Share

Kabanata 2

NAKITA ni Alyssa ang papalapit na kaibigan, may dala itong isang tray na may dalawang umuusok na tasa ng kape. May dalawang slice din ng chocolate cake.

Umupo si Maggie sa tapat niya at iniabot sa kanya ang isang tasang kape at isang slice na cake.

"Amoy pa lang mukhang masarap na ang kape." Sabi ni Alyssa at nagsimula na siyang humigop ng mainit na kape.

"Sinabi mo pa girl, buti na lang pinuntahan ko dahil kung hindi, baka bukas pa makakarating order natin." Sagot ni Maggie. Una nitong nilantakan ang isang slice na chocolate cake. "My gosh! so yummy!"

Nangingiting tinignan ni Alyssa ang kaibigan nang bigla niyang maalala ang nabasa sa newspaper.

"Girl, naalala mo ba iyong sikat na pintor sa bayan ng San Victoria?" Tanong ni Alyssa sa kaibigan at muling humigop ng kape.

Tumango naman si Maggie.

"Yes, what about him?"  Tanong nito sa kanya.

Bilang sagot niya sa tanong nito iniabot niya dito ang kaperasong newspaper. "Read it!"

Maarteng napangiwi naman si Maggie.

"Ewwww! hindi ba ito iyong k-" hindi na natapus ang sasabihin nito nang magsalita siya.

"Huwag ka ng maarte basahin mo na yan. Maghugas ka nalang mamaya ng kamay." Pigil niya sa sasabihin sana nito.

"Okay fine!" Sagot naman ni Maggie.

Nagsimula na nga itong magbasa gamit ang mga mata habang sinasabayan ng higop ng mainit na kape. "Hindi ba siya iyong madalas mo na e kuwento saakin girl?"

"Aha!" Nakangiting tugon niya

"Dont tell me na pupunta ka?" Nakataas ang isang kilay na tanong sa kanya ni Maggie.

"Hmmm why not?'' Sagot niya sa tanong ng kaibigan.

Inilapag ni Maggie sa table ang kapirasong newspaper. Sumubo ng hiniwa na cake at humigop ng kape.

"Pero girl hindi ba may balitang lahat ng mga tinuruan niya gumuhit at magpinta ay mga nawalang parang bula?''

Kumibit balikat siya.

"Lahat ng iyon puro tsismis lang girl, kita mo naman hanggang ngayon wala silang napapatunayan na may kinalaman nga si Mr. Gregorio Santillan sa pagkawala nila." Mahabang turan ni Alyssa. Ipinag patuloy niya ang pagkain ng cake.

"Pupunta ako girl sayang naman ang opportunity kong palalampasin ko pa, you know naman na gusto kung maging kasing galing ni Mr. Santillan sa larangan ng pagguhit at pagpinta."

Humalikipkip si Maggie. "Pero girl, kaya naman ng parents mo na pag-aralin ka sa isang sikat na school para sa mahihilig sa painting o sining ba yan etc."

"Come on girl, hindi iyon ang point ko dito. Isang sikat na pintor si Mr. Santilla at hindi lang basta sikat, humakot siya ng maraming award at gusto kung maging katulad niya at alam mo naman kung gaano ko siya ka idolo," 

"Pero iba ang pakiramdam ko girl, parang may hindi magandang mangyayari."

"Sshhhh... tama na nga girl, basta pupunta ako sa San Victoria 'diba bakasyon na din naman natin. Samahan mo ako ha?"

Tumaas ang isang kilay nito. "No way!" Sagot ni Maggie.

Hinawakan niya ang mga kamay ng kaibigan

"Sige na please. Sige ka, baka ma konsensya ka kapag may masamang nangyari saakin dahil hindi mo ako sinamahan." Pinalungkot ni Alyssa ang mukha sabay higop ng kape.

Batok naman ang natanggap niya galing sa kaibigan.

"Aray!" reklamo niya dito ng nakangiti.

"Kinonsensya pa ako ng babaitang ito. Okay fine, sasamahan kita pero saglit lang tayo ha."

"Promise, saglit lang tayo doon." Nakangiting sagot ni Alyssa sabay yakap sa kaibigan. "Alam ko naman na 'di mo ako matitiis eh," dugtong niya sa sinabi sabay hagikhik.

"Bawiin ko na lang kaya ang sinabi ko?" biro ni Maggie sa kanya.

"Wala ng bawian girl, baka malay mo may guwapo doon." Hirit ni Alyssa sa kaibigan.

"Naku girl, loyal ako sa feeling ko kay John ano!" Sagot nito na mukhang kinikilig. Para itong kiti-kiti kapag nababanggit ang pangalan ni John.

"Ikaw na kasi ang manligaw kay John, para hindi ka na laging nangangarap na meron'g kayo ni John kahit naman wala!" biro niya sa kaibigan. Buti nalang hindi ito pikon.

"Hoy girl, aminado akong may crush ako kay John, pero hard to get itong kaibigan mo ano.'' Pagyayabang na sabi ni Maggie.

Sabay na nagtawanan ang mag kaibigan at mabilis na tinapos ang pagkain.

Isang linggo din naghanda ang mag kaibigan para sa pagdayo nila San Victoria. Ayaw pa silang payagan ng kani-kanilang mga magulang, nag dahilan na lamang sila na kasama iyon sa project nila sa school. Sa bahay na din nila nag sleep over ang kaibigan na si Maggie dahil maaga silang aalis, mabuti na iyong maiwasan nila ang trapik.

Sabay na nahiga sa kama ang magkaibigan, pinag-usapan muna nila ang mga dapat nilang gagawin doon sa San Victoria bago sila tuluyan makatulog.


BAYAN ng San Victoria. Gabi na nang makarating sa bayan ng San Victoria ang magkaibigan na Alyssa at Maggie. Bago bumaba ng sasakyan ang dalawa kinausap muna ni Alyssa ang family driver nila.

"Mang Recardo sunduin mo na lang kami ni Maggie sa sunday morning," anya at inabot ang backpack na nasa likurang bahagi ng sasakyan. Samantalang abala naman sa pagpapaganda ang kaibigan. "Hoy,girl!"

"Yes?'' Sagot ni Maggie, pero ang mga mata nasa salamin. Naglalagay ito ng eyebrow.

"Gabi na, kung maka pagpaganda ka akala mo naman may makakakita." Natatawang turan ni Alyssa.

Bumaba si Mang Recardo at pinagbuksan ng pinto ng sasakyan ang dalawa. Agad naman na bumaba si Alyssa.

"Tama na 'yang pagpapaganda mo bumaba kana, babalik pa sa Manila si Mang Recardo," sita niya sa kaibigan na nanatili pa din na nakaupo sa loob ng sasakyan.

"Wait lang, check ko lang kilay ko." Sagot ni Maggie. Muli nitong pinagmasdan ang mukha sa salamin. "Kilay is life talaga!" Anito at sinundan ng mahinang tawa. Bumaba na din ito ng sasakyan.

Ibinaba pa ni Mang Recardo ang ilan pang gamit ng mga ito.

"Salamat po Mang Recardo," ani Alyssa. "Mag-iingat po kayo sa byahe,"

"Salamat ineng. Mag iingat din kayong dalawa," sagot ng matanda. Muli itong pumasok ng sasakyan at sinimulan ng e-start ang sasakyan.

Broom...broom... ugong ng sasakyan. Ibinaba ng matanda ang salamin sa bintana ng sasakyan sinilip ang magkaibigan.

"Aalis na ako mag iingat kayo dito," muling paalam ng matanda.

Ngumiti silang dalawa bilang pagsang-ayon.

Saglit lang at nagsimula ng umandar ang sasakyan at tuluyan na itong nawala sa paningin ng magkaibigan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status