Share

Chapter 10

NANG MAHINTO NAMAN na sila sa gitna ng dagat, nagsimula na rin silang ihanda ang kanilang magiging hapunan. Nagtulong naman sina Evie at Ingrid sa paghahanda ng pagkain, habang sina Silver, Khalil at Benjamin naman ay nagkaayaan ng maligo sa dagat.

"Miss Evie, eto na po yung mga iihawin oh." paglapag pa ni Ingrid sa mga container ng isda, pusit at sugpo.

"Sige, ako ng bahala."

"Mukhang masarap yang pagkakatimpla mo sa barbecue mo ah?" pagamoy pa ni Ingrid sa naka-marinate na barbecue sa mesa.

"Com'on Ingrid! Let's swim!" biglang sigaw ni Khalil na nasa likuran na pala nila.

Walang suot na pang itaas na ito at tanging swimming shorts lang, halatang kakaahon lang nito sa tubig kaya basang-basa pa sabay hawi ng buhok niya palikod. Sabay pang napatulala sina Evie at Ingrid sa ganda ng katawan ni Khalil. Halos sundan ng mga mata nila ang mga gumagapang na tubig mula ulo gang namumutok nitong mga abs.

Kaagad naman natauhan si Evie at nangiti ng makita si Ingrid na nakatulala pa rin rito. Bigla niya itong kinalabit dahil papalapit na si Khalil sa kanila. Kaagad naman natauhan si Ingrid at napasamid pa ito at sabay iwas kaagad ng tingin.

Napatingin naman si Ingrid sa dami ng mga lulutuin pa at nagalangan siya kung magsu-swimming na rin ba siya.

"Sige na, kaya ko na dito." saad pa ni Evie kay Ingrid sabay nginitian ito.

"Ahm, sure ka?"

"Go ahead! Samahan mo na ang prince charming mo." pagpipigil pa ng ngiti ni Evie at bumalik na rin siya sa pagpapabaga ng ihawan nila.

Kaagad rin naman tinanggal ni Ingrid ang botones ng kanyang sun dress at hinubad ito doon mismo sa harap ni Khalil. Tila ito naman ang natulala sa ginawa ni Ingrid.

"Let's go?" pagaaya pa ni Ingrid kay Khalil at tila naweirduhan siya dahil natameme yata ito.

Sabay na silang bumaba sa may likod ng yate dahil naroon din banda sina Benjamin at Silver. Naririnig ni Evie ang munting hagikgikan at sigawan ng mga ito at natatawa na lamang din siya habang patuloy sa pagiihaw ng mga kakainin nila mamaya.

"Smells so good!"

Halos mapabalikwas naman si Evie sa gulat ng marinig ang nagsalita sa tabi na niya. Nginitian lamang siya ni Benjamin habang kumukuha ito ng luto ng barbecue.

"Mamaya ka na kumain niyan!" pagsuway niya rito sabay tapik ng kamay nito.

"Isa lang! Sarap eh!" natatawa pang pagkain ni Benjamin ng barbecue.

"Tapos ka ng mag-swimming?"

"Hmm sinilip lang kita rito, baka kasi nagtatampo ka na, kami nagsu-swimming, tapos ikaw nagluluto."

"Sira! Ano ka ba? Okay lang ako rito noh. Saka pagtapos ko rito magsu-swimming na rin ako."

"Sure ka?" pagpatuloy pa rin nito sa pagnguya ng pagkain.

"Sige na! Mag-enjoy ka na dun." pagngiti pa niya rito.

"Okay sige, sabi mo eh." at iniwan na rin ni Benjamin ang stick ng pinagkainan niyang barbecue. "Sunod ka ah?"

"Of course!"

Nagpatuloy si Evie sa pagiihaw ng pagkain nila, walang humpay siyang nagpapaypay habang tumitikim-tikim rin ng pagkain.

Natanaw niya sa harapan niya ang isang jetski, mukhang sina Khalil at Ingrid ang nakasakay roon. Nangiti siya dahil mukhang magsosolo ang mga ito. Alam niya talagang may something sa dalawang iyon ngunit hindi naman din niya makumpirma pa.

HABANG nakalubog pa si Benjamin sa dagat, dumungaw at isinampa naman niya ang mga braso niya sa sahig ng yate kung saan nakaupo naman si Silver roon na nakalubog naman ang tuhod hanggang paa sa may tubig.

"This place is awesome, man. Thanks for inviting us."

"No problem. If we have some other time, let's go back here."

"Hmm sure. -- by the way, our company will be having a year-end party on the 30th. I'll send you an invitation. Nasabi ko na rin kay Khalil at pumayag naman din siya."

"That's cool. I would like to come." at nangiti naman ng tuluyan sa kanya si Benjamin.

Biglang ahon naman na si Benjamin at nilagpasan lang nito si Silver. Hinayaan na lamang niya ito at bumalik siya ng tanaw sa karagatan. Hindi niya alam kung bakit nais lamang niyang tumanaw sa dagat, halos wala namang natatanaw kundi ang naglalakihang bato sa hindi kalayuan at purong tubig lamang.

"Oo na! Oo na! Eto na nga oh!" tila narinig niyang pagrereklamo ni Evie sa likuran niya kaya kaagad niya itong nilingon. Nagkatama rin naman sila ni Evie ng paningin. Nakita niyang halos kinakaladkad na pala ito ni Benjamin.

Napansin ni Evie na si Silver lang yata ang nakasuot ng sando sa pagligo, si Benjamin kasi kahit walang abs kagaya ni Khalil ay nakahubad naman din. Isa lang din ang pumasok sa isip ni Evie kung bakit ito hindi nakahubad, makikita nila ang tattoos niyang mukhang hindi naman nito pinapakita pa sa lahat.

"Tara na kasi! Magdidilim na kaya." tila pagpupumilit naman nito sa sekretarya.

"Hindi pa kasi tapos yung mga iniihaw ko!"

"Mamaya na yun! Hindi pa naman tayo kakain eh!"

Napabagsak balikat at buntong hininga na lamang ito. "Fine! Magsu-swimming na!" pagsenyas pa nito ng pagsuko sa pagtaas ng dalawang kamay.

Inisa-isa ni Evie tanggalin ang botones ng summer dress niya at nasilip ang swimsuit niya. Napalunok naman si Silver ng makita ito at tuluyan siyang napatulala ng hinubad na ito ni Evie.

Napansin niyang parang normal na lamang kay Benjamin yatang makita itong nakaganito kaya wala naman din masyadong kakaiba sa reaksyon niya, pero kung siya, bahagya nabibigla pa.

Nanakbo at saka nag-dive si Benjamin sa tubig. Nag-splash pa ang kaunting tubig kay Silver. Naglakad si Evie patungo sa kinauupuan ni Silver at namewang ito. Napatingin naman si Silver sa gawing kanan niya kung nasaan si Evie, hindi niya napigilang masdan ito mula paa hanggang ulo. Aminado siyang humanga siya sa katawan ng dalaga.

Pumusisyon si Evie sa pag-dive at gayun nga ang ginawa. Nagkasalubong pa sila ni Benjamin habang nasa tubig.

"Brr! Ang lamig!" saad ni Evie nang makaahon.

"But it feels good, di ba?"

Lumangoy-langoy si Evie at saka tumihaya para makapag-floating. Sinalo niya ang mumunting sikat na lang ng araw.

Guminhawa ang pakiramdam niya ng tuluyang mabasa ng tubig, tila nais niyang magpalutang-lutang na lang rito.

"Huwag masyadong lumayo, Evz! Lumalakas ang alon!" sigaw pa ni Benjamin at saka lumangoy palapit kay Silver muli.

Umahon si Benjamin na pinagtakahan naman ni Silver.

"Saan punta?"

"Sandali lang, tawag ng kalikasan!" tila pagmamadali nito kaya bahagyang natawa si Silver.

Bumalik siya ng tingin sa dagat at nakitang nakatihaya lamang si Evie at nagpapalutang-lutang. Minasdan niya ito na tila nagre-relax lang. Hindi niya napigilang mangiti dahil alam niyang ganito sana ang dream getaway nila noon ni Evie.

At dahil mukhang naiwan silang dalawa na roon, sinamantala naman ni Silver na ang pagkakataon. Lumangoy siya patungo kay Evie.

"Enjoying?" bungad naman ni Silver ng makalapit kay Evie.

"Kind of." pormal lang nitong sagot habang nagpapalutang-lutang pa rin. Ni hindi nito nilingon si Silver.

Gumaya naman na din si Silver kay Evie sa pag-floating. Ilang minuto rin silang tahimik lang na nagpapalutang sa dagat.

"Bakit?"

Tila nabigla naman si Silver ng marinig ang sinabi ni Evie.

"Bakit kailangan pa kitang makita?"

Halos mangingig ang kalamnan ni Silver sa sinabi ni Evie. Ramdam niya ang lungkot at galit sa tono nito. Hindi naman niya malaman din ang sasabihin dahil kahit siya, hindi naman din inaasahan ang pagkikita nilang iyon.

Magsasalita na sana si Silver ngunit biglang lumangoy na si Evie papalayo sa kanya. Tila pabalik na ito sa yate kaya kaagad na rin siyang lumangoy patungo roon.

Nauna na si Evie sa paglangoy at nagmadali naman din siyang umahon na sa yate.

"Sandali!" paghabol niya rito at hila sa braso nito pero nanlalaban si Evie at binabawi nito ang braso niya ng hindi man lang siya nililingon. "Wait lang please? Kausapin mo naman ako." halos mabasag ang tinig niya sa pagsusumamo rito.

"Wa -- wala na tayong -- dapat pagusapan." tila nauutal ring sagot ni Evie. Hindi na niya mapigilan ang mga luha niyang pumatak dahil na rin sa basa siya kaya mas mabilis itong dumaloy. Mabilis niya rin itong pinunasan.

"Please, Evie. Pakinggan mo naman ako. Matagal kong pinagdasal na sana mahanap pa kita."

Bigla naman ng napatingin si Evie kay Silver, puno ng galit at emosyon ang mga mata nito. Alam niyang lumuha ito dahil sa pamumula rin ng ilong.

"Tama na, Silver. Ayoko ng makarinig ng mga kasinungalingan mo dahil sawang-sawa na ko! Pagod na pagod na ko!" malakas niyang binawi ang braso at saka ito tinalikuran. Kinuha niya rin kaagad ang summer dress na nakasampay sa railings at saka nanakbo papaakyat sa upper deck ng yate.

Napahilamos naman ng mukha niya si Silver dahil sa kumawalang mga luha rin sa mga mata niya. Hindi niya malaman kung papaano pa makakahingi ng tawad sa dalaga. Labis siyang nasasaktan dahil alam niyang hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ito ng dahil sa kanya.

HABANG nagmamadali si Evie ay nakasalubong naman niya ang boss na si Benjamin at tila nagkagulatan pa sila.

"Oh? Saan ka pupunta?"

Mabuti na lamang ay nakapagpahid na siya ng mga luha at pilit na ngumiti rito.

"Ahm, napagod na ko eh. Babalik na ko sa iniihaw ko." palusot pa nito, lalagpasan na sana niya ito ng bigla siya nitong hinawakan sa kaliwang braso niya. Nagtaka naman siya rito ngunit napansin niyang nakatingin si Benjamin sa tattoo niyang naroon.

Biglang tinakpan ni Evie ng kanang kamay niya ang tattoo na naroon na para bang natatakot siyang malaman ni Benjamin kung ano nga ba ang totoong kahulugan nito. Muli niya kaagad ito nilampasan sa paglalakad. Napakamot ulo na lang si Benjamin sa kanya.

Ngunit bago pa man tuluyang bumalik si Benjamin sa likuran ng yate, tila may napagtanto siya sa nakitang tattoo ni Evie sa left tricep. Tila familiar sa kanya. Parang nakakita na siya ng ganoong tattoo rin.

May ganoong tattoo rin pala siya? Teka? Kanino ko ba nakita yung ganung style din ng tattoo?

Nanlaki naman ang mga mata niya ng tuluyang naalala ito.

Nagtungo na si Benjamin sa likuran ng yate at nakita niya si Silver na nakatayo lang doon at papasalubong din sa kanya. Tila nagulat rin ito ng makita siya.

"Oh ano? Success?" tila pagbibiro pa nito na kinatawa naman ni Benjamin.

"Oo, success!" napalingon naman siya sa paligid. "Hindi pa ba nakakabalik sina Khalil at Ingrid?"

"Mukhang nagsolo pa masyado mga yun. Babalik din yun."

"Eh saan naman kaya sila pupunta rito?"

"Baka doon oh? Sa may batong yun." pagturo pa ni Silver sa malaking bato na tanaw sa kanila at napatingin rin doon si Benjamin.

Ngunit may isa pang mas napansin si Benjamin, ang kaliwang bicep ni Silver, may tattoo ito ng kagaya ng style sa tattoo ni Evie. Ang morse code tattoo. Ngunit hindi niya iyon kabisado kaya hindi niya alam ang ibig sabihin ng mga ito. Ngayon ay sigurado na siya kung kanino niya unang nakita ang ganoong style ng tattoo, kay Silver pala.

NANG makabalik na sina Khalil at Ingrid, napatingin naman si Evie sa kanila habang papaakyat ng deck. Nakita niyang hawak ni Khalil ang kamay ni Ingrid ngunit biglang binawi na iyon ni Ingrid ng mapansing nakatingin na siya sa kanila. Nakayuko lang ito na tila nahihiya naman.

"Have something to eat!" pagaaya pa ni Evie sa kanila at lumapit na rin naman ito sa kanila. Habang naka-picnic style sila ng hain sa may harapan ng yate, nagkanya-kanya naman na sila ng kuha ng pagkain.

"Hmm, this barbecue is really good." puri naman ni Khalil ng kumagat sa stick nito.

"It's a pork!" tila nabiglang singhal ni Ingrid na kinatigil naman nilang lahat lalo na ni Khalil.

Dali-daling tumayo at dinura ni Khalil sa dagat ang laman ng bibig na tila nasuka siya. Nagulat naman ang lahat sa ginawa niya.

"It's haram for him, he's a muslim." paliwanag naman ni Ingrid at doon lang nila napagtanto kung bakit ito ginawa ni Khalil.

Tumayo na rin si Evie at lumapit kay Khalil na may dalang baso ng tubig. "Oh? I'm so sorry, I didn't know. I mean -- I wasn't that aware that --" tila pagalalay niya rito.

"No, it's okay. It's my fault, I should have asked you." inabot naman niya ang tubig na binibigay ni Evie.

"I'm really sorry, I should have bought chicken or beef."

"It's okay, Evie. But your barbecue is really great."

"Promise, next time, I'll be more aware on what's haram on you or not." napangiti naman din si Ingrid sa kanya.

"Thanks."

Nagpatuloy naman na sila sa pagkain, binibigyan naman na ni Ingrid si Khalil ng mga pagkaing pupwede lang rito, pinapakagat pa siya nito sa stick ng grilled squid niya. Habang si Benjamin ay nakaupo rin at panay kain ng halos ng lahat ng nakahain doon. Si Evie naman ay kinakain lang ang isda at barbecue na ginawa niya.

Napansin niyang nawala sa paligid nila si Silver, pasimple niyang hinanap ito at nakita sa may bandang likuran niya, nakatanaw sa dagat habang may kinakain na barbecue. Hindi niya malaman kung bakit kapag nasa malapit ito sa kanya, nais niya itong lumayo o siya ay lumayo. Pero kapag wala naman ito sa paningin niya, hinahanap-hanap niya rin.

Bago pa magdilim, nagpasya na silang bumalik sa dalampasigan. Nag-volunteer naman si Khalil na siya na ang magmaneho ng yate pauwi, kasama naman niya doon si Ingrid na tila walang magawa dahil buntot talaga siya nito.

Habang nasa byahe sila, nasasaksihan nila ngayon ang sunset. Napakaganda ng kahel na araw na sumasalubong sa asul at lila na kalangitan.

Nakatanaw lang doon si Evie habang nakahawak ang mga kamay niya sa railings, nasa pinakataas na deck siyang magisa. Tila tinuyo na ng hangin ang basang damit at buhok niya.

Napansin naman ni Benjamin si Evie ng mapatingala siya sa roof ng bridge ng yate, nais sana niya itong puntahan ngunit mukhang mas nais yata nitong mapagisa muna dahil sa lalim ng iniisip. Ipagsasawalang bahala na sana niya ito ngunit napansin niya rin si Silver na nakatingala sa gawi ni Evie habang nakasandal ito sa railings.

Sinalitan niya ng tingin sina Evie at Silver. Si Evie na nakatanaw sa sunset, at si Silver na nakatitig kay Evie. Bigla siyang napaisip, hindi kaya'y napupusuan na ni Silver si Evie?

Sa sarili niyang gulumihani ay nakaramdam si Benjamin ng kaunting kirot sa dibdib. Para bang hindi siya makapaniwala mismo sa kanyang haka-haka. Pero hindi imposibleng mangyari ito dahil alam niyang parehong single rin ang mga ito at wala naman sigurong magiging hadlang man, maliban na lang sa kanya.

Totoong turing ni Benjamin kay Evie ay tila nakababatang kapatid at matalik na kaibigan. Hindi rin niya makaila sa sarili na hinahangaan niya ito sa lahat ng bagay, halos si Evie ang naging basehan niya sa mga babaeng nakikilala niya, na kung wala man lang siyang katangian ni Evie na makita sa ibang babae, mabilis niya itong maayawan.

Bigla na lamang din napagtanto ni Benjamin ang pagkakapareha nila Evie at Silver ng morse code style tattoos, ngunit wala siyang lakas ng loob magusisa. Hindi niya sigurado kung sa tila nagkataon lang ay gawin niya itong basehan upang isiping may namamagitan na sa dalawa.

Pero imposible rin naman? Imposibleng hindi mabanggit sa akin ni Evie yun..

NAKABALIK naman na sila sa dalampasigan bago pa kumagat ang dilim, kaagad na rin silang nagtulong sa pagdala ng gamit nila pauwi sa beach house ni Silver.

Magkasabay muli sina Evie at Ingrid sa paglalakad at nauuna na sila kaysa sa mga lalaki.

"Sayang naman itong binake natin, ni hindi nagalaw." paghihinayang pa ni Ingrid habang dala ang food container.

"Okay lang yan, makakain pa natin yan mamaya." nakangiti lang din namang saad ni Evie rito.

Pagkadating nila sa beach house, dumiretso naman na sila sa pool area ng bahay at doon na lamang nila ipagpapatuloy ang barbecue party nila.

Nag-setup muli si Silver ng ihawan nila habang nagpapatugtog na siya ng music sa pool area. Tinutulungan naman na sila ng tauhan ni Silver sa pagiihaw.

Nasa pool naman na sina Khalil, Ingrid at Benjamin, habang abala pa rin si Silver sa pagiihaw nila ng tauhan niya. Samantala, pumasok muna si Evie sa loob ng bahay at dumiretso ng kwartong tinutuluyan nila ni Ingrid.

Biglang bagsak niya sa kama ng padapa. Ni hindi siya gumagalaw.

Hanggang kailan ba ako matu-torture ng ganito? Hindi ako makahinga ng maayos sa tuwing nasa malapit ang presensya niya! Nawawala ako sa wisyo ko! Bakit ganito? Matagal naman na kong nakapag-move on eh.

Tumihaya siya at ngayon ay nakatingin sa kisame. Malalalim ang mga buntong hininga niya at tila natutulala sa kawalan.

Inangat niya ang mga kamay na tila may inaabot, nang mapansin niya ang tattoo sa left tricep niya, hinipo niya ito ng kanang kamay.

There's still a part of me that cannot let go..

Pagod na siyang mag-drama sa tuwina'y naalala niya ang nakaraan kay Silver, nanunumbalik ang lahat ng sakit sa kanya hindi lang dahil sa iniwan siya nito, kundi dahil na rin sa mga bagay na nangyari sa kanya dahil sa pagiging miserable niya. Mabuti na lamang ay mabait pa rin ang Diyos sa kanya at tinulungan siyang makabangon muli sa kinasadlakang kahirapan at kalungkutan sa buhay niya.

Ngunit kung kailang maayos na siya, kung kailang naghilom na ang sugat, saka naman nanumbalik ang taong nagdulot nito. Tila nabuksan ulit ang sugat at naging sariwa muli na para bang kahapon lang.

Kalalabas lang ni Evie ng silid at pasara na niya ito ng makasalubong si Benjamin na tila nagmamadali, may kausap ito sa phone at mukhang seryoso ang nangyayari.

Imbes na bumaba siya ay sinundan niya ito sa kwartong pinasukan.

Bahagyang dumungaw si Evie sa pintuan ng bukas na kwarto at tila nangamba rin sa kinilos ni Benjamin.

"Yes mom, I'll be back in Manila now! I'll arrange my flight when I get there."

Nang marinig ito ni Evie ay tila nabigla siya at nagaalala.

"I'll call you when I reach Manila, okay? Don't worry, dad's gonna be alright. Bye."

Nanlaki lalo ang mga mata ni Evie sa narinig.

Si chairman?

"Benj? Is everything --"

"Evz! Oh thank God!" halos pagmamadaling lapit nito sa kanya.

"What's wrong?"

"Si dad kasi -- inatake daw. Kailangan ko silang puntahan sa Korea tonight." sabay balik ni Benjamin sa mga gamit niya at inaayos na ito.

"What?!" tila sinubukan naman ni Evie pakalmahin ang boss pati na rin ang sarili. "Please, calm yourself. I'll get you book for tonight's flight." saad pa nito kaya bahagyang napatingin sa kanya ang boss.

"Thanks Evie."

"I'll just get my stuff and let's --" 

"No wait!" pagpigil nito kay Evie na papalabas na sana ng silid ngunit napalingon muli sa kanya. "Wag na please? Ako na lang ang babalik kaagad sa Manila."

"What?! You’ll left me here?" hindi naman makapaniwala si Evie sa sinabi nito.

"Ayoko naman sirain ang bakasyon natin dito. You can stay, and be with them."

"But Benj? Ayokong maiwan dito! Magkasama tayong dumating, magkasama rin tayong aalis." pagmamatigas rin ni Evie rito. Nilapitan naman siya ni Benjamin at hinawakan sa magkabilang balikat.

"Hindi mo naman ako kailangang alalahanin pa. Ipag-book mo na lang ako ng flight para pagdating ko sa Manila, makadiretsong airport na ko. I'm sorry but please -- just stay." sincere naman nitong saad sa sekretarya at kahit labag man ay napabuntong hininga na lang si Evie rito.

"Fine. Makikisabay na lang ako kina Khalil pauwi --"

"I asked Silver already na isabay ka pauwi ng Metro." sabay bitiw nitong muli kay Evie at balik sa pagaayos ng gamit niya.

"Ha?!" halos lumuwa naman ang mata pa niya sa pagkagulat sa sinabi nito. "Eh bakit --"

"Ikaw na lang din munang bahala sa office ah? Hindi ko sigurado kung kailan ako makakauwi dito. I've trusted you with everything, Evz." paglingon pa nito kay Evie na tila nagsusumamo.

Napabuntong hininga na lamang ulit ito at matipid na ngumiti.

"Makakaasa ka, Benj. I'll pray chairman will be alright."

Sinabayan na ni Evie si Benjamin sa pagbaba. Nakasalubong na rin doon sa front door sila Silver, Khalil at Ingrid.

"Dude, pasensya na ah? Emergency lang. Ikaw ng bahala kay Evie ah? Iuwi mo yan ng maayos at buo." napatingin pa siya kay Evie na tila sinasamaan siya ng tingin kaya nginitian niya ito.

"Akong bahala."

"Take care, Benjamin. I'll see you soon."

"See you soon, Khalil, Ingrid."

"Ingat po, Sir Benjamin." at sumakay na si Benjamin sa kotse niya at binuhay ang makina nito.

"I'll send you the details of your flight later. Call me when you can." habilin pa ni Evie ng lumapit ito mula sa bintana ng sasakyan ni Benjamin.

"Of course." at pinaharurot na nito ang kotse niya palabas ng beach house.

Lahat sila ay nakatanaw sa kotse ni Benjamin na papaalis. Bakas naman din ang pagaalala kay Evie rito. Nauna na sina Khalil at Silver na bumalik sa loob ng bahay.

"Buti nagpaiwan ka, Miss Evie. Kundi -- baka maburyo ako rito kasama yung -- yung arabong yun." saad pa ni Ingrid nang lapitan si Evie.

"Pinaiwan talaga ako ni Benjamin eh, dapat sumama na talaga ako. Nagaalala rin kasi ako kung anong nangyari kay chairman."

"Close mo rin ba ang family ni Sir Benjamin."

Tumango-tango naman si Evie rito. "Malaki ang utang na loob ko kay chairman. Tinuturing rin nila akong malapit na kaibigan ng pamilya nila, hindi na sila iba sa akin."

Naglakad naman na sila papasok ng bahay at pabalik ng pool area. Tila nanumbalik naman sila sa ginagawa, hindi naman maiwasan ni Evie na mangamba pa rin.

Habang nakaupo si Evie sa recliner chair, inaasikaso naman niya ang pag-book ng flight ni Benjamin mula sa phone niya. Ngunit tila mabagal ang network ng internet niya sa phone kaya tumayo siya at itinaas ang phone upang makasagap ng mas malakas na signal.

"Eto oh, gamitin mo na." paglapit pa ni Silver sa kanya at lapag ng laptop nito sa maliit na table katabi ng inuupuan ni Evie kanina.

Napatulala naman si Evie kay Silver ngunit hindi na ito tumanggi pa, kailangan niyang mai-book ng flight ang boss niya.

"Sa -- salamat."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status