Share

5

"You mean a guy wearing a white sando? May dalang soccer ball?"

Napasinghap ako nang humarang si Canary sa sasakyan. Umupo siya sa hood nito. Binusinahan siya ng driver. "Hoy nene! Umalis ka riyan!"

"He ran towards that direction. Pakibugbog siya hanggang madurog ang mga buto niya. He cheated on me," patuloy ni Canary. Seryoso siyang nakatingin sa anim na lalake. "Hindi siya nakarating dito. He knows this is a dead end. Lumiko siya nang matanaw niya ako. I guess that is what a cheater does. Magtago?"

Sabay-sabay na tumango ang anim. The leader looked at Canary from head to toe before he commanded the gang to ran. Nakahinga ako nang maluwag.

Patuloy pa rin sa pagbusina ang driver. Canary looked so pissed off but she was taking her time hanggang sa makalayo ang mga tumutugis kay Lake. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa hood. Mabilis na nagpaandar ang driver.

"Pinakaba mo ak--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang makita kong nakahiga na si Lake sa sahig, walang malay. Mabilis akong lumapit sa kanya. Putlang putla ang mukha niya. Nanlalamig ang mga kamay niya.

"Canary! Please call for help!" nagpa-panic kong sigaw sa kanya.

Canary immediately got her phone in her backpack and dialed. The expression on her eyes changed.

"Lake? Lake? Lake, wake up," pakiusap ko kay Lake habang niyuyogyog siya. Nanginginig akong dinama ang pulso niya.

--- "Over fatigue. And he also has asthma," Via said as she emerged from the clinic room. Sa clinic nila namin nadala si Lake. May dalawang nurse doon na nag-check sa kanya.

Hindi ko na alam paano kami nakarating dito. I just remember Leif arrived in the parking lot, kasama si Via. Siya ang nag-first aid kay Lake habang nasa sasakyan.

"Ano na naman ba ang pinaggagagawa ng magaling kong pinsan?" Via asked Leif. "The last time na inatake siya nang malala, was months ago."

"Mukhang kasama sa course niya ang makipagbugbugan," naiiling na sagot ni Leif.

Tahimik lang kami ni Canary na nakaupo sa waiting chair ng clinic habang silang dalawa ay nakatayo at nag-uusap. Nagulat ako sa impormasyong pinsan pala ni Via si Lake. Kung ganoon, parehas silang kliyente ng babaeng katabi ko? I looked at Canary. Blanko pa rin ang ekspresyon ng mukha niya. Naisip ko tuloy na ilang oras na ang nasayang sa kanya.

"And why are you involved in this situation?" Via asked us. Lumapit siya sa amin. Tila tinatanong ako ng mga mata niya kung totoo bang hindi ako katulad ni Canary. At kung may relasyon ba kaming dalawa.

"Long story short, we saved your cousin from dying," I answered. Canary remained quiet.

"How much are you gonna charge us?" diretsong tanong ni Via kay Canary.

Ako ang nabigla sa itinanong niya. Charge? Bayad? Mabilis kong nilingon si Leif. Mabuti na lang naroon na siya sa loob.

"Just how much his life worth is," Canary answered. Ni hindi ko man lang siya nahimigan ng pagkainis. Sanay ba siyang may bayad ang lahat ng ginagawa niya? Kaya ba kahit masayang ang oras niya ngayon ay okay lang?

Via chuckled. "Just how much is the worth of stupid rich like us?"

"Why are you asking? Aren't you sure how much your worth is?" balik tanong ni Canary.

Napairap si Via na parang handa na siyang sabunutan si Canary. "You know what? I really hate you for your words but I like you for being true. I can give you the money Lake has in his wallet right now."

Tumayo si Canary. "I will never like you so cut your feelings towards me. I hate subjective people," aniya. "I won't demand a payment since it's unexpected. Isa pa, the next time those guys catch your cousin may be the death of him. I told them to crush his bones."

Via flinched. "What?! Are you serious?!"

Tumayo ako at sumingit sa usapan nila. "That's just to deceive those guys. Believe me, iyon lang ang paraan para mailigtas si Lake." I don't know bakit ko siya pinagtatanggol. Pero maaari ngang maging masama ang epekto ng sinabi niya.

"I really didn't expect you'll be grateful to those people who helped you. Since we came here, nobody had ever said thank you. You'll surely get even because of what I said, right? Kailangan ko nang umalis. Marami pa akong gagawin."

Nanginginig si Via sa galit habang parehas naming tinatanaw si Canary palabas ng clinic. Tinanguan ko lang din siya at umalis na rin ako.

Somehow, Canary is right.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status