Share

6

"I actually don't have to say what I wanted to say because I know you know why I am here," Via said as she approached the table where I am in the study lobby.

Abala ako sa paggawa ng assignment. Nawala ang focus ko sa pagbabalanse nang maamoy ang pamilyar na pabango ni Via. Tatlong araw na mula nang mangyari ang insidente kay Lake. Tatlong araw na rin mula nang huli kong nakita si Canary. Naipasa ko na ang thesis ko, at gaya ng gusto niyang mangyari, ginamit ko na lang ang boses ng kaibigan ko sa dorm na si Lila para i-voice over ang mga sagot niya.

Wala namang masyadong espesyal sa thesis na iyon. Ni hindi ako nakakuha ng karampot na impormasyon tungkol sa buhay ni Canary. Lahat ng sagot niya ay tila scripted, at laging bumabalik sa katotohanang namumuhay siya mag-isa sa tulong ng scholarship niya sa Arturo University.

Narinig ko ang buntong-hininga ni Via. "Alam kong ang rude namin noong araw na 'yon. We were all shocked. Sanay kasi ako na malakas si Kuya Lake. Hindi naman severe ang asthma niya. But it was triggered kasi magdamag daw nag-practice ng soccer tapos walang tulog."

"And why are you telling me these?" tanong ko habang nagsusulat sa worksheet. Hindi ko na alam kung saan ang mapupuntahan ng kino-compute ko.

"Because I felt a bit guilty about it. Canary was right, hindi man lang kami nakapagpasalamat."

Napatawa ako nang mahina. Itinigil ko ang ginagawa ko dahil wala na rin naman akong maintindihan. "And it took three days before you realize it?"

"No. It took me three days to finally gained the courage to talk to you. Actually, gusto ko nang kalimutan iyon. Marami na akong narinig na mas masamang salita tungkol sa amin kaysa sa sinabi ninyo. I could totally ignore it," paliwanag ni Via. "But I like you."

Kumunot-noo ako. "Why? Dahil ginawa kita ng study?"

Tumango siya. "Yes. I really need a smart and intelligent friend to help me with my acads. Ayaw ko na kay Canary. Masyado siyang masungit. Pssh."

"Ganyan ka talaga ka-pranka?" tanong ko.

Ngumiti si Via. "Being friends mean being true. You can benefit from me as well. Huwag kang mahihiya sa akin kapag may kailangan ka. Anytime, anywhere."

Umiling ako. "That's not the meaning of friendship." Iisa lang ang masasabi kong kaibigan ko, at magkahiwalay pa kami ngayon. Sa unibersidad sa probinsya siya nag-aaral. May kaya naman kasi ang pamilya nila. Sa ngayon, wala akong maituturing na malapit na kaibigan bukod sa dormmate ko na si Lila. It's no biggie for me. Sanay naman akong mag-isa.

Saglit na natigilan si Via. "May ibang meaning ba 'yon? Nasanay kasi ako na mayroon lang akong kaibigan every time I throw a party, or every time I am in the limelight. If they can benefit from me, they treat me as a friend. . . with expiration."

Come to think of it, wala nga akong masyadong nakikitang laging kasama niya. Madalas maraming nakapalibot sa kanya kapag may bago siyang commercial or may bagong magazine na lalabas kasama siya. Sa normal na araw, nag-iisa lang din siya. Well, I guess, sanay ang karamihan dito na mag-isa.

"Gusto mo ba ng friendship na walang expiration?" usisa ko sa kanya.

Namilog ang mga mata niya. "Are you telling me you are offering yourself to me?"

Pinalo ko nang mahina ang noo niya ng friction pen kong gamit. "First, friendship is not about money. And it's not about who takes advantage and who gives advantage. Friendship is something deeper than that. Mahirap ipaliwanag. Pero sa madaling salita, you can't pay a person to be your friend."

Inirapan ako ni Via habang hinihimas ang noo niya. "What will I do? I can only do some things with the use of money. Maganda ako and nobody can disagree with that fact. Pero mahina ang utak ko," mahina niyang pahayag. Bahagyang namula ang pisngi niya. Mukhang nahiya siya sa inamin niyang iyon. "Nag-nursing lang naman ako dahil 'yon ang gusto ni Daddy. Because Mom is a surgeon."

"Ano'ng course ba ang gusto mo?" usisa ko. Accountancy iss my first choice. Aaminin kong hindi madali pero nakakayanan ko naman na maka-survive. Thanks to the genes I got, madalas mabilis makaintindi ang utak ko sa mga itinuturo.

Tila nag-aalangan si Via na sumagot. Lumingon-lingon pa siya sa paligid at tumikhim bago nagsalita. "G-gusto kong maging teacher ng mga bata. I love kids more than you can imagine. Wala kasi akong kapatid."

Napangiti ako sa isinagot niyang iyon. Ang sabi ng Mommy ko, hindi bale hindi ka matalino basta mabuti kang tao. It is always who has the biggest heart. Via may be a brat but she's kind, like her cousin.

"You want to be a teacher pero sa iba mo inaasa ang assignment at projects mo? What kind of joke is that?"

Sabay kaming napalingon nang magsalita ang pamilyar na boses na iyon. Naupo si Canary sa tabi ko. Blanko na naman ang ekspresyon ng mukha niya. Mukhang puyat siya dahil malalim ang ilalim ng mga mata niya.

Agad na namula ang leeg at tainga ni Via. "Excuse me, you can't sit with us. And nobody wants to talk to you."

"Ipinapatawag ako sa guidance," ani Canary habang nakatingin sa akin. She disregarded what Via said. "Kasama ka."

Bahagya akong napanganga at itinuro ang sarili ko. "A-ako?" Bakit naman ako ipapatawag sa guidance? Agad nabuo ang kaba sa dibdib ko. Naisip ko agad ang scholarship ko.

"Maybe somebody reported the dirty doings of poor students like us," Canary answered. Nagawa niya pang ngumiti.

Tila ayaw rumehistro sa utak ko ang mga sinabi niya. "Bakit ako ipapatawag?" Tiningnan ko ang cellphone ko. May message nga ang guidance office.

"Malay ko," matabang na sagot ni Canary. "Stand up and follow me. Nasasayang ang oras ko sa walang kuwentang bagay." She stood up and started walking her way out of the study lobby.

Napailing si Via. "How can she be that rude? May isasama pa ba ang very honest niyang bibig?"

Napakagat-labi ako at isa-isang inayos ang gamit ko.

"Don't you worry, Alice, if something happens, I am your friend," seryosong pahayag ni Via at hinawakan ang kamay ko. "Starting today."

Marahan akong tumango at iniwan siya. Sinundan ko si Canary papunta sa guidance office.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status