo talaga nilang magkakaibigan! Walang tapon, as in! 

"Hmmm magsisimba kami tapos mamamasyal. Kayo?" Sagot naman niya. Kahit kelan tong babaeng to oh. Sinabi pa talaga ang plano namin bukas.

"Uyy maganda yan! Baka naman pwede kaming sumabit,di ba bro?" Sabi naman ni Von na bumaling pa kay Niko. Itinaas lang niya ang dalawang kilay bilang pag sang ayon.

"Oo naman syempre!" At walang paligoy ligoy na sagot ni bruha! Nakakagigil siya! Maiilang ako niyan eh!

At sabay sabay na nga kaming naglakad papuntang apartment pagkatapos naming kumain. 

"May gagawin pa ba kayo ngayong gabi?" Tanong ni Rustan. Aba himala, napapadalas ang tanong niya kay Jen ha! 

"Hmm wala naman. Boring nga eh kasi wala pa yung dalawang kasama namin." Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Jen. Nagpapa cute din to eh! 

"Pwede ba muna kaming maki tambay sa inyo?" Tanong pa ulit niya at kinakabahan ako sa isasagot ni Jen.

"Oo naman! Tara!" Grabe lalong lumakas ang tibok ng puso ko! Humanda ka talagang babae ka. Di man lang marunong magpakipot!

"Is it okay with you, Jaz?" Halos mahimatay ako sa gulat nang tanungin naman ako ni Niko! 

"H-ha? Oo naman." At nginitian ko siya ng tipid. Nakakahiya at naiilang ako sa kanya.

Pinapasok namin sila at mukha naman silang mga harmless. 

"Pasensya na kayo ha maliit lang kasi tong apartment namin. Upo kayo." At iginiya ko sila sa sofa. 

Kompleto sa gamit itong apartment namin kahit maliit. May maliit na kusina, banyo, sofa, at dining area. 

"Ang cute nga eh." Sa gulat ko, nagsalita ulit si Niko sabay palinga linga at tila sinisiyasat ang buong bahay. Pumasa kaya sa standard niya?

"Coffee or tea, anyone? Pampababa lang ng kinain?" Tanong ko habang palinga linga sila sa paligid. Hindi pa naman kami nakapag linis pa.

"Coffee please.." Sabay na sabi ni Von at Jeremy.

"Kayo?" Napatingin ako kay Rustan at Niko.

"Uhm coffee na lang din. Thank you Jaz." Si Niko. Bakit kaya kapag siya tumatawag sa akin ng Jaz, iba ang dating. 

"Me, too. Thanks!" Sagot naman ni Rustan.

Nang makapag timpla kami ni Jen ng coffee at maibigay sa kanila ang mga 'order' nila ay umupo na agad siya sa tabi ni Rustan. At wala ng iba pang vacant na upuan kundi sa tabi ni Niko. Alam ko namang nananadya tong bruha na to eh. Matalim ko siyang tinignan at napangisi pa siya. 

"Kailan ka pa naka balik, Niko?" Tanong ni bruha. 

"Kahapon pa yan nakabalik kasi excited siyang bumalik dito, may na mi miss kasi siya." Si Jeremy naman ang sumabat. Saka sila nagtawanan. Lakas mangantyaw ng mga to. Si Niko naman ay tahimik lang napangiti. Bakit ba napaka cute niya! Pero diko mapigilang malungkot bigla. May nami-miss pala siya? May girlfriend kaya siya?

"Oh.. may girl friend ka na Niko?" Para namang narinig ni Jen ang nasa isipan ko at nagtanong siya kay Niko kaya napatingin ako sa katabi ko.

"Walang girlfriend yan kasi for the first time ever, na to-torpe!" Sabi ni Von at nagtawanan ulit sila. Napapailing na lang si Niko sa kantyaw sa kanya.

"Bro, di naman kasi yan marunong manligaw kasi babae nanliligaw diyan." Si Rustan naman ang sumabat at pinagtawanan ulit nila si Niko.

Napapailing na lang itong katabi ko na nasa hot seat. Diko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nadisappoint na meron naman pala siyang nagugustuhang babae. Ganun ka gusto na tipong ma to torpe pa talaga siya eh hindi itsura nito ang torpe dahil mukha siyang playboy. She must really be special. Bakit bigla akong nainggit sa kung sinumang babae yun?! Iba na to!

Edited:May 30, 2021

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status