Share

Kabanata 7

NGUMITI si Carlos kay Alyssa.

"Okay lang ako. Broken family lang ako pero may lola naman akong mahal na mahal ako." Sabi pa ni Carlos. "Kahit naman may sariling family na ang mga parents ko suportado pa din naman nila ako, katunayan nga kina mama ako nag e stay habang nag-aaral. Kapag weekend naman umuuwi ako ng cavite."

"Ako naman only daughter lang ako." Simula ni Alyssa. "Okay naman ang parents ko kaso lagi silang busy sa work, kaya itong si Maggie na bestfriend ko ang laging kong kasama." Kuwento niya.

"Wala pa boyfriend si Alyssa since birth." Sabat naman ni Maggie.

Dinampot ni Alyssa ang isang tsinelas niya at ipinukol kay Maggie na nakailag naman.

"Pagpasensiyahan mo na si Maggie ha, ganyan talaga 'yan palabiro." Nahihiyang sabi niya kay Carlos.

Ngumiti si Carlos at umayos ng upo.

"Walang boyfriend pero may nanliligaw?" Seryosong tanong ng binata. Tumingin ito ng deretso sa mga mata ng dalaga.

Umiwas naman ng tingin dito si Alyssa. Pakiramdam ni Alyssa umiinit ang puwet niya sa oras na iyon, naiilang siya sa mga titig ni Carlos. Kung may powers nga lang siya na puwedeng maglaho, baka kanina pa siya wala sa harapan nito.

"Wala." Tipid niyang sagot.

"Uy, bagay sila!" Tukso ni Maggie sa dalawa.

"Gusto ko ang friendship ninyo dahil masaya kayong tignan."

"Mag kababata kase kami ni Maggie para na nga kaming magkapatid." Sagot ni Alyssa.

"To be honest Alyssa, the first time i saw you. I like you!" Deretsahang sabi ni Carlos.

Natulalang napatingin kay Carlos si Alyssa.

I like you, daw? ulit ni Alyssa sa sarili. I like you pa lang ang sinabi ni Carlos pero pakiramdam niya may mga butterfly na nagliliparan sa loob ng dibdib niya.

"Oh my gosh! oh my gosh!" Bulalas ni Maggie na halatang natuwa sa narinig na sinabi ni Carlos.

"I-i like you, t-to be my friend Alyssa!" Sabi ni Carlos. Pero ang totoo gustong sabihin ng binata na love at first sight siya sa dalaga. Mas minabuti na lamang na ilihim na muna niya ang nararamdaman para sa dalaga, lalo na at ngayon pa lang sila nagkakilala. Gusto niya munang maging kaibigan si Alyssa nasa stage pa lang sila na getting to know each other.

Ang kaba na naramdaman ni Alyssa napalitan ng pagka-dismaya sa narinig. Gusto lang pala siya nito na maging kaibigan, masyado lang advance ang pakiramdam niya. Lihim na natatawa sa sarili si Alyssa.

"Assuming," tukoy ni Alyssa sa sarili.

"Naku! sa pagkakaibigan nagsisimula ang love." Muling hirit ni Maggie. Hindi ito kumbinsido sa sinabi ng binata.

Inilahad ni Carlos ang kanang kamay kay Alyssa. "Friends?"

Agad naman na inabot ni Alyssa ang kamay nito.

Nag shake hands ang dalawa bilang pagtanggap sa isat-isa bilang magkaibigan.

"Friends!" Nakangiting sagot ni Alyssa. Pakiramdam ng dalaga may kuryenteng dumaloy sa buong katawan niya nang makipag-shake hands siya sa binata. Nalilito man sa nararamdaman ang dalaga pinilit pa din niyang kumilos ng normal.

Lumapit si Maggie kay Carlos at nakipagkamay din ito.

Mabilis naman na nakapagpalagayan ng loob ng magkaibigan ang binata. Saglit lang at napuno na ng tawanan ang harden. Panay kasi ang kuwento nang binata ng mga nakakatawa sabayan pa ng kaibigan niyang si Maggie na kuwela din.

"Alas tres na pala nang hapon," sambit ni Alyssa nang makita ang oras sa suot na relo. "Tara na pumasok na tayo sa loob." Anyaya niya sa dalawa.

Tumayo na din sina Carlos at Maggie. Panay pa din ang kuwentuhan ng tatlo habang naglalakad papasok sa mansyon.

Umakyat sila sa ikatlong palapag ng mansyon, naandoon na din ang mga kasama nila nagsisimula na ang mga itong gumuhit.

Tinungo na din nina Alyssa at Maggie ang puwesto nila. Bago magsimulang gumuhit si Alyssa, lihim niyang sinulyapan si Carlos na hindi naman kalayuan sa puwesto niya. Nagtama ang paningin nilang dalawa, nahihiyang binawi ni Alyssa ang paningin, samantalang lihim naman na napapangiti ang binata.

"Pogi niya ano?" Tanong ni Maggie sa kanya, hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya.

"Sino?'' Patay-malisyang tanong niya, kahit alam niyang si Carlos ang tinutukoy nito.

"Kunwari ka pa, ngayon lang kita nakita na nagkainterest sa lalaki." Si Maggie.

Mabilis ang paglingon niya kay Maggie. "Interested agad? 'di ba p'wedeng nababaitan lang ako sa kanya."

"Denial ka pa diyan." Tukso pa ni Maggie sa kanya.

"Bumalik kana nga sa puwesto mo," pagtataboy ni Alyssa sa kaibigan.

"Uuuyyy, pumapag ibig na ang bestfriend ko," pabulong na tukso nito sa kanya.

"Tantanan mo nga ako," sabay tulak niya papalayo sa kaibigan.

Naririnig pa ni Alyssa na bumubulong si Maggie habang naglalakad patungo sa puwesto nito.

Naiiling ang ulo na nagsimula na din gumuhit si Alyssa.

ALAS OTSO na nang gabi. Katatapos lang maghapunan ng lahat. Naunang umakyat ng kuwarto ang mga babae, samantalang naiwan naman sa sala ang tatlong lalaki. Nagkukwentuhan sila, pinag-uusapan ang mga girls na mga kasama nila.

"Bro, mukha yatang type mo si Alyssa." Puna ni Miguel kay Carlos.

Natigil sa pagbabasa ng libro si Carlos. May baon kasi siyang horror book ugali niya kasi ang magbasa lalo na kung naboboring siya.

"Medyo!" Ngiting sagot ni Carlos at muling itinuon ang paningin sa kanyang binabasa.

"Kung titigan mo si Alyssa wagas. Kung ice cream lang ang dalaga natunaw na ito sa mga titig mo." Tukso ni Noel. "Crush ko pa naman si Alyssa,"

Mabilis na napatingin si Carlos kay Noel dahil sa sinabi nito. Mukhang may makakaagaw pa yata siya sa dalaga.

Natatawang binato ni Noel ng junkfood na kinakain nito si Carlos.

"Crush lang naman. Sa ating lahat parang si Alyssa yata ang magaling gumuhit at iyon lang naman ang hinahangaan ko sa kanya." Paliwanag ni Noel. "Tsaka taken na ako, loyal ako sa girlfriend ko kaya huwag kang kabahan Carlos." Biro nito sa kanya.

Napahinga naman ng maluwang si Carlos. Para siyang nabunutan ng tinik sa lalamuna.

"I like her," pag-amin ni Carlos.

Humiyaw sa tuwa ang dalawang binata.

"Pero, mas minabuti ko na munang makipagkaibigan sa kanya, para mas makilala pa namin ang isat-isa. Tsaka never pa siyang nagkaroon ng nobyo, ayoko naman siyang biglain."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status