Share

Chapter 10

Mabilis na dumaan ang mga araw. Patapos na ang summer class! Third year na kami sa first sem at magiging super busy na kami dahil mag du-duty na kami sa kung saan-saan na hospital.

Nag iiwasan kami ni Jeff. Busy siya sa girlfriend niya. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong kasalanan sa kanya kaya pinabayaan ko na lang. Kelangan ko na din talagang tanggapin para makapag move on na din ako at nang di na ako laging nasasaktan.

Si Niko naman lagi akong sinusundo o sinasabay sa pagpasok kapag pareho kami ng schedule. Lagi din silang nagtatambay sa apartment. Minsan naman kami nila Max at Jen ang tumatambay sa kanila. Tutugtugan nila kami ng gitara. Nakakatuwa dahil masarap sa pakiramdam kasi para kang hinaharana!

Namasyal din pala si tita Jelai at si Andrew nung nakaraan at nag stay sila dito ng one week. Nagtabi na lang kami ni Jen sa bed niya at tabi ang mag-ina sa bed ko. Nakilala din nila ang mga kaibigan namin sa kabilang apartment. At si tita naman lagi ang kantyaw sakin dahil halata daw na may gusto si Niko sa akin. Hindi naman kako yun nanliligaw! Pati nga si Andrew nakuha agad niya ang loob dahil tinuruan pa niyang mag gitara. 

Nagpaalam na din ang magkapatid naming boardmates at lilipat na daw sila ng La Union sa susunod na sem. Nakakalungkot kasi naging malapit na din sila sa amin pero kelangang tanggapin. Kung gusto daw naming mamasyal don, sabihan lang daw namin sila.

"Yes! Tapos na naman ang exam! Oh saan tayo?!" Sigaw na naman ng mga kaklase kong mga party people! Atat na atat na naman silang mag inom. Napailing na lang ako pero alam ko naman din na hindi ako makakatanggi.

Nag invite kasi si Princess ng house party sa kanila sa may Bakakeng. Sumang-ayon naman ang lahat. 

"See you guys!" Sabi ni Princess at nag hiwa-hiwalay na muna kami. Four o'clock na at may time pa para magpahinga dahil mamayang gabi pa naman yun.

Susunduin daw ako mamaya ni Max at sabay na kaming pupunta. Si Jen may sariling lakad kasama ang mga kaklase din niya.

Pagkauwi ko ng apartment ay nagpahinga ako sandali bago naligo. Pagkatapos kong magbihis ay tumambay muna ako sa terrace at magpapalipas lang ng oras.  Itinaas at inunat ko ang mga paa ko sa barandilya saka ako sumandal sa upuang rattan dito.

"Grabeng exam." Usal ko at napabuntong hininga. Sana naman wala akong bagsak. Lutang na lutang pa ako dahil sa exam kanina. 

"Makapag music na nga lang." Kinuha ko ang headset ko sa kwarto saka ako muling bumalik sa terrace at umupo ng komportable. Naramdaman ko naman ang unti-unting pag relax ng isipan ko nang marinig ko na ang favorite kong mga kanta. Gustung gusto ko ang secondhand serenade! Narerelax ako sa mga kanta niya kaya ipinikit ko ang aking mga mata.

Bigla namang nag ring ang cellphone ko kaya natigil yung music kaya sinagot ko agad ito pero diko tinignan kung sino ang tumatawag. 

"Hello?" Sinagot ko ng patamad habang nakapikit pa din ako ang kung sino mang tumatawag.

"Hi?" Swabeng boses ni Niko ang nasa kabilang linya!

"Niko?" Nag mulat ako bigla at umayos ng upo. Nawala tuloy ang antok ko!

"Hey. I can see you from here." Natatawa niyang sabi kaya napalingon ako sa apartment nila. Kumaway naman siya nang magtama ang mga mata namin. Nakaupo din siya sa may terrace nila at may hawak na gitara. Huwag mong sabihing kanina pa siya diyan? Hindi naman siguro dahil wala namang tao diyan kanina.

"Can I come over?" Tanong niya naman habang nakatingin sa akin.

"Of course!" Nakangiti ko namang sagot sa kanya. Napangiti din siya ng matamis at agad nang tumayo at ibinaba na ang tawag. Hindi rin naman halatang excited siya! Well, bored lang din siguro.

Mabilis naman siyang nakarating kaya pinagbuksan ko siya ng gate. Lalo naman akong natuwa dahil dala niya ang gitara niya! Ewan ko ba pero para sa akin nakaka inlove kasi ang lalaking marunong mag gitara tapos napakaganda pa ng boses! Agad ko namang sinuway ang sarili ko dahil may pa-inlove pa akong nalalaman!

Sa terrace kami dumiretso ni Niko. Nasa side kasi ng bahay ang terrace at wala sa harap. Magkatabi naman kaming naupo sa upuang rattan dahil kasya naman hanggang tatlo dito. 

"Nice! You brought your guitar!" Nakangiti kong saad. Hindi ko napigilan ang sarili kong magpakita ng excitement kasi mahilig talaga ako sa music.

"What do you want me to play? You will be the one to sing, alright?" Nakangiti niyang sabi at nag uumpisa na siyang mag strum!

"Ha? I can't sing! Baka umulan! Sing for me na lang please?" Naka plaster na talaga ang ngiti sa mga labi ko. Bakit ba ako kinikilig! Nakakainis ka na self!

"Daya. Sige na nga. What song?" Kunwang nag pout pa siya. Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko sa ka kyutan niya! Jazmin, calm down! Grabe ka! Hindi ko talaga mapigilang mapangiti ng matamis kahit anong pigil ko.

"Ang huling el bimbo! It's an old song but I love it. I dunno pero may ibang effect siya sakin. Alam mo ba yun?" Sabi ko naman sa kanya. 

"Yeah, of course. I also love that song." Naku Niko, tigil tigilan mo ang kangi-ngiti mo sa akin ha? 

Nag umpisa na nga siyang tumugtog at kumanta...

Para akong nasa cloud nine habang nakatitig lang sa kanya. Napaka lamig ng boses niya tulad ng lamig dito sa Baguio! Masarap ang hagod, masarap sa pakiramdam. Nakapikit siya habang kumakanta.

Bakit ganun? Ang lakas ng tibok ng puso ko! Biglang nawala ang mga ngiti ko nang ma realized na siya na lang lagi ang laman ng isip ko. Tuluyan ko na bang nakalimutan ang first love ko? Bakit ang bilis? Mabilis ba talagang mag move on?

Nanlalaki pa ang mga mata ko nang maisip kong...inlove ba ako sa kanya? Oh my! At parang gusto kong sisihin ang sarili ko kung bakit el bimbo pa talaga ang pinatugtog ko eh may ibang effect nga yun sa akin! Tapos pina kanta ko pa sa gwapong lalaking to na wala ni isa akong maipipintas. He's just so perfect..he's too good to be true.

Sino ba naman kasing hindi ma-i inlove sa kanya? Maliban sa gwapo na, mabait, matalino ay napaka gentleman pa niya. Hindi kaya may gusto din siya sa akin? Pero natatakot ako baka tulad noon kay Jeff ay nag a assume lang pala ako. Na wala naman palang ibig sabihin lahat sa kanya to. 

Hindi ko tuloy namalayan na tapos na siyang tumugtog. Kaya nagulat ako ng tumikhim siya at tinanong kung nagustuhan ko ba?

"H-hindi ba obvious? Natulala na nga ako eh." Nauutal ko pang sabi dahil nakatulala na pala ako. 

Biglang nag ring amg cellphone ko kaya nabaling agad dito ang atensyon namin. Tumatawag si Max kaya sinagot ko naman agad ito.

"Hello?"

 

"On the way na ako Jaz. Mag ready ka na, sa labas mo na ako hintayin. In ten minutes, andiyan na ako." Tuloy-tuloy niyang sabi at ibinaba agad ang tawag.

"May lakad ka, Jaz?" Tanong ni Niko.

"Yeah. House party kila Princess sa Bakakeng. Kayo? Wala ba kayong plano tonight? Tapos na din exam niyo di ba?" Balik tanong ko naman sa kanya. Buti na lang pala at tumawag si Max. Hindi ko din kasi alam kung ano ang magiging reaksyon ko kanina. 

"Meron pang isa bukas kaya no party. So.. what time are you gonna be home?" Tanong niya. 

"Im not sure eh. Kung kaya pa mag drive ni Max?" Sabi ko na lang kasi siguradong lasingan na naman ngayon.

"Just text or call me. I'll pick you up, okay?" Concern niyang sabi. Nakakahiya naman pero umoo na lang ako. Bahala na mamaya.

"Thanks Niko!"

Sarap siguro niyang maging boyfriend noh? Swerte ng magiging girlfriend niya. Madaming nagkakandarapa sa kanilang magkakaibigan sa school. Kaya madami ding naiinis sa akin sa school ngayon kasi akala ata nila ako ang girlfriend niya kasi lagi ba naman kaming magkasama. 

"TRUTH or dare tayo!" Sabi ni Gab. Grabe super lasing na kaming lahat. Fifteen kaming lahat na andito. Yung iba nauna na kasing umalis. Yung mga may jowa at piniling makipag date na lang.

Nakasalampak kaming lahat dito sa carpet at ipinaikot na niya ang bottle. Ganto ang tinatawag naming house party dito sa Baguio. Simple lang. Inuman at katuwaan with friends. 

Inabot kami ng alas dos sa pag-iinom. Madami nang knocked out. Yung iba nagsusuka na sa banyo. Maaga kasi kami nag start mag inom eh. Ako, nandito sa sulok nakatulala. Makakauwi pa ba ako? Si Max tulog na tulog na sa sofa! Wala kasi ang parents ni Princess dito. Taga Manila din kasi sila. Vacation house nila ito dito sa Baguio at sila lang ng kuya niya ang nakatira. May katulong sila pero stay out. 

"Dito ka na matulog Jaz. Tulog na si Max oh. Di na yan makakapag drive. Matutulog na din ako." Sabi ni Gab na namumungay na din ang mga mata.

Iti-text ko na lang si Niko na dito ako matutulog. Nakakahiya pero nagbilin kasi siya na i text ko o tawagan siya.  Naalala ko pa talaga siya ha kahit medyo nahihilo na ako. Actually di naman siya nawala sa isipan ko. Ano ba to?!

Magta type pa sana ako nang biglang mag ring ang cellphone ko. Si Niko ang tumatawag!

"Jaz?" Malambing niyang sambit sa pangalan ko. Gusto ko sanang i record kasi ang sarap pakinggan!

"N-niko?" Para akong ewan! Nauutal na naman ako. 

"Sunduin na ba kita?" Napakalambing ng boses niya! Syite naman. Ang sarap talagang pakinggan! Kinikilig ako! Epekto lang siguro ng alak to! Kahit nga di ka naman naka inom,kinikilig ka pa din!

"Niko.. I think i'm just gonna sleep here. Tulog na si Max at inaantok na din ako. Bakit gising pa?" Ako ba yun? Napakalambing ng pagkakasabi ko! 

"No, Jaz. Actually im already on my way. Malapit na ako. Wait for me, okay?" Sabi niya kaya nagulat ako! Na excite din ako at hindi ko rin alam kung bakit!

"Really?! O-oh.. thanks Niko! Ingat ka ha? Mwuah!" Nagulat naman ako nang tinawanan ako ng mga kaibigan kong tulad ko ay nakainom na din.

"Uy, sino yan ha? Yung poging engineering student ba yan ha? Uy gusto na niyan mag ka first kiss! May pa mwuah pang nalalaman! Kawawa kasi ang bata oh wala pa ding first kiss!" Kantyaw nila sakin. Nalaman kasi nila kanina sa truth or dare na bokya pa din ako sa kiss. Kilala na din nila si Niko, malamang kasi ay lagi akong sinusundo nun. Akala nila manliligaw ko. Swerte ko daw at napaka gwapo ng manliligaw ko. Bakit diko pa daw sagutin! 

"Hoy! Kayo ha! Mamaya may first kiss na ako. Tignan nyo lang ha!"  Nakisabay din ako sa kantyaw nila sa akin at nagtawanan naman kaming lahat. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status