Share

Kabanata 50

"MAGSITIGIL KAYO!" Malakas na saway ni Alyssa sa dalawang lalaki na panay pa din ang palitan ng suntok.I to ang eksenang naabutan ng dalaga sa likuran bahagi ng mansyon.

Natigil sa pagsuntok si Gregorio nang makilala ang boses ng nagsalita.

Iniangat naman ni Carlos ang kanyang ulo para makita ang bagong dating .May tuwang naramdaman ang binata ng mapag-sino ito.

"Alyssa, nagbalik ka!" mabilis na naitulak ng binata ang natigilan pa din na artist.

Masama ang tingin na ipinukol ni Gregorio sa dalaga, may sapusa yata ang buhay ng dalaga.

Hindi pa din lubos maisip ni Gregorio kung papaanong nakalabas sa painting ang dalaga, lalo na nga at naabu na ang sinunog niyang painting na kung saan dapat nakakulong ang dalaga.

Mariing naikuyom ni Gregorio ang mga kamay bago ito magsalita.

"Paanong nakalabas ka sa iyong kulungan?" tukoy nito sa painting.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status