Share

Chapter Four

All my life, I wanted a sibling pero hindi napagbigyan dahil maselan si mama sa pagbubuntis. Miracle baby nga ako kung maituturing. Hindi man kami mayaman, sinikap nina mama at Papa na mabigyan ako ng mga bagay na gusto ko. Life was hard but I was happy. Not until I lost my father. Tila napilay ang bahay namin nang mawala ang haligi ng tahanan. Sabay kaming nangapa ni mama sa mga susunod na gagawin. We were used to having papa doing everything for us. 

Nang mag-club si Mama ay madalas na akong mag-isa. Nang maka graduate ng college at makapagtrabaho, akala ko maiiahon ko agad siya. But life don't work easy for the poor. 

Dahil sa pagkatanggal ko sa trabaho at sa isyung kinasangkutan ko, madalas na kaming mag-away ni mama. She would often tell me na sana ako nalang ang namatay at hindi si Papa. She'd blame for a lot of things. Pero kapag humupa na iyong galit niya , ipinagluluto niya ako ng paborito kong pagkain. Mom was always like that since I was kid. Kapag napapagalitan niya ako ay pinagluluto niya ako pagkatapos. Tila iyon ang paraan niya ng pag-so-sorry.

Maraming rason para iwan ko si mama. Sobrang sakit niya magsalita minsan. But I chose not to leave her. Hindi ko kaya. Kahit nasasaktan, iniintindi ko siya. Alam kong hindi niya rin gusto ang nangyayari sa amin. Wala sa bokabularyo ko ang iwan siya. Hindi ko naman inaasahan na ako pala ang iiwan niya at sa hindi pa katanggap-tanggap na paraan.

Hindi ko alam kung paano ko nakayang ihatid si mama sa huli niyang hantungan. It's been a week pero tila ayaw pa rin mag-sink in sa utak ko ang nangyari sa kanya. Rafael was constantly visiting me. Hindi ko naman siya maasikaso nang maayos dahil madalas lutang ang isip ko. I am just so thankful na hindi niya ako sinukuan. He is always a friend since we are in college. Nasa kabilang kanto lang ang bahay nila kaya madalas siya sa amin.

The police investigation is ongoing. As for now, wala pa rin silang lead dahil wala daw halos CCTV sa mismong crime scene at sa kalapit ng lugar. I don't want to sound pessimistic pero tila alam ko na ang kakahantungan ng kaso. The police will eventually give up on the case dahil wala naman akong pera. Ganoon naman 'di ba? Para lang sa may pera ang hustisya.

Yung perang galing sa abuloy ay ipinambayad ko sa mga sumusulpot sa bahay at nagsasabing may utang sa kanila si mama. Pati ang pera sa bank account niya ay naibayad ko na rin.

I was suddenly left alone with no parents and no money. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Sumunod nalang kaya ako sa kanilang dalawa?

I was busy fixing my mom's room when I saw her phone. Hindi ko pala nabigay 'to sa mga police. Hindi nila hinanap eh. it makes me think na wala naman talaga silang balak matagumpayan ang paghanap sa suspect.

I opened the phone. Umang bumati sa akin ang larawan ko. I can't believe ako 'yong nasa wallpaper ni mama. I opened her gallery and look at the photos. Puro mukha ko at mga family photo namin noong nabubuhay pa si Papa.

When I opened her Messaging app, may nakita akong message galing sa pamilyar na pangalan. Why would my mom received a message from our governor?

I opened the phone and gasped as I saw their conversation.

Naikuyom ko ang kamao ko. Kaya pala tila hindi gumagalaw ang imbestigasyon. Kaya pala hindi masyadong nagtagal sa TV ang balita. Bakit nga ba hindi ko naisip na may kinalaman ang mga may pangalan sa lipunan sa pagkamatay ni mama? Lagi nalang bang ganito? Bakit ba ginawa ang batas kung kaya naman pala 'tong bayaran ng may kapangyarihan?

I hide my mom's phone on my room. Hindi 'to pwedeng mapasakamay ng mga police. They would surely manipulate the evidence. Halatang bayad na sila ni Governor. Walanghiya sila. They'll pay for what they did to my mom. 

***

"Why are we here? This is so not you," Rafael said as we stand outside the gymnasium where the Governor is personally giving aids to the affected family of fire breakout last three days.

Kung titingnan ang pagngiti niya sa mga tao at sa ginagawa niya ngayon, iisipin mong mabuti siyang tao. Well, maganda naman talaga ang image ni Gov. Sa totoo lang, I voted for him. Pero tama nga naman ang sabi ng iba, ang bawat tao ay may tinatagong baho.

"What do you think about the governor?" Tanong ko.

Rafael sip on his softdrinks and shrugged his shoulders. "Well, he's been a good leader. So far, wala naman siyang naging isyu. You're not answering my question, Amarah. Why are we here? Don't tell me makikihingi ka ng ayuda?"

Inirapan ko si Rafael. Glad he's here. I don't know if I could handle what happened without him. Wala na kaming kalapit na kapamilya. Ang mga kapamilya ni Papa ay hindi na kami kinilala simula nang mag-hostess si mama. Rafael was a classmate during college. He once courted me but I refused. I don't want to lost him if time come that we'll break up. Mabuti nalang at hindi naapektuhan ng pambabasted ko ang pagkakaibigan namin. He was always my one-call-away friend. 

"Raf, sa tingin mo ba may pag-asa pang malutas ang kaso ni mama?" Tanong ko. My eyes is focused on the Governor.

"Of course. Just trust the process. Makakahanap din ng lead ang mga police."

"Pero paano kung malaking tao pala ang involved sa pagkamatay ni mama?" Tanong ko. Wala akong narinig na kasagutan kaya napatingin ako kay Rafael. He was looking at me intently. Tila binabasa niya ako.

"You know something, don't you?" Tanong niya.

Umiling-iling ako. I can't let him know. 

"Sira!," I laughed."Kunwari lang naman."

"You're not a good liar, Amarah. But since you're lying, I understand that you don't want to disclose something. Just don't forget that I am here whatever happens, okay?" Nginitian ako ni Rafael. I give him my smile too. Kung sinagot ko kaya siya noon, masaya pa rin kaya kami ngayon?

Akmang yayayain ko na si Rafael na umalis nang may tumigil na magarang sasakyan sa tapat ng gymnasium. Iniluwa niyon ang isang sopistikadang babae na mas matanda lang ata sa akin ng ilang taon. She's wearing a champagne colored dress partner with her white stilletos. 

"Sino siya?" Tanong ko kay Rafael.

"You don't know her? She's the governor's only daughter. Sabagay, busy ka kasi lagi," sagot ni Rafael.

I looked at the woman. So, she's the governor's daughter? Alam niya din kaya ang baho ng kanyang papa? 

Hindi naglakad ang babae at para bang may hinihintay pa ito. A few minutes later, another car parked in front of the gymnasium. Iniluwa niyon ang taong hindi ko inaasahang makita sa lugar namin. 

His familiar furrowed eyebrows and his dark eyes narrowed in the people looking at them. Archangel Saint Montreal is catching attentions and what makes me raised a brow is when he put his arms around the woman's waist.

"Is that his mistress?" Naisatinig ko na narinig naman ni Rafael kahit ang hina lang ng boses ko.

"Sino? Si Arki?" Tanong ni Rafael.

"Arki?"

"Si Archangel, anong sinasabi mong mistress?" Kunot ang noo na tanong ni Rafael.

Oh! So, Arki is the nickname. Pa-good boy ang nickname at Santo ang pangalan pero demonyo ang tabas ng bibig.

I can't believe I'm seeing him here.

"Ano ng anak ni Governor 'yung lalaki?" Tanong ko habang pinagmamasdan ang dalawa na pumasok sa loob ng gymnasium at tumulong sa pag-aabot ng relief packs.

"Arki is Stefanny's husband," sagot ni Rafael habang nakatingin din sa dalawa. "They look so good together aren't they?"

Umangat ang sulok ng labi ko. I bit the insides of my chest to hide my sarcastic smirk. I can't believe this. The billionaire whom I met a week ago that wanted me to become his mistress is now with his wife and they look so good together. Kung ipagsisigawan ko siguro ngayon na inalok ako na maging kabit ng lalaking 'yan, sasabihin ng mga tao na ang desperada ko.

Are they putting a show? Coz if they are, they are playing it right and perfect. I wonder why would he wanted an annulment from his wife who's one hot woman? Ano bang baho meron si Governor at ang anak niya?

And why does it feel like everything is destined to happen? Bakit parang sinasadyang magkita kami ni Mr. Montreal noong gabing napatay si mama? At bakit sa dinarami rami ng pwede niyang asawa, ang anak pa ni Governor na pinaghihinalaan kong may kinalaman sa pagkamatay ng mama ko?

I don't if know destiny is playing a game with us. Natagpuan ko na lamang ang sarili ko kinabukasan na nakatitig sa madilim na mata ni Archangel Saint Montreal.

Ilang beses akong humugot ng malalim na buntong hininga bago bumitaw ng desisyong maaaring pagsisihan ko sa huli.

"I'm accepting your offer, make me your mistress."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status