Share

Chapter 3

"NARIYAN na sila, akin na ang apo ko dito na maupo sa tabi ng lola," Ani Aing Pacing at inabot ang apo sa dalaga. "Pagkabigat na ng aking apo," iniupo nito ang bata sa isang silya na katabi nito.

Inabot ni Marilyn ang plato ni Maya, nilagyan ito ng kanin at ulam na adobong manok.

"Maya, kain ka ng gulay para laging healthy." Ani Marilyn at nilagyan ng gulay na chopseuy.

Tumango lang naman ang bata ng nakangiti.

"Kakain ka ng madami ha,"

"Yes po tita!"

Naupo na din si Marilyn, naglagay na din siya ng pagkain sa kanyang plato.

"Very good talaga ang aming baby Maya," tuwang sambit niya nang makitang ganado na sa pagkain ang bata.

Iniiwasan talaga nilang pag-usapan ang tungkol sa namayapang mga magulang nito para hindi na ito umiyak na naman o malungkot.

Sumubo na din si Marilyn ng pagkain, pakiramdam niya buong isang linggo siyang hindi nakakain kaya naman nakailang plato din siya ng kanin. Hindi bale na masira ang figure niya ang importante ngayon makabawi siya ng pagod, puyat, at gutom, tsaka na lang niya iisipin ang pagpapasexy. Na mis na kaya niya ang luto ng kanyang inay.

"Tubig anak?" Birong alok ni Mang Alfonso sa anak. Napansin kasi nito ang sunod-sunod na subo na ginawa ng dalaga.

"Tay na mis ko ang luto ni Inay," anya sabay abot ng basong may lamang tubig na inabot ng kanyang ama.

"O siya, kumain ka ng madami anak, madami pa tayong ulam."

Kahit na hindi iyon sabihin ng kanyang ina talagang kakain siya ng madami.

MAAGANG nagising si Marilyn, nilingon niya ang  katabing si Maya. Masarap pa din ang tulog ng bata, hinalikan niya ito sa noo bago siya bumangon at bumaba ng kama.

Nasa kalagitnaan na siya ng hagdan nang makita ang ina, pawisan ang noo nito. Sa pagkakatanda niya alas-sais pa lang ng umaga, ang aga naman yata magising ng kanyang ina.

"Nay!" tawag niya sa ina na abalang nagwawalis sa may sala.

Natigil naman si Aling Pacing sa ginagawa, lumingon ito sa anak.

"Ang aga mo naman magising anak," puna nito sa dalaga.

Bahagyang itinali ni Marilyn ang mahabang buhok, agad siyang humalik sa pisngi ng ina ng makalapit siya dito.

"Mas maaga ka po nagising nay, magpahinga kana ako na magtutuloy sa paglilinis. Nakabakasyon ako sa trabaho ng isang linggo," turan ni Marilyn.

"Ano ka ba naman anak, alam mo naman sa ating probinsya sanay ang mga tao na gumising ng maaga at hindi ako sanay ng walang ginagawa."

"Kahit na nay, magpahinga na lang kayo."

"Anak, ilang buwan na nga pala nang mabili itong bahay ng ate Esmie mo?" tanong ni Aling Pacing habang pinapagpag ang malambot na sofa.

"Isang linggo pa lang po nay, mura lang ang benta kaya kinuha na agad ni ate," sagot niya. "Bakit po?"

"Wala naman anak, nanghinayang lang ako dahil hindi man lang umabot ng taon na makatira dito ang ate mo." Gumaralgal ang boses ni Aling Pacing, naalala na naman nito ang namayapang anak.

Mahigpit naman na niyakap ni Marilyn ang ina.

"Nay, huwag na kayong malungkot. Isipin na lang natin na nagbakasyon sa ibang lugar si ate kaya hindi natin siya kasama ngayon." Pag-aalo niya sa ina.

Kumawala sa pagkakayakap niya ang ina, muli nitong inabala ang sarili sa pagwawalis ng sala.

"Pasensiya kana anak hindi ko maiwasan na maalala ang ate mo,"

Tumango lang siya. Naiintindihan naman niya ang nararamdaman ng ina. Pero kailangan nilang magpapakatatag at ituloy ang buhay, hindi naman porket may nawala ibig sabihin hindi na maaalala. Mananatili sa kanilang mga puso ang pagmamahal at alala ng isa sa mahal nila sa buhay na wala na.

Nag paalam siya sa ina na pupunta ng kusina para sana maghanda ng almusal nang mahagip ng kanyang paningin ang isang manika na nakahiga sa sofa. Kunot-noong nilapitan ito ng dalaga at kinuha, sinipat niya ito mula ulo hanggang paa harap at likod.

Maganda, 
sa isip-isip ni Marilyn.

May kadumihan na ang manika pero mukhang bago pa naman, maganda ang mukha nito na may mahabang buhok na may pagka-blonde na brown.

Hmmmmm... Kung sa unang tingin mapagkakamalan mo ang manika na totoong batang babae, pero kapag hinawakan malalaman na isa lang itong magandang laruan.

"Nakita ko 'yan doon sa attic,"

Napalundag sa gulat si Marilyn ng marinig ang ina, hindi niya namalayan na nasa likuran niya na pala ito.

"May attic pala dito sa bahay nina ate, hindi ko napansin noong unang pasyal ko dito." Sabi ni Marilyn na hawak pa din ang may kalakihang manika.

"Meron anak, doon sa kuwarto nina ate mo. Aksidente kong nakita, nagwawalis kasi ako sa kuwarto nila nang biglang bumukas ang kisame at may lumabas na hagdanan."

"Talaga nay? kakaiba din pala itong bahay na nabili ni ate," tila puri pa niya sa namayapang kapatid.

"Maraming laruan na nakatago doon sa attic, pero ang manikang iyan ang umagaw sa atensiyon ko. Maganda 'diba?" nakangiting tanong ni Aling Pacing.

"Oo nay, hindi kaya kay Maya ang manikang ito?" tanong niya sa ina.

"Ayan ang hindi ko alam anak," sagot ng ginang. "Tanungin mo na lang ang pamangkin mo mamaya kapag nagising na,"

"Kung hindi man ito kay Maya tiyak na magugustuhan niya ito nay, mamaya lilinisin ko para mas magmukhang bago." Nakangiting sabi ng dalaga.

Paupong muling inilapag ni Marilyn ang manika sa sofa, nagpaalam siya ulit sa ina na pupunta ng kusina. Tumango lang ang ito bilang tugon sa dalaga.

SA kusina, abala si Marilyn sa pagluluto ng pagkain nila sa almusal. Nagluto siya ng sopas, ang natirang kanin ay sinangag niya, nag prito na din siya ng longganisa at ginisang corned beef na sinamahan niya ng hiniwang patatas naisip niya kasing sanay sa kanin ang mga magulang.

Bumungad sa kusina ang kanyang ama.

"O tay, gising kana po pala," bati niya sa ama. "Gusto mo po ba na ipagtimpla kita ng kape?" tanong niya sa ama.

Humila ng isang silya si Mang Alfonso at naupo.

"Sige anak salamat," sagot ni Mang Alfonso.

Nakapag brewed na din siya ng coffee sa coffee maker, kumuha ng isang tasa ang dalaga at sinalinan iyon ng kape nilagyan niya iyon ng isang kutsaritang asukal at cream.

"Ito na ang kape mo itay," sabay abot ng isang tasa na may lamang kape.

       

"Salamat anak," anang kanyang ama ng abutin nito sa kamay niya ang tasa ng kape.

"Malapit na po maluto ang niluluto kong sopas tay, maya-maya lang kakain na tayo ng almusal." Turan ni Marilyn habang hinahalo ang niluluto na nasa kaserola.

Bahagyang hinipan ni Mang Alponso ang mabangong usok ng kape bago ito maingat na humigop ng kape.

           

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status