Share

Chapter 1

KIANA

3 YEARS LATER

"Mwoma where are we going pwo?" My son asked me with his innocent face, hindi mapagkakailang kamukhang-kamukha nito ang lalaking nang-iwan at nangloko sa'kin three years ago.

"Uuwi na tayo baby sa Philippines... kaya dapat prepared ka na okay?" He just nodded, and eat his breakfast.

I stayed here in Spain for almost two years, kahit wala kami sa Pilipinas tinuruan ko pa rin ang anak ko na masanay sa wikang Filipino para hindi ito mahirapan kung s kaling maisipan kong bumalik sa Pilipinas at ngayon nga dumating na ang araw na iyon. Maybe this is the right time to face the people I ran into and hid before.

After an hour of preparing. My son and I arrived at the airport together with Sunny Galvez, my best friend who helped me para makaalis ako sa Pilipinas noon ng walang nakakaalam at hindi agad matagpuan ng pamilya at mga kaibigan ko kung sakaling hanapin nila ako.

"Kia mag-iingat kayo dun huh?" paalala nito na ikinatango ko naman.

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo, paano kung magtagpo muli ang landas nyo sasabihin mo ba sa kanya ang totoo?" I don't know what to say am I ready to face him? I don't know ang alam ko lang gusto ko na umuwi napapagod na ako magtago, it takes me second before I answer her question.

"Yes Sunny! I'm ready atsaka wala na rin namang kwenta ang pagtatago ko, ni hindi nya naman ako nagawang hanapin," I said bitterly. Ganun nya ba talaga kaayaw sa akin kaya wala syang pakialam kahit nawala ako? Hindi ba talaga nya'ko minahal kahit ni minsan panakip butas lang ba talaga ako? 

Andami kong katanungan na patuloy parin gumugulo sa aking isipan matapos kong takasan ang nakaraan. 'Kung nagkalakas-loob ba ako noon hindi mangyayari to?' 

"Oo nga no? may punto rin naman 'yang sinabi mo...Oh sya sige babye na huh see you soon, I will miss you." Sabay yakap at beso sa akin. 

"Pakiss nga baby Thunder. She kissed my son. "Matagal ko ding hindi kayo makikita, mamimiss ko kacute'tan mo," She added then pinch the nose of my son and my son just giggled.

"Bwabye pwo Twita Sunny!" My son just waved on her Tita and I just nodded on her as we get inside the plane.

MANILA

"Mwoma I'll go there pwo hindi pwo ako lwalayo pwamis," pag-pupumilit ng anak kong bumaba, pagkalabas namin sa airport

"Okay baby basta dun ka lang sa tabi ha wag kang lalayo. I'll try to call your Tito Keiffer," He just nodded and run.

I unlocked my cellphone and try to call Kieffer nagbabaka-sakaling ito parin ang numero nya, it takes two rings bago may sumagot.

'Hello who's this?' He asked me on the other line. Is this kief? Oh god how I miss her voice.

'Is this Kieffer?' I asked for confirmation. Nakakahiya naman kasi kung hindi no.

'Yes, uh miss who are you? how did you get my number?' sunod-sunod na tanong nito. Na-iimagine ko na agad ang nakakunot nitong noo.

'Uh-hm this is Kiana,' nahihiyang saad ko. Halatang napatigil si Kief sa kabilang linya siguro ay napaisip ito kung sino ako.

'F uck Kia where are you? saan ka ba nagpunta huh at nawala ka nalang bigla? It almost three years tapos ngayon ka lang nagparamdam!' he said on the other line. Sa tono palang nang boses nito mapapaisip ka talaga kung galit ba ito o hindi.

'I'll tell you later! but, before that pafavor uh, paki sundo naman ako sa airport please?' Sinubukan ko kung papayag ito kasi noon di nya ako kaya tanggihan.

'Oh sure, just text me kung nasaan kang banda okay. I'm on my way na,' Woah! OTW na agad. I texted him the address and find my son.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng anak ko at binuhat ito, hindi pa kasi ito gaano kabigat, tama lang para mabuhat ko.

"Mwoma where na pwo si Tito Kieffer?" he asked. Habang patingin tingin ito sa paligid. Akala mo nama'y makikilala agad nito si Kieffer e' hindi pa naman n'ya to' nakikita.

"Parating na sya baby huh? wait nalang tayo, so let's go there para makita nya agad tayo," turo ko sa pwesto namin kanina at ibinaba ang anak ko.

Hinawakan ko ang maliit nitong kamay at hinila ang bagahe namin, patungo sa pwesto naman kanina.

Agad kong natanaw si Kieffer na kina-kalikot ang cellphone. Kapansin-pansin agad ang laki nang pinagbago nito. He's now more handsome than before at mas nahubog ang pangangatawan nito.

Kieffer Monteverde is like a brother of mine. Tulad ni Teo he's also one of the most successful bachelors in field of business. Sixteen years old pa lamang ito'y napalago na nya ang sariling kumpanya sa tulong na din ng magulang nya.

Hindi ko akalain noon na magiging kaibigan ko ang tulad nya and at the same time pinagpapasalamat ko na hindi nya ako pinabayaan noon. He's always there for me, pero hindi ko man lang nagawang magpaalam sa kanya na mawawala ako.

"Kieffer!" I yelled ng malapit na ito sa pwesto namin. His face got shocked when he saw me.Then I just smiled and waved my hand.

Dali-dali itong lumapit sa kinaroroonan ko "Kia, is that really you?" Hindi makapaniwalang tanong nito at niyugyog pa ako. I just nodded and hugged him. 

"I miss you Kief!" I can't stop myself for being emotional coz' I really miss him. Hindi ko akalaing pinagtaguan ko ito for three years at ngayon nagkalakas loob din na harapin sya. Handa na'kong magkwento sa kanya.

"Mwoma, Is he my Tito?" Nabaling ang tingin namin sa anak ko, na nakatingin naman sa aming dalawa.

"Yes baby," I replied and smiled on him. Lumipat naman ang tingin ko kay Kief na hindi makapaniwala sa nakikita. Napakurap-kurap pa ang g ago na ikinatawa ko ng mahina.

"D amn Kiana andami mong utang na kwento sa'kin," sambit nito habang dinuduro pa ako na mas lalong ikinatawa ko. Binuhat nya naman ang anak ko, akala mo naman matagal na silang magkakilala at close na close agad.

Tumigil ako at ngumisi nalang "Don't worry I'll tell you later. Okay?" He just nodded, then we enter to his luxurious car.

"Saan mo ngayon balak tumigil? Ihahatid ba kita sa dati mong tinutuluyan?" he asked while driving.

Tumango ako, "Yep. Atsaka no choice naman ako no' alam mo naman ang nangyari sa akin noon kaya condo lang ang meron ako," I said bitterly.

"Tito, Mwoma saan pwo tayo pwupunta?" Thunder interrupted. Every time na naririnig ko ang boses ng anak ko hindi ko maiwasang mapangiti- He's now my happy pill.

"Sa condo ko, baby dun na muna tayo titira for the mean time," Napaisip naman ako kung may babalikan pa ba ako or wala na. Malay ko bang may iba ng tumutira sa condo unit ko.

"Taraga Mwoma, nandun pwo ba si Daddy?" muli nitong tanong na nagpatigil sa'kin. Agad namang nag-iba ang timpla ng mukha ni Kieffer sa naging tanong ng anak ko.

"Uhm baby, uh ganito kasi... your daddy uhm is nagwowork pa sa malayo as in malayo kaya di pa kayo magkikita ngayon. Pero don't worry kasi malapit na," pagsisinungaling ko sa anak ko na ikinangiti naman nito. Alam kong masama magsinungaling pero masisisi nyo ba ako kung ayaw kong dagdagan ang pangungulila ni Thunder sa ama nya.

Agad na nanlaki ang mga mata nito sa sinabi ko. "Taraga, mwoma pwamis?" Napatingin ako Kay Kieffer na tahimik lang nakikinig sa amin.

"Yes baby!" Nagpatuloy naman ito sa paglalaro sa paborito nyang laruan ako. Ako nama'y dumungaw na lamang sa labas.

Tumikhim naman ang katabi ko "Will I call someone to clean your condo?" Agad na nalipat ang tingin ko sa kanya.

"No need na, kaya ko namang maglinis don't worry about me," I gave an assurance faced on him.

"Okay if that's what you want. Tulungan na lang kita," nginitian ko ito at dumungaw na muli sa labas.

After our conversation ended we also reached our destination. Bumaba na kami ng anak ko bitbit ang maleta habang si Kieffer nama'y pinapark pa ang kotse.

We both entered the building. You could read on the faces of the staffs and guards the shock of seeing me again after a years, it seemed as if they had seen a ghost.

"Ma'am, Sir Good day po. Long time no see," natutuwang bati sa akin ng guard- matagal na kasi itong nagtatrabaho dito at medyo close din namin.

Nginitian ko na lamang sila at agad na kaming dumiretso sa elevator. I pressed seventh floor dun kasi naka-locate ang room ko.

"You okay?" agaw pansin ni Kief ng mapansing natahimik ako sa isang tabi.

Nakatulog na pala ang anak ko sa bisig nya, I just nodded and smile on him para hindi na nya ako kulitin kung anong nasa isip ko.

The truth is, I just remember some memories with Teo here in the elevator. 

Si Teo nga pala ang bumili ng condo unit namin, regalo nya para sa akin. Siguro naman hindi nya ito binawi no'?

A minute later. Lumabas na kami at pumasok sa katapat na pinto ang room ko.

All memories came back when we entered, dito nga pala natapos ang relasyon namin. I got shocked ng makita kong malinis at maayos ang loob nito. Paano nangyari 'yon it's been three years na rin simula ng mawala ako dito.

Posible kayang may pumupunta dito or dumadalaw para maglinis or baka may iba nang nakatira dito. Pero napaisip din agad ako kung may nakatira na dito bakit hindi ako pinigilan ng guard right? 

"Malinis na pala itong room mo," usisa ni Kieffer ng makita ang paligid ng condo unit ko. Tama! walang pinagbago ang paligid nandito pa rin ang mga picture namin ni Teo, ang nakakapagtaka lang kung sino ang nagpalinis.

"Oo nga no'... Sino naman kaya nagpalinis nito?" Tanong ko sa kanya. Malay mo alam nya sagot.

He shrugged "I don't know baka pinapalinis ng mismong manager yung room na nababakante," sagot nito tapos ay tumingin muli sa'kin. "Why don't you try to ask the staff or just direct to the manager malay mo alam nila," he added.

Napatango naman ako, "Siguro nga no' bukas ko na lang aasikasuhin. Pakilapag na lang si Thunder sa unang kwarto," Umakyat na ito sa hagdan, hindi naman kasi ito gaano kataas mga limang palapag lang nasa taas ka na.

Naisipan kong bukas na lang kausapin ang manager or staff. Napatingin ulit ako sa bawat sulok ng unit ko at nilapitan ang mga dating litrato namin ni Teo. 

Inisa-isa ko itong ibaliktad para hindi makita ng anak ko at para hindi na rin magtanong pa.

Napatigil ako sa isang litratong hawak ko. 'Sana ako 'yung dahilan ng pag-ngiti mo dito, s-sana kahit minsan sa mga litrato natin ako 'yung laman ng isip mo' 

Napabuntong hininga ako... 

Sana...

Kasi hindi ko matatanggap ng buo kung lahat ng ipinakita mo sa'kin ay pagpapanggap at kalokohan lang.

Umaasa ako na SANA kahit minsan, naging masaya ka kapiling ko.

Kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na si Athena yung mahal mo, na si Athena yung gusto mong pakasalan at ako? isang rebound lang.. 

Kung sino ka man, Athena ang suwerte mo... kasi ikaw yung mahal ng taong mahal ko. 

Lumapit nalang ako sa sofa para magpahinga at mapawi ang mga 'sana' ko, t angina naman kasi three years na ang lumipas p-pero ikaw pa rin talaga Teo kahit masakit.

It's s really a tiring day for me pagod na pagod ako ngayong araw tapos may jetlag pa, kahit puro biyahe lang naman ang ginawa namin ni Thunder.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Meg Saturno
may kasabihan nga db Kiana ,na darating ang panahon na maghihilom ang sugat ,unti unti nga lng hngng sa malalaman mo nlng na ok ka na pala
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status