Share

3

"Job?" kunwari ay nawiwirduhan kong tanong.

Nanlaki ang mga mata ni Via. Napahawak siya sa bibig niya. Batay sa ekspresyon niya ay nabigla siya sa pagtatanong sa akin.

"O-of course!" bawi ko. Kailangan makakalap ako ng impormasyon tungkol kay Canary. If Via is mum about the things I witnessed a while ago, kailangan ko iyon malaman kung bakit.

Tahimik pa rin si Via. I saw her clearing her throat.

"Depende sa ipapagawa ang rate ko. You see, unlike you, scholar ako dito. I have a family to feed," palusot ko sa kanya. I just prayed with the lies I made. Hindi ako pinabayaan kailanman ng mommy ko kahit pa hindi ganoon kayaman ang pamilya namin.

Nagliwanag ang awra ni Via. "Really? How much then? May project kasi ako sa anatomy. Bukas na ipapasa. Hindi niya kasi tinanggap 'yang project na 'yan kasi may gagawin daw siya mamayang gabi. She told me to give her five thousand if I really need it tomorrow."

Ako naman ang nagulat. "What?! Five thousand?! Ano'ng project ba 'yan?"

Via rolled her eyes. "I need to pass a thorough study about Parkinson's disease. Her usual rate for a hard project is two thousand, four thousand for a simple thesis. 'Yong mga normal na project and assignments ranging from two hundred to seven hundred lang."

I raised my hands to gesture her to pause. "Sandali. You mean, nagbabayad kayo ng ganyang halaga para lang sa assignment?"

Napakunot-noo si Via. "Why did you sound surprised? That's the service you offer. At least we can help you?"

"And why in the world you're so lazy in doing such? Sayang ang pera!" bulalas ko habang umiiling. Hindi ko ma-imagine na gagastos ako ng pera sa mga bagay na kaya ko namang pag-aralan. Lalo't libre naman ang internet sa university.

"Just be thankful you are smart. Hindi lahat ng tao biniyayaan ng talino at sipag. 'Yong iba, biniyayaan lang ng mayamang magulang," paliwanag ni Via. Ilang segundo ng katahimikan ang namayani.

Napabuntong-hininga ako. Kaya ba nagmamadali si Canary lagi? Kaya ba wala siyang oras para makipag-usap sa akin? Dahil wala naman siyang mapapalang pera sa akin?

"So. . . magkano ang rate mo? I badly need it tomorrow. Hindi ako puwedeng bumagsak. Hindi nasisilaw ang Daddy ko sa dami ng advertisement mayroon ako. He always looks at the side which I'm obviously not good at," nakangiti pero malungkot na pahayag ni Via. "I don't want to spend that much kasi may bibilhin akong importante."

Hindi ako makasagot. Paano ko ito lulusutan? Wala rin akong oras para gawin ang hinihiling niya dahil may kailangan akong tapusin mamayang gabi. Napalunok ako. Hindi ako makapag-isip nang maayos.

"Do you want your identity to be a secret as well? Sanay na kaming mga kliyente ni Canary diyan. We are good at keeping mum about her service, kasi kami rin naman ang mapapahiya. Imagine, mailalagay sa diyaryo 'Anak ng Gobernador, hindi makapagsagot ng Assignment'. That's a no no! For some reason, mas gusto kita kasi nakikipag-usap ka. Canary has no cellphone! Imagine that? Sa e-mail lang kami nag-uusap. And she will never say a word kung hindi naman kailangan. She's always after the money envelope!"

Napakagat-labi ako. Gaano kaya katindi ang pinagdadaanan ni Canary financially? Libre naman ang lahat. Siguro, sinusuportahan niya ang pamilya niya. I erased my thoughts. Kailangan kong makalusot kay Via.

"As much as I want to help you, may sarili rin kasi akong project. Pasensya ka na," I apologized. Dahan-dahan akong naglakad palayo sa kanya. Nang makabuwelo ako ay binilisan ko na ang lakad ko. Nabigla ako nang hinablot niya ang braso ko.

"You can't just ignore my request!" tila naiiritang wika ni Via. "Nagsisinungaling ka ba? Hindi ka ba bayaran?!"

"A-ano? Bayaran?" inis kong tanong at inalis ko ang kamay niya sa akin. "Bayaran? Is that what you really have to name the people who help you?"

Via crossed her arms. She looked so mad. "And what do you expect? You work for money! Canary called me a stupid rich brat! Kung 'di ko lang siya kailangan, matagal ko na siyang tiniris."

Somehow, gusto kong matawa pero pinigilan ko. Ganoon ba talaga ka-vocal si Canary sa mga tao sa paligid niya? She really doesn't know to sugarcoat her words. "Hindi ako katulad niya. Niloko lang kita."

Via was in shock. Nawala ang galit sa mukha niya, napalitan iyon ng takot. Tinalikuran ko siya. Pero nauna siyang maglakad sa akin at sinalubong ako. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay. "Please don't tell anyone! Bibigyan kita ng isang designer bag ko. Huwag mo lang ipagkalat. Baka makarating sa Daddy ko!"

"Hindi ko gawain makialam sa buhay ng iba. Na-curious lang ako for some reason sa transaksyon mo kay Canary kasi may kailangan ako sa kanya. Hindi ko rin kailangan ng bag. Para lang akong hangin na walang narinig at nakita." I meant it. Wala akong mapapala kung guguluhin ko ang buhay niya.

"Seryoso ka na ba diyan? Because if you're gonna ruin the image I have and Dad finds out, I'm gonna leave the Earth earlier than destined," Via said. "Please, don't break what you said."

Marahan akong tumango. Bakas na bakas sa mukha niya ang takot at pag-aalala. I guess hindi rin lahat nakukuha ng mayayamang tao. May mga bagay pa rin na kailangan nilang ipakiusap. May mga bagay pa rin na hindi kayang tumbasan ng pera nila.

"I'm Via Lopez. Everybody calls me Daphne but special people in my life call me Via. You are free to call me Via," pakilala niya at inabot ang kamay niya sa akin. "Let's be friends because you discovered my secret. Hindi ko alam kung bakit parang nauto mo ako."

Natawa ako at inabot ko ang kamay niya. "Alice Dominguez." In span of two days, nagkaroon ako ng dalawang kakilala na mukhang hindi na maaalis sa buhay ko, Lake Suarez and Via Lopez.

"Paano na kaya ang anatomy project ko?" nanghihinang tanong ni Via.

An idea crossed my mind. "I think kaya ko naman gawin 'yan mamayang gabi. Hindi ko mape-perfect but I can assure you you'll pass. In exchange of one thing."

"What is it?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status