Pagkatapos kong maligo at magmuni-muni palabas na rin ako ng banyo. Napakasarap maligo, nakakarelaks at napakapresko.
Hindi pa ako nakakapagbihis ay may narinig na akong katok mula sa pintuan na nag pakunot ng noo ko.
Wala naman akong inaasahan na pupunta ngayon. Pinuntahan at sinilip ko ang doorhole. Baka may nagpa-deliver na naman. Lumakas ang pintig ng puso ko ng makita kung sino ang naroon.
“What the f*cking hell?” bulong ko sa sarili ko.
Nanlaki ang mga mata ko sa pagkataranta, at tinalikuran na ang pintuan. Litong-lito ako sa susunod na gagawin. Nakatapis lamang ako ng tuwalya, at nababalot din ng buhok ko ng isa pang tuwalya. Nang mahimasmasan ako, daig ko pa ang runner na nakipag-unahan sa finish line sa bilis kong tumakbo papunta sa cabin
"Nasaan na kaya si Ella," sambit ni Aria sa sarili habang patuloy na naglalakad at hinahanap sa malaking mall ang kaniyang matalik na kaibigan dahil may usapan silang magkikita sa araw na iyon. Nagtaka si Aria sa biglaang dami ng taong sumalubong sa kaniya at agad din siyang nilampasan ng mga ito. Nang lingunin niya ang kaniyang likod isang kilalang actor ang dinumog ng maraming tao. Bigla na lang may tumulak kay Aria at di inaasahang matumba ito sa sahig. "Hey, are you okay?" agad namang napatingin si Aria sa lalaking nakatayo sa harap niya at agad siyang tinulungan nitong tumayo. "Salamat, but I'm okay!" sagot ni Aria na may halong inis dahil sa pagkakatumba nito sa sahig. "By the way I'm Aaron, and you?" "Sorry but I have to go." Umalis agad si Aria at nagtungo ito sa banyo at tinawagan na lamang ang kaniyang matalik na kaibigan. "Ella, I've been looking for you! nasaan ka na ba?"
Dumating ang dalawa sa isang private resort. "Where are we?" tanong ni Aria sa binatang actor."By the way, this is our private resort. Actually my parents owned this. So enjoy your stay." Lumabas ang binata sa sasakyan nito at iniabot ang susi sa driver na nagtratrabaho din sa resort.Tinawag itong private resort dahil hindi pa ito binubuksan sa mga publiko at isa ito sa mga mamahaling resort na matatagpuan sa Pilipinas kung saan purong mayayaman, sikat na personalidad at mga bigating tao lamang ang maaaring pumunta, at mag-staycation do'n."I just wanna go home!" sigaw ni Aria ngunit hindi sya pinansin ng binata at tuloy tuloy lang ito sa paglalakad. Sinundan ng dalaga ang binata at namangha si Aria sa ganda ng resort, lalo't tanaw nito ang asul na kulay ng dagat, puting buhangin, at mabangong simoy ng hangin.Nakasalubong nila si Cindy na isang head manager at isa sa pinakamatandang trabahador sa resort. Sinun
"Jackson, ano na naman ba 'tong gulo na pinasok mo? Look! Kalat na kalat na sa social media at sa balita," sambit ni Erika na manager ni Jackson."Kung hindi mo sana tinuloy yung loveteam namin ni Christine at magpanggap na-inlove ako sa kanya hindi sana mangyayare 'to!" sigaw ni Jackson sa manager."Sinabi ko naman sayo na makakatulong to sa career mo diba?""Like how? Ngayong obsessed na sa 'kin yung tao?!""I'll talk to Christine okay. But for the mean time, you won't accept any interview without my approval.""I agree with you since close kayo ni dad. But this? You are ruining someone's life. Now, she's expecting more from me. For two years, niloloko ko yung tao at araw-araw naman akong kinakain ng konsensya ko!""Sir Jack, nakauwi na po yung bisita niyo sa resort at si sir Aaron po ang naghatid sa kanya dahil nasira po yung makina ng van," sambit ni Mark na P.A ni Jackson.Habang nag
Nagising si Aria ng tanghaling tapat, napuyat ito dahil tinapos niya kagabi ang mga schoolworks at ang mga dokumento na kailangan ipasa sa kanyang pinapasukang unibersidad na matatagpuan sa Manila. Pagkatapos mag-ayos at maligo ni Aria, naghanda naman ito ng makakain. Nakasuot ito ng white sweater at black pants pang-alis. Habang kumakain ng tanghalian binuksan niya ang laptop para tawagan ang pamilya niyang nasa United States."Ma, kumusta kayo diyan? Kumusta rin si Timmy?" tanong ni Aria sa ina habang patuloy na nginunguya ang kinakain nitong noodles."Okay naman kami 'nak, at inaayos ko na din ang papers ni timmy para makasunod siya diyan sayo," masayang sambit ng ina. Si Timmy ay isang itim na pusa na tatlong taon nang inaalagaan ni Aria. Masakit para sa kaniya na mawalay dito. Madalas niya itong katabi sa pagtulog noong nasa US pa ito. Balak ng dalaga na pasunurin ang alagang pusa para kahit papaano ay di niya maramdaman na mag-isa siya dito sa Pilipin
Dalawang palapag ang laki ng bahay nina Ella at may apat na kwarto at tig-iisang banyo bawat kwarto. Nang dumating ang dalawa pinagbuksan sila ng security guard ni Ella at sinalubong ito ng isang maid sa entrance ng bahay nila."Goodevening po ma'am Ella and ma'am Aria," bati ng yaya ni Ella. Matagal na din itong naninilbihan sa kanila simula pagkabata nito at kilala rin nito si Aria."Kumusta na po? May mga dala po akong pasalubong sa inyo." Nagmano si Aria sa matandang katulong."Where's mom and dad?" tanong ni Ella habang nakataas ang kilay nito.Dire-diretso sa paglalakad si Ella papunta ng dining room habang nakasunod naman si Aria dito. Si Ella ay nakasuot ng Ditsy Floral Ruched Ruffle Hem Dress na color Brown. Pagdating ng dalawa sa dining room ay unti-unti na rin inihahanda ang mga hapunan ng dalawa pa nilang maid."Aria, long time no see," bati ng ina ni Ella at tumayo ito sa kaniyang kinauupuan at bineso niya ito. Gumanti rin ng bes
Two days ago. Ayon kay Mark ay nahanap niya na daw ang babae sa larawan. "Really?" gulat na tanong ni Jackson habang nagbibihis ito at ipinaghahanda naman siya ng Almusal ni Mark. "What's funny she lived in the same building with us," natatawang sambit ni mark. Natigil si Jackson sa pagbibihis at napatingin ito sa kaniya. "Okay, here's what I want you to do." I need you to send her some presents anonymously." Nagtataka si Mark dahil first time lang nito na makitang interesado sa babae. Dahil busy ito sa career niya kahit kailan hindi pa ito pumasok sa isang seryosong relasyon o mag bigay ng mga regalo sa babae kahit nung nagpapanggap pa ito na may gusto kay Christine. Pagkatapos kumain ng aktor ay na iniwan na nito si Mark at nauna na itong umalis dahil pinapapunta ito sa studio ng kanyang manager na si Erika. Habang naglilinis si Mark tumawag si Aaron dito. "Is Jackson there?" tanong ni Aaron.
Aria Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan ang mga pagkain na pinadala sa akin. Mas gusto ko ito kaysa sa bulaklak atleast dito mabubusog pa ako. Medyo busog pa rin ako dahil sa kinain ko kanina sa bahay nina Ella kaya itinabi ko na lamang ang mga pagkain at magpapahinga muna ako dahil mamayang hapon balak kong lumabas at pumunta sa malapit na establisyemento dito sa condo, para makapamili ng mga gamit dito sa bahay at damit na susuotin sa paparating na kaarawan ng kapatid ni Ella na si Mico ngayong darating na biyernes. Si Mico ay kapatid nila Ella sa kerida ng ama nito. Nalaman ng nanay ni Ella ang tungkol sa kabit na limang taon na ang nakararaan. Sinubukan nitong hiwalayan ang ama ni Ella ngunit sa takot na mawala ang luho at karangyaan nito sa buhay, pinili na lamang niyang makisama at nanatili pa rin silang mag-asawa. Nagpanggap na lamang n
“Max?” Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko si Max sa harapan ko. Napahinto ako sa kinatatayuan ko at sa pag-ubos ng milk tea na iniinom ko. Di ko sinasadyang mabangga ito habang naglalakad. Laking gulat ko din na nandito ito ngayon. Ano naman kaya ang ginagawa nito rito? Napakunoot ang noo ko.“Nandito ka rin pala? What a coincidence, Aria,” sabi ni Max. Napaatras ako ng akma akong hahalikan nito sa pisngi. Wala akong nagawa nang itinuloy niya parin ang paghalik sa pisngi ko. Napangiwi ako at namilog ang aking mga mata sa ginawa ni Max. He never changed. Napatingin ako sa likod ni Max at kasama niya ang bunsong kapatid na si Mico. Kahit kailan hindi parin ito nagbabago.“Well, actually I live nearby. Why are you here?” nagtatakang tanong ko dito sabay yumuko para batiin ang bunsong kapatid nitong si Mico. “