Share

16 Elusion

HINDI pa rin siya makapaniwala na nagawa niyang dampian ng halik sa labi si Angelie, kaya madaling-araw na ay hindi pa rin siya makatulog. Hindi niya maipaliwanag ang naramdamang sensasyon sa isang segundong halik na iyon. Ang mahirap, hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya sa tuwing naaalala niya ang sandaling iyon.

Umaga na. Heto siya ngayon, hindi alam kung paano iiwasan si Angelie sa school. Nakita niya ang dalaga na naglalakad sa lobby patungo sa direksyon niya. Bigla siyang lumiko para makaiwas sa dalaga. Mabilis siyang naglakad at nagpaliko-liko.

Pagdating niya sa classroom nila ay nagtaka siya dahil walang tao. Gusto niyang tawagan si Angelie para magtanong, sa halip ay si Mon ang tinawagan niya.

"Bro, nasaan ka?"

"Nandito ako sa classroom natin. Bakit walang tao rito?"

"Bakit ka nandyan? Nandito na kami sa school ground. Ikaw na lang ang wala rito!"

"Ba't kayo nandyan? Ano'ng meron?"

"Ngayon ang excursion natin, nakalimutan mo? Andito na ang bus natin, bilisan mo!"

Saka pa lang naalala ni Andrei na may excursion sila sa araw na ito. Patakbo niyang tinungo ang kinaroroonan ng mga kaklase.

Normal na sa kanilang magkaklase na laging magkatabi sa upuan sina Andrei at Angelie, kaya nag-iwan sila ng space sa tabi ni Angelie. Hindi na nagawang umiwas ni Andrei na makatabi ang dalaga sa loob ng bus.

"Hi!" Siyempre, babati siya sa kaibigan. Ayaw naman niyang mag-umpisang magduda sa kanila ang mga kaklase nila.

Hindi kumibo si Angelie. Tumingin lang ito sa labas ng bintana. Nanatiling ganoon si Angelie habang umaandar ang bus. Hindi na lang niya ito kinulit. Ayaw naman niyang maungkat ang tungkol sa halik na iyon. Not this time. Tiyak na hindi sila tatantanan ng mga kasama kapag nagkataon.

Nagkunwari na lang siyang natutulog para hindi magtaka ang mga kasama nila kung bakit tahimik silang dalawa. 

Ginising siya ni Marc. Na-realize niya na natuluyan pala ang pagtulug-tulugan niya. Sabagay, napuyat siya sa kaiisip sa halik na iyon. At hindi lang beinte ang inisip niyang excuses na ibibigay kay Angelie sakaling ungkatin nito ang tungkol sa one second kiss na iyon.

"Puyat ka ba, bro?"

"Medyo. Nasa Fort Santiago na pala tayo?"

"Oo. Bilis, maiiwan tayo sa grupo." Nagpatiuna nang lumabas si Marc. Pinauna ni Andrei na bumaba si Angelie. Sila na lang kasi ang naiwan sa loob ng bus.

Sa umpisa ay tahimik ang grupo nila habang tumitingin sa loob ng Fort Santiago. "Class, this is the famous monument where our national hero, Dr. Jose Rizal was imprisoned," pahayag ng kanilang guro.

"Ganito pala ang itsura ng Hispanic stone castle," bulalas ni Vens.

"Sana ganito rin ang bahay namin, hindi kinakain ng anak," wika naman ni Grecia.

"Ganito ang gusto kong bahay," ang sabi naman ni Norma kay Andrei, "nagtatagal. Hindi nasisira ng kahit anong bagyo."

Ngumiti lang si Andrei. Umubo naman ang mga lalaki sabay sulyap kay Angelie.

"Kahit gaano katibay ang isang bagay, masisira rin kung ang mismong may-ari ang sisira," sagot naman ni Nannette.

"Di bale, Net, iingatan kita," pagbibiro naman ni Mon, na naging umpisa ng kantiyawan.

Pinatahimik naman sila ng kanilang guro.

Habang naglalakad ay nagpasulyap-sulyap lang si Andrei kay Angelie. Dumistansiya siya sa dalaga nang nilapitan ito ni Alvin. Nagulat siya nang inakbayan siya ni Mon.

"Me LQ kayo, bro?"

Kumunot naman ang noo niya. Naunawaan niya agad ang tinutukoy nito. Hindi nga naman normal sa kanila ang ikinikil9s nila ngayon. "Sira ka talaga!"

"Ako ba ang sira o ang diskarte mo?"

"Ano na naman iyan? Saan ka na naman sumesmes?" Umiling-iling siyang tinapik sa bisig ang kaklase.

"Me insider ako," ang pagpapatuloy ni Mon.

"Tigilan mo nga ako, Mon. Tahimik lang iyan dahil nasa tour tayo. Magagalit si Ma'am."

Ayaw namang maniwala ni Mon sa sinabi ni Andrei. "Basta ako, me sumesmes lang sa akin."

Tinawanan na lang niya ito. Pero deep inside him ay kinakabahan siya. Curious siya kung ano ang issue. Hindi kaya iyong ginawa niyang paghalik? Nag-umpisa na siyang mag-isip uli ng idadahilan, at kung paano humingi ng paumanhin sa dalaga.

Isang mahinang kurot sa tagiliran at pag-irap ang natanggap niya mula kay Angelie. Tapos na ang tour nila sa Fort Santiago at patungo sila sa pangalawang lugar ng excursion nila.

Nagtataka man sa ginawi ng kaibigan ay nginitian na lang niya ito.

"I don't want your dimples, Andres! I want your vote."

Naging malinaw na ngayon sa kaniya kung bakit hindi maganda ang naging treatment nito sa kaniya mula pa kanina. Hindi pa nga pala siya nagka-cast ng vote niya para sa Campus Crush. Dalawang araw kasi ang ibinigay sa mga tulad niyang school officers at players, pribilehiyo iyon dahil sa dami ng ginagawa nila para sa paaralan. Ngayon ang second day of voting.

Inakbayan niya si Angelie para asarin, pero kaagad niyang binawi ang kaniyang kamay.

"Pero kung napipilitan ka lang, 'wag na!" Pinatulis pa nito ang nguso at umirap sa lalaki.

Itinuloy na rin niya ang pag-akbay sa kaibigan. "Ako pa, ako pa ba?" Nang tumingin sa mukha niya si Angelie ay pinamungayan niya ito ng mata. "Siyempre ako, ako ay boboto para sa iyo." Overacting pa nitong kinanta sa himig ng "Para Sa 'Yo Ang Laban Na 'To" ni Manny Pacquiao ang, "para sa 'yo ang aking boto."

Effective naman ang ginawa niya, at tila kiniliti sa tiyan na natawa si Angelie.

'So easy. So sweet. Hay!' Nakaramdam tuloy siya ng pagkurot ng konsensiya nang matitigan niya ang inosenteng mukha ng kaibigan. 'Ano ba ang gagawin ko?' Paano nga ba niya lalabanan ang bumabangong malisya sa pakikipag-close niya kay Angelie? Tiyak niyang hindi nito magugustuhan ang ganitong pagbabago.

Dahil ipinangako niya sa dalaga na boboto siya pagbalik nila ng paaralan ay bumalik na ang sigla nito. Bumalik na rin ang paglalambing nito. Nakakapit na ito sa laylayan ng uniform niya habang ini-explore nila ang planetarium.

"Guys, if ever i-announce ng astronauts na user-friendly na 'yang mga 'yan," itinuro ni Jebon ang mga itsura ng planeta, "saan n'yo gustong magbakasyon?"

"User-friendly?" Natawa si Mon sa sinabi ni Jebon. "Kaka-cellphone mo 'yan!"

Natawa naman silang mga nakarinig sa dalawa.

"As in bakasyon grande lang ang peg? Ano 'yan, beach Subic?" panunudyo naman ni Alvin kay Jebon.

"Baka sa El Nido Beach lang 'yan, ha!" Pinangunahan naman ni Marc ang pagtawa, bagay na ikinaasar sa kanya ni Jebon.

"Puro kayo beach, ah. Kelan naman tayo maliligo?" 

Inamoy-amoy naman ni Marc si Jebon. "Di ka ba naligo?"

Lumakas tuloy ang tawanan ng grupo.

"Ssshhh! Children!..."

Agad naman silang tumahimik nang sinaway ng guro nila.

Nagtagpo ang dalawang palad ng mag bestfriend nang matapos ni Andrei ang pagboto para sa Campus Crush. "Mission accomplished!"

"Thank you, Andrei!"

"No problem."

"E, 'di ibig sabihin, si Angelie ang campus crush mo, bro?"

Napipi naman si Andrei sa ginawang panunukso ni Mon.

Inirapan naman ni Angelie si Mon. "Pag ako nanalo, wala kang burger!"

"Ay, biro lang iyon. Angelie naman, o. Di ka na nasanay sa akin."

"Ange, 'di natin siya bati, ha," biro naman ni Marc.

Umabri-siyete naman si Angelie kay Andrei. "Let's go na. Gutom lang 'yan sila."

Ngumiti na lang si Andrei at nagpatianod sa kagustuhan ng babae. Without her knowing, iniwanan niya ng fist bump ang mga iyon.

"Ange," sisimulan na niya ang plano niya, "magiging busy ako these few days. Umalis na kasi si Papa. Kailangan kong laging nakababad sa bahay. E, strictly no visitor kami ngayon sa bahay dahil sa condition ni Mama."

Nalungkot naman agad ang babae. "Okay. Don't worry about me. I'll be fine. I hope that Tita Marcia will get better soon."

"I'll tell her that."

Hindi pa man umaandar ang sinakyang bus ni Angelie ay nakaramdam na siya ng lungkot.

Hindi niya alam, biglang tumamlay ang pakiramdam ni Angelie. Napansin na lang niya na may tumulong luha sa pisngi niya. 

Julia

Dear readers, thank you for your time. Sana nag-enjoy kayo. Please support Andrei and Angelie's lovestory.

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status