Share

Chapter 7

ANOTHER TYPICAL DAY in the office. Busy-busyhan na naman sina Evie at Benjamin sa kaliwa't kanan na presentations, meetings at biddings dahil sa mga biglang sunod-sunod na projects na dumarating. At lahat ng iyon recommended by Silver.

Hindi akalain ni Benjamin na simula ng maging kliyente niya si Silver ay ipagkakalat na nito sa lahat ng kakilala ang tungkol sa kompanya nila. Mas matagal na ang Yu Solar Panels kaysa sa negosyo ni Silver ngunit mas kilala ang S.A Constructions na. Malaki ang pasalamat ni Benjamin dahil hindi lang business ang koneksyon nila ngayon ni Silver, nagiging malapit na rin silang magkaibigan.

Madalas niyang paunlakan ang pagaaya ni Silver sa mga bar o biddings, ngunit si Evie ay todo pa rin makaiwas. Simula ng maging malapit si Benjamin kay Silver, iyon naman ang paglayo niya sa boss.

Habang sabay na naglalakad sa parking area sina Benjamin at Evie dahil patungo sila ngayon sa Okada para sa isang dinner out meeting, tila natigilan si Evie at namangha sa nakita.

"Is that new?" takang tanong niya pa kay Benjamin ng makita nito ang tila bagong sasakyan ng boss.

"Yeap! Silver got it for me. I mean, he bought it abroad and sell it to me. He knew how much I like limited edition cars. And this Porsche 911 targa 4s exclusive design edition is a perfect one." tila proud pa nitong saad habang parehas silang nakatingin ni Evie sa bago niyang sasakyan.

"At talagang yan ang ipanghaharabas mo ah?" parang hindi naman makapaniwala si Evie.

"Hmm hindi naman. I'm enjoying lang kasi bago eh." malapad pang ngiti ni Benjamin na halos mawala ang mga mata dahil sa pagkachinito.

Lumapit na si Evie sa kotseng imamaneho nito at inalis ang alarm.

"I told you before -- I can let you use one of my cars, para naman mas maganda ang kotseng dala mo." saad naman ni Benjamin sa sekretarya.

"What for? Mas mahal ang maintenance ng mamahaling kotse. Saka hindi naman mukhang karag-karag itong latest na honda jazz. Bagong bili lang din ng kompanya di ba? Ako nga unang gumamit na." paliwanag pa niya habang hawak na ang pinto ng kotse.

"Just suggesting. But if ever you change your mind, just let me know." pagngiti pa ni Benjamin rito.

"Unless you will give it to me, I'll change my mind." tila pangaasar pa ni Evie at napatawa naman silang dalawa.

Nagmaneho na sila patungo sa hotel na pupuntahan para sa isang meeting. Pagkarating nila doon ay dumiretso na sila sa restaurant na napagusapan ng meeting nila.

PAGKAPASOK palang sa private table ay tila napaatras si Evie sa paglalakad na hindi na magawang makagalaw. Nakita niyang naroon din si Silver na nakaupo sa mesa. Mukhang nauna pa ito roon at kausap na ang nasabing client nilang ka-meeting ni Benjamin.

"Good evening everyone! Thank you for waiting." panimulang bati ni Benjamin sa mga ito.

Tumayo naman si Silver at ang isa pang matipunong lalaking kausap nito.

"Mr. Yu, this is Mr. Khalil Kaur, he's the man behind of Kaur hotels, condominiums and resorts around the country." pormal namang pakilala ni Silver sa banyagang kliyente nila na halos kasing tangkad naman ni Benjamin rin.

"Benjamin Yu of Yu Solar Panels, Sir Kaur." pakikipagkamay pa ni Benjamin rito.

"Please, just Khalil." pag-insist din ng banyagan. Bakas rito ang Arabic ethnicity. Cleaned trimmed fully beard, brushed off hair with dark thick brows. Litaw na litaw ang greenish grey nitong mata na parang nakaka-hypnotize sa titingin. Naka-brown suit ito na bakas pa rin ang kakisigan. Sa unang tingin palang ni Evie, humanga na siya rito.

"Please, let's have a seat." saad pa ng banyaga na mukhang matalas ng mag-ingles.

Napalibot si Evie ng tingin sa mga taong naroon, tila hindi yata kasama ni Silver ang sekretarya nito at tanging isang engineer lang yata niya. May kasamang isang babae rin ang banyagang Khalil na mukhang hindi naman nakikinig sa kanila. Marahil sekretarya din niya itong nagmula sa bansang pinanggalingan dahil bakas ang pagka-Arabian features din nito. Mahabang kulot at itim na itim din ang buhok nito, pero kumpara sa kanya ay mas malalago ito. Maitim din ang makapal na mga kilay at pilikmata nito. Napakaganda ng may pagkabilugang mga mata nito at mas mataas ang ilong kaysa sa kanya. Nagkakasalubong sila ng tingin ng babaeng sekretarya ni Khalil at medyo kinabigla niyang nginitian siya nito. Mukhang mas bata pa ito kaysa sa kanya at aminado siyang maganda ito.

Tila silang dalawa lang ang hindi masyado nakikisali sa usapan. Nakikita siyang tila nagsusulat ito sa journal. Panay sulyap na lang sila sa isa't isa at sa paligid ng resto.

Habang kumakain naman ay sandaling natigil ang paguusap ng tatlong lalaki at nakisali na rin sa pagkain.

Napansin ni Evie na tila kinakausap nung Khalil ang sekretarya ngunit tila nagsusungit ito sa kanya. Nalito siya ng hinala kung sekretarya niya ba ito o nobya? Pero bakit parang hindi naman clingy yung babae? Halos si Khalil ang nagaasikaso sa pagkain nito kaya nabuo sa isip niya na hindi lamang sekretarya ang babaeng kasama niya.

Ilang sandali pa ay aksidenteng nagtama na ang mga mata nila ni Silver at hindi niya naiwasang mairapan bigla ito at umiwas ng tingin.

"Well, I haven't inspected the location but for sure I will." saad nung Khalil sa kanila habang umiinom silang lahat ng kape. Katatapos lang ng dinner nila.

"I bought that land four years ago. I also planned to have a resort there but I couldn't make it in time because of my hectic schedules. So, I decided to sold it to Khalil."

"Silver also said, having a solar panel as the main source of electricity for large establishments are really convenient. That's why when he recommended you to me, I immediately wanted to know more about it and it was the greatest, I think." uminom na muna ito ng kape."We should have known you earlier Ben, we could have gotten you to the very first hotel I established in Batangas, that's when I first met Silver two years ago."

"Thank you, Mr. Khalil." natutuwa ring sagot naman ni Benjamin sa kanila.

"Please, I said Khalil na lang." napatingin naman si Evie rito ng bahagyang nagsalita ito ng tagalog kahit pa medyo may accent pa ito.

Mukhang magkakaedad lang sina Silver, Benjamin at Khalil. Mukha silang mga grown up boys na naguusap patungkol sa latest gadgets or cars. Pero hindi lang ganun kasimple ang pinaguusapan nila. They're talking about businesses, spending millions and investments. A total turn-on.

Evie thought Silver is the only person she knew this successful yet still striving harder. Until she met Benjamin and now their newest client Khalil. At their young ages, they can so call accomplished and successful on their own fields.

"Sure, I will come with you for the site inspection, when are you planning to go then?" tanong pa ni Benjamin sa mga ito.

"Maybe this coming Friday? What do you think?" tugon pa ni Khalil kay Silver.

"That would be great! Then let's stay on my beach house in San Fabian. I'll tour you around." offer naman ni Silver sa mga ito.

Ni hindi man lang lumingon si Evie sa kanila. Alam ni Evie ang tungkol sa beach house na iyon ni Silver. Doon ang lugar na ipinangakong dadalahin siya ni Silver at sasalubungin sana ng bagong taon habang nasa yate sila nito. Ngunit hindi na nangyari ang plano nilang iyon.

Hindi naman napigilan ni Evie na sumeryoso at lumungkot ang ekspresyon ng mukha ng maalala ito. Napainom na lang siya ng kape niya dahil nakaramdam din siya ng bigat ng pakiramdam.

"Right, Evie? Evie?"

"Ah, huh?"

Tila doon lang siya bumalik sa wisyo niya ng pagkailang beses siyang tinawag ni Benjamin.

Napagtanto niyang nakatingin na pala ang lahat sa kanya lalo na ang boss.

"Ah, oo." yun na lamang ang naging sagot niya dahil napalibot siya ng tingin sa mga kasama na tila nagaabang ng isasagot niya.

"So, it's settled. We all see each other again on Friday." saad naman ni Khalil na tila kinatuwa ni Benjamin at lalo na ni Silver.

Nagtaka naman si Evie kung ano ba ito dahil hindi niya talaga naintindihan ang tinanong sa kanya, sumangayon na lamang siya para hindi mapahiya sa pagiging absent minded niya.

Nagkapaalamanan na sila at naunang umalis sina Khalil at kasamang babae nito. Nagkasabay naman sila nila Benjamin, Silver at kasama nitong engineer na Tom ang pangalan.

"So, sa Kaur Empire na lang tayo magkita-kita ah." saad pa ni Benjamin habang nauuna sila ni Silver sa paglalakad patungong parking area.

"Indeed."

"Papaano mo nga pala nakilala si Khalil?" pagusisa pa ni Benjamin.

"Nagkataon lang din. Since foreign investor din siya sa stock market dito sa Pilipinas, doon lang kami nagkakilala. I found out his businesses at doon na ko nakakita ng pagkakataong makuha siya bilang client ko. At pangatlong project ko na sa kanya itong sa Sual. Ako na rin mismo nagbenta sa kanya ng lupa ko doon. "

"That's so nice!" at nag-apir pa sila ni Silver.

"Khalil also loves cars and yacht. He has branch of Ferrari and a yacht company in Dubai. And I just bought to him another yacht earlier this year nga."

"I must also contact him, I was also planning to buy a yacht next year."

"Yeah, you must!"

"So, see you again there Miss Evie."

Nabigla si Evie ng magsalita ang lalaking kasabay niyang naglalakad. Nagulat siyang kilala siya nito.

"Ah, see you saan?"

"Engineer Tom nga pala. Nakwento ka kasi nila Matt at co-engineers ko. Totoong ngang ang ganda mo pala talaga noh." pagabot pa nito ng kamay kay Evie. Hindi malaman ni Evie kung nanguuto o nahihiya ito.

"Ah.. Okay.." hindi naman malaman ni Evie ang isasagot dahil nakakaramdam siya ng hiya. Inabot na lamang nito ang kamay at kaagad rin niyang binawi.

Nang makarating silang parking area ay maghihiwalay na sana sila ng landas dahil nasa kabilang side pa naka-park sina Benjamin at Evie. Nauna na nilang nadaanan ang kotse ni Silver at sa kasama nito.

"I'll see you again Miss Evie, sana mas lagi pa kita makita." saad pa nito na halos pagkunutan ng noo ni Evie.

Saktong narinig iyon nila Silver at Benjamin kaya napahinto sila at tingin sa mga ito.

"Mukhang lahat yata ng engineer mo dinidiskartehan ang sekretarya ko ah? Wala bang ibang maganda sa office niyo?" magkahalong seryoso at pagkasarkastiko ang saad ni Benjamin na ito. Nakatingin sila parehas ni Silver kina Evie at Tom na naguusap.

"Bakit? Masama bang maligawan ang sekretarya mo? Hindi na ba siya single?" inis man, pero pilit namang hindi iyon pinapahalata ni Silver.

"Oo, single nga siya. Pero parang hindi naman yata tama na porket makakita sila ng maganda eh didiskartehan na nila."

Tila natuwa naman si Silver na makumpirmang single pa rin si Evie hanggang ngayon.

"I agree, somehow." sabay pang nagpaikot ng mga braso nila ang dalawang lalaki at masama na ang tingin kina Evie at Tom.

Napapansin pa nilang parang ayaw pa humiwalay ng usap ni Tom kay Evie. Napipilitan naman si Evie ngumiti rito at hindi na malaman ang isasagot. Tanong ito ng tanong tungkol sa trabaho niya at minsan ay personal na buhay.

Pasimpleng napalingon si Evie sa gawi nila Benjamin at Silver, kunwari ay naghawi ito ng buhok paipit sa kaliwang tainga nakangiti ito ngunit biglang sumimangot at nag-make face sabay pinandilatan si Benjamin.

Nakita ito ni Silver at napatingin siya kay Benjamin. Nakita niyang nakatodo ngiti si Benjamin na parang kanina ay hindi bumakas rito ang pagkainis rin. Tila inaasar pa nito si Evie.

Napalingon ulit siya sa gawi ni Evie at napansin niyang hindi na nakatingin si Evie kay Tom. Mukhang na-gets niyang hindi interesado si Evie rito.

"Tom! Let's go!" puno ng awtorisasyon ang tinig ni Silver ng tinawag ang empleyado. Dali rin naman itong tila nagpaalam pa kay Evie na napilitan ring ngumiti. "We'll go ahead, Ben. See you."

"See you."

Napansin ni Evie ang diin sa tono ni Silver. Napalingon siya rito at nakatingin naman din si Silver sa kanya na masyadong seryoso na ang mukha. Parang anumang sandali ay mananapak ito kaya nagiwas na lamang siya ng tingin rito.

Lumapit na rin si Benjamin sa sekretarya.

"Oh, my freaking gosh! Kanina pa kita pinalalapit ng matigil na yung lalaking yun kakadaldal kasi iritang-irita na ko sa mga kwento niyang hindi ko naman naiintindihan!" bulyaw naman ni Evie kay Benjamin. Natawa naman ang boss niya sa kanya.

"Sorry, sometimes I enjoy seeing your reaction to that kind of people. Nakakatuwa kasi kapag nangookray ka. Masyado kang cute magsungit."

"Oh, stop it Benjamin! Hindi nakakatuwa makipagusap sa mga ganun! Hindi ako interesado!"

"Good then!" sabay pisil pa nito ng mahina sa pisngi ni Evie at hindi maalis ang ngiti.

"Cute ka sanang ngumingiti eh. Lalo kung hindi dahilan nun yung pangaasar sa akin." pag-irap pa ni Evie at pamartsang naglakad na patungong sasakyan nila.

Napansin naman ni Silver na naguusap na tila pinagagalitan pa ni Evie si Benjamin habang nakasakay na siya sa kotse niya. Siya lang ang magmamaneho nito kaya hindi muna siya umaalis hangga't hindi nawawala sa paningin niya ang mga ito.

Hindi makakaila ang pagiging malapit nila Evie at Benjamin sa isa't isa na hindi niya rin maiwasang magduda at magselos. Mukhang malapit na talaga ang mga ito, hindi niya sigurado kung may pagtingin na ba sila sa isa't isa. Hindi rin naman nababanggit ito sa kanya ni Benjamin.

Napahampas na lamang siya ng malakas sa manibela ng kotse niya at saka mabilis na lamang iyong pinaandar.

*KRIING.. Kriing..

"Yes, hello good morning." pungas-pungas pang pagsagot ni Evie ng tawag sa kanya ng madaling araw. Ni hindi pa nga tumutunog ang alarm niya.

"Good morning Evz, it's me."

"Oh Benj? Aga mo yata, himala?"

"I'll pick you up at 5am sa tapat ng apartment building mo para hindi ka na magdala ng kotse. Don't forget to bring some clothes and swim wears, okay?" tila ganado namang saad nito.

Ngunit si Evie ay wala pa rin sa wisyo.

"Okay sige. Bye." walang ganang binaba nito ang phone niya at sumubsob ulit sa unan niya.

"Ano daw? Extra clothes at swim wears?" tila bulong nito sa sarili. "Oh no!" biglang bangon niya na nakatukod ang magkabilang kamay sa braso. "Ngayon na ba yung site visit sa Sual?"

Tila naalala na niya ang lahat.

Napaalalahanan siya ni Benjamin kahapon sa office tungkol rito, tila kinabigla niya na kasama pa pala siya. Hindi niya daw maalalang pumayag siya pero kinuwento ni Benjamin kung papaano siya sumangayon dito noong nasa restaurant sila.

Wala na rin naman siyang nagawa dahil baka magtampo naman ito sa kanya. Para na rin daw itong isang quick getaway kasama si Silver at si Khalil.

Labag man sa loob niya ay bumangon na rin siya at naghanda ng mga gamit. Nagdala nga siya ng extra clothes na halos pang formal at business attire. Kung hindi niya naalalang pinagdadala siya ni Benjamin ng swim wear ay baka wala siyang dalahin. Isang black one-piece swimsuit na lamang ang ibinaon niya.

Wala pang alas cinco ay nakaabang na si Evie sa labas ng apartment building niya. Tanging si Benjamin lang ang nakakaalam kung saan siya nakatira ngunit ni hindi pa ito nakakapunta mismo sa apartment unit niya. Hanggang labas lang.

Nang matanaw na niya ang bagong kotse ni Benjamin ay pinara niya ito at huminto rin sa tapat niya.

"Hey!" pagbati pa ni Benjamin at baba kaunti ng shades niya.

"Tagal mo!" saad pa ni Evie sabay sakay na sa kotse nito.

"So, let's go to the Kaur Empire."

Parehas silang nakapormal na damit kagaya ng sinusuot nila kapag papasok ng opisina. Naka-light blue long sleeve polo at black slacks pants naman si Benjamin. Habang naka-mint green chiffon blouse si Evie at white pants with light mint green pumps din.

Pagkadating nilang Kaur Empire ay pumasok muna sila sa loob hanggang sa may lobby. Nakita na nila kaagad roon si Silver kasama ang site engineer niya na si Tom.

Tumayo si Silver at nakipag-apir kay Benjamin. Kung dati ay pormal na pakikipagkamay ang ginagawa nila. Nakapormal din ito na green polo at black pants.

"Where's Mr. Khalil?" tanong naman ni Benjamin dito.

"Pababa na rin siya."

Naupo si Evie sa solong couch dahil nasa magkatabing couch sila Silver at Benjamin habang nasa katapat na malaking couch si Tom. Ayaw niyang tabihan ito ngunit lumapit pa rin sa gawi niya ang lalaki.

"Hi Miss Evie, kamusta ka na?" mukhang kaedaran niya lang din ang engineer na ito. Maliit ito ng kaunti kay Benjamin at katamtaman lang din ang pangangatawan. Maayos din naman itong tingnan ngunit halatang presko.

"Hello." tila ngiting aso naman si Evie at hindi hinaharap ang binata.

Pambihara! Hanggang bukas ko pa makakasama ang makulit na toh!

At dahil nakapaling si Evie kina Benjamin, nagtama naman ang mga mata nila ni Silver. Seryoso lang itong nakatingin sa kanya na para bang may dumi siya sa mukha kaya pasimple siyang napahawak sa pisngi niya. Napansin naman niya ang kulay ng damit nito na halos kaparehas ng kulay na suot niya. Para silang nagusap.

"Thank you for waiting guys." biglang dating ni Khalil at kasunod na nun ang magandang babaeng kasama niya rin noong nakaraan. Tumayo naman sina Benjamin at Silver upang salubungin ito.

Napatayo na rin si Evie at magiliw na ngumiti sa babaeng nasa likuran ni Khalil kaya napangiti rin ito sa kanya. Napakaganda nito at mukhang mas bata sa kanya.

"Good morning." nakangiting bati naman nito kay Evie.

"Good morning too. -- Evie Symaco, by the way." paghaya naman ni Evie ng kamay niya sa dalaga.

"Ingrid Mosetta. Nice to know you." at nakipagkamay rin ito kay Evie.

"Shall we?" pagaaya na ni Silver at hinaya naman na sila palabas ng condominium building.

Nangunguna ang sasakyan ni Silver sa pagmamaneho at naka-convoy sa kanya ang sasakyang gamit ni Tom. Kasunod nun ang Audi ni Khalil na siya rin mismo na ang nagmamaneho at ang Porsche ni Benjamin lulan din si Evie.

Tila sa outing sila pupunta ngunit mauuna na muna ang business matters.

Kung dati kinukwento lang ni Silver kay Evie ang mga gawain niyang ito. Madalas ito rin ang nagiging dahilan ng mga postponed na pagkikita nila dahil laging inuuna ni Silver ang trabaho at negosyo niya kaysa kitain noon si Evie.

HABANG nasa byahe ay naging tahimik lang si Evie dahil sa naalala. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang ma-excite dahil sa wakas, nalalaman na niya ang mundong ginagalawan ni Silver. Ang mundong hindi nito magawang ipagpalit sa kanya.

"Are you okay?" pambabasag ni Benjamin ng katahimikan ni Evie. Napalingon naman sa kanya ang sekretarya.

"Yeah."

"Sobrang tahimik mo yata? Lalim ng iniisip mo?"

"Hindi naman, inaantok lang. Antukin talaga ako di ba kapag hindi ako ang nagmamaneho."

Napangiti na lamang si Benjamin. "Oh, sya sige. Matulog ka na lang muna diyan."

Napadungaw naman si Evie sa bintana ng sasakyan at mas natulala na lang doon. Hindi niya magawang maging masaya kahit pa sa wakas ay ang dating pinaplano lang nilang puntahan noon ni Silver ay mapupuntahan na niya. Hindi sa bitter siya sa pagiging successful businessman nito, pero hindi niya maiwasang hindi maapektuhan sa katotohanang kahit kailan, hindi siya natabunan ng oras at effort nito kagaya ng oras at effort na ginugugol nito sa trabaho. Hindi niya mapigilang hindi malungkot dahil ang pakiramdam talaga niya ay wala kasing mapapakinabangan si Silver sa kanya hindi tulad ng pakinabang nito sa negosyo niya.

Habang nasa byahe ay nakatulog nga si Evie at ginising na lamang siya ni Benjamin ng mag-stop over sila sa TPLEX. Nagkaayaan silang mag-breakfast muna bago magbyahe na muli patungong Sual.

Pumasok sila sa Pancake house at nakita niyang naroon na at nakaupo sina Khalil at Ingrid, Silver at si Tom.

Pinaghila muli ni Benjamin si Evie muna ng upuan bago naupo sa gawing kaliwa nito. Katabi naman ni Evie sa kanan niya si Ingrid, kasunod ay si Khalil, kasunod naman nito si Silver at si Tom.

Habang namimili ng order na nila, bigla na naman siya kaagad tinawag ng pansin ni Tom.

"Miss Evie, gusto mo ba ng --"

"No, thanks." seryoso niyang sagot na hindi man lang niya ito pinatapos ng sasabihin at nilingon man lang.

Tila nagulat ang lahat sa ginawa ni Evie. Napatingin sa kanya sina Ingrid, Khalil at lalo na si Silver. Habang si Benjamin naman ay patay malisyang nagpipigil ng tawa, ginagamit pa nito ang hawak na menu para matakpan ang mukha niya.

"Oh sige, ito na lang bacon and eggs." tila pagpupumilit pa ni Tom.

Nilapag ni Evie ang hawak na menu at tila sarkastikong napapangiti.

"I can order on my own, and I will order what I only want. I don't need your opinions. I know how to read." sabay ngiti pa nito na para bang hindi offensive ang sinabi niya. Bumalik na rin siya sa pagtingin muli sa menu.

Napahiya si Tom ngunit ni hindi na lamang ito umimik at patuloy sa pagtingin sa hawak na menu na halos itakip niya rin sa mukha niya dahil alam niyang pinagtitinginan na siya ng mga kasama.

Halos nakapanganga naman si Ingrid sa nasaksihang pagtataray ni Evie. Patay malisya na lang din si Khalil at si Silver na hindi malaman kung maiinis sa empleyado o matutuwa sa ginawa ni Evie rito. Pero napansin ni Silver ang paghagikgik ni Benjamin na tumatawa ng walang anumang ingay. Nakita rin niyang tinapik ni Evie si Benjamin sa kamay na tila sinusuway ito.

Hindi talaga nagbago ito sa pagiging certified masungit. He felt lucky before na hindi siya sinungitan masyado ni Evie noong unang approach niya rito. Nakakaranas lang siya ng pagsusungit nito kapag may nagawa siyang hindi maganda at nagtampo ito sa kanya.

God! I miss those times na sinusungitan niya ako! Yung sinisermonan at tinatarayan!

Hindi rin akalain ni Silver na hihilingin niya muling maranasan ang mga bagay na iyon kahit pa noon ay kinaiiritahan pa niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status