Share

Chapter 44

"What took you so long? Anong pinag-usapan niyo?" Bungad niyang tanong sa akin nang makaalis si Ethan kaya nangunot ang noo ko.

"Bakit ko naman sasabihin sa’yo?" Mataray kong tanong.

Naalimpungatan naman si Aedin dahil hindi ko namalayang medyo napalakas pala ang boses ko!

"Mommy.." Sabi nitong pupungas pungas at agad niyang inumang ang mga kamay niya sa akin at nagpapabuhat na.

Kinuha ko siya mula kay Niko nang muli na namang nagdaiti ang braso naming dalawa at para na naman tuloy akong nakuryente. Sobrang lapit din ng mga mukha namin at naramdaman ko pa ang pagdapyo ng kanyang hininga sa aking mukha. Gusto ko kurutin ang sarili ko sa pag re-react ng katawan ko sa simpleng pagkakalapit! My gosh, Jaz!

"Umuwi ka na, iaakyat ko na si Aedin." Sabi ko sa kanya nang makuha ko si Aedin.

"He's heavy, kaya mo ba siyang iakyat sa taas?" Marahang tanong niya.

"Oo naman.” Sabi ko lang at muling nangunot ang noo ko dahil parang wala siyang planong umalis. Hindi siya kumilos sa kinatatayuan niya! Muli pa siyang lumapit at kinuha ang nakatulog na namang si Aedin sa akin.

"Same room?" Tanong niya sa akin kaya tumango na lang ako. Minsan na din siyang natulog dito noong bago siya..umalis.

Sumunod na din ako kaagad sa kanila sa taas. Katamtaman lang ang laki ng kwarto ko pero maganda naman at komportable. May sarili din itong banyo.

Magkatabi kami ni Aedin mula pa noon dahil baby pa lang siya ay clingy na. Gusto niya ay laging nakadikit sa akin.

Dahan-dahan niyang inihiga si Aedin sa kama. Akala ko naman ay aalis na siya pagkatapos niya itong kumutan pero umupo pa siya sa gilid ng kama at pinagmasadan pa ang mahimbing nang natutulog naming anak.

Kumuha na lang ako ng pamalit niya at basang bimpo. Nagsa shower siya tuwing gabi pero knocked out na kaya pupunasan ko na lang.

"You will change his clothes? Can I just do it?" Tanong niya sa akin.

Hindi na ako sumagot pero inabot ko sa kanya ang bimpo at damit. Kaagad naman akong tumalikod at kinuha ang tuwalya ko at nang makaligo na din. Pakiramdam ko kasi ay pagod na pagod ako sa araw na ito at gusto ko na din sanang matulog.

"Pagkatapos mo siyang bihisan, pwede ka na ding umuwi. Pakisara na lang ang pintuan pag-alis mo.” Nakakahiya naman sa kanya at may naghihintay pa sa kaniya. Tsk. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at pumasok na ako ng banyo.

Narinig ko ang pagsara ng pintuan habang naliligo ako kaya siguradong nakaalis na siya. Binilisan ko na lang ang pagligo dahil baka biglang magising si Aedin. Iyakin pa naman siya sa gabi kapag biglang nagigising at hindi niya ako agad makita.

Nang matapos ako ay agad akong nagpunas at itinapis ang tuwalya sa katawan ko. Pagka labas ko ay halos tumalon ang puso ko nang makitang nandito pa siya! Hindi ako nakakilos agad pero agad din akong umayos at hinigpitan ko ang pagkakabuhol ng tuwalya ko.

"Oh, akala ko ba umalis ka na?" Patay malisya kong tanong kahit sa totoo lang ay kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Hindi siya sumagot at nakatunghay lang sa akin na akala mo ay namatanda!

Napaawang ang bibig niya at napalunok. Sinuyod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa! My gosh! Halos nakahubad na ako sa harapan niya! Napaka iksi pa naman ng tuwalyang nakatapis sa akin at kunting kilos lang ay makikita na ang pinakatatago!

Hindi ko maintindihan dahil kahit kinakabahan ako ay parang natuwa ako sa reaksyon niya. Lihim tuloy akong napangiti at imbes na tumakbo pabalik ng banyo ay dumiretso ako sa cabinet naming nasa harapan niya mismo at kumuha ng damit. Sinadya ko pang bagalan. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko pero gusto kong matawa dahil hindi na siya mapakali.

Pagkatapos kong kumuha ng damit ay dumiretso muna ako sa vanity mirror ko at nagpahid ng lotion sa aking mga braso. Nakatingin ako sa salamin habang ginagawa ‘yon at kunwaring hindi ko siya tinitignan pero kita ko sa aking peripheral vision na hindi maalis ang tingin niya sa akin.

Gusto kong mapahagalpak ng tawa dahil sa itsura niya kaya kinagat ko ng mariin ang aking ibabang labi para hindi ako mapangisi. Umandar na naman ang kapilyahan ko dahil imbes na dumiretso na ako sa banyo para magbihis ay umupo pa ako sa harap ng vanity mirror ko at nagpahid ng lotion sa aking mga braso at binti. Nasilip ko siya sa salamin at natuwa ako dahil hindi niya maalis ang paningin niya sa akin. Ganyan nga, Niko. Napaismid ako at tumayo na para magbihis sa banyo.

Huminga muna ako ng malalim pagkatapos kong magbihis. Hindi ko alam kung paano ko siya pakikitunguhan! Napakatagal niyang nawala at pinabayaan niya kami pero kung makaakto siya ay akala mo parang walang nangyari. Gusto kong magalit sa sarili ko dahil dapat ko siyang kamuhian pero iba ang nararamdaman ng lintik na puso ko. Muli akong napabuntong hininga bago ako tuluyang lumabas.

"Bakit nandito ka pa? Dito ka ba matutulog?" Sarkastiko kong tanong sa kanya. Nakaupo pa siya sa kama at nakatungo na tila may malalim na iniisip.

“Hmm I..I want to..” Parang maamong tupa niyang sagot. Huh! Gusto mo talaga ha?

“Why not?” Matapang kong sagot sa kaniya.

Napaawang ang mga labi niya na tila hindi makapaniwala. Napangisi na lang ako dahil sisiguraduhin kong siya din ang mahihirapan sa huli. Naka pantulog ako ng satin at napakaiksi nito. Confident naman ako dahil kung noon ay may kapayatan ako, ngayon naman ay mas nagkalaman ako at lagi din akong nagjo-jogging dito sa subdivision. Alam ko namang hindi siya santo dahil sa uri pa lang  ng tingin niya ay para na akong nakahubad!

Para naman siyang nagising nang tumikhim ako kaya kaagad siyang tumayo. Halos mapanganga naman ako nang hubarin niya ang tshirt niya sa harapan ko! Hindi nga ako nagkamali dahil lalo ngang gumanda ang pangangatawan niya ngayon. Naghuhumiyaw ang six-pack abs niya! Pakiramdam ko ay nag-init ang buong mukha ko at malamang ay pulang pula na naman ito ngayon! Hindi pa din ako nakakilos nang sumunod naman niyang kinalas ang mamahalin niyang belt at binuksan nito ang butones ng pantalon niya. Halos malaglag naman ang panga ko nang tuluyan niyang hubarin ang pantalon niya sa harapan ko at naka boxers na lang siya! Pakiramdam ko nanlalambot na ang mga tuhod ko!

Napaismid na lang ako at nagbawi ng tingin nang makita ko siyang napangisi! Ugh! Nakakainis!

"Do you have a spare toothbrush?" Patay malisya niyang tanong sa akin.

“Wala.” Mataray kong sagot sa kanya. Nagkibit balikat na lang siya at dumiretso na sa banyo.

"This is yours, right?" Tanong niya na hawak ang brush ko.

"Oo, bakit?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"No spare toothbrush? I’m gonna use this then." Tila balewala niyang sabi at nilagyan na agad ito ng toothpaste at nagsipilyo na nga! Aba’t! Napanganga na lang ako sa kapangahasan niya!

Pagkatapos naman niyang magsipilyo ay kinuha niya ang tuwalyang ginamit ko kanina.

"I'll use your towel, too. Just gonna take a shower." Sabi pa nito at isinara na ang pintuan ng banyo!

Inis na inis ako sa sarili ko dahil parang nabaliktad ata! Bakit ako ang naaburido ngayon? Bakit ba apektadong apektado ako sa presensiya niya?! Hay, Jazmin!

Pagkatapos kong mag skin care ay kaagad ko nang pinatay ang ilaw at humiga sa tabi ni Aedin. Sana makatulog ako agad! Pero alam ko namang imposibleng mangyari ‘yon! Ugh!

Nagkunwari na lang akong tulog nang marinig ko ang pagbukas ng pintuan. Hindi na niya binuksan ang ilaw pero in-on niya ang lamp shade. Lalo akong nairita sa sarili ko nang maamoy ko ang body wash ko sa kaniya! Bakit ganito na lang kung makapagwala ang puso ko?!

Naramdaman ko na lang ang paglubog ng kama sa kabilang gilid ni Aedin. Bakit hindi na lang siya sa couch natulog?! Ang kapal din naman talaga! Tinotoo niya talagang dito siya matutulog? Ano na lang ang sasabihin nila tita? Ah, kahit kailan talaga Jazmin hindi ka nag-iisip!

Ilang sandali ko pa siyang pinakiramdaman pero banayad na ang paghinga niya na tila natutulog na! So, ako pa ngayon ang hindi makakatulog nito? Matagal pa bago ako tuluyang dalawin ng antok.

Nagising ako kinaumagahan na tila may nakatitig sa akin pero hindi ako nagmulat ng mata. Parang masarap kasi sa pakiramdam ang may kayakap lalo na at mas ramdam ko ang lamig ng aircon ngayong umaga.

Ah! It feels so right to cuddle! Nagsumiksik pa ako sa nakayakap sa akin.

Teka! Cuddle? Ako?! Doon ako napamulat ng mata! Hindi ako nakakilos agad at gulat na gulat nang si Niko ang una kong mabungaran na tulog na tulog pa! Nakaunan lang naman ang sa braso niya at nakayakap ang isang braso niya sa binti ko! Kahit nakakumot ay ramdam kong nakalilis na ang nighties ko. Para namang biglang uminit nang maramdaman ko an bare legs niya! Oh-my-gosh!

Narinig ko ang mumunting hagikhik ni Aedin kaya kaagad kong naitulak si Niko. Napakunot noo naman itong nagmulat ng mata.

Lalo namang lumakas ang hagikhik ni Aedin kaya napabalikwas ako ng bangon! Nasa paanan na pala namin siya at nakaupo lang na pinapanood kami! Ano na lang ang iisipin ng anak ko?! Ang walanghiyang Niko, ni hindi na pala nagsuot ng pang itaas at naka boxers lang!

Tila tuluyan na ding nagising ang diwa niya at nagkatinginan kaming dalawa. “How..how dare you?” Mahina kong pang-aakusa sa  kaniya.

Pupungas pungas naman siyang bumangon at inayos ang buhok niya. “What? You hugged me first.” Tila balewala pa nitong sabi sa akin. So, he knew all along!

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya! "Excuse me? Bakit naman kita yayakapin?” Inis kong  sabi sa kaniya.

"I swear, you hugged me first." Inulit pa talaga niya!

“Huh!”

"Are you fighting, mommy?" Sabay kaming napatingin ni Niko kay Aedin na nakamata sa amin ni Niko.

"N-no anak haha. Uh we are just talking." Ugh!

"Why did you sleep here, tito? Only daddies are supposed to sleep in mommy's room." Halos mapanganga ako sa tanong ng anak ko! Why are so smart, anak? Paano koi to ipapaliwanag ngayon?

Tumikhim si Niko. "Does your daddy doc sleep here?" Lalo naman akong napanganga sa tanong niya kay Aedin! Nakangiti siya pero parang siyang papatay ng tao nang mabanggit niya si Ethan!

"No. Just me and mommy." Bibong sagot naman ni Aedin.

"Don’t you think it’s the right time to tell our son..the truth? He’ll be more confused if..if we will not tell him that..” Napabuntong hininga siya at hindi naituloy ang sasabihin.

He has a point. Hindi ko rin kasi alam kung paano pa ito ipapalusot kay Aedin. Hindi basta-basta nakikitulog ang mga tito sa kwarto ng mommy. Not even his daddy doc na kinikilala niyang ama. Ano ba ‘tong ginawa ko? Ahh!

Huminga ako ng malalim at tumayo na. Pumasok ako sa banyo para makapag hilamos at sipilyo. Anong gagawin ko? Sasabihin ko na ba kay Aedin? Matalino siyang bata kaya alam kong mauunawaan niya ito. At hindi rin naman maipagkakaila na napalapit na nang tuluyan ang loob niya sa ama niya sa napakaiksing panahon.

Pagkalabas ko ng banyo ay tumayo din si Niko at sumunod din sa pag gamit ng banyo. Si Aedin naman ay abala na namang nanonood sa tablet niya. Umupo ako sa couch at nag-isip-isip kung ano ang tamang gawin.

Nang lumabas si Niko mula sa banyo ay nakabihis na ito. Nagkatinginan lang kami at pareho naming hindi alam ang susunod naming gagawin. May karapatan naman siya sa anak niya at wala akong planong ipagdamot kay Aedin ang katotohanan. Hindi dapat siya madamay sa galit ko sa ama niya pero inaalala ko lang kung paano niya ito ipo-proseso dahil napakabata pa niya.

“Payag na ako. Sasabihin na natin sa kaniya.” Napaawang ang mga labi niya at kumislap ang mga mata niya kaya alam kong tama ang naging desisyon ko. Muli akong napabuntong hininga bago bumaling sa anak ko.

 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status