Share

Chapter 9

HABANG KINAKAUSAP NI Silver ang mga tauhan at katiwala niya sa beach house, napansin niya si Evie na halos natuod na sa gitna ng receiving area lang. Tila nakatingala ito at nakatingin sa paligid.

"Okay na po mga kwarto Sir."

"Ah, Salamat manang, pakikuha na lang po mga napamili namin." pagbalik niya ng tuon sa mga kausap.

"Sige po Sir, nang makapagluto na rin po ang tanghalian niyo."

"Ipaghanda ko na rin po yung yate niyo."

"Sige salamat manong." at iniwan naman na siya ng mga tauhan niya.

Lumapit siya sa may pinto ngunit hindi pa siya tuluyang pumasok. Minasdan lang niya si Evie na nakatayo sa harapan niya sa hindi kalayuan.

Ilang sandali pa ay umikot na ito ng tingin at sa wakas ay nagkatama na ang kanilang mga mata.

Hindi rin ito inaasahan ni Silver kaya hindi na rin siya nakaiwas sa dalaga.

Halos gusto niyang manlambot ng makita niya ang reaksyon nito. Bakas sa mukha ni Evie ang labis na lungkot lalo na sa mga mata niyang tila kumikislap na dahil na rin sa liwanag ng bahay na tumatama sa nangingilid niyang mga luha. Alam niyang mga nangingilid na luha yun.

Napansin niya rin ang pamumula na ng ilong nito kaya hindi na niya rin mapigilang hindi mangilid ang mga luha sa mata. Tila nagsusumamo siya sa dalaga sa mga oras na ito. Gustong-gusto na niyang sunggaban ng mahigpit na yakap si Evie.

Matagal silang nagkatinginan na kahit pa walang salitang lumalabas sa kanilang mga bibig ay parang nagkakaunawaan na sila. Labis siyang nakakaramdam ng lungkot dahil alam niyang malungkot rin ang dalaga. Nais niyang humingi ng tawad rito at sabihing matagal na siyang hinihintay ng bahay na ito, at ngayon sa wakas ay nakauwi na siya rito. Nakauwi na sila.

NANG makaakyat sila sa kani-kanilang kwarto kaagad rin silang nagpalit ng damit na mas komportable at beach ready dahil mga mukha pa silang galing business meetings.

Magkasama sa kwarto sina Evie at Ingrid, habang sina Benjamin at Khalil ang magkasama. Nasa sarili niyang master's bed room naman si Silver.

Pagkapasok na pagkapasok ni Silver sa kanyang silid ay binagsak na niya ang katawan sa Alaskan King size bed niya ng nakapatihaya ngunit ang parteng tuhod pababa niya ay nakasayad sa carpeted floor ng silid. Nakatulala lamang siya sa kisame at tila napapaisip sa nangyari kani-kanina lang.

Nang magkita sila ni Evie kanina na para bang nais na nilang manakbo sa isa't isa at magyakapan kung hindi lamang nila napagtantong may ibang tao nga rin pala silang kasama at hindi alam ng mga ito ang tungkol pa rin sa kanila. Ramdam niya ang labis na lungkot sa mga mata nito at alam niyang alam din ni Evie na ganito rin ang nararamdaman niya.

Dumaloy ang luha sa gilid ng mga mata ni Silver na kanina ay kamuntik na ring kumawala.

I'm sorry.. Sana mapatawad mo pa ako..

Labis pa rin ang pangungulila at pananabik ni Silver sa dalaga.

SAMANTALANG napansin ni Evie na nakasuot rin si Ingrid ng one-piece swimsuit ngunit tila shorty type ang pang ibaba nito. Litaw na litaw ang slender body type nito dahil mas matangkad ito sa kanya. May pagka-conservative itong manamit ngunit sa suot nito ngayon ay mukhang makakahalina ng kahit na sinong lalaki kahit pa nakapatong rin ng manipis na sundress.

Habang si Evie naman ay naka-black one-piece swimsuit rin ngunit mas litaw ang pwetan niya dahil sa bikini type at cleavage niya na confident naman siyang ipakita. Litaw rin ang makinis niyang tiyan at buong likod. Pinatungan lang din niya ito ng manipis at asul na sundress.

"Oh wow? May mga tattoos ka pala? Ang astig mo naman." puri pa ni Ingrid dahil nakita nito ang malaking arrow tattoo niya sa right-side ng katawan niya, malaki rin ang circle mandala sa left hips niya, may alibata rin sa right thighs niya, may round lace paikot sa left anklet niya, ang white ink tattoo sa left shoulder naman niya at ang morse code sa left triceps niya.

"What's the meaning of this?" curious namang pagturo pa ni Ingrid sa morse code tattoo niya sa left tricep niya.

"Ah yan? Love of my life." sagot naman niya.

"Parang ang haba naman ng love of my life para sa anim lang na morse code?" nagtataka naman ito sa kanya.

"Basta! Tara na nga!" pagtulak na nito palabas sa silid nila.

Habang naglalakad sila pababa sa grand staircase ay nakita nilang nasa dining table na ang mga kalalakihan. Nakahain rin sa mesa nila ang ilang pinamili nila kanina sa palengke lalo na ang mga lobster at hipon. May karne rin at mga gulay. Naka-boodle fight style ang hain nila dahil tanging dahon ng saging lang ang nagsisilbing sapin nila roon.

"Oh wow! Boodle fight!" natuwang saad ni Ingrid.

Napansin ni Evie ang pagkatulala sa tingin ni Khalil ng makita si Ingrid na bumababa ng hagdanan. Tila natuwa siya dahil sana may taong tumingin rin sa kanya gaya ng pagtingin ni Khalil kay Ingrid, hindi man nila aminin, mukhang may something talaga sa dalawang iyon.

Nang matabunan naman niya ng tingin ang boss na si Benjamin, hindi niya mawari kung bakit napakaganda ng ngiti nito sa kanya. Gwapo ang boss niyang ito na nahahalintulad talaga sa isang oppa, walang babaeng hindi magkakagusto sa charming nito. Hindi niya rin napigilang hindi mangiti rin dito ngunit ng matabunan niya ng tingin si Silver ay may kung anong kabog at kirot na naman siyang naramdaman.

Nakatingin lang din ito sa kanya na para bang kanina lang ay hiniling niyang sana'y may tumingin sa kanya gaya ng pagtingin ni Khalil kay Ingrid, ngayo'y masasabi niyang ganito pala ang pakiramdam ng bagay na iyon. Hindi na nakaiwas si Evie ng tingin rin kay Silver at aminado siyang gusto niya ang pagkakatingin sa kanya ni Silver ng ganito. May kung anong kiliti ito sa kanya.

"Hey, lovely ladies! Shall we eat?" pagaaya pa ni Benjamin sa mga ito ng makalapit sila sa hapag.

"That's a lot!" saad naman ni Evie ng makalapit na sa mga ito. Pumuwesto siya sa tabi ni Benjamin. Habang si Ingrid ay wala namang ibang choice kundi tumabi kay Khalil.

"Khalil haven't tried to eat a Filipino style boodle fight, so I asked my maids to prepare this one."

"That's a very kind of you, Silv. But -- do I really have just to use my hands?"

"Yes!" sabay-sabay pa nilang sagot kay Khalil.

Matapos nilang maghugas ng mga kamay, magkakatapat sila Evie at Benjamin kina Khalil at Ingrid, habang si Silver ay abala pa sa pagtulong na maglagay ng maiinom nila sa dulo ng mesa.

Ilang sandali pa ay pumuwesto si Silver sa kabilang dulo ng mesa kung saan malapit siya kay Evie.

"So, let's eat!"

At nagsimula na silang kumain.

At dahil bawal si Evie sa mga seafoods, inuna na niyang kunin ang karne at gulay sa pwesto niya, kumuha lang din siya ng tatlong hipon para matikman.

Dahil hindi rin sanay si Evie na magbalat ng hipon, lagi napuputol ang katawan nito kaya halos durog na ito bago pa niya makain.

"Here, take this." paglagay ni Silver sa pwesto ni Evie ng nabalatan ng hipon, buo ito at talagang makakain pa.

"Hindi na, kaya ko namang --"

"Oh, eto pa. Tatlo lang ah, baka kung mapaano ka eh." seryosong saad pa nito na hindi niya malaman kung anong irereaksyon dahil nahihiya siya. Napalingon siya kay Ingrid na nagiwas ng tingin sa kanya ngunit tila nagpipigil ng tawa.

"Evz oh!" paglagay din bigla ni Benjamin ng gulay at karne pa sa pwesto ni Evie.

"Ah, thanks." at muli niya tiningnan si Ingrid na alam niyang nakabantay sa kanya. Pinandilatan niya ito ng mata at gumanti lang din ito sa kanya ng pandidilat ng mata na tila nangaasar pa. Napatingin siya kay Silver na bumakas bigla ang lungkot sa mukha.

Pero hindi pa ito nagpadaig, kumuha si Silver ng malaking bahagi ng laman ng lobster at pasimpleng inilagay sa pwesto ng kainan ni Evie. Ni hindi niya ito tiningnan pero ng makita ni Evie ang paglagay niya ay nilingon siya nito na tila nagtataka at nahihiya naman. Ni hindi niya talaga tiningnan si Evie upang hindi na siya mapagsabihan nito at baka tanggihan pa ang bigay niyang ulam.

"This, watch and learn!" pagpapakita pa ni Ingrid ng kamay gamit pang kain. "Put your ulam here at the top of the rice, then put also anything you want like veggies or whatsoever, then put another rice on the top. Squeeze it a little, compress it. Then take it all in your hand -- like this!" pagde-demo pa nito kay Khalil kung papaano kumain ng nakakamay. "Then open your mouth wide, then put it all!" pagsubo nga ni Ingrid ng malaki sa pagkain niya. "This!" pagturo pa nito sa punong-puno niyang bibig na halos mahirinan naman siya kaya inabutan siya ni Khalil ng juice at ininom rin kaagad ito.

Nagkakatuwaan naman sila dahil first time kumain ni Khalil na gamit lamang ay kamay. Lumaki yata ito na may gintong kutsara na sa bibig, ang seeing him doing this kind of thing really awesome.

Napansin ni Silver ang paglalagay ni Evie ng gulay rin sa pwesto ni Benjamin, tila asikasong-asikaso niya ito at gayun rin ito sa kanya. Hindi niya maisawasang makaramdam ng lungkot at kirot sa nakikita sa dalawa kaya nagiiwas na lang siya ng tingin.

Kung kaninang komento ni Evie na marami masyado ang pagkain para sa kanila, ngayon ay ni wala ng natira.

"Akala ko masasayangan tayo ng pagkain, pero mukhang kulang pa pala." saad niya pa sa mga ito.

"Ingrid eats like an ogre!" tila pangaasar naman ni Khalil sa dalaga.

"Hoy! Ang kapal mo --" naalala niya na si Khalil Kaur nga pala ang pinagsasabihan niya nito kaya tila nahiya siya sa mga kasama.

"It's okay, we're out of work now. You can do whatever and say whatever you want to him." biro pa ni Silver sa kanila. Nangingiti naman si Khalil sa pangaasar niya na ikinakainis ni Ingrid.

NANG matapos ay nagpahinga muna sila saglit ngunit hindi sina Evie at Ingrid. Nagpaalam ang mga ito kung maaaring gumamit ng kitchen ng bahay dahil sa totoo lang ay parehas silang namamangha sa ganda nito, tila a state of an art. Naalala ni Evie ang paglalahad niya kay Silver kung gaano niya kagustong maganda ang kitchen ng bahay nila.

Napapalibot pa ng tingin si Evie habang tumutulong si Ingrid sa paglalabas ng tools na gagamitin nila sa pagbi-bake. Hindi marunong magluto si Ingrid ngunit alam niya ang mag-bake, kaya ng makita niyang may nabiling harina si Evie at iba pang sangkap, inaya niya rin kaagad itong mag-bake.

Nakatayo lang sa kanto si Evie habang minamasdan pa rin ang kitchen, ganitong-ganito nga ang gusto niyang interior ng kitchen na nababanggit niya noon kay Silver, tila kompleto rin ito ng mga kagamitan, at tila napukaw siya sa heavy-duty mixer sa may counter.

"You can use this kitchen anytime you want." biglang saad ni Silver na sumulpot sa likuran ni Evie kaya halos mapalundag ito sa gulat. Napatayo na rin ito sa tabi ng dalaga.

"Th -- thanks."

"Do you like it?" seryoso pang tanong nito at napatingala naman sa kanya si Evie.

Ibinalik na ni Evie ang tingin kina Ingrid at huminga muna siya ng malalim. "It was wonderful."

Parehong dinig nila ang mga mabibigat at malalalim na paghinga ng isa't isa ngunit wala namang nagkikibuan na.

"Oh? Sir Silver, manggugulo muna kami dito sa kitchen mo ah?" magiliw pang saad ni Ingrid ng makita rin si Silver sa tabi ni Evie.

"Sige lang, pero huwag niyong sunugin ang buong bahay ko ah?" biro pa ni Silver rito.

Papalapit na sana si Evie sa counter ng hawakan pa ni Silver ang kamay niya kaya bahagya siyang napahinto ngunit hindi niya ito malingon dahil kinakabahan siyang baka may makakita sa kanila.

"Sarapan mo ah, matagal kong inintay yan."

Yun lamang ang sinabi ni Silver saka siya binitawan at umalis na ng kitchen. Halos lumundag muli ang puso ni Evie sa kabang naramdaman. Nalilito man pero ayaw niyang paniwalaan ang mga pasaring nito sa kanya.

Habang nagbi-bake ang mga babae ay pinasakay na lamang din ni Silver ang mga pagkain nila at gagamitin sa yate. Tumutulong din naman sa kanya sina Benjamin at Khalil na hindi mo akalaing gagawa rin ng ganitong mga bagay.

Makalipas ng ilang oras ay inihanda na rin nila Evie at Ingrid ang nagawa nilang chocolate chip cookies at cheese cupcakes.

"Grabe! Ang big time rin pala nitong ni Sir Silver noh? Pero nakakatuwa na napaka-hands on niya sa lahat. Biruin mo marunog siyang mamalengke at manguha ng hipon at lobster." komento naman ni Ingrid habang dala ang isang food keeper na laman ay cupcakes nila, si Evie ang may hawak ng food keeper kung nasaan ang cookies. Naglalakad sila ngayon patungong beach kung saan nakadaong ang yate ni Silver.

"He likes to do lots of things on his own, that's how he learns. Hindi naman siya maarte, saka magaling makisama si Silver kahit pa may pagkamakasarili siya."

"Bakit? Si Sir Benjamin ba, hindi?"

"Hmm.. Well, Benjamin likes when someone's taking care of him. He wants when there some people who got him. He's a little careless but he's really a good man."

"Parang kilalang-kilala mo naman ang dalawang yun? Matatagal na ba kayong nagkakasama?" curious pang tanong ni Ingrid habang napalingon na ito sa kanya.

Tila natigilan naman siya dahil hindi niya malaman ang isasagot rito.

"Ah eh -- hehe.. Madali lang talaga ako bumasa ng mga tao."

"Talaga ba? Eh si Khalil? Anong palagay mo sa kanya?"

Tila napapaisip naman si Evie.

"Hmm? Parang nakakatakot talaga siya."

"Ay sinabi mo pa!"

"He's really an intimidating one. He's seductively yet scary, you know?"

"Seductive? Parang hindi naman, pero kung scary, oo!"

"But I think Khalil has a good heart. He just needs someone will make him realise that." pag-point pa ni Evie sa matangos na ilong ni Ingrid na pinagkatakahan naman ng dalaga sa kanya lalo na ang matamis niyang pagngiti rito na para bang may nilalaman ang sinabi niya.

Ilang minuto pa sa paglalakad ay natanaw na nila sa malayo ang dalawang yateng nakadaong sa tila tulay na kahoy kung saan doon sila tutungo upang makasakay.

Habang nilalakad nila ang patungong dulo ng tulay napansin ni Evie ang tila bagong yate sa gawing kanan niya. Minasdan niya ito dahil mas malaki ito sa mukhang gagamitin nila. Minamasdan niya ito habang naglalakad siya at halos madapa naman siya dahil sa nakita niyang nakasulat sa gilid ng yate.

EVITA

Halos lumuwa ang mga mata niya ng mabasa niya ito sa gilid ng yate.

Totoo ba ito? O baka nagkataon lang? Pero -- hindi ba't kay Silver rin ang mukhang bagong yate rin na ito?

Halos habulin na naman ni Evie ang hininga kaya napasapo siya sa dibdib niya habang naglalakad na patungong yateng sasakyan na nila. Gusto niyang isipin baka magkataon lang ngunit sa likod ng kanyang isipan ay labis siyang nabigla at natuwa ng makita ang pangalan niya sa yate ni Silver.

Ipinangalan pa pala nito ito sa kanya. Ngunit kung anong kaba rin ang naramdaman niya na baka makita ito ni Benjamin at magsimula ng magduda. Hindi man lang ba niya ito naisip bago niya sila ayain dito?

Nang makalapit na si Evie sa yate ay nakita niyang naroon na si Ingrid at tumatanaw na sa dagat. Minasdan muna ni Evie ang yateng nasa harapan niya ngayon.

Naalala niyang na ito siguro sana yung yate na dapat sasakyan nila ni Silver habang binabaybay ang karagatan rito habang sinasalubong ang bagong taon, ngunit hindi na ito nangyari.

"Come on, Evz!" biglang sulpot naman ni Benjamin sa harap niya at hinahaya ang kamay nito sa kanya upang maalalayan siya nitong makasampa ng yate.

Inabot rin naman ni Evie ang kamay ng boss at nakasampa na siya ng yate. Iniangat na rin ni Benjamin ang angkla.

"Let's go, Silv!" sigaw pa nito na hudyat na pala kay Silver upang paandarin ang yate.

Lahat sila ay nagtungo sa upper deck at sinasalubong ang malakas na hangin habang umaandar ang yate. Si Silver ang nagsisilbing nagmamaneho nito at kasama niya si Benjamin na tila nagpapaturo sa kanya kaya naiwan si sina Evie, Ingrid at Khalil sa harapan ng yate.

Nang nakalayo na sila sa dalampasingan, napansin ni Evie na tila maganda naman pala ang karagatan dito. Maaliwalas sa gitna ng dagat at kahit pa may nakakasalubong silang mga mangingisda ay maganda pa rin sa tanawin.

Napansin siyang kumukuha si Ingrid ng mga litrato sa kapaligiran, nakita niya ring pasimple nitong kinukuhanan si Khalil.

"Please, don't fantasise my portrait. You can have it all now." preskong saad naman ni Khalil ng mahalata si Ingrid sa ginagawa, hinaya pa nito ang dalawang kamay kay Ingrid na para bang pinapahalina ito sa kanya. Nakabukas kasi ang light blue polo nito na nagpapakita ng mabuhok at mala-adonis na katawan niya. Natawa rin ng bahagya si Evie sa ganito side ni Khalil, akala niya kasi masyado itong seryoso sa buhay.

"Duh! It's for my column! Why would I fantasise your body anyway? I've seen better." pagtataray pa ni Ingrid rito sabay pag-irap niya.

Tila nagbago naman ang nakangising mukha ni Khalil na naging seryoso at mukhang nakakatakot na.

"Seen better what?" tila pagpipigil ng inis nito.

"On tv! Duh!" at nagpatuloy si Ingrid sa pagkuha ng pictures sa paligid.

Pagkaharap naman ni Evie sa railings para tanawin ulit ang dagat ay saka naman niya naramdaman ang pag-vibrate ng phone siya sa bulsa ng dress niya. Dinukot niya ito at nakitang si Fe pala ang tumatawag.

"Yes, Fe? Nagpatawag ka?"

(Hello Miss Evie, sorry, alam kong busy ka diyan sa site inspection niyo, may itatanong lang sana ako.)

"Okay lang, ano ba yun?"

Sabay na napadungaw naman sina Silver at Benjamin sa may upper deck kung nasaan ang iba nilang kasama. Mabagal na lamang ang takbo nila kaya prenteng naroon na lamang din sila at nagmamaneho.

Nakita nilang may kausap si Evie sa phone at pinagtakahan naman nila yun, at dahil nakatalikod sa kanila ay mas naging curious sila kung sino ba ang kausap nito.

"Paniguradong trabaho pa rin yan." saad naman ni Benjamin habang nakatayo sa tabi ni Silver. Tila nasisigurado naman nito ang sinabi kaya napalingon naman sa kanya si Silver habang nakaupo at nakahawak sa manibela.

"Tinatawagan din kasi ako ng mga engineer at product specialist ko kanina, hindi ko sinagot. Malamang si Evie ang kukulitin nila."

Napakapit naman si Silver ng mahigpit sa manibela.

"Sinabihan ko na rin siyang i-silent ang phone tutal tapos na ang trabaho pero masyadong masipag toh." napapailing pa si Benjamin.

"She must be really dedicated." komento pa ni Silver.

"Yeah, a really hard working one."

Napapakagat ng dila at tiim labi si Silver dahil hindi niya malaman kung dapat pa siya magusisa, ngunit narito na siya, naumpisahan na niya. Kaya kailangan na lamang niyang maglakas loob na masabi ang mga ito.

"Pa -- paano naman siya napunta sa kompanya niyo?" tila kaswal niyang tanong at nakatingin pa rin sa tanawin.

"Si Evie? Well -- si dad ang nagpasok sa kanya. Kliyente ni dad ang kakilala ni Evie sa Palawan, kaya hayun, nung na-interview ko siya, mukhang okay naman siya at nakita kong magaling naman siya sa trabaho niya. Maraming bagay na hindi ko inaasahang gagawin din niya para sa kompanya at sa akin bilang sekretarya ko. Kaya napalapit na rin talaga ako sa kanya. "

Tila may kung anong kirot naman sa dibdib kay Silver ng marinig ang mga huling salitang sinabi ni Benjamin.

"Na -- palapit?"

"Oo. Evie is such a sister to me. She became my best friend. She really takes care of me." tila proud pang saad ni Benjamin.

Hindi maiwasang hindi mainggit ni Silver rito. Marahil, kung hindi sila nagkahiwalay ni Evie, ganito rin ito sa kanya.

"Alam mo nga, siguro kung may babae pang nasa kalahati man lang ng katangian ni Evie -- kahit kaunting katangian lang niya, pakakasalan ko na kaagad!" natutuwa pang biro nito kaya napatingin naman na si Silver sa kanya.

"Ba -- bakit? Hindi mo ba siya -- gusto?" alam niyang buwis buhay ang tanong na ito ngunit hindi niya malalaman ang totoo kung hindi niya tatanungin.

Natawa naman ng bahagya si Benjamin na tila hindi rin malaman kung anong isasagot rito. Tiningnan lang din niya si Silver.

"As I said, she's like a sister to me. A best friend. At ayokong masira yung samahan namin na yun. She's too important to lose." at saka umalis si Benjamin sa pwesto nila. Iniwan na siya nito roon.

Tila napagtanto naman ni Silver ang mga sinabi ni Benjamin sa kanya tungkol sa palagay nito kay Evie.

I must be really stupid for letting her go..

Guilty na lamang ang namuo kay Silver dahil kung si Benjamin nga ay ni hindi kayang i-risk ang friendship kay Evie para lang gustuhin ito, ano pa kaya siyang minahal noon ni Evie ngunit pinabayaan niya lang. Sobra siyang nanghihinayang sa mga nangyari sa kanila at tanging paghihinayang na lamang ang tanging magagawa niya sa ngayon.

Alam niyang malaki pa rin ang galit ni Evie sa kanya, na kahit siguro sa kabilang buhay nila ay hindi siya mapapatawad pa nito. At kahit sa ganitong sapilitang paraan na lamang na makita at makasama niya ito ay gagawin niya, bago pa mahuli talaga ang lahat.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status