Share

Chapter 5

SUNOD SUNOD na alert galing sa phone ni Shanna ang gumulantang sa himbing ng tulog niya. Kinuha niya ang unan at mas lalo pang ibinaon ang mukha roon. She doesn't want to be disturbed. Hahayaan na lang niyang magsawa ang kung sino man ang nasa labas ng unit niya.

She's using an app that connects her phone to the door bell. If someone presses the bell outside, she will be notified through the app. Nalimutan lang niyang imute ang volume niyon kagabi.

Gusto niya pang matulog. Gusto niyang mabawi ang ilang araw ng pagod, puyat at stress niya dahil sa trabaho at sa gulong nasangkutan. Lunes ngayon at dahil naka indefinite leave siya, Ang assistant na lang muna niya ang bahala sa boutique. As for their security agency, Jules is there to take care of everything.

A closed smile absconded her lips. This is life. She was about to continue her sleep when her phone buzzed in succession.

Ang kulit. She searched her phone and accepted the video call. It's 10:30 in the morning. Bumungad sa video ang isang delivery boy sa labas.

"Hello," pikit ang matang tugon niya.

"Hello ma'am. Good morning po." bati nito.

"Anong maganda sa morning bukod sakin?" inis na pagdilat niya.

"Ah Ma'am, delivery po."

Fine! She strode to the living room and opens the door. Yakap niya ang unan. Pupungas pa ang matang inangat niya ang paningin.

"Pasensya na po Ma'am kung naabala ko po ang tulog niyo. Idedeliver ko lang po sana ang order niyo, Pakireceive at pasign na lang po dito, Ma'am." tukoy nito sa hawak na delivery receipt.

"Huh? What order?" She eyed the food styro at the brown paper bag na may tatak na Kusina Chef Restaurant.

"Ah ma'am, nagpadeliver po kasi di ba? Katatawag niyo lang po fifteen minutes ago."

"Excuse me. Pano ako oorder eh kagigising ko lang." Mataman niyang tiningnan ang delivery boy habang nakakunot din ang noo nito.

"Naku Ma'am, tama naman po iyung address na itinawag samin. Kayo po si Ms. Shanna Theresa Real, di po ba?"

"Ako nga. Pero wala nga akong inorder na pagkain sa restaurant niyo."

"Po?" litong utas ng lalaki. "Kung hindi po kayo eh sino po?" Napakamot sa ulo ito.

"Ako." Napalingon silang pareho kay Anton na kalalabas lang sa unit nito.

Wala na ang delivery boy ay nanatili pa ding magkahinang ang mga mata nila. Naunang bumawi ng tingin ang dalaga at humakbang palapit sa binata. Inabot niya ang delivery rito.

"Here's your food." Great. Naabala pa tuloy ang tulog niya dahil lang sa mali ang pinagdeliveran ng order nito. At talagang ginamit pa ang pangalan niya?

"No. That's yours." He thrust his hands on the pocket of his khaki shorts.

Hindi man sadya ay napatingin siya sa maskuladong katawan nito na bakat sa sandong suot nito. "Hindi ko to matatanggap." Iling niya.

"Masamang tumanggi sa grasya." Kontra nito. He stared at her extended arms.

"No. You take this." At dahil hindi inabot ng binata ang paper bag, Si Shanna na mismo ang nag-ipit nito sa palad ng binata. A high voltage of fire traveled her hand to her entire body when she comes in contact with his skin.

"Isa pa, I don't eat heavy breakfast." Hindi totoo yun. Walang diet diet sa kanya. At kanina pa siya natatakam sa amoy ng pagkain nito.

"Then start practicing now," He grinned with one brow arching.

Hinuli nito ang kamay niya at inabot muli ang paper bag. "Tanggapin mo na kung ayaw mong ako pa mismo ang magsubo sayo." babala nito.

She faced him unbelievably. Bakit ba mapilit ito? Hindi lang ito makulit. Nuknukan pa ng pakialamero.

Gulat na napatingin siya rito nang hilahin siya nito papasok sa unit niya. Sa sobrang bilis ng kilos nito ay namalayan na lang niya na naghahain na ito sa hanyang lamesa habang siya'y tulalang nakaupo silya.

"Ahh." Iniumang nito ang kutsarang may lamang pagkain sa kanya. Instead of opening her mouth marahan niyang inagaw ang kutsara rito.

"Fine. I'm going to eat. You can leave now." Her face reddened went he bent his head closer to her.

"I won't leave until I see you finishing your meal." Langhap niya ang mabango nitong hininga.

She swallowed hard.

Oh shit. Ayaw na niyang magsalita dahil kagigisng lang niya. Di pa siya nakapagmumog man lang. For sure she looks hell.

Umiwas siya rito at mabilis na tinungo ang silid. She went to her bathroom and stared at herself in the mirror. Buti nalang wala naman siyang muta. Agad siyang nagmumog at nagayos ng sarili. She's wearing a loose hello kitty shirt that reaches her middle thighs. Tanging panty lang ang panloob niya. Good thing the pillow made a decent cover up. Pagkabihis ay nagbalik siya sa kitchen.

"Masamang pinaghihintay ang pagkain," seryoso salubong nito sa kanya.

He's leaning at the kitchen sink while his arms crossed on his chest.

"Sorry," she said sarcastically. She was really not sorry at all. Kasalanan naman nito kung napaghintay niya ito. Umupo nalang siya at sinimulang kumain. The smell is such an appetizer Ang dami ng inorder nito.

May egg omelet, bacon, hotdogs with fried rice plus hot dishes soup, pork steak, veggie salads, mixed fruits and juice.

Tumayo siya at naghain pa para rito. "You eat with me," malamig ang boses na anyaya niya. Hindi na siya nag- abalang tingnan ito. Hindi naman niya maatim na kumain nang mag-isa. Saka di niya kayang ubusin ito lahat kahit gaano pa siya katakaw.

"Sure." Naramdaman niya ang pag-upo nito sa tabi niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status