Share

Chapter 18

SI Marilyn lang ang pumasok sa kanyang kuwarto para kumuha ng pera na ibibigay niya kay Perlita, habang nasa labas ng kuwarto ang kanyang pamangkin at si Perlita.

Pagkakuha ng pera ay agad naman niya iyong iniabot sa dalaga.

"Salamat po ate," nakangiting sabi ng dalaga at ibinulsa ang perang binigay niya dito.

"Mag-iingat kayo ha," paalala niya kay Perlita. "May susi ka naman sa gate, pakisuyo na lang paki-lock pagkalabas mo." Dugtong pa niya, may tiwala naman siya sa dalaga dahil kamag-anak ito ng isa sa mga kaibigan niya at sa mukha pa lang nito mukhang hindi naman ito gagawa ng hindi maganda.

"Opo ate, sige po aalis na po ako!" paalam dalaga at tumalikod na.

Nasundan na lamang ng tingin ni Marilyn ang dalaga na pababa na ng hagdan. Hindi niya maintindihan pero parang nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaba habang tinitignan ang papalayong si Perlita.

"Tita," narinig niyang tawag ni Maya na bahagyang hinila ang dulo ng suot niya na blouse.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status