Share

Chapter 65

HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping.

"Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.

Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga.

"Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"

Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata.

"Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver.

"Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito.

"Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver.

"Miss daw? Tagal-tagal!"

Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maabot nito kapag hindi siya yumuko ng bahagya.

"Dali na! Nangangawit na yung nguso ko oh!" pagnguso pa ulit ni Evie rito kaya napatingin na sa kanya si Silver.

Nagpipigil naman ito ng ngiti sa kanya saka siya hinalikan na rin sa labi.

"I love you."

"I love you more, mommy."

"May dala kaming pizza, meryenda natin."

"Pero ikaw mas gusto kong meryenda." bulong pa ni Silver sa kanya sabay halik sa pisngi niya.

"Midnight snack na lang."

Sabay pa nilang pagbungisngis na dalawa dahil sa pinaguusapang mabuti't sila lang ang nakakarinig.

Sabay na silang tumungo ng dining area na naroon na rin ang buong mag-anak ni Evie na kanya-kanyang kuha at kain na ng pizza at umiinom ng softdrinks.

"Hmm, kain na Silver." pagaaya pa ni ginang sa kanila.

Kumuha naman na din si Silver ng isang slice saka naupo habang nagsasalin ng maiinom nila si Evie. Binigyan na rin niya ito ng isang slice at tinanggap naman ni Evie ngunit hindi ito naupo. Nakatayo lang ito sa gilid ni Silver.

"Tuwang-tuwa nga nung pinasasakay namin sa kiddie rides eh." kwento pa ni Evette bago kumagat sa hawak na pizza.

"Nako, pinagod niyo pala masyado toh. Kaya pala gutom na naman oh." dahan-dahang pagsubo pa ng ginang sa apo niyang nakaupo sa hita niya.

"I bought you some clothes too, mukhang wala ka ng pamalit eh." saad naman ni Evie bago kumagat muli sa pizza niya.

"Thanks. Pinahiram na nga rin ako ng extra shorts ni papa eh." sagot naman nito sabay kagat rin sa pizza niya.

Natigilan naman si Evie sa pagnguya at tinging payuko kay Silver. Napatingin din siya sa ama niya na kumakain pa rin.

"Papa?"

"Oo. Sabi ni mama, tawagin ko na daw silang mama at papa." kampanteng sagot pa nito kay Evie.

Napaawang naman ng bibig si Evie dahil sa pagkabigla.

"Ilang oras lang akong nawala, close na kaagad kayo?" biglang bumagsak ang balikat nito at seryosong napatingin kay Silver. "Don't tell me sinuhulan mo --"

"Hindi noh! Anong akala mo sa akin? Manunuhol?" depensa pa ni Silver.

"Oo, ganun na nga."

"Hindi ko sila sinuhulan, okay?"

Bumaling naman si Evie sa mga magulang.

"Tell me? Magkano binigay ng mokong na ito sa inyo? Bahay ba? Kotse?"

Natatawa naman ang ginang at si Evette habang ang ama nila ay medyo seryoso pa rin.

"Hindi nga sabi -- bakit parang ayaw mong tanggap na nila ako?" reklamo pa ni Silver.

"Kaduda-duda lang eh."

"Mukha ba kaming masusuhulan? -- Okay na sa amin ng papa mo ang relasyon niyo ni Silver. Takot lang niyang mabalatan ng buhay, di ba?" saad pa ng ginang sa kanila sabay kagat sa hawak na pizza.

Napatungo-tungo naman si Silver bago kumagat ulit din ng pizza niya.

Napatingin naman si Evie sa ama niya na mukhang wala naman reklamo sa mga pinaguusapan nila.

"Pati ikaw, pa?"

"Basta bagong hasa palagi ang itak ko 'nak."

Kahit pa nagtataka, hindi naman din maitago ni Evie ang tuwa dahil sa wakas ay tanggap na ng mga magulang niya ang relasyon nila ni Silver. She couldn't explain her happiness yet she expressed it by smiling from ear to ear kahit pa napapailing pa rin.

KINAGABIHAN, habang naghahanda si Evie ng tutulugan na niya matapos makapag-shower, nabigla siya ng biglang nagbukas ang pintuan ng kwarto niya kaya nilingon niya yun.

"Oh daddy? Baka masita ka --"

Nakita niya kasi itong papasok ng kwarto at dala pa ang unan at kumot na pinagamit rito.

"Okay lang yan, tanggap naman na nila tayo di ba?" prenteng saad lang nito bago isinara ang pinto ng silid.

Napatanga naman si Evie dahil nabibigla pa siya sa kaganapan. Una, kasundo na nito ang mga magulang niya lalo na ang tatay niya. Ngayon naman mukhang hinayaan na itong matulog sa silid niya.

"Ahm.. Hindi ka na takot sa itak ni papa?"

"Takot syempre! Pero hindi naman siguro niya iitakin ang poging katulad ko di ba?" kompyansang saad pa nito bago inilapag ang mga dala sa kama ni Evie. Humarap siya rito at niyakap sa beywang. "Sayang naman magagandang lahing mabubuo natin kung iitakin niya ko di ba?"

Napapangiti at iling na lang si Evie pero masaya siya't tanggap na nga ng magulang niya ang relasyon niya kay Silver.

"So, I'll sleep here." yumuko ito para mahalikan sa leeg si Evie na napakapit lang din sa braso niya. "And, I can do this -- and this --" pagsalitan nito ng paghalik sa magkabilaang leeg at pisngi ni Evie. "And also this to you -- all night long." at pang huli ay sa labi nito.

Nakangiti lang si Evie habang nakatingin kay Silver na halatang inaakit na naman siya. At aminado siyang apektado siya rito pero hindi lang niya pinahahalata.

"I'm happy they accepted you, us! But I wonder how did you do it?" tila pagdududa pa nito.

"Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Did you talk to them? What did you say?"

"Well, might between me, your mom and dad."

"I doubt you didn't bribe them."

"Uy hindi ah? Grabe ka. Pero kung hindi nga umubra pagkausap ko, yun na ang plan B ko."

Sabay naman silang natawa sa sinabi pa ni Silver.

Parehas na silang nakapwesto ng higa sa kama. Habang nakapasandal pa si Evie sa kama, nakayakap naman si Silver sa kanya na nakaunan sa dibdib nito.

"It feels really good in this position." saad pa ni Silver na mas humigpit ang pagkakayakap kay Evie na panay haplos sa buhok niya.

"I miss this too." hinalikan pa nito ang ulo ni Silver.

Even half of his weight has on her, she still feels comfortable with this position. She felt like embracing him wholeheartedly. While Silver feels safer and well take cared of by her. He likes the sounds of her heart beats like a music to his ear, it makes him sleep faster.

"Let's move in."

"Aren't you cohabitating in my place?"

"Yes but, I want it officially. -- Like, I don't have to go home to get new clothes. Or you -- getting some stuff from place to another. I want us to live together."

Tila natigilan naman si Evie sa sinabi nito. Naramdaman ni Silver ang mahinang buntong hininga nito.

"I know where not yet married, but we're getting there. I just don't want to be away from you. I love the feeling of hurrying up going home because I'll go home to you."

Tila natatameme at natatahimik pa rin si Evie na hindi sumasagot.

"Don't you like that idea? Well, that's just what I want. Kung hindi ka rin naman papayag --"

"I was just thinking -- kung saan tayo?" napatingalang tingin naman na si Silver sa kanya. "Your place? Or mine?" tanong pa nito.

Ito pala ang nasa isip niya kaya hindi kaagad makasagot kay Silver.

A smile draw to his lips "I thought you'll refuse --"

"Hell no! I used to lived with you too. And also, I love the idea of going home hurriedly because I'll go home to you." pagngiti pa niya rito.

Umangat naman kaagad si Silver para mahalikan si Evie sa labi na tinugon naman din ng dalaga.

"Wherever you want. Sa apartment mo, sa condo ko? O kahit sa Pangasinan tayo. Kahit saan, mommy. Basta kasama na kita."

"How about sa -- Palawan? Di ba, yun din ang plano natin noon?"

"Right! That's why I bought Khalil's resort there and --"

"I went to that resort actually." pagputol ni Evie rito na tila kinabigla ni Silver.

"You did?"

"Netong -- umalis ako. Kasama ko pa nga si Steve eh. I'm surprisingly happy na -- animal friendly na ang luxury resort na yun."

Tuluyan namang napangiti si Silver at bumangon ng paupo para makaharap si Evie.

"Ahm, did you like it? I mean, okay ba sayo yung mga changes at dinagdag ko dun?" tila natataranta at tuwa naman nitong mga tanong.

Ramdam ni Evie ang pagkasabik ni Silver sa nalaman.

"It was so perfect! Wala nga ako masabi. Maraming hindi ko akalaing bago doon, even yung coffee shop ni Benjamin. But it was all great!"

Natuwa naman si Silver sa komento ni Evie. Balak pa lamang sana niyang dalahin ito noon para mausisa ang tungkol sa renovation ng resort. At masaya siyang doon pala nagpunta si Evie noong mga panahong umalis ito upang makapagisa.

"Talaga? Thank you, mommy. Just tell if you wanted to add some things, I'll do it, I'll put in there right away!"

"Of course, I'll let you know daddy."

"Na-excite na tuloy akong bumalik dun! Sana matapos na kaagad. Thanks because you appreciated it."

"And -- most especially, the new name of the resort --" pasimpleng pasaring pa ni Evie.

"Did -- did you see it already?" nabibigla namang tanong pa ni Silver.

She felt guilty in unknown reason.

Tumungo-tungo lang siya kay Silver bilang tugon.

"Hay! Sayang naman! Surprise ko pa naman sana sayo yun!" bumakas naman dito ang pagkadismaya na.

"It's okay, I was really surprised that -- that it will be my name."

"Of course! It's all for you, mommy. All the things I do, it's for you. For us."

Hinaplos naman ni Evie ang kaliwang pisngi ni Silver.

"And I'll give you my all too, daddy."

At walang sabing biglang sinunggaban ng mapupusok na halik ni Silver si Evie. Hindi naman na ito nagprotesta at tumugon na lamang sa mga halik sa kanya hanggang sa nauwi sa mainit na pagiisa na naman nilang dalawa.

Parehong hapo at humahangos silang dalawa matapos makailang ulit angkinin nila ang isa't isa. Nakapayakap naman na ngayon si Evie kay Silver habang ito naman ang humahaplos sa buhok niya.

"I would trade everything just to have this kind of moment in my lifetime." saad pa ni Silver habang nakapayukong tingin kay Evie.

"You'll have me even in after life. I'm all yours, daddy."

"I'm all yours as well."

Pagkahalik pa nito sa ulo ni Evie bago sabay na nilang ipinikit ang mga mata.

KINABUKASAN, nagpaalam na sina Evie sa mga magulang niya na aalis na sila ni Silver. Pinaalam naman niya sa mga ito na kay Silver muna siya uuwi sa condo nito sa Pasig.

Pagkadating nila doon ni Silver, inasikaso naman na ni Evie ang paglilipat niya ng ilang kagamitan mula sa apartment niya, ang iba ay pinadala niya sa mga magulang niya, at ang iba ay pinamigay na lamang.

"Nanghihinayang pa rin ako sa mga gamit ko, tagal ko ring pinundar yun ah!" saad pa nito habang minamasdan ang mga kalalakihang naglilipat ng ilang gamit niya sa condo ni Silver.

Pumayakap naman ni Silver mula sa likuran niya.

"Okay lang yan mommy, mayroon din naman na ko dito. Saka kapag nandun na tayo sa Palawan, saka ka na lang mamili ulit ng gamit natin sa bahay."

"Sure yan ah?" pagturo niya pa rito mula sa uluhan niya. "Ako bahala sa pamimili gamit at interior ng bahay natin?"

"Of course! Ako naman na ang Engineer nun eh." paghigpit pa niya ng yakap kay Evie at halik sa ulo nito.

"Nakuha ko na nga pala yung bakanteng lote sa likuran banda lang ng resort." saad pa niya kay Evie habang nakapayakap pa rin.

Sa pagkabigla ni Evie, kaagad siyang humarap kay Silver pero nakapayakap pa rin sila sa isa't isa.

"Talaga? Yung -- yung seaside din?"

"Nakita mo na yun?"

"Oo, noong nakapaglibot ako doon. Napansin kong may bakanteng lote pa nga doon, beach view rin saka malapit nga sa resort. Walking distance lang din."

"Yeap! That's it!"

"So does mean -- doon tayo --"

"Yes, mommy. Doon na natin ipagagawa ang another another dream house natin."

"Aww!"

Hindi pa rin makapaniwala si Evie sa mga sinabi ni Silver, bigla na lamang niyang niyakap ito ng mahigpit.

"Thank you, daddy! Doon ko rin talaga sana gusto magkabahay!"

"I know, mommy. Me too. Saka malapit lang tayo sa resort, anytime you wanted to come and visit when managing it, we can come."

"Of course. Thank you."

"Anything for you."

And they kiss passionately like they never mind the world around. It's just Evie and Silver, and everything is just a background.

"Ahm, ehem!" someone faked a cough to get their attention. "Ahm, excuse me po Ma’am, Sir."

Sabay naman napatigil sa paghahalikan ang dalawa at patay malisyang tumingin sa taong tumawag ng atensyon nila.

"Naisalansan na po namin yung mga gamit. Yung mga nakakahon po, nasa may bakanteng kwarto na." saad pa ng isa sa mga lalaking naglilipat ng gamit ni Evie sa unit ni Silver.

"Ah, thank you po, kuya."

May dinukot na nakatuping sobre si Silver sa may bulsa ng khaki shorts niya.

"Eto po oh." pagabot niya sa lalaki.

"Ay, bayad naman na po kayo Sir." pagtanggi nito.

"Para po sa inyo yan, kuya. Pandagdag po."

"Sige na po kuya, tanggapin niyo na po."

Napangiti naman ang lalaki bago kinuha rin ang sobre. "Maraming salamat po dito, Ma’am Sir. Paghahatian na lang po namin ng mga kasama ko."

Pagkaalis ng mga naglipat ng gamit ni Evie, saka naman sila nagluto ni Silver ng kanilang hapunan. Sabay na rin silang kumain at nagligpit.

Matapos ng ilang minuto, pumanik naman na sila sa kwarto nila at sabay na naligo at ngayo'y parehong nakababad sa bath tub na napupuno ng bula.

Pareho silang nakaupo habang shina-shampoo-han ni Silver ang buhok ni Evie.

"Haay parang ayoko ng bumalik sa opisina bukas ah."

"May site inspection ka pa bukas di ba?"

"Oo, sa Lubao, Pampanga. Ang layo nun."

"Parang hindi ka naman sanay pumunta sa ganun?" nangingiti pang saad ni Evie.

"Eh nalalayuan na ko ngayon eh. Gusto kong makauwi kaagad."

"Ayos lang yan daddy, tapusin mo ng lahat ng dapat monh tapusin ngayon -- bago tayo lumipat sa Palawan."

"Oo nga eh. Minamadali ko na rin matapos yung branch ko doon. Para doon na lang din ako magoopisina."

"Napaka-busy talaga netong asawa ko oh." lumipat si Evie sa bandang likuran ni Silver at ito naman ang naglagay ng shampoo sa buhok nito. Minasahe niya rin ang ulo pababa sa balikat nito.

"Agh! It feels so good, mommy!" napapapikit pa si Silver sa ginagawa ni Evie sa kanya.

"Just relax, daddy. I'll pamper you."

At pinagpatuloy nga ni Evie ang ginagawa kay Silver hanggang sa nagbanlaw na sila.

Pero hindi pa roon natatapos ang pag-pamper ni Evie sa kanya, nagpresinta na rin itong imasahe ang ulo, balikat at likuran nito habang nakadapa sa kama.

"Just relax, daddy. Ako ng bahala sayo." saad pa nito habang nakapaupo sa likuran ni Silver at minamasahe ito.

"Grabe ang sarap mommy. Parang mawiwili akong magpamasahe sayo araw-araw." saad pa nito habang nakapikit na at ninanamnam ang pagmasahe sa kanya.

"I won't mind. I love doing this to you."

"Ang -- ang swerte ko talaga. Agh!"

Natatawa naman si Evie rito dahil sa tuwing mapipisil niya ang parteng masakit kay Silver ay napapadaing ito.

ISANG umaga, nagising si Evie na wala na si Silver sa tabi niya. Sobrang lalim siguro ng tulog niya kaya ni hindi na niya itong naramdamang bumangon at kumilos. Hindi rin siya ginising nito. The usual kasi ay kapag narinig na nila ang alarm ni Silver, pareho na silang bumabangon dahil pinaghahanda niya ito ng almusal.

Pero ngayon, namulat siyang wala na ito sa tabi niya.

Bumalikwas siya sa kama habang nakapulupot pa rin ang hubad na katawan sa comforter. Kaya siguro mahimbing ang tulog niya dahil napagod at puyat siya sa ginawa nila ni Silver kagabi. Makailang ulit kasi siyang inangkin nito na parang walang kapaguran. Ni hindi alintana na may trabaho pa ito kinabukasan.

Bigla na lamang gumuhit sa mga labi ni Evie ang matamis na ngiti nang masilayan ang isang pulang tulip na may mahabang stem sa may unan na katabi niya. May nakapailalim rin doong maliit na note.

Happy Birthday, mommy!

I love you!

Yun lamang ang nakasulat na ikinatuwa naman ng labis ni Evie. Inamoy niya pa ang bulaklak bago tuluyang bumangon para ayusin ang sarili.

Kaarawan niya ngayon ngunit kailangan din magtrabaho pa muna ni Silver kahit ayaw nito. Pinilit na lamang din niyang pumasok pa rin ito at mag-dinner date na lang sila as celebration for her birthday. Hindi rin kasi siya mahilig sa magarbong handaan.

Matapos niyang magayos ng sarili, bumaba na siya diretso sa kusina at nakitang may nakahanda na palang almusal para sa kanya.

Kinain ni Evie ang almusal na hinanda si Silver habang iniisa-isang basahin ang mga mensaheng natatanggap bilang pagbati sa kanya.

*Ding dong!

Natigilan si Evie sa pagsimsim ng kape niya ng marinig ang door bell. Kaagad siyang nagtungo sa may pintuan at nakita sa katabing monitor kung sino ang nasa labas. Mukhang delivery man lang.

"To Miss Evie Symaco?"

"Yes?"

"Here Ma’am!"

Biglang binuhat nito ang malaking basket of sunflowers. Halos matakpan ang mukha ng nag-deliver sa laki.

Napatulala naman si Evie dahil rito.

"Ahm, Ma’am? Sa -- saan po pwedeng -- ilagay ito?" halatang nahihirapan ito sa pagbuhat.

Napakurap-kurap naman si Evie bago nakabalik sa wisyo niya. Binuksan niya ng mas malaki pintuan.

"Papasok sa loob na lang po, kuya."

Paika-ika at halatang hirap maglakad ang nag-deliver dahil siguro sa bigat ng dala nito. At nang mailapag na ito sa may coffee table sa salas, napaunat pa ng balakang ang delivery man.

"All goods na po yan, Ma’am!" pagpapaalam na nito.

Arf!

Nagulat at natakot ito ng marinig si Steve na tinahulan siya sa hindi kalayuan. Halos hindi ito makagalaw.

"It's okay, kuya. Hindi po nangangagat yan."

"Eh nangangain po ba?"

Natawa namam si Evie kaya sinamahan na lamang niya ang delivery man hanggang sa makalabas ng condo unit.

Binalikan niya ang mga bulaklak na diniliver sa kanya at nakita niyang may note sa ibabaw nun kaya kinuha niya kaagad para basahin.

"Happy Birthday, Evz! I miss you!"

Biglang nabuhayan si Evie at nangiti ng todo. She knew who sent these flowers.

Kinuha niya ang phone upang tawagan ito.

(Evz! Happy birthday!) masayang bungad naman nito nang sagutin ang tawag niya.

"Thank you, Benj! So sweet of you to remember!"

(Of course! Ako lang naman palagi unang bumabati sayo noon. Even nagreregalo at nagaayang kumain o maginuman kapag birthday mo!)

"Haha of course! Because I'm so adorable! Thanks again."

(Hay! How are you? I miss you here at the office.)

"I'm doing great, Benj. I miss working with you too. Wait? How did you know I was staying here --"

(I asked Silver, of course. Luckily, he finally told me the address of his condo unit.)

"Oh haha! Buti binigay niya?"

(Mabuti na lang talaga kasi birthday mo naman! Nagaalangan pa nga siya noong una eh, sa opisina na lang daw ipadala. Sabi ko, surprise nga sana. Nagselos siguro, noh?)

Natawa naman si Evie sa kulitan pa rin nila ni Benjamin. Na-miss niya ang dating boss at best friend niya. Simula noong nagpaalam siya rito ay hindi pa niya ito nakita na o nakausap man lang.

"Hay! I wish I could celebrate my birthday with you too Benj."

(Nako! Baka masakal na ko ni Silver! Baka i-pull out pa nun investment sa akin! Huwag na muna! Mag-enjoy na lang kayong dalawa!) natatawa naman nitong saad.

"Hahaha! He won't do that!"

(Always take care, Evz. I'm so happy for you. I'll see you soon.)

"Thanks, Benj. See you soon!"

Pagkamatay ng tawag, saka inusisa ni Evie ang basket of sunflowers at napansin niyang napupuno pala ng iba't ibang klase ng chocolates ang ilalim nito kaya pala siguro mabigat. Napapailing na lamang siya at ngiti.

Bigla naman siyang nakatanggap pa ng text at nang makita kung kanino iyon galing, mas lalo siyang nangiti.

Get ready for our dinner date later, mommy. I'll pick you up at 3pm.

Yun lamang ang text nito na pinagtakahan naman ni Evie.

"Dinner date pero 3pm? Ang aga naman yata?" she shrugged her shoulders. "Baka malayo pa."

Sure daddy.

As she replies. She went upstairs to get ready her stuff and some clothes to wear.

Before 3pm, she fixed and ready herself before Silver comes home.

She wears a light brown off shoulder long back dress paired with gladiator heeled sandals. She also put some light make up with a dark red lipstick and just let her hair down as she wears a mini crystallised crown lace.

At saktong alas tres ay pumasok na nga si Silver sa condo, nasilayan kaagad siya nito sa may salas habang nakaupo sa sofa.

"Hey! Welcome home!" pagtayo at lapit na niya rito. Pinulupot pa niya ang mga kamay sa balikat nito upang mahalikan si Silver.

"Happy birthday, mommy." pagsulpot ng another red tulip na iniabot niya kay Evie. "You're so gorgeous."

She chuckles "I know, right? Thanks, daddy." and then they kiss again. "Ang aga yata ah? Saan mo ba ako dadalahin?"

"That is a -- surprise!" as he smile mischievously.

"Duda ako dyan ah?" paghiwalay na ni Evie rito.

"Shall we?" paghaya na nito sa kamay niya na inabot na rin ni Evie.

Pagkasakay nila ng elevator, nagtaka si Evie kung bakit sa rooftop instead na sa ground floor ang pinindot ni Silver.

"Why are we going up?"

"Just wait, mommy." then he kiss Evie's hand while they were holding intertwined.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status