Share

Three

"Jackson, ano na naman ba 'tong gulo na pinasok mo? Look! Kalat na kalat na sa social media at sa balita," sambit ni Erika na manager ni Jackson.

"Kung hindi mo sana tinuloy yung loveteam namin ni Christine at magpanggap na-inlove ako sa kanya hindi sana mangyayare 'to!" sigaw ni Jackson sa manager. 

"Sinabi ko naman sayo na makakatulong to sa career mo diba?" 

"Like how? Ngayong obsessed na sa 'kin yung tao?!"

"I'll talk to Christine okay. But for the mean time, you won't accept any interview without my approval." 

"I agree with you since close kayo ni dad. But this? You are ruining someone's life. Now, she's expecting more from me. For two years, niloloko ko yung tao at araw-araw naman akong kinakain ng konsensya ko!" 

"Sir Jack, nakauwi na po yung bisita niyo sa resort at si sir Aaron po ang naghatid sa kanya dahil nasira po yung makina ng van," sambit ni Mark na P.A ni Jackson. 

Habang nagtatalo si Jackson at ng kanyang manager bigla na lang bumukas ang pinto ng dressing room. 

"Tell me, what's the meaning of this? So tama ba ko? Ginamit mo lang ako para sa career mo?!" galit na galit na kinumpronta ni Christine si Jackson at inihagis ang litrato ng actor na may kahalikang babae. 

"Christine, I'm sorry. Let me explain," mahinahong sambit ni Jackson. 

"There's nothing to explain. You messed up everything! My life, my career, and everything. You made me feel like everything was so real between us. You know what? I'm gonna ruin your career!" 

"No Christi-" pagmamakaawa ni Jackson sa kanya.

"Christine, stop!" sigaw ni Erika sa aktres.

Nagwalk-out si Christine at padabog na sinarado ang pinto. Hinabol ito ng manager ni Jackson at napasapo na lamang ng ulo ang actor sa mga nangyayare. 

"Hello, Dad. Yes, don't worry dad everything's okay. Yes dad. Okay I'm coming home this weekend."

Tumawag ang tatay ni jackson, kinukumusta siya nito sa mga lumalabas na balita tungkol sa babaeng kahalikan niya sa litrato. Lumabas si Jackson ng studio kasama ang kaniyang P.A at nagtungo ito sa parking lot. Hinarang sila ng maraming reporter at sunod-sunod na binato ng mga tanong.  

"Totoo ba na may bago ka ng girlfriend?" - Reporter 1

"Hiwalay na ba kayo ni Christine?" - Reporter 2

"Gano na kayo katagal na hiwalay ni Christine?" -Reporter 3

Sa tulong ng mga security guard sa kanilang kompanyang pinagtratrabahuan maayos na nakarating silang dalawa sa kotse ng aktor. Si Mark ang nagmaneho nito at dumating silang dalawa sa condo kung saan nakatira si Jackson. Habang nasa parking lot ito ng condo napansin nito ang sasakyan ni Aaron na nakaparada. Habang papalapit sila binaba ni Aaron ang salamin ng bintana ng kaniyang sasakyan. 

"Bro, are you here to visit me?" sabik na tanong ni Jackson sa nakakatandang kapatid.

"Actually, I came here to give you this." Inabutan ito ni Aaron ng isang mamahaling wine.

"Are you in a rush? Let's grab some drinks?" aya nito kay Aaron.

"Kailangan ko rin bumalik sa resort agad," mapait na tugon ni Aaron sa kaniyang kapatid habang nakatingin ito sa harapan na tila bang may tinatanaw.

"I'm sorry di tayo nagkita kanina sa mall. Something happened. I bet you heard about it. Pupunta ka ba this weekend?" tanong ni Jackson sa kapatid.

"It's okay, I understand that you are busy flirting with girls," sarkastikong sagot ni Aaron. 

"Tell dad that I'm coming home this weekend." Tumango na lamang si Aaron at isinara ang bintana ng kotse at umalis na ito. Nauna sa paglalakad si Mark papunta sa elevator habang bitbit ang mga papeles at iba pang gamit ng kaniyang amo. Pasara na ang elevator ng mapansin ni Mark ang isang babae na hawig nung nasa larawan na iniabot kanina sa kaniya ni Jackson. Nanlaki ang mata nito at agad agad na hinanap ni Mark ang litrato at nagulat ito nang makitang magkapareho ang damit at sapatos na suot ng babae na nasa elevator at ng nasa larawan. 

"Oh, bakit para ka yatang nakakita ng multo d'yan?" sita ni Jackson kay Mark, at kaniyang kinuha ang litrato na hawak ni Mark at tiningnan ito. "Infairness, ang ganda ng kuha sa kaniya dito ah," ngiting sambit ni Jackson kay Mark at sabay na pumasok ang dalawa sa elevator. 

May dalawang kwarto ang unit na inuupahan ni Jackson at meron din itong kalakihan, ang isang kwarto ay para sa P.A niyang si Mark. Ito na rin ang nagsilbing katulong niya sa araw araw. Habang nakaupo ito sa malaking sofa sa living room inabutan siya ni Mark ng isang baso ng wine na bigay ng kapatid na si Aaron. Isa isang tinanggal ni Jackson ang pagkakabutones ng kaniyang damit habang si Mark ay naghahanda ng kanilang makakain.

AARON'S POV

Di ko mapigilang mapaluha dito sa harapan ng pinaka espesyal na babae sa buhay ko. Ma, kung bibigyan man ako ng huling pagkakataon na makita ka ulet, hihilingin ko lang ang isang mahigpit na yakap mula sayo. I miss you so much, ma. 4 years na ang nakakalipas pero yung sugat sariwa padin. Si papa ayon ganun parin. Alam kong proud ka sakin ma. Bantayan mo 'ko lagi mama, gabayan mo ako lagi. Namatay si mama sa sakit na lung cancer, apat na taon na rin ang nakalipas. Napansin ko na may isa pang bulaklak sa tabi ng abo ni Mama. Ngayong araw din ang ika-apat na death anniversary niya. Pag katapos ko siyang bisitahin, dumiretso na ako sa resort. Di ko inaasahan na ang taong kinamumuhian ko ay nandito ngayon sa resort. Ayon kay Cindy, kanina pa daw ako nito hinihintay sa opisina ko. 

"Dad..."

"It's your mom's death anniversary today," tugon ng ama, sabay lagok sa isang baso ng beer habang nakaupo ito.

Si Aaron ang nagmamanage ng private resort na ipinamana kay Jackson sa kadahalinang busy ang actor sa career nito. Kasalukuyan din ito nagpapagawa ng dalawang pool, isang kiddie pool at isang six feet pool. May katabi din itong isang daang hektarya ng lupa na pagmamay-ari din nila. Sa office naglalagi si Aaron pag maraming tao sa resort.

"I wanna take over the private resort as well as the farm dad. I know you are busy with your company and I'm the only one who can manage this and as you can see I was able to increase the revenue in the last two years."

"I have no doubt with that, you have my blood as a business man. Have you talked to him?" pagsang-ayon ni Alberto sa anak.

"He is busy dad, and he got a lot on his plate right now. I don't wanna bother him."

"This resort was owned by Jackson's mom. They made a lot of memories here. Hindi madali sa kaniya na pirmahan at itransfer sa pangalan mo ang resort Aaron. The only reason why I supported you about this, I wanted your brother to take over my company as a CEO." Napabuntong hininga na lamang ang binata sa sinabi ng kaniyang ama.

"I know dad," mapait na tugon ni Aaron sa ama. 

Pagkatapos ng pag-uusap ng mag-ama nagdesisyon si Aaron na mag punta sa tabing dagat kung saan madalas ito maupo sa gabi para mag muni-muni at uminom ng alak mag-isa. At ilang hakbang lamang mula sa tabing dagat ay matatagpuan ang isang villa rest house  kung saan namamalagi si Aaron at mula dito tanaw ang kulay asul na dagat at ang pinong puting buhangin na para bang kumikinang pag nasisikatan ng araw at sa gabi naman kita din ang mga kumikutitap na bituin kasabay ng tunog ng alon na humahampas sa buhangin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status