Share

Kabanata 44

"Tingin ninyo bakit nasa trashbag ni Sir ang mga cellphone na 'yan?" tanong ni Alyssa sa mga kasama. Hindi naman nakaimik ang mga ito,

"Pakiramdam ko may masamang nangyari sa kanila," pag-amin ni Charlotte. "Kanina nabuksan ko pa ang cellphone ni Daisy, nabasa ko ang mensahe ng kuya niya. At mukhang hindi nakauwi si Daisy sa kanila."

"Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Carlos. Hindi pa din makapaniwala ang binata na kayang gumawa ng masama ng artist. Sa mga ipinakita nito sa kanila masasabi mo talagang mabait ito at alaga pa sila sa pagkain.

"Nabasa ko sa mensahe ng kuya ni Daisy na nagtatanong ito kung kailan siya babalik ng Manila, ibig sabihin hindi nga umalis ng mansiyon si Daisy. Hindi ito umuwi sa kanila, sobrang nag-aalala na sa kanya ang kanyang pamilya." Mahabang sagot ni Charlotte.

Napabuntong hininga ang binata at mataman na tumingin ito kay Alyssa. Kung totoo ang sinasabi n

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status