Share

Chapter 3

KANINA pa palakad lakad si Anton habang hinihintay ang paglabas ng dalaga mula sa banyo. Naguguluhan siya. Kung hindi ito ang stripper na inupahan ng mga kaibigan niya. Sino ito?

"Who are you?" bungad niya pagkalabas nito. She's wearing a faded skinny jeans and white shirt that embraces her body curves. Her curly hair was tied up with a few strands kissing her cheeks. She's really gorgeous.

He watched her as she snatched her bag and wore a black cap. Even the way she wear it looks sexy. Balewalang nilampasan siya nito.

"Hey, are you deaf or something?" pinigil niya ang kamay nito sa doorknob.

"Get you hands off mine," malamig ang boses na tiningnan nito ang kamay niya rito.\

"Not until you tell me who you are."

"Shanna.' She removed his hand and strode off the door.

"Where are you going?" Sinundan niya ito sa sala. Takang minasdan niya ito habang sumilip ito sa peephole. Nakita niya kung panu ito lihim na nagmura pagkatapos sumilip sa labas .

BINILISAN ni Shanna ang hakbang patungo sa elevator. Sa wakas nawala na ang mga armadong kalalakihan na nagkalat kanina sa pasilyo. Kipkip niya ang pink bag pack sa dibdib habang mailap ang mga matang sumulyap sa paligid. Ramdam niya na kanina pa siya palihim na sinusundan ng lalaki pagkalabas niya ng unit nito.

"Will you stop following me like a pathetic puppy?" singhal niya paharap rito. Nakakairita ito. Kanina pa tanong ng tanong. Ayaw siyang tantanan kahit di na niya kinikibo.

"Miss. Hindi kita tatantanan hanggat hindi mo sinasagot ang mga tanong ko."

"Shut up," sansala niya rito. Binilisan niya ang hakbang paatras habang nakaharap rito.

Naningkit ang mga mata ni Shanna nang makita ang pag-umang ng baril sa lalaki mula di kalayuan sa likod. Silencer iyon ngunit kalkulado pa rin niya ang tama ng baril niyon.

"Shit!" Hinila niya ang binata at patalikod na kinabig pakaliwa upang maiwasan ang tama ng bala sa kanila.

"Run." mariin niyang bigkas habang tangay ang binatang binagtas nila ang kabubukas pa lang na elevator. They rode the empty elevator and got off the basement immediately.

"Darn. Why are they still here?" pagmumura niya. Three goons are on the right. Five on the left. Malayo pa naman ang mga ito. She still have time. Unfortunately, the elevator opens with five goons coming out. Mga ilang metro din ang layo sa kanila.

"Who the hell are they?" bulalas ng katabi niya. Muntik nang malimutan ni Shanna na may kasama pala siya.

Nang marating nila ang parking area ay agad na pinaandar ng dalaga ang kanyang ducatti.

"Are you coming or not?" sigaw niya sa lalaking parang tuod na nakatayo sa likuran niya. Initsa niya ang helmet rito. Nang maramdaman niya ang pagkapit nito sa kanya sa likuran ay pinaharurot niya agad sa ere ang bike niya.

Tatlong sasakyan ang humahabol sa kanila. Nang mapalayo sa dami ng tao at mga establisyamento ay inasinta sila ng mga ito. Panay patama ng mga baril nito sa kanila ngunit agad naman nilang naiwasan ang mga iyon.

"Do you know how to drive this?" tanung niya rito.

He nodded. "Good. Now start driving." Pinakawalan niya ang hawakan, hinubad ang helmet at hinugot ang gloc9 mm wih silencer niyang baril sa bagpack. Lumingon siya payakap sa binata. Her arms on side of his neck. Pinasingkit niya ang mata at sunod sunod na inasinta ang gulong ng tatlong sasakyan. Bulls eye. Agad na tumirik sa kalsada ang mga iyon.

"Just keep on driving." Isinilid niyang muli sa bag ang baril at ngumiti ng tagumpay. Hindi na nakahabol sa kanila ang mga gunggong na goons. Inayos niya ang sarili at bumalik palingon sa hawakan.

"Wooa. That was cool," sigaw nito. Nakita ni Shanna sa review mirror ang paghubad nito ng helmet at pagtaas ng kamay sa hangin na tila tuwang tuwa pa sa naganap.

"Yeah, right. Nasa bingit na nga ng peligro ang buhay mo nagawa mo pang matuwa?" ismid siya. Kung di dahil sa kakulitan nito e di sana mabilis na siyang nakatakas sa mga lalaking humahabol kanina. Panagulo lang ang lalaking ito.

"Well I'm bored, and this is the kind of adventure I've been looking for."

"What's your name?" nakataas ang kilay na tanong niya rito. Hindi maaaring sumama ito kung san man siya pupunta. Panggulo lang ito. Isa pa ayaw niyang mandamay ng ibang tao sa business niya.

"Anton Austen," ngingisi ngising sagot nito. Naramdaman niya ang paghigpit ng yakap nito sa baywang niya. Kanina lang nakahawak ito sa balikat niya ngayon nakayakap na? Bakit di man lang niya naramdaman iyon? Talipandas na to! Manyakis talaga!

"Do you have your phone with you?"

"Yes, baby." Idinaiti nito ang labi sa leeg niya at tuwang tuwa na sinamyo siya. He placed his chin on her shoulder. "You smell so sweet, baby," nakakakiliting bulong nito.

Bigla niyang itinigil ang motor sa gitna ng kalsada. Malapit na sila sa lungsod. May mga mangilan ngilan na din establishemento siyang nakikita.

"Baba," utos niya.

Her voice was as cold as an ice.

"What?"

"Baba," ulit niya.

"Move." sulyap niya sa lalaking halos nakayakap na sa kanya.

"Baby, you just can't leave me here," reklamo nito.

"Bababa ka ba o gusto mong paputukan ko iyang bunganga mo?" bulong niya rito. Nakaumang ang baril niya ritong hawak niya sa loob ng bag pack.

Walang nagawang bumaba ito sa motor niya.

She drove the Ducatti fast, leaving the man in awe.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status