Share

Chapter 10: Girl for rent

“A-ano?” Nauutal kong tanong sa tanong ni Jiro dahil baka nagkamali lang ako ng rinig.

“Can you be my girl? For this day lang. Magpanggap ka na girlfriend ko.” Muntik akong mapanganga matapos iyon marinig and this time, malinaw iyon sa pandinig ko.

“Tinanggal mo ang G sa salitang pag-asa.” Bulong ko sarili habang nakahawak sa dibdib ko at nakaiwas sa direksyon niya. Bakit ba ako nag-assume na gusto niya ako maging girlfriend, eh wala pa nga kaming isang linggong magkakilala? Ganito ba ang epekto sa akin ng paglipat ng eskwelahan?

“Ano?” Tanong niya kaya naman umayos ako ng tayo bago humarap sa kanya at umiling-iling.

“Ah wala... Bakit ba at para saan?” Tanong ko na medyo naiilang pa. Masiyado kasing straight forward ang pagkakasabi niya at hindi man lang nagpaligoy-ligoy.

“Ipapakilala kita sa parents ko. I will introduce you as my girlfriend, nag-set kasi sila ng arranged marriage para sa’kin.” Umalis si Jiro sa pagkakasandal at hinawakan ang kamay ko. Kahit hindi niya ipaliwanag ng buo ay na-gets ko na kung ano ang gusto niyang mangyari. “Please?”

Tinignan ko siya at nabigla pa nang sa unang pagkakaton ay nagkaroon ng emesyon ang ekspresyon ng mukha niya. Hindi siya ganoon ka-cold tignan ngayon at ngumiti rin siya ng tipid sa akin. Sana ay ganiyan na lang siya palagi.

“Ikaw lang kasi ang babaeng kakilala ko na hindi takot sa’kin, at isa pa kahit paano ay malapit ka naman sa’kin.”

“Gano’n ba?” Nahihiya paa ko kunwari kahit na sa totoo lang ay okay lang naman talaga sa akin ang gusto niyang mangyari.. Ilang beses na niya akong iniligtas tuwing napapahamak ako kaya pwede na siguro ito maging bayad sa utang na loob ko sa kanya. “Sige, pumapayag ako.”

“Really? Then it’s settled. See you later!” Binitawan niya ang kamay ko para humawak sa magkabilang balikat ko. Magsasalita pa sana ako ngunit tumakbo na siya palayo. Hit and run? Pagtapos niyang mahit ang puso ko sa pagiging paasa niya ay tatakbuhan na lang niya ako ng gano’n?

Nanghiram ulit ako ng dress kay Ayesha dahil wala naman akong maayos na damit, at isa pa kahit pagpapanggap lang ay gusto ko pa rin magmukhang disente sa harapan ng mga magulang ni Jiro.

Since weekend bukas, binibigyan ng oras ang mga estudyante para lumabas ng campus pero since Friday ngayon, hindi ko alam kung paano kami makakalabas ni Jiro. Tinignan ko ang orasan at nakitang 3:45 na ng hapon, ang usapan namin ay mamayang 4:00 kami aalis kaya minadali ko na ang pag-aayos.

Mabuti na lang at naitago ko iyong papel na binigay niya sa akin noon sa cafeteria kaya nagawa ko siyang ma-contact. Hindi naman kasi niya ipinaliwanag sa akin ang details kanina at basta na lang umalis matapos akong mapapayag sa request niya.

“Okay na ba ang istura ko?” Tanong ko kay Ayesha nang humarap ako sa kanya. Nakasuot lamang ako ng simpleng eyelet white dress na hanggang itaas ng tuhod ang haba, bukod doon ay sinuot ko rin ang paborito kong nude ankle sandals na saktong bumagay sa suot ko. Itinali ko rin ang buhok ko sa isang small bun at naglagay ng kaunting make up.

“Saan ka ba kasi talaga pupunta?” Ngumuso si Ayesha na tila nagtatampo dahil kanina pa siya nagtatanong sa akin kung saan ako pupunta.

“May blind date ako,” Pagsisinungaling ko na lang dahil baka kapag sinabi ko ang totoo ay kung ano lang ang isipin niya, at isa pa baka magwala siya ‘pag nalaman niya kung kanino talaga ako makikipagkita. Kinuha ko na ang cross body bag ko sa mesa at isinabit iyon sa balikat ko. “Mauna na ako, ah? Salamat ulit dito sa dress.”

Tumango lamang si Ayesha kaya naman lumabas na rin ako ng kwarto at naisipang tawagan si Jiro para malaman kung saan kami saktong magkikita. Nakalimutan ko kasi iyong itanong kanina habang napapalitan kami ng message.

“Hello? Saan tayo pala tayo magkikita?” Tanong ko nang sa wakas ay sagutin niya ang tawag ko matapos iyong mag-ring ng ilang beses. “Palabas na ako ng dorm.”

“Nandito ako sa tapat ng hell’s gate, dito ka na dumiretso.”

“Okay.” Ibinaba niya ang tawag kaya naman napatingin ako sa cellphone ko. Akala ko pa naman kanina ay bumait na siya pero mukhang mabait lang siya dahil may kailangan siya. Ipinagkibit balikat ko na lang iyon at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa matanaw ko na si Jiro. Mabuti na lang at walang masiyadong nag gagalang estudyante rito sa campus, malamang ay nagpapahinga na sila.

“H-hi.” Nahihiyang bati ko nang tuluyan akong makalapit kay Jiro. Ang gwapo niyang tignan sa suot niyang putting polo at brown na pantalon. Bukod doon ay ang cool niya pang pagmasdan dahil sunglass na suot-suot niya.

“Bagay sa’yo ‘yung suot mo.” Puri niya sa akin at pakiramdam ko ay ito na ang pinakamagandang sinabi niya ngayong araw. First time niya akong purihin. “Tara na?”

Pagka-aya niya ay tumango lamang ako. Gaya kanina ay nauna siya sa paglalakad kaya nakasunod lang ako mula sa likuran niya pero bago iyon ay nahagip muna ng paningin ko si Thunder sa loob ng hell’s gate. Those eyes and the way he looked at me, bakit kinilabutan ako?

“Okay ka lang?” Tanong ni Jiro nang lumingon siya sa akin at tumabi sa gilid ko para sabay na maglakad. Tipid akong tumango at hindi kumibo hanggang sa mapunta kami ng parking lot kung saan tumambad sa akin doon ang pagkarami-raming kotse. Mayroong Chevrolet, Lamborghini, Porsche at kung ano pa, halatang mayayaman talaga ang mga estudyante rito.

“This way!” Sigaw ni Jiro at doon ko lang na-realize na wala na siya sa tabi ko at ang layo na niya sa akin. Ano ba siya ninja? Tumakbo na lamang ako palapit sa kanya kung saan nakatayo siya sa isang kulay pulang Mustang. Ngumiti ako ng pilit bago niya ako pagbuksan ng pinto.

“Thank you.” Pagsakay sa kotse ay agad niyang sinara ang pinto at sumakay na rin sa driver’s seat. “Paano nga pala tayo makakalabas? Hindi pa weekend,”

“Trust me and don’t forget to fasten your seat-belt.” Bigla niyang inilapit sa akin ang mukha niya kaya medyo napaiwas ako. Siya na rin ang nagsuot sa akin ng seat-belt, dahilan para maramdaman ko ang pagkalabog ng puso mula sa dibdib ko. “Hey! Are you listening? Sabi ko aalis na tayo.”

Agad akong bumalik sa sarili nang tapikin ni Jiro ang balikat ko. Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa kanya, napatango na lamang at nag-iwas ng tingin. Matapos noon ay binuhay na niya ang makina ng kotse at marahang umalis pagkaka-park. Okay naman lahat sa una ngunit nang makarating sa kalsadang walang ibang kasabay na kotse ay biglang bumilis ang takbo naming. Sa sobrang bilis ay halos dumikit na ang ulo ko sa sandalan ng inuupuan, halos mapasigaw pa ako nang makitang malapit na kami sa gate.

Sunod-sunod siyang bumusina habang papalapit kami ng papalapit kaya naman pinikit ko ang isang mata sa pag-aakalang babangga kami ngunit mabuti na lang ay bumukas iyon bago pa man tuluyang tumama sa gate. Agad akong napalingon sa likuran at nakita kung paanong mag-gesture ang guard na bantay roon na para bang badtrip dahil sa nangyari.

“Thuglife.” Iyon lamang ang tanging lumabas sa bibig ko nang ibaling ang tingin kay Jiro na tila manghang-mangha.

“Natakot ka ba?” Tanong niya at ilang segundo bago ko magawang makatango. Akala ko ay katapusan ko na. Napaka-reckless niyang mag-drive pero hindi ko maitatanggi na ang galing niya roon, medyo nawala na rin ang takot ko dahil naging maingat na siyang magneho pagkalabas ng campus.

“Sure ka ba rito? I mean, hindi pa kasi ako nagkaka-boyfriend kaya hindi ko alam kung paano aartesa harapan ng magulang mo, baka mabuko tayo,” Pag-uumpisa ko nang usapan dahil naging tahimik sa loob ng kotse. Ayokong maging awkward sa pagitan namin kaya lahat ay gagawin ko para lang maging magaan sa pakiramdam ang pagiging magkasama namin ngayong araw.

“Seriously? Hindi ka pa nagka-boyfriend?” Nakangising tanong niya na para bang isang biro ang sinabi ko at first time niyang maka-encounter ng gaya ko na NBSB.

“Well oo, mas inuuna ko kasi ang pag-aaral kaya wala akong oras para sa mga gano’ng bagay.” Sagot ko at hindi na siya sumagot pa, may kung ano kasi siyang tinitignan sa side mirror na para bang hinahabol kami ng sino.. Nagbago rin bigla ang mood at ang aura niya. Bakit pakiramdam ko ay ka-aura niya si Thunder sa mga oras na -to?

“Okay ka lang ba JirㅡTHUNDER?!” Sigaw ko dahil bigla na lang siyang sumulpot sa labas ng bintana sa side ni Jiro. Nakasakay siya sa motor habang nakatingin sa amin. Kahit may suot pa siyang helmet ay alam kong siya nga iyon dahil natatandaan ko ang suot niya kanina noong mahagip siya ng paningin ko sa loob ng hell’s gate. “Hoy! Tumingin ka sa daan!”

Hindi ko alam kung bakit idinagdag ko pa iyon, nagmukha tuloy akong concern sa kanya. Dahil doon ay napatingin sa akin si Jiro na para bang nabingi siya sa pagsigaw ko. Mabilis akong nag-peace sign ako at ngumiti ng pilit pero bigla na lang niyang isinara ang bintana.

“Anong ginagawa ng kumag na ‘yon? Saan siya pupuntㅡ”

“Let’s not talk about him, Rain. You’re my girlfriend as of the moment, remember? So focus on me..” Malamig na sabi ni Jiron nang hindi ako tinitignan, nabigla pa ako nang hawakan niya ang kamay ko habang ang isa ay nasa manibela. Nakatitig lamang ako sa kamay naming dalawa. Ang usapan ay harapan ng magulang niya kami magpapanggap, at isa pa parang lalabas na yata ang puso ko sa dibdib ko. Masiyadong malakas ang epekto niya sa akin.

“Relax. Akong bahala, hindi tayo mabubuko,” Sabi niya nang ituloy ang naudlot na usapan naming kanina.

Ilang minuto ang lumipas at huminto na kami sa tapat ng isang malaking gate. Kusa naman iyong bumukas nang bumusina si Jiro. Kinakabahan ako, tama ba itong pinasukan ko? Mas lalo lang akong natatakot habang palapit ng palapit ang kotse sabay nila.

“Rain. Relax.” Paalala ni Jiro nang tuluyan kaming huminto at tanggalin ang suot na seat-belt. Pagbaba namin ng kotse ay agad siyang lumapit sa akin para hawakan  ulit ang kamay ko, huminga muna ako ng malalim bago sumabay sa kanya sa paglakad papasok sa bahay. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng dugo sa nangyayari ngayon. Hawak-hawak niya ang mga kamay ko at ipakikilala niya pa ako sa mga magulang niya. Kahit pagpapanggap lang ay hindi ko pa rin maiwasang hindi sumaya.

Hindi ko akalain na mararanasan ko ang ganito, bagay na hindi ko sinubukang gawin dahil mas pinili ko ang mag-focus sa pag-aaral.

“Oh sonㅡwho’s this beautiful lady?” Tanong ng magandang babae na sumalubong sa amin, mukha pa itong bata at parang nasa late thirties lang. Binitawan ni Jiro ang kamay ko para mahawakan niya ako sa baywang, bahagya pa akong nagulat pero hindi ko iyon pinahalata at nagdasal na lang na sana ay hindi ako mukhang tensyonado sa mga oras na ito. Pakiramdam ko kasi namumutla na ako at pinagpapawisan.

“Mom, this is Rain…” Tinignan niya ako bago ibalik ulit ang tingin sa Mommy niya na naghihintay sa susunod niya pang sasabihin. “My girlfriend.”

“Hello po,” Ngumiti ako ng matamis at ngitian naman ako nito pabalik, mayroon pa dapat siyang sasabihin ngunit hindi niya nagawa nang dumating ang Dad ni Jiro. I guess? Kagaya ng Mommy niya ay mukhang bata rin ito at nasa early forties na siguro. Nakakatakot siyang tignan at masasabi ko sa unang tingin pa lang na sa kanya nagmana si Jiro.

“What? Girlfriend?” Tanong niya, dahilan para kabahan ako. Halatang napaka-estrikto nito, tindig ang boses pa lang ay talaga namang matatakot ka na.

“Yes Dad,” Tipid na sagot ni Jiro at napangisi naman ang kanyang ama na tila hindi naniniwala.

“Really? Then prove itㅡkiss her.” Literal na nanlaki ang mata ko matapos iyong marinig. Ramdam ko naman ang pagtingin sa akin ni Jiro kaya nilingon ko siya at nakitang umayos siya ng pagkakatayo para makaharap sa akin. Tipid siyang ngumiti habang tinititigan ako na nagsasabing siya ang bahala.

Hindi na lamang ako kumibo dahil kailangan ko siyang pagkatiwalaan. Dahan-dahang niyang itinaas ang kamay niya para hawakan ang baba ko at marahan iyong i-angat. Wala ito sa usapan naming kaya naman napapikit na lang at hinayaan siya sa binabalak gawin. Ramdam ko ang bahagyang paglapit ng mukha niya sa akin ngunit agad kong naimulat ang mga mata nang marinig ang marahas na pagbukas pinto sa gilid namin. Halos mapaatras pa ako nang Makita kung sino ang may gawa noon.

“Thunder?” Tawag ko sa kanya at napansin ang paghahabol nito sa hininga na para bang tumakbo siya ng ilang kilometro. Inayos niya ang pagkakasuot ng kanyang leather jacket bago lumapit sa direksyon kung nasaan ako. Wala akong ka-ide-ideya kung ano ang nangyayari hanggang sa hawakan niya ang palapulsuhan ko at balak na sanang hilahin ngunit hindi niya iyon nagawa nang hawakan din ni Jiro ang isa ko pang kamay.

“Thunder, what do you think you’re doing?” Nagtitimping tanong ni Jiro na para bang iniiwasan niya na marinig iyon ng magulang niya.

“Dad, stop controling Jiro’s life. Hindi na siya bata!” Giiti ni Thunder nang tignan niya ang Daddy ni Jiro na tinawag niyang Dad. Wait! Magkapatid sila? Pero magkaiba sila ng apelyido. Naguluhan ako ng bahagya pero naisip din ang posibilidad na ang isa sa kanila ay anak sa labas, I mean pareho sila ng nanay pero magkaiba ang tatay.

“Thunder, stop intruding! This is our personal business. You’re out of it!” Sigaw na daddy nila, and now it all make sense. Mukhang si Thunder iyong anak sa labas, hindi ko tuloy maiwasang mapakagat sa labi dahil sa sitwasyon na kinakalagyan ko ngayon. Hindi ko rin maiwasang mapatingin sa kanya.

“Yeah, I’m out of it! Pero hindi lahat ng tao mapapasunod mo sa personal mong kagustuhan. Mukha kang pera!” Nabigla ako sa isinigaw ni Thunder ngunit mas nagulat ako nang hatakin niya ako. Walang nagawa si Jiro kung hindi ang pabayaan kami kaya naman bago tuluyang makalabas ng pinto ay nilingon ko muna siya.

“Stop looking back.” Utos ni Thunder kaya naman itinuon ko ang atensyon sa dinaraanan at nakitang nakabulagta ang dalawang gwardya malapit sa gate. Hindi ko na rin nagawang mag-react pa nang huminto siya at suotan ako ng helmet bago binuhat pasakay sa motor niya. “Humawak kang maigi.”

Marahas niyang tinapakan ang kick start ng motor at mabilis na nagmaneho kaya naman awtomatiko akong napayakap sa baywang niya sa takot na baka anytime ay tumilapon ako. Gusto ko pa sana siyang pagsabihan na magdahan-dahan ngunit hindi ko iyon nagawa nang maramdaman kong may tumulong tubig sa braso ko. Hindi naman umuulan, ah? Don’t tell me…

“Thunder? Okay ka lang ba?” Tanong ko ngunit bigla na lamang siyang huminto sa isang tahimik na park. Walng sabi-sabi, mabilis siyang bumaba ng motor kaya naman hinubad ko na ang suot na helmet at bumaba na rin. “Umiyak ka ba?”

Sinundan ko siya nang maglakad siya patungo sa wooden bench na narito. Tahimik siyang naupo roon kaya naman naupo na rin ako. Balak ko pa sanang tignan ang mukha niya para makumpirma kung umiyak ba siya o ano pero hindi ko inaasahan na hahatakin niya ako at yayakapin ng mahigpit. Sinubukan ko pang kumalas ngunit mas lalo niya lang hinigpitan ang pagyakap sa akin na tila iniiwasan niyang makita ko ang itsura niya sa mga oras na ito.

“Just stay still and let me hug you.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status