Share

Chapter 17

HINDI na nag tagal sa bahay na iyon si Padre Damian, dahil dadaan pa ito ng simbahan para sa pang+alas sais na misa.

Si Marilyn na ang naghatid hanggang sa sasakyan na van ang Pari at mga kasama nito, habang nasa nakabukas naman na gate nakatayo si Perlita na kasambahay nila.

Bago pumasok ng van si Father Damian ay kinausap niya muna ang dalaga para balaan ito.

"Ineng mag-iingat kayo, kanina may naramdaman akong masamang esperitu na nananahan sa bahay na ito. Hindi ako sigurado kung ligaw na kaluluwa ng mag-asawang namatay. Basta mag-iingat kayo," mahabang bilin ni Padre Damian bago sumakay ng van.

Sa sinabing iyon ni Padre Damian tila may takot na bumalot sa buong pagkatao ni Marilyn. Sa ilang araw na paninirahan nila sa bahay ng kanyang ate wala naman silang naramdaman na kakaiba o panganib para sa kanilang pamilya. Pero dahil sa sinabi ng pari nag-iwan iyon ng takot sa kanyang puso.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status