Share

25

Pagkatapos kong puntahan ang Psychology professor namin last sem ay tinext ko si Via kung nakita niya ba ang hinahanap ko. She called me and told me she's absent today because something happened.

Nag-ikot ako sa mga parte ng university na madalas niyang tamabayan.

Naabutan ko si Canary sa student lobby na abala sa pagsusulat. Nag-angat siya ng tingin nang marinig niya ang takong ng sapatos ko pero agad din siyang tumungo at ipinagpatuloy ang ginagawa niya.

"Naiwan mo sa cafeteria," pahayag ko at inilapit sa mukha niya ang notebook na naiwan niya sa cafeteria.

Hindi naman siya nagulat. Tiningnan niya ako at inabot ang notebook. Ilalagay na sana niya iyon sa bag niya nang tila natigilan siya habang pinagmamasdan ito.

"Why?" usisa ko.

Umiling siya at tuluyan na iyong isinuksok sa bag niya.

"What took you so long to return it?" diretso niyang tanong sa akin at tiningnan niya ako sa mata. "Did you read my notes?"

Umiling ako. "No. Hindi ganun kaganda ang handwriting mo kaya hindi ko nabasa lahat."

Tumango siya na parang naghihintay ng iba ko pang sasabihin. Sa totoo lang ay nanginginig at nanlalamig ang mga kamay ko.

Hindi lang kami ang tao sa lobby pero kami lang dalawa ang nasa table namin.

"Have you read the news? Daphne's in trouble," sabi sa kabilang table. "It's the issue that everybody knows pero sana hindi na lang binroadcast. Silent but deadly."

Hindi ko alam kung ano ang sinasabi  nila pero sigurado akong si Via ang Daphne na tinutukoy nila. Hindi naman sila nagchichismisan. It's like a casual conversation na mukhang hindi big deal dahil mukhang nakaka-relate sila.

"Via's father, Governor Lopez of Cebu, plunder case," ani Canary habang nag-scroll sa cellphone niya. "The news exploded just this morning."

Bahagya akong napanganga. Kaya siguro aligaga ang boses ni Via nung tawagan niya ako. Malinis ang record ng tatay niya, may mga normal na batikos pero ito na ang pinakamalala.

Iwinaglit ko iyon sa isip ko dahil may kailangan akong malaman. Hindi ko puwedeng palagpasin ang pagkakataon. "Can I ask you something personal?"

"You could have started asking when you arrived. Anong pumipigil sa 'yo?" walang buhay niyang tanong.

Napakagatlabi ako. "You see... I-I saw something in yo-"

"You saw the picture, period," she cut me off. "You have the picture, right?"

Inilabas ko iyon sa bag ko at inilapag sa mesa. "Saan mo 'yan nakuha?" tanong ko sa kanya.

Canary laughed a little. "Hindi ba dapat ako ang magtanong sa 'yo niyan? But since I know you got this from my notebook, hindi na kita tatanungin." Kinuha niya iyon. "Don't get what is not yours."

"I'm asking where did you get that," pag ulit ko sa matigas na boses. "Why do you have that?"

"Why would you ask about something that is mine?" matigas din niyang sagot. Nagtititigan kaming dalawa. Nararamdaman ko nang kahit papaano ay naiinis siya.

Bakit siya ang maiinis? Hindi ba dapat ako?

"I'm not joking around, Canary," pahayag ko. "Tell me where did you get that or I'll tell it on your face."

Parang sasabog ang kalooban ko.

"You're crazy," ani Canary. "That is mine."

"Lake told me he found a piece of paper na may nakasulat na pangalan ko sa assignment na ipinagawa niya sa 'yo. That was before we met. Why?" That's it. Hindi ko na kaya pang itago ang impormasyon na iyon.

It somehow affected her but she managed to keep her composure. "You believe whatever he says? Paano kung hindi naman yun sa akin galing?"

"Bullshit," I hissed. "I talked to Mr. Pascual and he told me you were the one who requested na ikaw ang maging ka-partner ko sa thesis!"

Canary was caught off guard. Natigilan siya sa sinabi ko.

"Why? Why in the world you did that? Para magkainteres ako sayo? Para makalapit ka sa akin? Bakit mayroon kang picture na 'yan? Why? What do you need from me?!" Hindi ko napigilan ang bahagyang pagtaas ng boses ko. Parang tumakbo ako nang sobrang layo dahil sa tibok ng puso ko.

Canary stood up, while holding the picture. "I don't need anything from you. You're just imagining things. Mahirap ako pero hindi ako magnanakaw."

Sinukbit niya ang bag niya at tinalikuran niya ako. Mabilis akong tumayo at hinila ang braso niya. "No. You're not leaving unless you answer me."

"Get your hands off me habang may pasensya pa ako, Alice," seryoso niyang sagot sa akin. Matalim ang mga tingin niya sa akin.

"Answer me or I will break your arm," pananakot ko sa kanya. Hindi ko alam kung kaya ko yong gawin. Alam kong may ilan ilan na malamang na nakatingin sa amin, pero wala akong pakialam.

"Sinagot na kita," sagot ni Canary. "Gaano ba kaliit ang utak mo para di mo maintindihan ang sinabi ko?"

Sasagot sana ako nang magring ang cellphone ko. Tumatawag si Via. Cinancel ko iyon. Muli na namang tumunog. I cancelled it again. I almost cursed when she called again. In-off ko ang cellphone ko.

Then Canary's phone rang. Kinuha niya iyon sa bulsa niya. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong si Via iyon. Sinagot iyon ni Canary at ni-loudspeaker.

"Canary? Where are you? Are you with Alice? She's cancelling my call! Ayaw ninyo na ba sa akin?" naiiyak na tanong ni Via. "You hate me na ba because of my Dad?"

Hindi ako makapagsalita. Tahimik lang si Canary pero nang wala na siyang marinig kay Via ay sumagot na rin siya. "Since when did I not hate you? If this is because your Dad, then just cry. That's the only role you can do. Be prepared because it doesn't stop there."

I snatched her phone and ended the call. "You really don't know how to be considerate! Napakasama mo."

She snatched back her phone. "No one really told me I'm not bad so that doesn't hurt me anymore."

"Canary?" tawag ni Leif.

Nabitiwan ko si Canary nang lumapit si Leif sa amin. Noon niya lang ako napansin paglapit niya.

Nagawi ang tingin ni Leif sa picture na hawak ni Canary. Ibinaba niya ang kamay ni Canary as if trying to hide the picture being seen by somebody around.

"Why?" hindi ko napigilang itanong.

Tila naguluhan si Leif. "May duty pa kami sa lab. If you'll excuse us, Alice."

"Who's in that picture, Leif?" ulit kong tanong kahit pa naglalakad na sila palayo.

Leif stopped but didnt even turn around. "It's Canary and her father."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status